"Hmm?" Nagdududang tumingin si Duan Ling Tian sa hindi gaano
katandang lalaki.
"Overseer." Sa sandaling iyon, ang tauhan na nagbalita kay Duan Ling
Tian na ang lahat ng mga upuan ay nakuha na ay magalang na
yumukod sa hindi gaano katandang lalaki. Nag-aalala, para bang
gusto niyang may sisihin siya.
Kinakabahan siya sa pagkakakilanlan ni Duan Ling Tian at palihim
niyang sinisi si Duan Ling Tian dahil hindi niya sinabi kung sino siya.
"Bulag ka ba? Ito ang bisita ng Pavilion Master!" Galit na tinitigan ng
hindi gaano katandang lalaki ang tauhn. Ngumiti ang tauhan at
humingi ng tawad kay Duan Ling Tian, "Lubos akong nanghihingi ng
paumanhin, Ginoo. Hindi ko alam na ikaw ay bisita ng Pavilion
Master."
"Ginoo, huwag mo siyang bigyan ng pansin! Sundan mo ako.
Hinihintay ka ng Pavilion Master." Tumingin ang lalaki kay Duan Ling
Tian habang nakangiti.
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com