webnovel

Paglitaw

Redakteur: LiberReverieGroup

Ang mga larawan sa pader ay parang tumatalon at lumilitaw sa ilang mga patyo sa unahan. Ilang mga babaeng mayroong sinaunang kasuotan ay sumasayaw habang mayroong tumutugtog na qin sa tabi nila, gumagawa ng isang mapayaba at kalmadong kapaligiran. Sa dalawang banda ng kantahan at sayawan ay mayroong ilang mga opisyales at isang King.

Mahirap malaman kung ano ang totoo sa ilusyon. Ang lahat ng mga tao ay nakangiti at walang humpay na naguusap-usap.

Bahagyang nasurpresa si Zhao Feng. Nakaramdam siya ng isang pumipigil na puwersa nang sinubukan niyang humakbang paharap. Ang mga imahe na lumitaw mula sa mga pader ay tila ba may totoong mga kapangyarihan. Ang himig ng mga kantahan at ang mga opisyales na naroroon ay mayroong abilidad na baguhin ang katotohanan. Siyempre, ang kaunting pagpipigil na ito ay hindi magagawang mapigilan si Zhao Feng.

Subalit, ang problema ay ito pa lamang ang ika-unang palapag. Mahirap isipin kung anong klase ng mga kapangyarihan mayroon sa mga mas mataas na palapag.

"Ito ay mga libangan lamang sa buhay," bahagyang ngumiti si Li Xueyi at tumuro gamit ang kaniyang daliri, nagdulot upang maglaho ang lahat ng mga imahe. Ang mga hakbang patungo sa ikalawang palapag ay lumitaw, at hindi mapigilan ni Zhao Feng ang kaniyang sarili kundi mamangha. Ang sayawan at kantahan na madaling nakakaapekto sa katotohan ay inaasikaso ng isang tao na nagcultivate ng Dao of Entertainment. Kung ito ay ibang taong hindi nakakaintindi ng Dao of Entertainment, kakailanganin nila ng napakatagal na oras upang makatagos dito.

"Dahil hindi isang normal na bukasan ito, walang kahit anong gantimpala sa dulo ng bawat, o kahit ano mang inheritance," bulong ng isang elder.

Noong kusang bumukas ang Fan Lun Ancient Sound Palace, ang mga henyong nakalagpas sa isang tiyak na bilang ng mga palapag ay mabibigyan ng naaayon na mga gantimpala. Ang ilan ay maaaring maging mga kayamanan samantalang ang iba naman ay maaaring mga techniques o comprehension. Ang ilan ay makakakuha pa ng inheritances ng iba't ibang ekspertong nagcultivate ng Dao of Entertainment. Subalit, dahil hindi ito isang normal na bukasan, walang magiging ganoon.

"Dahil walang gantimpala, isang tao lamang ang kailangang makalagpas sa entablado at makakapasa na ang lahat," tumango ang Palace Master. Ang kanilang layunin ay hanapin kung nasaan ang kahinaan ng Fan Lun Ancient Sound Palace.

Matapos pumasok sa ikalawang palapg, lumitaw ang mga kabundukang nababalot ng hamog mula sa mga pader, at ang tunog ng kalikasan ay maririnig mula sa bawat direksyon. Isang malakas na atungal ng tigre ang nagmula sa kailaliman ng isang bundok at nagdulot upang pumagaspas ang mga kadamitan ni Zhao Feng. Ang puwersa rito ay mas malakas kaysa sa mga naunang palapag, at ito pa rin ay naisasailalim sa katotohanan na nakaabot na si Zhao Feng sa Void God Realm; kung ito ay isang henyong mas mababa sa Void God Realm, malamang yayanig ang kanilang mga kaluluwa.

"Isang walang kuwentang atungal ng tigre…!" Lumutang paharap si Li Xueyi, at ang imahe sa kanilang mga harapan ay nagsimulang gumuho bago pa man ito tuluyang mabuo. Hangga't naiintindihan ng isang tao ang partikular na aspeto ng Dao of Entertainment sa bawat palapag, malalampasan nila ito. Ang lahat ng ito ay ginamit lamang upang subukin ang manghahamon, subalit pakiramdam ni Zhao Feng na ang mga imahae sa pader ay hindi lamang mga simpleng ilusyon.

Madaling nakalagpas si Li Xueyi sa unang sampung mga palapag. Siya ay napakatalentado sa larangan ng Dao of Entertainment, at nakaabot na siya noong pitong taon nang nakalipas sa 32nd floor.

Nagsimula na siyang bumagal nang kaunti matapos ang 15th na palapag.

