webnovel

Pursuit of Death (14)

Redakteur: LiberReverieGroup

Makalipas ang kalahating taon, sa Void Ocean Spiritual Palace.

Whoosh!

Isang madilim na sinag ng liwanag ang pumasok, at isang lalaki na may nawawalang kanang braso at mga lapnos ang lumitaw sa kalye.

Ang lalaki ay nag-suot ng gintong korona na puno ng gasgas, subalit ang aura of Death na kumakawala mula sa kaniya ay nagdulot upang mabalisa ang mga malapit sa kaniya.

Mahirap isipin na ang lalaking ito ay isa sa mga matatandang Emperor ng Cang Ocean.

"Emperor Zi Mu!" bumulong ang Emperor of Death sa tono na walang ibang makakarinig.

Matapos ang ilang pag-hinga:

Weng~~

Ang Imperial Power ng Emperor ay lumitaw mula sa isa sa mga sulok ng Void Ocean Spiritual Palace.

"Emperor of Death?" isang nagulat na boses ang tumunog ng may lumitaw na lalaking middle-aged na may kulay lilang roba.

Siya ay nababalot sa lilang liwanag at may kakaibang amoy.

"Emperor Zi Mu!" sigaw ng mga kalapit na dalubhasa na nagpapakita ng paggalang at paghanga sa kanilang mga mata.

Bihira lang makita ang mga Emperor sa labas ng Sacred Land. 

Gayunpaman, ang Spiritual Palace ay nasa isang malaking island zone na naglalaman ng walo or two-star sects, kaya ang Spiritual Palace ay may Emperor na nagbabantay.

"Emperor of Death, paano ka naging ganito?" nagulat si Emperor Zi Mu.

Siya ay galing sa seklusyon sa mga nakalipas na taon o dalawa at wala masiyadong alam sa panlabas na mundo.

"Emperor Zi Mu, may utang ka sa akin maraming libong taon na ang nakakaraan, at ngayon kailangan ko ang iyong tulong…." sabi ng Emperor of Death ng may malalim na tono at ibinuod ang mga nangyari, ngunit hindi niya binanggit na kay Zhao Feng ang Ninth God Eye.

"Ang tagasunod ang nagcucultivate sa Dao of Lightning, at dahil ikaw ang Emperor na nagcucultivate ng Dao of Wood, ikaw ang kokontra sa kaniya," sabi ng Emperor of Death ng may seryosong tono.

Mayroong natural na pangontra sa lahat ng kasanayan. Halimbawa, ang Emperor of Death ay nakontra ni Zhao Feng, ngunit gayundin, ang Scarlet Gold Destruction Wind Lightning ni Zhao Feng ay nakokontra. Ang mga nagcultivate sa Dao of Wood ay kayang kontrahin ang nacultivate sa Dao of Lightning.

"Sino ang hahabulin ka sa ganoong kalagayan? Maaaring ito ay isang Sacred Lord? "Ang Emperador Zi Mu ay hindi naniniwala.

Huwag kang mag-alala, hindi ito Sacred Lord. Siya lamang ay isang middle-stage Void God Realm King, ngunit ang kaniyang teknik at bloodline ay kakaiba," ibinuod ng Emperor of Death ang sitwasyon ni Zhao Feng.

Nagkataon habang nag-uusap ang dalawa:

Whoosh~~~!

Isang arko ng kidlat na may mapanirang aura ng apoy at kidlat ang dumiretso sa Void Ocean Spiritual Palace.

Ang bagong dating ay isang lalaking may kulay lilang buhok na may kulay pula at gintong pakpak.

"Napakabilis!" Nasurpresa si Emperor Zi Mu kahit na alam na niya na kay Zhao Feng ang Wind Lightning Emperor inheritance.

"Emperor of Death, sa tingin mo matatakot akong atakihin ka kahit nagtatago ka sa Void Ocean Spiritual Palace?"

Pumagaspas ang mga pakpak ni Zhao Feng habang siya ay tumingin pababa mula sa itaas.

Sa nakalipas na kalahating taon, binigyan niya ang Emperor of Death ng magandang pagkatalo.

Ang Emperor of Death Immortal Death Body at kaluluwa ay parehas na napinsala ng God Tribulation Lightning, at nawalan siya ng 30-40% ng kaniyang battle-strength.

"Ang henerasyon sa hinaharap ay dapat katakutan," siniyasat ni Emperor Zi Mu si Zhao Feng, at ang sumunod na pula at gintong Wind Lightning ang nagpabalisa sa kaniya.

Malinaw na nakita ni Zhao Feng si Emperor Zi Mu. Si Emperor Zi Mu ay parang si Duanmu King - ang mga Emperor na nagcultivate sa Daoo Wood – ngunit ang lakas ni Emperor Zi Mu ako wala pa sa peak level ng Void God Realm.

"Emperor Zi Mu, kapag tinulungan mo ako ngayon, susuklian ko iyon sampung beses sa hinaharap," pagmamakaawang sinabi ng Emperor of Death.

