"Sino sa inyo si Duan Ling Tian?" Kalmadong tanong ng batang lalaking nakabihis ng itim nang tumingin siya sa mga taong nasa harapan niya.
Sa sandaling iyon, ang lahat ng mga nasa Ling Tian Sect ay bahagyang natakot.
Base sa tanong ng batang naka bihis ng itim, malinaw na narito siya para sa disipulo ng Martial Emperor, na si Yang Chun. Bukod pa dito, siya ay narito upang ipaghigante si Yang Chun.
"Simula noong mapatay ng ating Sect Leader ang disipulo ng Martial Emperor, na si Yang Chun... At kung ang taong ito ay disipulo rin ng Martial Emperor kagaya ni Yang Chun, sigurado akong hindi siya maglalakas loob na pumunta sa Ling Tian Sect ng mag-isa."
Marami sa mga elder at mga disipulo ng Ling Tian Sect ang nag-usap-usap.
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com