"Tama si Duan Ling Tian!"
"Tama 'yon!"
"Hindi na importante kung si Duan Ling Tian o si Gu Chun ang nangako sa lightning penalty oath. Iisa lang naman ang kakalabasan at mapapatunayan rin kung talagang nasira ni Duan Ling Tian ang Innate Spriritual Root ni Gu Chun!"
"Base sa sitwasyon, parrang hindi sinubukan ni Gu Chun na mangako sa lightning penalty oath!"
"Tama!"
Sa oras na natapos si Duan Ling Tian na magsalita, nagsimula na agad na magduda ang lahat kay Gu Chun.
Nakita nilang matigil nang sandali si Gu Chun nang tinanong siya ni Duan Ling Tian kung mangangako ba ito sa lightning penalty oath. Hindi lamang sa napahinto siya, ngunit ayaw niya pa noong una na mangako.
Mula simula hanggang ngayon, siya pa lamang ang nag-angat ng paggawa ng pangako sa lightning penalty oath. Pagkatapos bigla-bigla na lang siyang magbabago ng isip? Ang ibig sabihin ba nito ay wala siyang kasalanan?
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com