Isang maliit na bayan na may antigong istilo ay tila nagbagong-anyo sa isang mapayapang guhit sa ilalim ng maamong liwanag ng palubog na araw, pinapakalma ang isipan ng sinuman sa pamamagitan lamang ng isang sulyap.
Isang malaking karo na hinihila ng limang malalaking kabayo ang pumasok sa loob ng maliit na bayan at pumukaw ng mga mata.
"Diyos ko! Isang napakalaking karo!"
"Saan kaya galing ang malaking anyo na ito?"
Ang nga residente ng maliit na bayan ay hindi pa kailanman nakakita ng ganoon kagalanteng karo, kaya napatigil sila at tumingin.
Ang 'di gaano katandang tagapagmaneho ng karo ay bahagyang inilingon ang kaniyang ulo at sinabi patungo sa karwahe, "Aking amo, nakapasok na tayo sa bayan."
Isang natatamad na tinig ang maririnig sa loob ng karwahe, na tila kagigising lamang nito. "Sige, maghanap ka ng inn kung saan pwede tayong manatali, at aalis tayo bukas nang bukang-liwayway."
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com