Sa bukang-liwayway ng kasunod na araw, si Duan Ling Tian, Su Li, at Long Yun ay nagpaalam na kay Chi Ming at iba pa.
Matapos nito, silang tatlo ay umalis na sa courtyard ng magkakasama.
Kumplikado ang mga tingin ni Luo Zhan at Chen Shao Shuai habang tinitignan nila ang mga pigura ng grupo ni Duan Ling Tian na nasa malayo.
Noong nawala na ang mga pigura ng grupo ni Duan Ling Tian sa kanilang paninigin, tumingin si Luo Zhan at Chen Shao Shuai kay Chi Ming at nagsalita, "Vice Dean Shi, kami'y hindi muna susunod sa iyo pabalik… Nais naming maglibot-libot."
Tumango si Chi Ming at hindi sila pinigilan.
Dahil alam niyang walang silbi kung pipigilan pa niya ang dalawang ito.
Si Sword Young Master at Crazy Young Master na nasa kanyang harapan ay tila desidido nang umalis, at hindi na siya nagulat sa kanilang ekspresyon.
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com