Ang mga representante at mga batang henyo ng 36 Empire kasali ang Darkstone Empire ay matagumpay na dumating.
Dumami ang tao sa ikalawang klase ng panooran ng Cage Battle Arena.
Mayroon pang mga batang henyo sa gilid ng panooran kung saan nakaupo si Duan Ling Tian at ang mga tao sa Darkstone Empire.
"Haring Yong! Ilang taon tayong hindi nagkita… Kumusta ka na?" Isang representante ng Empire na kadadala lang sa kanyang grupo ang umupo malapit kay Haring Yong at binati ito.
Isa itong matandang lalaki na may kulay abong damit, walang emosyon ang kulay putik nitong mata at naglalabas ng hindi matukoy na enerhiya.
"Senior Liu." Bahagyang ngumiti si Haring Yong sa matandang lalaki. "Maayos ako. Hindi ko talaga naisip na pamumunuan mo ang Holdwin Empire ngayon."
"Kailangang lumabas madalas ng mga matatanda."Sagot ng matandang lalaking may apelyidong Liu.
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com