"Hindi… Imposible ito!!"
"Ang… Ang cultivation speed ko, paano naging ganito ito kabagal! Paano ito naging posible?!"
Sa isa sa mga silid ng mansyon sa lumulutang isla, bumagsak ang buong pagkatao ni Bu Hong sa sahig. Ang kanyang mga mata ay walang sigla, maputla ang kanyang mukha na para bang isa siyang papel habang bumubulong sa kanyang sarili.
Humihiyaw siya minsan at minsan naman ay bumubulong, na tila ba nababaliw na siya. Magulo ang buhay niya na tila ba wala siyang kwentang tao.
Simula noong natalo siya at napatumba ng bagong disipulo ng Fire Worship Sect na si Duan Ling Tian, gumigising na lamang siya para palaguin ang kanyang cultivation dahil sa hiya at lungkot. Gusto niyang lalo pang lumakas!
Ang matalo at mapatumba ni Duan Ling Tian sa publiko ang pinakamalaking kahihiyan sa kanya!
Nangako siyang maghiganti sa kanyang sarili!
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com