webnovel

Pag-imbita sa Gulo (3)

Redakteur: LiberReverieGroup

"Ang ibig-sabihin mo, ay pag naging ikaw ang Punong Tagapagturo, maaayos ang problema?" Tinanong ni Gu Ying, habang dinidilaan ang dugo sa kanyang kutsilyo.

Natuwa si Ning Rui nang marinig iyon ngunit nagpakita lang ng pagsunod sa kanila.

"Pwede ring ganoon."

"Nasaan ang Punong Tagapagturo ng Akademya? Papatayin ko na siya para sa'yo." Sinabi ni Gu Ying ng parang wala lang.

"Ang… pagpatay lamang sa kanya ay hindi sapat. May mga patakaran ang Akademya. Kapag namatay ang Punong Tagapagturo, papalit ang kanyang panganay na anak. Mayroon siyang dalawang anal, kaya kahit na mamatay siya, ibababa lang ang kanyang posisyon sa mga anak niya, at hindi sa akin mapupunta." Pinaliwanag ni Ning Rui.

Sumimangot si Gu Ying.

"Bakit ka nagtataka? Papatayin ko nalang silang lahat para matapos na."

"Oo….. Oo….." Tumangong masunurin si Ning Rui, ngunit sa kanyang mga mata, may malamig paring kilabot.

Dati niyang hangad na agawin ang pwesto ng Punong Tagapagturo gamit ang sarili niyang mga paraan, ngunit ang pagkamatay ni Ning Xin ay nagdulot ng matindi niyang galit kay Fan Qi at sa Palasyo ng Lin.

Kung sasakupin niya ang Akademya sa sarili niya, baka mapanatili pa niya ang kaayusan ng akademya, ngunit ngayon, wala na siyang pakialam. Gusto nalang niyang maghiganti para kay Ning Xin, kahit na masira pa ang Akademya!

Kahit mawala ang Akademya, maaasahan parin niya sila Gu Ying, na tulungan siyang makatayo sa mundo.

Bagaman hindi malinaw kung saan galing sila Gu Ying, alam niyang may kapangyarihan silang hindi pa niya nakikita kahit saan. Matagal na niyang minamataan ang posisyon sa Akademya, ngunit ngayong napagpasyahan niyang isakripisyo ang buong akademya, kailangan na niya ng mga bala, at ipakita kay Ju Ying at sa mga kasama niya ang mga kakayanan niya.

"Pagpatay lang sa pamilya ng Fan, wala lang ito para sa iyo. Isa pa, may kailangan akong sabihin sa mahal na Gu Ying."

"Magsalita ka."

"Ilang araw ang lumipas, tinanong niyo ako patungkol sa pamamaraan ng Spirit Healing. Ngayon lang ako nagkaroon ng malay tungkol dito. Bukod pa roon, may nangyari pa kailan lang. Si Gu Li Sheng palang ang nabibihasa sa pamamaraang ito, ngunit mayroon siyang tinanggap na disipulo, na sinabi niyang mas maalam pa kaysa sa kanya. Narinig ko na mas pinaganda pa niya ito at may napakita nang mga resulta." Para makapagipon pa ng mga bala, binuking ni Ning Rui si Gu Li Sheng at Jun Xie kay Gu Ying.

Nang marinig iyon, napangiti si Gu Ying.

"Magaling. Interesado ang mga Tanda sa Pamamaraan ng Spirit Healing. Kung ang dalawang taong sinabi mo ay magagamit natin, syempre may kapalit ang impormasyong binigay mo. Ang pagpatay sa Puno at sa kanyang mga anak ay madali, ngunit ang pagtitipon sa mga disipulo para bumaba sa Heaven's End Cliff, ay kailangan ko munang kausapin ang iba pang mga Tanda. At kung ganoon nga, sasamahan muna kita para kitain si Gu Li Sheng at ang kanyang disipulo."

Matapos magpasya, agad na humarap si Gu Li Sheng kay Ning Rui: "Maghanda ka na para makapasok ako sa Akademya. Para sa madaling gawain, wala ka namang problema diba?"

Tumango si Ning Rui.

"Maghanda kayo, pupunta ako sa Akademya matapos ang ilang araw." Inutos ni Gu Ying.

"Maghahanda." Nang matanggap ang pag-oo ni Gu Ying, agad na umalis si Ning Rui.

Nang siya'y tumalikod para umalis, ang malisya sa kanyang puso ay umaapaw sa kanyang mga mata.

[Fan Qi, uunahin ko ang buhay niyo ng mga anak mo, kapalit ang buhay ng anak ko.]

Hukbo ng Rui Lin….. Jun Wu Xie….. Walang matitira, maghintay lang kayo!

Nächstes Kapitel