webnovel

Ang Dalagitang si Ke Er

Redakteur: LiberReverieGroup

Pinapasok ni Duan Ling Tian ang dalagita sa kanilang bahay at hinanap ang kanyang ina na si Li Rou.

Sandali namang nagulat si Li Rou nang makita niyang nagdala ng isang dalagita ang kanyang anak pauwi sa kanilang bahay.

Kahit na nakasuot lamang ng simpleng damit ang dalagita ay hindi parin nito maitatago ang kanyang natural na kagandahan. Sa unang tingin pa lang ni Li Rou sa kanya ay napansin na nito ang angking kagandahan ng dalagita.

"Siya ang aking ina" sabi ni Duan Ling Tian habang ipinapakilala ang kanyang ina sa dalagita.

"Ako naman po si Ke Er. Ikinagagalak ko po kayong makilala Madam."

Hindi kumportable at nahihiya pa ang dalagita noong makaharap niya si Li Rou. Nagresulta ito sa pagpula ng kanyang mukha na lalong nagpacute sa kanya.

"Ano ang ibig sabihin nito Tian?"

At sumulyap si Li Rou kay Duan Ling Tian habang nakangiti ng kaunti.

Hindi niya inaasahang maguuwi nang napakagandang binibini ang kanyang anak matapos lumabas sa loob lang ng maikling panahon.

"Ganito po kasi iyon ina…" Ikinuwento ni Duan Ling Tian ang buong kuwento kung paano niya nakilala ang dalagitang iyon na si Ke Er. Hindi siya nagtago ng kahit na anong detalye maging ang pagtuturo niya ng leksyon sa young master na si Fang Jian.

"Hindi ba iyon ang Fang Jian na kilala sa buong Fresh Breeze Town dahil sa kanyang kalokohan? Hindi na mahalaga kahit na bugbugin mo siya. At kahit na magpunta ang buong pamilya Fang dito para maghanap ng gulo, ang mahalaga ay tayo ang nasa tama."

Nanlalamig na sinabi ni Li Rou bago ito tumango. Matapos nito, dahan dahan niyang sinulyapan nang puno ng pagmamahal na nanggagaling sa isang ina ang dalagita.

"At dahil wala ka nang mapupuntahan ay puwede ka nang manatili rito sa amin. Tamang tama, ang aming tagapaglingkod ay umuwi sa kanila upang magpakasal. Maaari ka munang manatili sa kanyang silid."

Sabi niya. Matapos nito ay masaya siyang tumingin sa dalagita.

"Maraming salamat po Madam."

Mabilis at sabik na sabik na nagpasalamat si Ke Er habang ang mga pisngi nito ay namumula na para bang isang rosas.

"Halika rito at nang makapagpalit ka na."

Isinama ni Li Rou ang dalagita patungo sa silid nito. Naiwan naman ang nakatulala at namamanghang si Duan Ling Tian.

Noong sumunod muli ang dalagita kay Li Rou upang makapagpalit ng damit, nagpalit ito ng bagong damit na may maaliwalas na kulay. Tinulungan din siya ni Li Rou na lagyan ng make up ang kanyang mukha.

Itinali na rin niya ang kanyang napakahabang buhok na kulay jet black, at ang kanyang napaka eleganteng mukha ay namumulang nagningning na para bang isa siyang lotus na namumukadkad sa ganda.

Ang kanyang maninipis na kilay ay parang isang willow leaf at ang kanyang mga mata naman ay maihahalintulad sa isang apricot. Ang kanya namang napakagandang ilong at namumulang labi ay kapansin pansin din. Halos maging perpekto na ang kanyang mukha.

Ang kanyang dibdib na unti unting lumalaki ay parang isang nakasarang bulaklak na maaaring bumuka at mamukadkad sa ano mang oras.

Kitang kita naman ang kurba ng kanyang mga baiwang na kayang yakapin gamit lamang ang isang braso, gayundin ang mabilog at malambot nitong likuran at ang kanyang mahaba at payat na mga binti. Ang kanyang pangangatawan ay payat, kaaya-aya at napakaganda sa puntong kahit na sino ay mapapatingin dito.

"Isa siyang kaaya-aya at napakacute na binibini kagaya ng kahulugan ng kanyang pangalan."

Pinuri ni Li Rou ang dalagita habang nakatayo siya sa gilid nito.

