"Ama?" Hindi makapaniwala si Ye Xiang.
Hindi ba't dumating ang ama niya upang ipagtanggol siya?
"Bastardo, ang kapal ng mukha mong tawagin ako? Wala akong anak na tulad mo!" Nag-aapoy sa galit ang Patriarch ng Ye Clan, sa pagtaas ng kamay nito'y sinampal niyang muli si Ye Xiang na tumama sa mukha niyang nagmistulang ulo ng baboy.
Ngunit kahit na ganoon, wala pa rin itong intensiyong tumigil.
Slap! Slap! Slap! Slap! Slap!
...
Halos bumuka ang mukha ni Ye Xiang sa paulit-ulit na pagsampal ng kanyang ama.
Hindi inaasahan ni Duan Ling Tian ang ganitong senaryo, ngunit sa kabilang banda'y naisip niya. "Ito ang inaasahan sa Patriarch ng isang Clan, buo ang pasya nito… Mistulang tinuturuan niya ng leksyon ang kanyang anak, ngunit ang totoo'y pinoprotektahan niya ito."
Madali lang para kay Duan Ling Tian na hulaan ang intensyon ng Patriarch ng Ye Clan.
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com