May natitirang dalawang Peak-tier King at apat na Domain-level King sa Void Ocean Spiritual Palace bukod kay Emperor Zi Mu. Kapag tumulong si Emperor Zi Mu, may magandang tiyansa ang Emperor of Death.

"Left-Eyed Heavenly Emperor…! Ang batang may lilang buhok na iyan…" isang Void God Realm King at ilang Origin Core Realms sa loob ng Void Ocean Spiritual Palace ay nakilala ang pagkakakilanlan ni Zhao Feng. Habang ang Pursuit of Death ay dumaan sa maraming island zone, ang katanyagan ni Zhao Feng ay nagsimulang kumalat, at alam ng ilang eksperto tungkol sa kaniya.

Left-Eyed Heavenly Emperor?

Ang mga mata ni Emperor Zi Mu ay nagsimulang kumislap habang nagsimula siyang maguluhan.

Sa sandaling ito, isang King sa Spiritual Palace ang nagsasabi sa kaniya kung ano ang nangyari sa pagitan ni Zhao Feng at sa Emperor of Death.

"Emperor of Death, ako'y humihingi ng tawad. Hindi kita matutulungan. Sa kasamaang palad, dahil inatake mo ang Void Ocean Spiritual Palace noon, ikaw ngayon ay hinahanap sa Floating Dream Sacred Land," humingang malalim si Emperor Zi Mu bago makapagsalita.

Ano!? kumilos ang katawan ng Emperor of Death.

"Dahil sa ating pinagsamahan, hindi kita aatakihin, ngunit hindi ka rin kaya ampunin ng Void Ocean Spiritual Palace," naging strikto ang ekspresyon ni Emperor Zi Mu, at isang lilang berdeng Little World ay lumitaw at dahan-dahang pumunta sa Emperor of Death.

"Ikaw..! hindi naging maganda ang ekspresyon ng Emperor of Death.

Ang Little World ni Emperor Mi Zu ay sinasadyang umatake patungo sa kaniya at hindi inaatake si Zhao Feng.

Lumutang sa himpapawid si Zhao Feng at tinignan ang lahat ng ito nang walang bahala.

Mukhang ayaw umalis ng Emperor of Death sa Void Ocean Spiritual Palace; Sa halip, nais niyang hilahin si Emperor Zu Mi at ang mga eksperto dito kasama niya.

"Emperor of Death, hindi ka makakatakas ngayon."

Isang kulay pula at gintong apoy ang lumitaw sa kaliwang mata ni Zhao Feng.

Voom!

Isang aura ang humalo sa kalangitan na naging dahilan para hindi makahinga si Emperor Zi Mu at ang mga Kings.

"Hindi~~~~!" nakaramdam ng matinding panganib ang Emperor of Death habang halos walong daang patak ng God Tribulation Lightning symbols ang kumalat isang walang kamatayang aura.

Whoosh!

Isang half-transparent na pula at gintong apoy ang tumama sa Emperor of Death, para bang iyon ang parusa ng God's.

"Arghhh~~!" umalulong ang Emperor of Death habang kumakalat ang apoy sa Immortal Death Body patungo sa kaniyang kaluluwa.

Takot ang makikita sa kaniyang mukha habang tinitingnan niya ang bangungot na ito na may kabalisahan.

Sa isang hininga o dalawa, ang paa ng Emperor of Death ay nasunog sa antas na hindi masasabi ninuman kung siya ay tao, at ang kabilang niyang braso ay nahulog.

Siii!

Walang magawa si Emperor Zi Mu kung hindi humingang malalim.

Ang lilang buhok na lalaki sa kalangitan ay nasa likod ang kaniyang kamay at mukhang walang pakialam.

Sa loob ng Void Ocean Spiritual Palace, ang ibang Kings at Origin Core Realms ay nakaramdam ng panlalamig hanggang sa kanilang buto, at hindi nila nagawang huminga ng malakas.

"Napakalakas niya!"

"Kaya, ito ang Left-Eyed Heavenly Emperor! Hindi niya lamang binigyan ng tiyansa lumabang ang Emperor of Death!"

Nasindak ang Void God Realm Kings.

"Emperor of Death, ngayon na pinagsanib ko ang kapangyarihan ng God Tribulation Lightning sa aking mga teknik, sapat na ang aking lakas para masindak kahit Sacred Lords.

Hindi magtatagal sa higit sampung hininga ang Peak Emperors laban saakin," Sinabi ni Zhao Feng sa maayos na paraan.

Kahit kalahating taon nang hinahabol ni Zhao Feng ang Emperor of Death, hindi niya hininto ang pagsamahin ang kapangyarihan ng God Tribulation Lightning, at ngayon na mayroon siyang walong daang patay ng God Tribulation Lightning – higit isang daang beses na siya unang nagkaroon nito Pirate Sacred.

Kung susumahin na siya ay may walang kapantay na bilis. Siya ay hindi matalo-talong Void God Realm.

Sa kasaysayan ng Dao of Lightning, isang prodigy ang gumamit ng kapangyarihan ng God Tribulation Lightning at dahan-dahang nakaabot sa peak ng mundo.

Ang alamat na ito ay mula sa isang prodigy sa continent zone, at sa kalaunan naging God.

