"Kung sinuman ang manalo o matalo, hindi na kita matutulungan pa," kinagat ng batang babaeng may puting mga mata ang kanyang labi.
Naabot na niya ang kanyang hangganan sa pagtulong sa Emperor of Death.
Matapos sabihin ito, yumuko siya sa Emperor of Death at nagpaalam nang aalis.
"Hihilahin ko lang pababa si Master kung ako ay mananatili pa. Ang aking kapalaran ay hindi sa Karagatan ng Cang - ito ay sa Continent Zone," sabi ng batang babaeng may puting mga mata at isang kakaibang ilaw ang kuminang sa kanyang mga mata nang tumingin siya sa direksyon ng Continent Zone.
"Pumapayag na ako, hindi kita pipilitin," isang malalim na sulyap ang ibinigay sa kanya ng Emperor of Death.
Kung wala ang kanyang tulong, hindi niya na mahahanap si Zhao Feng sa Karagatan ng Cang.
Higit pa rito, sinubukan niyang linangin pa ang kanyang kapangyarihan.
Sa isang punto, nagkaroon ng mga hakbang ang Emperor of Death.
"Bago ako umalis, may nais lamang akong sabihin kay Master," biglang sabi ni Bai Lin.
"Ipagpatuloy mo," sagot naman ng Emperor of Death.
"Ang mga nagmamay-ari ng God Eyes ay itinadhana ng Langit. Mahirap palitan ang mga ito at ang Ninth God's Eyes ay tila mas kakaiba. Sana, hindi mas maging baluktot ang aking Master dito…"sabi ni Bai Lin matapos ang malalim na pag-iisip.
Si Bai Lin at ang Emperor of Death ay parehong inapo ng mga tagapagbantay ng God Eye.
Kahit na iisang mundo lang ang pagkakaiba ng God Eye of Destiny at ng Eye of Destiny, ito ay ninuno at isa lamang inapo.
Kapareho lamang nito ang Eye of Death.
Upang maging may-ari ng God Eye of Death, kinakailangang patayin ng Emperor of Death ang God of Death at gamitin ang kanyang Eye of Death upang maging susunod na may-ari God Eye.
Ito ay dahil kakaiba ang God Eyes - iisa lamang ang makikita sa kalawakan.
Gayunpaman, kahit na sa mga teorya, ang hirap ng paggawa nito ay halos imposible.
Kung sa gayon, nais sabihin ni Bai Lin sa kanyang master na may mga bagay na hindi dapat ipilit
"Alam ko ang ibig mong sabihin," sandaling tumigil ang Emperor of Death bago muling magsalita nang may pagkasabik, "Gayunpaman, hindi pa talagang nagigising ang Ninth God's Eye at hindi pa rin umuusbong ang nagmamay-ari nito.
Ito ang pinakamadaling paraan upang makuha ang God's Eye.
Kung palalampasin ko ang pagkakataong ito, pagsisisihan ko ito habambuhay."
Kung ikukumpara sa pagpapalit ng orihinal na enerhiya ng nagmamay-ari ng God's Eye, ang pagkakataong ito ay isa lang sa isang trilyon.
Kahit na ang hirap sa pagpatay kay Zhao Feng ay pataas nang pataas, mayroon pa ring pag-asa at hangga't may pag-asa, hindi susuko ang Emperor of Death.
Higit pa, sa puntong ito, nakuha niya ang lubos na adbentahe sa lakas.
Sa loob ng Eighteen Corners Pirate Sacred Land, isang madilim na ilaw ang lumampas sa walang hanggang karagatan at ang lamig na nanggaling dito ay naging dahilan upang ang mga halimaw sa paligid ay tumahimik at manginig sa takot.
"Ito ang Emperor of Death!"
Kumirot ang puso ng mga piratang kanyang dinaanan.
Ang Cold Moon Emperor, si Zhao Feng at ang mga kasamahan ay nakuha ng balita ng kanyang pagdating.
Upang harapin ang Emperor of Death, inutusan ng Cold Moon Emperor ang lahat ng upper echelons ng Pirate Sacred Land na maghanda.
"Malapit na siya," naging guhit ng kidlat si Zhao Feng at lumipad sa walang hanggang karagatan.
Sumunod naman ang Cold Moon Emperor, ang batang Demigod, ang Giant Shark King at ang Ghost Scaled King.
Mayamaya pa, nagdilim ang kalangitan na tila ba isang matanda at dakilang anyo ang dumating.
"Emperor of Death!"
Ang puso ng Cold Moon Emperor at ng mga kasamahan ay nayanig nang sila ay maging alerto.
Ang taong ito ay isa sa mga pinakamatatandang Emperor sa Karagatan ng Cang at siya ay madalas tawaging isang bangungot.
"Isang bagong Emperador at dalawang Peak-Tier Kings. Zhao Feng, tingin mo ba ay mapapatay ako ng taong ito?" Puno ng panlalamig at pang-aalipusta ang boses ng Emperor of Death.
Ang sitwasyon sa kanyang harapan ay ang nakita ni Bai Lin sa Eye of Destiny kaya siya ay handa para dito.