"Mula ngayon ay sa iyo na iyang mga damit ko na ginamit ko pa noong bata pa lang ako."

Biniro naman ni Li Rou ang kanyang anak na si Duan Ling Tian na kapapasok pa lamang sa kanyang silid. "Tingnan mo, nilagyan lang kita ng kakaunting make-up pero may isa ritong nakatitig na sa iyo ng todo na para bang gusto ka na niyang kainin ng buo!"

Matapos marinig ito ay napangiti na lamang sa hiya si Duan Ling Tian habang inaalis nito ang kanyang paningin sa dalagita.

Ang napaka eleganteng itsura ng dalagita matapos itong malagyan ng make up ang lalong nakapang akit sa kanyang paningin.

Bilang dating Hari ng mga Mersenaryo sa kanyang nakaraang buhay ay hindi siya nauubusan ng mga babae sa kanyang tabi. At kahit na napakaganda ng mga babaeng iyon ay hindi naman gaanong kahinhin at kaelegante ang mga ito.

At hindi mo maikukumpara ang mga ito kay Ke Er sa panahong ito!

"Isa lang po akong tagapaglingkod madam… Hindi po nararapat sa akin ang magsuot ng magagarbong mga damit."

At matapos marinig ang mga sinabi ni Li Rou ay lalo pang namula ang buong mukha nito na para bang magdudugo ito sa ano mang oras. Hindi niya inakala at ikinagulat niya ng sobra ang pagpabor sa kanya ni Li Rou.

Biniro siyang muli ni Li Rou "Sinong nagsabi sa na gagawin kitang tagapaglingkod? At sa tingin ko ay hindi nila ako hahayaan kahit na gawin kitang aking tagapaglingkod…"

Hindi makapagsalita si Duan Ling Tian. Hindi pa siya nakapagbabanggit ng kahit anong salita mula kanina na para bai tong tinamaan ng bala!

Lalong namula pa ang mukha ng dalagita noong marinig niya ang mga sinabi ni Li Rou.

At kahit na hindi itinuring nila Li Rou at Duan Ling Tian ang matalinong batang si Ke Er bilang isang tagapaglingkod, inako pa rin nito ang mga gawaing bahay.

At kung siya mismo ang tatanungin, sobra sobra na ang kabaitang ipinakita ng kanyang young master at madam sa kanya. At kung wala siyang gagawin para matumbasan ito ay hinding hindi siya mapapalagay.

Isinapuso ng napakabait at napakatalinong si Ke Er ang pagtanggap sa kanya nina Li Rou at Duan Ling Tian at madaling naging komportable sa pagkakabilang niya sa maliit na pamilyang iyon.

Sa tirahan ng pamilya Fang.

Sa isang katamtamang laki ng bakuran, isang lalaki na may edad na nasa 30 hanggang 40 taong gulang ang lumabas. Madalas itong tumitingin sa isang silid na para bang may hinihintay na balita.

Matapos ang ilang sandali ay lumabas ang isang matandang lalaki galing sa silid.

"Ano na po ang lagay ng aking anak Master Sun?"

Mabilis na bati ng lalaki sa matandang lalaking lumabas sa silid.

"Walang awa ang taong gumawa nito sa iyong anak Manager Fang. Halos mawasak na ng tuluyan ang spine ng anak mo… At wala pa ring pagbabago akong nakita rito matapos niyang uminom ng Grade Nine Gold Injury Pill. Wala na akong magagawa pa rito. Nakikiramay ako sa iyo para sa iyong anak."

Buntong hininga ng matandang lalaki habang kinakamot nito ang kanyang ulo.

"Ano?!

Sabi ng lalaki habang bumagsak naman ang itsura nito.

Kahit na ang Grade Nine Alchemist na kanilang kinuha at binayaran ng napakalaking halaga ay walang nagawa para mapagaling ang kanyang anak. Ang ibig bang sabihin nito ay magiging baldado na ang kanyang anak habang buhay?

"Fang Qiang!"

Isang matikas na lalaki na na may edad din na 30 hanggang 40 ang pumasok at nagbigay ng isang napakagandang lalagyan kay Fang Qiang.

"Naglalaman ito ng Grade Eight Gold Injury pill, dalian mo na at ipaninom ito sa iyong anak."

"Ama!"

Nakatulalang tumingin si Fang Qiang.

