Pinahinto ni Duan Ling Tian ang isang papasok na inner court disciple at marahan na tinanong, "Senior Brother, alam mo ba kung saan dito ang mansiyon na pagmamay-ari ni Elder Fang Gan?"
"Yoong isa na iyon," Sinabi ng inner court disciple habang itinuro ang isang mansiyon na hindi gaano kalayuan.
"Salamat Senior Brother," Agad naman na nagpasalamat si Duan Ling Tian at saka pumunta sa mansyon.
'Isang outer court disciple na naghahanap kay Elder Fang Gang?' Bahagyang nagulat ang inner disciple matapos niyang makita na naglabas ng identity token ang outer court disciple na si Duan Ling Tian sa kaniyang bewang.
Sa Moon Illumination Sect, ang pagitan ng outer court disciple at isang inner court elder ay tulad ng isang hindi malalampasan na malaking agwat. Sa madaling salita, hindi dapat magkaroon ng anumang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng dalawa.
Huminto si Duan Ling Tian sa isang matandang lalaki nang marating niya ang mansiyon ni Fang Gan.
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com