Nagtinginan si Zhao Feng at ang mga kasamahan.
Ang Emperor of Death ay tila hindi na nagulat sa pangyayari.
Salungat dito, tila ba ito ay kanyang inaasahan.
"Emperor of Death," tumawa si Zhao Feng, "Halos lahat ng iyong kampon ay napatay ko at ang iyong disipulong si Wen Luoan ay napinsala sa iyong harapan. Doon ba nanggagaling ang kumpyansa mo?"
Nang marinig ito, nag-iba nang husto ang mukha ng Emperor of Death.
Ang pamantayang sinubukan niyang ibigay ay biglaang nabasag.
"Ipaghihiganti ko sila sa pamamagitan ng pagpatay sa iyo. Matapos ito ay hahanapin ko ang Eye of Samsara at ipaghihiganti sila at ikaw, mamamatay ka at magdurusa sa sakit buong buhay," ang ngiti sa mukha ng Emperor of Death ay nanlamig at nakamamatay.
Hindi napigilang mapasinok ng Cold Moon Emperor at ang kanyang mga kasamahan.
Ang Emperor of Death ay sadyang mabagsik; hindi niya lang nais tapusin ang buhay ni Zhao Feng, nais niyang hangarin ni Zhao Feng ang kamatayan maging sa mga susunod niyang buhay.
Bumigat ang pakiramdam sa paligid.
Ibinuka ng Emperor of Death ang kanyang mga kamay at isang malagkit at kulay itim na dimesyon ng Kamatayan ang lumitaw sa hangin.
"Munting Mundo!"
Naramdaman ng Cold Moon Emperor at ng mga kasama nito ang walang kapantay na kapangyarihan ng Munting Mundo.
Ang Little World of Death ay nilamon ang Heaven Earth Yuan Qi na nasa paligid at hinila ang lahat - lalo na ang mga kaluluwa - papalapit dito.
Ang puso ng batang Demigod at ng dalawang Peak-tier Kings ay bumigat nang maramdaman nila ang puwersa sa kanila.
Patuloy na lumaki ang sakop ng power of Death, tila ba nais nitong tapusin ang lahat sa isang iglap.
Ang Little World ay mas nagkaroon ng anyo at ito ay tila isang itim na bangin.
Sa oras na sila ay mahigop nito, ang resulta ang hindi kapani-paniwala.
"Sisirain ko lamang ang iyong Little World!" mahigpit na hinawakan ng Cold Moon Emperor ang kanyang espada at patalim at nakagawa na malalaking puwang sa kadiliman, napakalalim na ang pinakababang bahagi ay hindi na makita.
Ang interaksyon ng espada at patalim ay tila kaya nitong baguhin ang paligid at ang Munting Mundo ay hindi nakitaan ng pagiging marupok.
Ang ekspresyon ng Emperor of Death ay nagbago.
Hindi niya inaasahang isang Emperador ang babaeng ito na nahasa sa opensa.
Ang Cold Moon Emperor ay may mga hindi mapapantayang atake kahit noong siya ay isa pang Hari at siya ang pinakamagaling kung ang opensa ang pagbabatayan sa Pirate Sacred Land.
Kahit na hindi pa siya nakabubuo ng kanyang Munting Mundo, ang kanyang spatial domain ay malapit nang mabuo at bawat isa sa kanyang mga atake ay naglalaman ng kapangyarihan upang hatiin ang Langit at Lupa.
Kung sa opensa, mas malakas nang di hamak ang Cold Moon Emperor kaysa sa mga normal na Emperador.
"Umatake nang sabay-sabay!" Pinalaganap ng Giant Shark King at ng Ghost Scaled King ang kapangyarihan ng kanilang bloodline at ginamit ang lakas ng Peak-tier King upang bombahin ang Little World.
"Sacred Body Dominating Strength!" mas lumaki ang katawan ng batang Demigod at ito'y balot sa ginto.
Isang gintong imahe ang lumitaw sa kanyang likuran at naglabas ng puwersa patungo sa Emperor of Death at sa kanyang Little World.
Boom! Boom!
Sa puntong ito, ang Munting Mundo ng Emperor of Death ay nagsimulang mayanig at may mga lumitaw na puwang dito.
Ang kanyang katawan ay naging kasing bigat ng Sacred Body Dominating Strength na pinatama patungo sa kanya.
Minaliit ng Emperor of Death ang Cold Moon Emperor at ang dalawang Peak-tier Kings pati na rin ang paglaki ng batang Demigod.
Matapos na maabot ang gitnang yugto ng Void God Realm, naabot ng Golden Kun Sacred Body ng batang Demigod ang unang yugto ng ikalimang lebel kaya naman kinaya niyang harangan ang mga Emperor sa ilang mga oras nang walang hirap dahil sa kanyang napakalakas na Intent.
"Hindi ko inaasahang magiging tagapagsilbi ng tampalasang iyon ang batang Demigod," lumingon ang Emperor of Death sa batang Demigod.
Tumigas na ang mga galaw ng batang Demigod ngunit patuloy pa rin siya sa pag-atake sa Little Wolrd of Death.
