webnovel

Paano Mo Malalaman Kung Masaya ang Mga Isda?

Redakteur: LiberReverieGroup

Sa loob ng malawak na daanan sa labas na ika-118 na palapag ng palasyong may lapad na umaabot sa 1km ay makikita ang libo-libong nagsisiksikang tao. Hindi sila makapaniwala habang tinitingnan ang lalaking may itim na buhok at suot na black robe. Ilang taon na rin silang nagsisilbi at sumusunod kay Fantasy spirit emperor kaya naging malinaw para sa kanila kung gaano ito naging katakot-takot.

Halos walang sinuman sa kanila ang naniniwalang magagawa ni Hong na ipasa ang 18 levels ng love illusions.

Maging si Fantasy spirit mismo ay hindi makapaniwala rito!

 "Imposible!" Titig niya sa lalaking nakatayo sa kanyang harapan. Maraming bagay ang pumasok sa kanyang isipan pero mabilis pa rin siyang nakabalik sa kanyang postura.

 "Hindi ko inaasahang may isang tao na handang mamatay para sa kanyang pagmamahal ang makakapasa sa 18 levels." Tumigin siya kay Hong at nagliwanag ng kakaiba ang kanyang mata. "Sinurpresa mo ako rito."

Gesperrtes Kapitel

Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com

Nächstes Kapitel