At kahit na gustuhin niya mang magmakaawa sa pinakaama upang makuha ang nagiisang Grade Eight Gold Injury Pill ng pamilya Fang, Hindi niya na ito itinuloy dahil alam niya sa kanyang sarili na hinding hindi niya makukuha iyon dahil sa mababa niyang estado sa pamilya Fang.

Wala na siyang magawa kundi ang masabik noong makita niyang dala dala ng pinaka ama ng pamilya Fang ang Grade Eight Gold Injury Pill upang iabot sa kaniya.

"Kung hindi lang sa suwail kong anak ay hindi magkakaganiyan ang anak mo Fang Qiang. Humihingi ako ng tawad sa nangyari. Sisiguruhin kong hindi makakaligtas sa aking parusa ang suwail na batang iyon dahil sa kanyang ginawa at hindi ako titigil hangga't hindi niya kayo nabibigyan ng magandang dahilan" Sabi ng amang si Fang Yi na may halong kahihiyan at pagsisisi.

"Ama!"

Napaluhod si Fang Qiang pagkagulat nito sa sinabi ng ama. Nawala rin nang parang isang bula ang lahat ng sama ng loob nito sa kanyang puso.

"Tumayo ka na diyan at ipainom mo na sa iyong anak ang tabletang gamot" sabi ni Fang Yi.

Tumayo si Fang Qiang at dahan dahang kinuha ang Grade Eight Gold Injury pill mula sa mga kamay ni Fang Yi.

"Kung hindi niyo po mamasamain Manager Fang… Kahit na ang Grade Eight Gold Injury Pill ay hindi kayang gamituin ang iyon anak, paano pa kaya ang Grade Eight Gold Injury Pill!" Biglang sinabi ng matandang lalaki na nakatayo sa kanilang gilid.

"Kung mayroon lang kayong isang Bone Formation Pill… Pero napakahirap makahanap ng Bone Formation Pills."

Agad na nanigas ang mga kamay ni Fang Qiang dahil sa pagkawala nang mula ng kanyang pagasa, habang kinukuha nito ang Grade Eight Gold Injury Pill mula kay Fang Yi.

"Kahit na, Hayaan mo munang inumin ito ng iyong anak at subukan ang kanyang kapalaran" sabi ni Fang Yi.

"Hindi na po kinakailangan ama. Naniniwala po ako kay Master Sun. Wala pong saysay kung sasayangin natin sa aking anak ang napakahalagang tabletang gamot na ito."

At umiling si Fang Qiang

"Ang nais ko lang po ngayon ay ang mahanap kung sino ang gumawa nito sa aking anak at maghiganti!"

Habang punong puno ito ng pagkapoot, kumislap ang mga mata ni Fang Qiang habang humihinga ito ng malalim.

"Nakasisiguro ka na gagawin ng pamilya Fang ang lahat ng kanilang makakaya para mahalap ang gumawa nito sa iyong anak!" Malakas na sinabi ni Fang Yi.

"Maraming salamat po ama."

Sa tirahan ng pamilya Li.

Kumalat ang balita na para bang isang kidlat sa mga miyembro ng pamilya Li.

Magtutuos ang henyong martial artist na si Li Jie at ang anak ng ika siyam na nakatatandang si Duan Ling Tian!

At walang mayroon ding mga kumakalat na balita na pinuntahan daw ng ika-pitong nakatatanda ang ama at ang Pinaka nakatatanda upang masaksihan ang pagtutuos.

Nagkaroon nang pagkasabik sa mga miyembro ng pamilya Li sa magiging pagtutuos dahil sa mga balitang kumakalat.

"Noong maparalisa ni Duan Ling Tian ang isang braso ni Li Xin, alam ko na agad na hinding hindi ito palalagpasin ng ika pitong nakatatanda at ng anak nitong si Li Jie. Sinong magaakala na mangyayari ang pagtutuos na ito sa loob lamang ng napakaikling panahon!"

"Ang paghamon ng isang martial artist na nasa ika apat na antas na ng kanyang body tempering stage sa isang martial artist na nasa unang baitang pa lamang ng kanyang body tempering stage, talagang inalis na ni Li Jie ang lahat ng kanyang pride para lang maipaghiganti lang ang kapatid niya!"

"Ano kaya ang pumasok sa isip ni Duan Ling Tian para tanggapin ang hamong ito galing kay Li Jie… Hindi kaya tuluyan na siyang nasiraan ng ulo mula noong bugbugin siya ng husto ni Li Xin ngayon?"

