webnovel

Gusto mo pa ba? (2)

Redakteur: LiberReverieGroup

Halos lumuwa ang mata ni Yan Bu Gui. Gulat na gulat siya sa halaga ng perang inilagay ni Jun Xie sa kaniyang mga kamay. Pinasadahan niya ng tingin ang mga tseke at sa kaniyang pag-estima halos aabot iyon ng isang milyong tael...

Para namang naglagay ng nagbabagang uling si Jun Xie sa kaniyang kamay. Agad niyang ibinalik iyon ni Yan Bu Gui sa mga kamay ni Jun Xie.

"Hindi ko kailangan iyan. Mas mainam kung itatago mo ito." Nang lumabas ang mga salitang iyon sa kaniyang bibig, para namang pinipiga ang kaniyang puso...

Ang isang batang payat ay may hawak na malaking halaga ng pera!

Pakiramdam ni Yan Bu Gui ay nanliliit siya sa harap ni Jun Xie.

Itinago muli ni Jun Xie ang pera sa kaniyang manggas, wala itong kamala-malay sa kasalukuyang nararamdaman ni Yan Bu Gui.

Nang sila ay makabalik sa East Wing, nag-aalalang naghihintay sina Qiao Chu. Nang kanilang makita si Jun Xie at Yan Bu Gui na agad nakabalik, Nagmadali silang lumapit sa dalawa.

"Anong nangyari? Anong sinabi ng headmaster?" Nag-aalalang tanong ni Qiao Chu.

Nagpakawala si Yan Bu Gui ng malalim na buntong-hininga, ang mukha nito ay puno ng kalungkutan. Dahilan para mahulog ang mga puso ng apat na disipulo.

"Sa hinaharap..."

Tumingala si Qiao Chu at ang mga kasama nito sa mabigat na tono ni Yan Bu Gui. Namumuo ang luha sa kanilang mga mata.

"Ang He Qiu Sheng na iyon ay hindi na babalik dito para hamakin tayo!" Agad na napunit ang isang malapad na ngiti sa mukha ni Yan Bu Gui.

"Ano?" Naguguluhang tumingin sina Qiao Chu at ang tatlo pang disipulo sa kanilang Master.

Sa oras na iyon, biglang nanlaki ang mga mata ni Qiao Chu at Humarap kay Jun Wu Xie: "Little Xie, wag mong sabihing...ginulpi mo si He Qiu Sheng maging ang headmaster!?"

Sa ugali ni Jun Wu Xie, hindi malabong mangyari iyon!

"Hindi." Sagot ni Jun Wu Xie.

"Ikaw...hindi ka dapat mahirap ng ganoon. Kung may ginawa sila sa'yo, dadakpin namin sila ni Fei Yan at paghigantihan nang hindi nalalaman ni Master." Nag-aalalang pangako ni Qiao Chu ng hindi man lang nag-iisip.

Pinalo naman ni Yan Bu Gui ang batok ni Qiao Chu at inilibot ang tingin sa kaniyang mga disipulo: "Akala mo ata ay bingi ako!"

Natigilan naman si Jun Wu Xie sa sinabing iyon ni Qiao Chu. Hindi niya maintindihan kung bakit parang naging napakakomplikado para sa kanila ang simpleng bagay na iyon.

"Sige na. Maayos na ang lahat, bumalik na kayo sa pagsasanay, hindi yung pa kalat-kalat kayo dito." Pinaghiwa-hiwalay na niya ang grupo. Ang isang malapad na ngiti ay nakatago sa kaniyang bigote.

Talagang minangha siya ng kaniyang bagong disipulo!

Hindi handa si Yan Bu Gui na idetalye ang nangyari kanina at mukhang ayaw din naman ni Jun Wu Xie. Walang nagawa ang mga disipulo kundi ang magpatuloy sa pagsasanay, habang puno pa rin ng pag-aalala ang kanilang mga isipan. Hinanda na lang nila ang kanilang sarili na harapin si He Qiu Sheng sa oras na galawin nito ang kanilang junior disciple.

Bumalik si Jun Xie sa kaniyang silid at umupo habang karga ang itim na pusa. Mahina siyang tumawag at agad na lumitaw si Ye Sha sa kaniyang pintuan.

"Miss, ano pong maipaglilingkod ko?" Tanong ni Ye Sha habang nakaluhod sa isang tuhod.

Inilabas ni Jun Wu Xie ang bungkos ng tseke at ipinatong sa mesa. Bumulong siya kay Ye Sha at ilang sandali lamang ay kinuha ni Ye Sha ang pera at agad nang naglaho.

Nanatiling nakaupo si Jun Wu Xie sa upuan at tinignan ang pusang na tutulog sa kaniyang kanlungan.

Kung gising lang sana ito, baka ito ang magsasabi sa kaniya paano hawakan ang sitwasyon ngayon.

Kinaumagahan, lumabas sina Qiao Chu at ang iba pa sa kanilang mga silid na nangingitim ang palibot ng mata. Hindi sila natulog buong gabi dahil sa labis na pag-aalala. Ngunit wala namang dumating o nangyari ng gabing iyon. Mas lalo silang naguluhan kung ano talagang nangyari sa pagtungo nina Jun Wu Xie sa headmaster. Nang kanilang makita ang mga mata ng isa't-isa, napangiti na lang sila.

"Mukhang hindi na nga paparito ang headmaster para manggulo. Ngunit paano nagawa iyon nina Master at Little Xie?" Naguguluhang napakamot sa uli si Qiao Chu.

Ang maputing kutis ni Hua Yao ay mas nakapagpangibabaw sa maitim na palibot ng mata nito. Napailing na lang din siya sa pagtataka.

"Mabuti kung hindi na nga sila paparito, wag na natinag isipin iyon." Tamad na nag-unat si Fei Yan. Halata pa sa mukha nito ang pagkaantok.

Inayos naman ni Rong Ruo ang kaniyang suot at hindi umimik.

Nächstes Kapitel