"Hindi! Hindi!" Sa sandaling marinig ni Ouyang Qing ang banta ni Duan Ling Tian, dali-dali siyang umiling. Pagkatapos no'n, ang lahat ng kaniyang mataas at makapangyarihang aura ay naglaho, 'di tulad ng kanina.
Sa sandaling iyon, siya ay mukhang isang kalapati na muntik nang matamaan ng bala.
Nang tanggalin ang kaniyang maskara, ang maputlang mukha ni Ouyang Qing ay agad na nalantad. Ang kaniyang mga mata ay ganap na napupuno ng sindak at nanatili ang mga itong ganito sa loob ng mahabang oras.
"P-Para sa'yo!" Pagkatapos tanggalin ang Ownership Claim sa kaniyang Spatial ring, masunurin itong binigay ni Ouyang Qing kay Duan Ling Tian.
Siyempre, kahit na siya ay sumusunod, ang kaniyang puso ay nagdurugo pala sa loob.
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com