Ang naunang atake ni Hong Xu ay mayroong nilalaman na hindi pangkaraniwang saber martial technique at saber Divine Ability. Malinaw itong nakita at naramdaman ni Duan Ling Tian.
Natural lamang at naisip ni Duan Ling Tian na ito ang pinakamalakas na atake ni Hong Xu. Kahit ang kanyang pinakamalakas na atake ay nasira niya. Ano pa ang magagamit ni Hong Xu upang labanan siya?
Habang ang karamihan sa mga disipulo ng Four Symbols Sanctum, kabilang si Duan Ling Tian, ay inakalang susuko na si Hong Xu, kumuha si Hong Xu ng bote ng isang pill mula sa kanyang damit habang nakikita ito ng lahat.
Pa!
Nabasag ang bote sa sandaling hinigpitan ni Hong Xu ang kanyang hawak.
Sa susunod na sandali, isang kulay pulang pill na mayroong itim na awra na nagdudulot ng katakot-takot na awra ang lumitaw sa harap ng lahat. Sa isang iglap lamang, kinain ni Hong Xu ang pill. Noong nilunok niya ito, maririnig ang ingay sa buong paligid.
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com