Itong himala ay parang kokoyahin ni Zhao Feng.

"God Tribulation Lightning!" Nagulat si Emperor Zi Mu.

Pinili niyang wag tulungan ang Emperor of Death pagkatapos pagisipan mabuti. Una, ang Emperor of Death ay tinutugis sa Sacred Land, at pangalawa, gaano kalakas ang taong naghahabol sa Emperor of Death?

Itong tao ay hindi basta-basta na masasaktan ng normal na Emperor,

lalo na matapos malaman na ang taong iyon ay isang rising prodigy.

Ang pangalawang dahilan ay ang pinakaimportante.

Samakatuwid, ayaw tulungan ni Emperor Zi Mu ang Emperor of Death, at mukhang naging tama ang kaniyang desisyon.

Bagama't hindi pa kailanman binati ni Zhao Feng si Emperor Zi Mu matapos pumasok sa Void Ocean Spiritual Palace o kahit na tumingin sa kanya nang direkta, na naging dahilan para bahagya itong hindi matuwa, nang ipinakita ni Zhao Feng ang kaniyang lakas, ang anit ni Emperor Zi Mu ay nabigla at nagsimula siyang pawis.

Samakatuwid talagang hindi pinansin ni Zhao Feng ang presensya ni Emperor Zi Mu, ngunit mayroon siyang kakayahan gawin ito.

Siya o sinumang peak Emperor ay walang magagawa.

Napakalapit…. Hindi inisip ni Emperor Zi Mu na ang kaniyang Wood Dao techniques ay kayang pigilan ang God Tribulation Lightning, at si Emperor of Zi Mu ay walang depensa ng Emperor of Death.

"Zhao Feng .... Ako'y talo, "ang Emperor of Death ay nakahiga sa lupa at nagsalita sa mapait na tono," gagawin ko ang gusto mo. "

Gawin mo kung anong gusto mo - gaano karami ang kahihiyan na nakapaloob sa apat na salitang ito? Nagulat si Emperor Zi Mu at iba pa.

"Gawin ang gusto ko? Paano kung gusto ko ang iyong buhay? Hindi ka lalaban? "Ang tingin ni Zhao Feng ay tila naglalaman ng kakayahang makita sa pamamagitan ng puso.

Maaari niyang sabihin na ang Emperor of Death ay puno ng pagkapoot at kahihiyan; kung hahayaan niyang mabuhay ang Emperor of Death, tiyak na hindi siya aalis nang payapa.

Karagdagan pa, ang tahanan ng Emperor of Death ay nasa Ten Thousand Woods Sacred Land; sinong nakaalam kung siya ay umuwi at tumawag ng ilang Emperor o Mystic Light Realm Sacred Lords para harapin si Zhao Feng?

"Zhao Feng, tratuhin mo ang iba nang tama."

Nakamamatay ang naging itsura ng Emperor of Death, na naglalaman ng senyales ng pagbabanta.

Nanatiling malamig at kalmado ang mata ni Zhao Feng.

Ang kaniyang saloobin para patayin ang Emperor of Death kailanman ay hindi nabahala, ngunit kailangan niyang harapin ang huling counterattack bago ang kamatayan ng Emperor of Death.

"Kung gayon… mamatay tayo ng sabay!" pumangit ang mukha ng Emperor of Death habang ang kaniyang kapangyarihan ng Kamatayan ay namuo at sumabog.

"Hindi maganda! Mag-ingat ka~~~!"

Sumigaw si Emperor Zi Mu at binuksan ang kaniyang Little World para harangan ang pagsabog na ikakasira ng buong Void Ocean Spiritual Palace.

Ang self-destruction ng Emperor ay mapanira.

Boom~~~!

Ang buong Spiritual Palace ay nagulat nang mabalot ito ng apoy ng Kamatayan.

Agad na nasira ang Little World ni Emperor Zi Mu, at nagawa lamang nito harangan ang 60% ng self-destruction ng Emperor of Death.

"Hmm?" Nalaman ni Emperor Zi Mu na ang kapangyarihan ng self-destruction ay 30-40% na mas mahina kaysa sa inaasahan.

Ang Void Ocean Spiritual Palace ay bumalik sa ruins, at halos kalahati ng dalubhasa ang namatay.

"Walang kwentang kalokohan!"

Isang bata na may pula at gintong pakpak ang lumitaw sa limitless ocean. Gumamit si Zhao Feng ng matinding bilis upang makatakas mula sa self-destruction.

Kasabay nito, ang kaniyang God Spiritual Eye ay tumuon sa itim na tuldok sa kalayuan.

Kung titignang mabuti, ito ay isang punit Yuan Soul na naglalabas ng pagtaas at pagbaba ng Death, at isang pares ng Eyes of Death ay lumulutang din sa hangin.

"Sky Locking Bow – Soul Lock!"

Hinatak ni Zhao Feng ang itim at mala-pila na pana, at ginto at pilak na palaso ang tumama sa ere.

Whoosh!

Ang Yuan Soul na nakatakas ng ilang daang milya ay nahirapan sa himpapawid.

Nächstes Kapitel