'Tian Wu, mabuti ba ang iyong kalagayan?' Nang maalala ni Duan Ling Tian si Feng Tian Wu at ang kanilang nakaraan, mas nag-alala siya dahil ang kaniyang lokasyon ay hindi niya alam.
Gayunman, mabilis siyang bumalik sa kaniyang sarili nang malamang si Xiao Lan at Bi Yao ay nakatayo pa rin sa kaniyang harapan.
"Hindi ko lamang kailangang hanapin si Ke'er, ngunit kailangan ko ring hanapin si Tian Wu. Hindi ko nais pumasok sa isang relasyon kasama ang kahit na sinong babae bago ko sila makita. Kahit na makita ko sila, kailangan ko pa ring tanungin ang opinion ni Munting Fei'er at iba pa tungkol sa usapin tungkol sa ating dalawa," sabi ni Duan Ling Tian. Nang matapos na siya magsalita, nahirapan siyang tignan sila sa mga mata.
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com