"Siguradong hindi magpapakita ng kahit na anong klase ng awa si Li Jie kay Duan Ling Tian. At kung hindi niya man tuluyang mapatay ito ay nakasisiguro akong magiging baldado ang buong katawan nito habangbuhay!"

...

Walang sinuman naniniwalang mananalo si Duan Ling Tian sa darating na pagtutuos.

Isa sa mga kilalang henyong martial artist ng pamilya Li na may napakalaking potensyal na nakaabot sa ika apat na antas ng kanyang Body Tempering Stage sa edad na 16.

Habang ang isa naman ay ang itinatagong miyembro ng pamilya Li dahil sa apilyedo nito na nakakumpleto lamang ng unang antas ng kanyang Body Tempering Stage.

At kahit na umasa siya sa kanyang kakaiba at napakalakas na Collapsing Fist na nakapagpanalo sa kanya sa kanyang kalaban na si Li Xin na nasa ikalawang antas na ng kanyang body tempering stage ay walang naniniwalang matatalo niya ang henyo sa larangan ng martial arts na si Li Jie.

Kahit na magkapatid sina Li Jie at Li Xin ay napakalayo naman ng agwat ng mga lakas nito.

Habang abala ang lahat sa darating na pagtutuos, ang taong dapat na nagiisip tungkol sa magaganap na pagtutuos ay nawala nang parang bula.

"Tapos na!"

Nakangiting sinabi niya habang nakatingin siya sa kanyang singsing na nakasuot sa kanyang ring finger.

Gamit ang masusing pagaaral ng Rebirth Martial Emperor sa pamamaraan ng pagiinskripsyon, matagumpay niyang nainskript ang singsing sa kanyang unang subok sa pamamaraang ito.

"Bibigyan kita ng napakagandang surpresa pagdating ng araw Li Jie."

Kumurba ang mga dulo ng bibig ni Duan Ling Tian na lumikha ng isang ngiti na maihahalintulad sa ngiti ng isang demonyo.

"Handa na po ang inyong tubig young master"

Kaaya ayang naglakad palabas galing sa silid ang dalagita nang matapos niyang mapalitan ang tubig sa pampaligong batya ni Duan Ling Tian.

"Magpahinga ka na Ke Er, mukhang pagod ka na."

Naglakad si Duan Ling Tian papunta sa dalagita at pinunasan ang pawis nito gamit ang kanyang damit.

Napakaingat niyang ginawa ito.

"Hayaan mo na akong gumawa ng mga gawaing ito mula ngayon" naaawang sabi ni Duan Ling Tian.

"Ok lang po young master. Matapos ko pong maligo gamit ang likidong gamot na ibinigay niyo sa akin. Lumakas po si Ke Er ng sobra…"

Ipinagpag ng dalagita ang kanyang munting mga braso at nagpakita ng isang ngiti na nagpapasalamat kay Duan Ling Tian.

"Mukhang makukumpleto na ng Ke Er naming ang kanyang Body Tempering at magiging isang martial artist sa panahong nagsimula ka na sa iyong cultivation method"

Marahang pinisil ni Duan Ling Tian ang munting mga braso ng dalagita at ngumiti.

"Alam po ni Ke Er ang napakagandang trato niyo po sa akin young master. Pero alam ko rin po na hindi pinahihintulutan ng pamilya Li ang paggamit ng mga cultivation methods nito ng hindi nila miyembro… Masaya na po ako na makasama ko kayo ni madam. Hindi na po importante sa akin kung maging martial artist man ako o hindi." Kuntentong sabi ni Ke Er

"Lokong bata ito. Kung magtuturo man ako ng cultivation methods sa iyo, sinisiguro kong hindi iyon manggagaling sa pamilya Li. Sige na at magpahinga ka na. Dadaanan kita sa iyong silid maya maya lang… Ke Er? Bakit bigla atang namula ang iyong mukha? Ayos ka lang ba?"

Umiling si Duan Ling Tian at ngumiti ng bahagya.

"Napakasama niyo po young master… inaapi niyo po ako…"

Matapos biru biruin ni Duan Ling Tian, umalis na ang dalagita habang iniwan nito ang tumatawa na si Duan Ling Tian.

Nächstes Kapitel