webnovel

Ang Primal Chaos Spirit

Redakteur: LiberReverieGroup

"Ano?" Nagulat si Luo Feng sa kanyang narinig. "Sinabi mo bang marami na ang namatay sa batch natin?"

 "Hm." Iling ni Rong Jun sa kanyang ulo. "Ganiyan din ang naging reaksyon ko noong una ko itong malaman. Pero hindi na ako nagtaka rito matapos lumabas at manghuli ng mga primal chaos beast. Naaalala mo rin ba noong una tayong sumakay sa spaceship papunta rito sa primal universe? Sinabi rin ng knight na iyon ang mga salitang mag-ingat at mamatay."

Naalala ni Luo Feng ang eksenang iyon bago tumatangong sabihin na, "Naalala ko nga."

Noong ipadala ng lalaking may purple na mga kaliskis at berdeng armor ang 1,000 na henyo rito ay sinabi nitong, "Nasa ilalim ko kayong lahat kaya hinihiling ko na sana ay makita ko pa kayong lahat nang buhay pagkatapos ng 30 taon." Naisip ni Luo Feng noong sabihin niya ito na mayroong mga panganib na matatagpuan sa primal chaos city pero naramdaman niyang ligtas naman sa loob nito noong magsimula siyang mag-aral sa loob ng city.

Gesperrtes Kapitel

Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com

Nächstes Kapitel