Hindi napigilan ni Duan Ling Tian ang sumimangot noong narinig niya si Ta Mu.
Ngunit para hindi mahirapan si Sword 13, siya'y nanahimik na lamang.
"Ako'y sasali sa Skywolf Fort!" Isang malamig na boses ang narinig, at ito ay si Ye Ling mula sa Darqing Dynasty at tila siya'y walang pakialam sa pananakot ni Feng Wei kay Qi Feng kanina, o marahil ay hindi siya naniniwala sa mga sinabi ni Qi Feng kanina.
Simple lang ang nasa isip ni Ye Ling.
Bukod sa si Zi Shang lamang ang mayroon ang Skywolf Fort, parehong mayroong iilang batang henyo ang Blade Sect at Emotion Severing Sect na mas malakas kung ikukumpara sa kanya, kaya siya'y hindi magkakaroon ng mataas na posisyon sa sect kung siya'y sasali sa kanila.
Kaya ang pinili niya ay ang Skywolf Fort.
"Malugod kang tinatanggap ng Skywolf Fort." Masayang tumawa si Ning Can, dahil hindi niya inaasahan na mayroon pa rin na magnanais na sumali sa Skywolf Fort dahil sa mga pangyayari.
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com