Sa puntong ito, hindi pa pumapasok sa laban si Zhao Feng at nayayanig na nang bahagya ang Munting Mundo ng Emperor of Death.
Gayunpaman, sadyang kakaiba ang Little World; nilamon nito ang Heaven Earth Yuan Qi at ginawa nitong mga buto na lamang ang mga nilalang sa paligid.
Ang mga bahagi ng atake mula sa labas na mundo ay kayang lamunin ng Little World at gamitin ito bilang sarili nitong kapangyarihan o kaya'y pabalik sa kalaban.
Katulad lang ito ng Death Forcefield.
Kahit na ilang mga Emperador ay hindi kayang basagin ang Munting Mundo sa maiksing panahon lamang.
"Ang Emperor of Death ay hindi kaagad na umaatake kagaya ng dati; ginagamit niya na lamang ang Little World. Mayroon siyang pinaplano.
Hindi nakisali si Zhao Feng sa atake - hinihintay niya ang susunod na galaw ng Emperor of Death.
Ang Little World na ito ay magaling sa depensa at suporta; ang opensa nito ay katamtaman lamang.
"Death Spirits of Hatred!" Ang Eye of Death ng Emperor of Death ay nakagawa ng maitim na ipo-ipo at ilang mga katakot-takot na aura ang lumabas mula sa ipo-ipo.
Wuu~~~
Ilang mga kahindik-hindik na sigaw ang narinig mula sa Little World.
Shua! Shua! Shua!
Tatlong espiritu ng galit, bawat isa ay ilang daang yarda ang tangkad ang lumitaw mula sa Eye of Death.
Ang nasa pinaka-gitna ay naglabas ng aura na maihahambing sa isang Emperor.
"Ang kaluluwa ng galit ng Emperador…!" inusisa ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang mga kaluluwang ito.
Ang espiritu ng galit ng Emperador ay kamukha ni Emperor Mu Yun ngunit hindi siya talaga ito.
Tila may iba pang mga soul aura ang galing sa Emperador at makikipagsanib-puwersa rin dito.
Ang mga aura mula sa dalawa pang espiritu ay maihahambing sa Peak-tier Kings.
Sa kabila ng mga sigaw, ang tatlong espirito ng galit ay tumungo sa Cold Moon Emperor, sa Giant Shark King at sa Ghost Scaled King.
Nalito ang kanilang mga puso at hindi mapakali ang kanilang mga kaluluwa.
Bawat isa sa mga espiritu ay gawa sa tatlong parte ng kaluluwa ng mga Emperor o mga Hari.
Ang Cold Moon Emperor, Giant Shark King at Ghost Scaled King ay napilitang umatras.
Ang tatlong espiritu ng galit ay hindi lang normal na mga espiritu ng galit - mayroon sila malalakas na offensive Soul pati na rin ang kakayahang bawasan ang pinsala ng pisikal na atake.
Ang Cold Moon Emperor ay walang adbentahe kung kaluluwa ang pagbabasehan at napigilan ng Emperor-level spirit.
Ang Giant Shark King at ang Ghost Scaled King ay napilitang umatras dahil sa King-level spirit.
"Hmph, maliliit na espiritu. Papatayin ko muna ang dalawang King-level spirits…" Malamig na hagikhik ni Zhao.
"Mental Energy Spike!" Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay naglabas ng higante at kulay lilang Mental Energy Spike na napalilibutan ng bigkis ng misteryosong kidlat.
Boom!
Isa sa mga King-level spirits ay agad na napatay ng Mental Energy Spike.
Kailangang malaman na ang Mental Energy spike ni Zhao Feng ay naglalaman ng kapangyarihan ng God Tribulation Lightning na nakapagbigay ng pinsala sa mga kaluluwa.
Ang lahat ay nagulat sa abilidad ni Zhao Feng upang talunin ang Peak-tier King sa isang iglap.
Nang si Zhao Feng ay bahagyang nasiyahan, nagbago agad nang husto ang kanyang ekspresyon nang may maramdaman ito.
"Master, iligtas mo ako~~~~!" Sigaw ng batang Demigod.
"Gaze of Death!" Ang madilim na Eyes of Death ng Emperor of Death ay lumapag sa batang Demigod mula sa Munting Mundo.
Ang batang Demigod at namilipit sa sakit gaya ng isang nanghihinang Yuan Soul na aalis na sa katawan nito.
Nang gamitin ni Zhao Feng ang Mental Energy Spike, ginamit naman ng Emperor of Death ang Gaze of Death.
"Ang kanyang inaasinta ay ang batang Demigod!" Nahirapan ang puso ni Zhao Feng at napagtanto niyang nalinlang siya ng Emperor of Death.
Ang mga espiritu ng galit ay ipinatawag lamang upang gamabalain siya.
Kahit na malakas ang Intent ng batang Demigod, ang kanyang kaluluwa ay nasa lebel pa lang ng isang Hari.
Sa lahat pa ng ito, ang kanyang kasanayan ay pagpapalakas ng katawan at kahit sa kaniyang pamumuhay noon, mahina ang kanyang kaluluwa.