Nabigla si Jun Wu Yao sa kaniyang reaksyon, ang nanlalamig na tingin nito ay nawala, hindi ito nababahala sa mga karayom habang pinipilit nitong wag kumawala ang pinipigilang tawa. Kagiliw-giliw ang dalagang ito, basta na lang niyang inilabas ang kaniyang mga pangil.
Inilagay ni Jun Wu Xie ang mga karayom sa ilang bahagi. Bagamat hindi niya ito papatayin, hindi niya hahayaang makakalimot ito ng ganun ganun na lamang.
Ibinibaba ni Jun Wu Yao ang kanyang katawan at isinandal sa mga karayom, habang tumutusok ang mga karayom sa kaniyang balat, ang matingkad nitong dugo ay umagos na siyang nagpakulay sa kaniyang kamay na ngayon ay namumula na. Sa kabila nitong nangyayari, walang bahid ng pagpapanic ang makikita sa kaniyang mata.
"Kasalanan ko, hindi dapat kita inabala, paano mo ako gustong parusahan? Ipapaubaya ko na lang sa'yo." Kahit na apat na karayom ang nakatusok kaniyang lalamunan at ang pulang-pulang dugo ay lumalabas, nakuha niya pang ngumiti ng tipid na may pagmamakaawa.
"Ibalik mo yan." malamig niyang alma.
Bumuntong hininga si Jun Wu Yao habang ibinalik ang lalagyan ng wine sa mesa.
"Wu Xie, nagkamali ako, kung gusto mo, pwede mong kunin ulit itong basurang to para paglaruan mo, pero alalahanin mo hindi mo ito pwedeng inumin, masyado itong matapang at masisira ang lalamunan mo, hahanap ako ng magandang klase at ibibigay ko sa iyo bukas." Mahinahon nitong sabi habang pinapahupa ang kaniyang galit, at tuluyang nakalimutan ang mga sugat sa lalamunan nito.
"Ayoko ng kahit na ano." sagot niya.
Hindi na namilit si Jun Wu Yao dahil nakita nitong may inis pa siyang nararamdaman. Itinaas nito ang kamay at ibinaluktot ang daliri sabay na bumalik ang itim na bagay na tumusok sa noo ni Little Lotus.
"Nagbibiro lang ako, hindi ko intensyon na saktan siya. Siya ang contractual na espirito mo. Paano ko magagawang patayin siya?" Sinubukan nitong kalmahin siya hang may ito ay may mapunuyong ngiti.
Dahan-dahang tumayo si Little Lotus na medyo nahihilo pa. Ang pitik sa noo nito ay masyadong masakit na akala mo ay magwawatak watak ang kaluluwa niya anumang oras! Ito ang unang beses na nakaramdam siya ng ganoong sakit, ang mga kadalasang nadudulot lang ng mga tao eh, umaapekto lang sa kanilang spritwal na enerhiya, hindi sila nakakaramdam ng kahit na anong sakit kapag galing sa tao pero ngayon ang sakit na dulot nito ay ibang-iba!
Tumingin siya kay Jun Wu Yao na may pag-aalinlangan, ang misteryosong lalaking ito ay kakila-kilabot.
"Lumapit ka dito." ibinaluktot ni Jun Wu Yao ang kaniyang daliri at pinapalapit si Little Lotus.
"Inasar lang kita ng kaunti, walang dahilan para matakot ka sa'kin, eto, para sa'yo 'to, tanggapin mo bilang kabayaran." initsa ni Jun Wu Yao ang isang kulay berdeng bead at ang nanginginig na si Little Lotus ay lumapit at sinalo ito.
Marahang tinignan ni Jun Wu Yao si Jun Wu Xie
"Ngayon, galit ka pa din ba?"
"Nakakainis ka." Umirap si Jun Wu Xie dito.
"Ang sakit mong magsalita." Sagot ni Jun Wu Yao na may balisang tono at bahagyang simangot.
"Kung gusto mong masaktan, mayroon ako ditong isangdaan at walong karayom." Malamig niya itong tiningnan.
Marahang tumawa si Jun Wu Yao habang inabot ang kaniyang kamay at hinalikan. "Kung makakapagpasaya sayo, kahit na sampung beses pa, payag ako."
Napasimangot si Jun Wu Xie sa sinabi nito, nakakita na siya ng mga taong desperado pero ang isang masokista ay ngayon pa lang.
"Magiging masaya ako basta ba hindi mo ako aabalahin." sagot niya. Kapag nangahas uli itong galawin ang kaniyang contractual spirit at Jade Nectar, walang pag-aatubiling gagamitin niya dito ang kaniyan isang daan at walong karayom.
"Hindi kita aabalahin, pero hindi ko maatim na umalis sa tabi mo." Sagot nito na bahagyang nakangiti.
Inirapan niya lamang ito at tumayo.
Sa pagkakataong ito, hindi siya nito pinigilan at hinayaan na lamang niya ito.
"Ikaw na masangsang ang dugo. Makakaalis ka na." Sumimangot si Jun Wu Xie sa nagmantsang dugo sa mga kamay nito at pati na rin sa amoy sariwang dugo na pumapalibot sa loob ng kwarto. Kasabay ng amoy ng dugo na nahalo sa amoy ng wine at halimuyak ng lotus, hindi siya komportable sa amoy. Kailangan niyang maghugas para mawala ang masangsang na amoy na umaatake sa ilong niya.