Kinaumagahan, lumabas si Jun Wu Xie sa taniman ng mga gamot sa loob ng Hidden Cloud Peak.
Hindi maalis sa isip ni Ke Cang Ju ang pag-gawa ng lason at nagtanim ng maraming damong-gamot sa loob ng Hidden Cloud Peak.
At dahil hindi niya nagamit ang Jade Nectar para linangin ang Snow Lotus para sumipsip ng spiritual powers nito, naghanap si Jun Wu Xie ng maaring kapalit nito kaya't siya'y nagpunta sa taniman upang makita kung kaya niyang masipsip ang maliit na patak ng spiritual powers na nagmumula sa kanilang pagtubo.
Matapos niya magamit ang kanyang kapangyarihan sa laban, mas naging matalas ang kanyang kamalayan sa kapangyarihan ng kakaibang kalakasang nabibigay sa kanya. Kahit may napakalaking kaalaman at karunungan siya sa medisina, hindi niya naisip na nakatulong ito sa kanya.
Sa mga bagong utos na ibinigay ni Hua Yao sa Hidden Cloud Peak, nabawi ng kabataan ang ibang pagkakahawig ng karaniwang na buhay. Hindi na nila kailangang magutom o mapagod ng husto. Ang kanilang pang araw-araw na gawain ay pumapalibot sa pangangalaga ng mga halaman sa loob ng Hidden Cloud Peak.
Kahit maaga pa, marami na sa kanila ang may bitbit na tubig at nag-didilig na sa mga taniman ng gamot.
Parang nung isang araw lang, hindi nila matiis ang makita sila Qiao Chu at Jun Wu Xie at gusto nilang sirain ang mga ito, pero sa maliwanag na umagang ito, ginawa na nila ang lahat para lang maiwasan sila. Para ba silang mga takot na dagang tumatakbo papalayo sa kanila. Kung kaya't sa lugar kung nasaan si Jun Wu Xie, walang nag-didilig sa mga halaman na iyon at si Qiao Chu lang ang makikitang may dalang tubig at nag-didilig sa mga uhaw na halaman.
"Little Xie, bisitahin kaya natin si kapatid na Hua kaysa nakatitig tayo dito sa mga halaman?" Wala nang laman ang kanyang timba ng tubig at siyang naiinip na habang nakasandal sa puno. Sinubo niya ang isang mahabang damo at inilagay ang kanyang mga kamay sa likod ng kanyang ulo habang pinagmamasdan si Jun Wu Xie na nag-aalaga sa mga halaman.
Para sa isang taong kilala sa kanyang kagalingan sa paglilinang ng salamankang gamot, samut-saring mga lason at tuso sa kanyang mga plano, para makitang nakalupasay at nasisiyahan sa kanyang trabaho ay isang eksenang hindi maintindihan ni Qiao Chu.
Binalewala ni Jun Wu Xie si Qiao Chu at nagtutok sa taniman sa kanyang harapan. Ang mga halamang nakatanim dito ay pambihira at mamahalin, at sa libro lamang ito nakikita ni Jun Wu Xie. Nang siya ay nasa Lin Palace, hindi siya nakagawa ng maraming uri ng gamot, at dahil ito sa kakulangan niya ng mga halaman.
Ang kaharian ng Qi ay may limitadong alokasyon ng mamahaling halaman na kahit si Mo Qian Yuan ay hindi makakuha. Halos naubos na ni Jun Wu Xie ang mga halamang mabibili sa Imperial Store pero nakaranas parin ito ng malaking kakulangan.
Hindi niya inakalang makakita sa loob ng Hidden Cloud Peak ng napakaraming pambihirang halaman na matagal na niyang gustong makuha. Kung mayroon lamang si Jun Wu XIe nito, makakagawa siya ng mas marami pang gamot na gusto niyang magawa.
Nalaman niya rin na pag mas mahal ang halaman, mas maraming spiritual energy ang kanyang masisipsip mula dito sa panahon ng paglilinang nito. Maaaring hindi ito tulad ng kung anong naibibigay ng Snow Lotus, pero mas mabuti na rin yun kaysa sa wala.
Ang natuklasan niyang impormasyon ay nagbigay pangganyak kay Jun Wu Xie. Ang kanyang pagsasanay at pagbuo ng kanyang spiritual powers ay walang pinagkaiba sa isang hardinero, hindi na mahalaga kung ano ang kanyang itanim.
Nanatili si Jun Wu Xie sa taniman buong araw, at umalis si Qiao Chu dahil hindi matiis ang inip na kanyang nararamdaman at ito'y tumakbo sa kanyang kapatid na Hua para sa atensyon.
Nang dumating ang gabi, hindi parin umalis si Jun Wu Xie sa taniman. Ang ilaw ng Hidden Cloud Peak ay sinisinduhan tuwing gabi na nakapalibot dito, para mabigyan ng pagkakataon ang mga disipulo nito na mag-alaga sa mga pambihira at mamahaling halaman kahit sa gabi.
Sa ilalim ng ilaw ng buwan, nakalupasay parin si Jun Wu Xie sa taniman, at nagmamasid sa kumpol na Ice Grass. Bigla siyang may naramdaman na init sa kanyang kamay, at nang abutin ng kabila nyang kamay, may isang jade green bead na nasa kanyang palad.
Ang Embellished Wooden Bead, ang kabayaran ni Jun Wu Yao kay Little Lotus. Nang maging Snow Lotus si Little Lotus sa kanyang paglilinang, itong bead na ito ay laging nasa kanya, ngunit nang bumalik siya sa katawan ni Jun Wu Xie, hindi niya nadala ang bead na iyon sa kanya, kung kaya't iniwan niya ito kay Jun Wu Xie para maingatan.