Isang bakas ng pagkasurpresa ang makikita sa mga mata ni Bai Li Hong nang siya ay tumingin kay Duan Ling Tian.
Kahit na matagal na niyang nabalitaan na lubhang kahanga-hanga ang kasalukuyang lakas ng kaniyang junior brother, usap-usapan lamang ang mga narinig niya. Nagulat siya ngayon na nasaksihan niya ito mismo.
Ang taong namamahala sa base ng Dark Nether Sect na nasa capital ng Windfall Nation, at isa ring Vice Sect Leader ng Dark Nether Sect na si Zhou Shu, ay namatay nang ganoon lamang.
Kahit na hindi matagal na nanatili si Bai Li Hong sa Dark Nether Sect, narinig niya kung sino si Zhou Su. Alam niya na si Zhou Su ang pangatlo sa pinakamalalakas na mga tao sa Dark Nether Sect. Siya ay mas mahina lamang kumpara sa Sect Leader at sa Supreme Elder ng sect. Parehas silang mga Saint Stage powerhouses.
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com