Matagal nang sanay si Duan Ling Tian sa pagiging sentro ng atensyon kaya wala siyang paki rito.
Gayunpaman, ito ay naiiba para kay Huang Daniu. Kailan pa siya nakakita ng ganoong eksena dati?
Hindi niya mapigilan na pagbanggain ang kaniyang mga kilay.
Hanggang sa lumipat sa isang gilid si Duan Ling Tian at ang iba pa dahil sa biglaang pagdating ng isang tao ay saka lamang nalipat sa iba ang atensyon at tingin ng iba.
"Hu Fei!"
"Si He Fui!"
"Ang direktang disipulo ng Peak Master ng Fire Peak, si Hu Fei!"
...
Isang binatang nababalot sa mala-apoy na pulang robe ang papalapit dito sa hangin mula sa kalayuan. Siya ay mag-isa lamang at napakalayo.
Nang walang anumang magarbong paggalaw, ang kaniyang mala-apoy na pulang robe ay bumuka tulad ng isang alon ng nag-aalab na mga apoy. Sa loob lamang ng ilang segundo, naabot na niya ang kabilang gilid ng langit na walang katao-tao.
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com