webnovel

Paghabol sa Pagdurusa (5)

Redakteur: LiberReverieGroup

"Ang mayabang na lalaking iyon! Kung hindi lang dahil sa kasamahan nitong nagtataglay ng purple spirits, wala siyang binatbat saakin!"

Pumuputok ang galit ni Ning Xin. Kung hindi nasaksihan ng kaniyang mga mata ang purple spirits na kasamahan ni Jun Xie, hindi niya ipapahiya ang sarili para lang mapalapit sa isang hamak na katulad nito. Ang mas lalong nakapagpapapagalit sa kaniya ay ang pagbabalewala sa kaniya ni Jun Xie. Hindi lang isa, kundi dalawang beses na siya nitong ipinapahiya. Kaya ngayon ay nanginginig ang mayabang na si Ning Xin.

Nagulat si Yin Yan sa kaniyang nakita kaya naman nagmadali itong lumapit para kalmahin ang babae. "Senior Ning, hindi mo kailangang maapektuhan ng isang katulad niya. Nakikita kong isa siyang weirdo na kakaiba kung kumilos, kaya naman naiilang ang mga taong lumapit sa kaniya. Dahil hindi nito alam kung ano ang tinatanggihan niya, hindi mo na siya dapat na tingalain, Senior Ning."

Ang totoo niyan, takot si Yin Yan kay Jun Xie. Tuwing naaalala niya ang pangyayari sa Battle Spirits Forest, nanginginig siya sa takot.

Kung hindi lang hiniling ni Ning Xin, hindi niya na gusto pang makaharap muli si Jun Xie.

Ngayon at muling ipinahiya ni Jun Xie si Ning Xin, gustong patayin ni Yin Yan ang naiisip pang paraan ni Ning Xin laban kay Jun Xie, dahil ayaw niya na ulit pang makaharap ito.

Nagtatagis ang bagang ni Ning Xin. "Tingin mo gusto ko ang ginagawa kong iyon? Para iyon sa aking ama! Kung papabayaan natin si Jun Xie, patuloy nitong susuportahan si Fan Jin. At sa mga oras na ito, ang paninirang-puri saakin sa academy ay lumalala! Kung hahayaan kong magpatuloy iyon, hindi kailangan ni Fan Jin na kumilos, ang lahat ay kamumuhian ako at tuluyan na siyang kakalimutan. Muling babangon ang kaniyang reputasyon bilang ang Senior Fan na kinagigiliwan ng lahat! Lahat ng pinahirapan natin ay mapupunta sa wala!"

Dahil sa galit sa kaniyang puso ay gustong-gusto na niyang durugin si Jun Xie. Ngunit wala siyang magawa kundi lunukin ang kahihiyang ginawa nito sa kaniya.

Kung hindi dahil sa kasamahan nitong nagtataglay ng purple spirits, hindi siya magpapakababa para sa isang basurang katulad ni Jun Xie.

Napalunok si Yin Yan. Nang mabanggit ang pangalan ni Fan Jin, nabura ang takot sa kaniyang sarili at muling nabuhay ang galit.

Huminga ng malalim si Ning Xin, pinipilit na kalmahin ang sarili.

"Kung tatanggihan nito ang olive branch na inaalok ko sa kaniya, paghandaan niya ang aking galit. Dahil hindi alam ni Jun Xie ang makakabuti sa kaniya, ipapakita ko sa kaniya ang pakinabang ng pagiging kaibigan ang isang Ning Xin! Sa oras na iyon, malalaman niya kung sino dapat ang tunay niyang kinakaibigan."

Ang makuha si Jun Xie ay isang misyong dapat niyang mapagtagumpayan. Kahit gaano pa siyang kinasusuklaman ni Ning Xin, wala siyang ibang magawa kundi ang tiisin iyon. 

Kung nagawang mapalapit dito ni Jun Xie sa kabila ng personalidad nito, sigurado siyang magagawa niya rin!

"Senior Ning, anong plano mo?" Maingat na tanong ni Yin Yan.

Tumawa si Ning Xin. "Nito lang, dahil kay Lu Wei Jie at mga kasamahan nito, nagkagulo sa Zephyr Academy, dahilan para makalimutan ng mga tao ang ginawa ni Jun Xie. Makalilimutin ang mga tao, kaya naman oras na para may isang taong magpapaalala sa mga ginawa ni Jun Xie noon. Kung hindi ako nagkakamali, namatay si Li Zi Mu sa Battle Spirits Forest nitong nakaraang Spirit Hunt. Ang Senior na kasama nito bago mamatay si Li Zi Mu ay sinabing nakabilang ito sa pangkat ni Fan Jin. Nagawang protektahan ng maigi ni Fan Jin si Jun Xie at ang mga kasamahan nitong galing sa branch division, bakit si Li Zi Mu lang ang namatay? Natatakot akong nagalit si Jun Xie at nauwi sa isang trahedya...tingin mo? Hahaha..."

Ibinahagi ni Ning Xin ang planong iyon. Humalakhak ito ng masama at nanlilisik ang mga mata.

"Kapag siya dinurog ng mga mura at pagkukutya, iyon ang oras na iaabot ko ang aking kamay. Inaalok na tulungan siya. Hindi ba't tatanawin niya iyong utang na loob saakin?"

Jun Xie, dahil ilang beses mo akong pinahiya, huwag mo akong sisisihin sa sasapitin mo!

Nächstes Kapitel