Ang paglagpas sa mga palapag ay nakasalalay sa pag-intindi at mastery ng Dao of Entertainment, hindi sa cultivation, mahihinuha ni Zhao Feng, kung hindi ito totoo ay malamang hindi nakaabot si Liu Qinxin sa 32nd na palapag o mas mataas pa nakaraang pitong taon.

Sa 20th na palapag, sunod-sunod na gumapang palabas sa mga pader ang mga ancient beasts, at ang kanilang bawat aura ay kayang sumakop ng isang True Lord Rank. Ngayon ay kinailangan na talagang umatake ni Li Xueyi. Binuksan niya ang kaniyang bibig, at ang himig ng isang anghel ang tumagos sa himpapawid at ginawang alikabok ang mga halimaw na ito.

Sa ika-28th na palapag ng Fan Lun Ancient Sound Palace, mayroong isang guwapong lalaking nakaputi na nakaupo sa harapan ng isang bundok at maingat na hinahawakan ang kaniyang qin habang nakikinig siya sa tunog ng mga tubig sa talon. Ang lalaking nakaputi ay ngumit nang tumingin siya sa grupo.

"Void God Realm King!" Kahit na itinago ng lalaking nakaputi ang kaniyang aura, si Zhao Feng ay labis na nagulat.

"Mga bisita mula sa malayo, bakit hindi kayo tumugtog ng isang kanta at magsaya sa tanawin kasama ako?" Ang boses ng lalaki ay may dalang isang kalmadong pakiramdam. Kadalasan, si Li Xueyi ay umaakyat upang tumugtog ng isang kanta at uminom kasama ang lalaki, kinukuha ang maganda niyang loob upang makapasa.

Ang cultivation ng lalaking ito ay nakaabot na sa Void God Realm, kaya't ang mga nanghahamon ay kadalasan hindi mapipilit na makalalagpas dito, biglang nagningning ang mga mata ni Zhao Feng.

Aakyat pa lamang si Li Xueyi nang siya ay pigilan ni Zhao Feng.

Siya at ang mag-asawa ay nagpakita ng naguguluhang ekspresyon. Lumakad si Zhao Feng paharap at nagpadala ng isang suntok patungo sa lalaking nakaputi.

Boom!

Ang suntok na ito ay naglalaman ng Magnificent Power ni Zhao Feng pati na rin ng dobleng domains ng Illusion Maze Domain at ng Wind Lightning Domain.

"Ikaw…!" Sumigaw ang lalaking nakaputi nang siya ay mapatalsik at mapasuka ng dugo dahil sa kamao ni Zhao Feng.

Whoosh!

Ang lalaki at ang iba pang kabilang sa mga ilusyon ay bumalik sa pader.

"Mas nakakatipid ito ng oras," ipinalakpak ni Zhao Feng ang kaniyang kamay at sinenyasan si Li Xueyi upang patuloy na maglakad.

Ang antas ng kahirapan ng mga yugto ay mas tumataas matapos ang ika-30th na palapag. Halimbawa, mayroong isang nakakulong na mala-alamat evil dragon sa 33rd floor, at ang makapangyarihang aura ng isang dragon bloodline ang nagdulot upang yumanig ang mga puso ng nasa grupo. Ang Mystic Ice Scaled Race bloodline lamang ni Zhao Feng ang nanatiling hindi apektado.

Boom!

Ang kulungang pumipigil sa evil dragon ay nagsimulang yumanig, at malamang ay hindi na ito makakatagal hanggang kalahating paghinga.

"Isa itong mahinang descendant ng legendary True Dragon race," lumitaw ang batang Demigod at tumitig sa evil black dragon. Kahit na isa lamang itong mahinang descendant, mayroon pa rin itong battle-power na maikukumpara sa isang Void God Realm Emperor sa pamamagitan lamang ng malakas na pisikal na katawan nito.

"Natalo ako sa palapag na ito nakaraan, subalit nakatagpo ako ng ancient beast noong nakaraang pitong taon," sambit ni Li Xueyi.

Ang palapag na ito ay napakahirap malagpasan; kinailangan nilang paamuhin ang dragon gamit ang kapangyarihan ng Dao of Entertainment. Nakikita ni Zhao Feng na, kahit malakas ang dragon, hindi ito masiyadong matalino. Gayunpaman, ang pag-amo sa isang dragon at ang pagpapabalik nito sa pader ay isang napakahirap na gawain.

Kumpara noong nakaraang pitong taon, ang kasalukuyang mastery ni Li Xueyi sa Dao of Entertainment ay mas madaling lumakas. Lumakad siya patungo sa kulungan at nagpakawala ng isang kalmado at payapang aura, sunod ay nagsimula na siyang sumayaw at kuamnta. Ang titig ng evil dragon ay nabaling kay Li Xueyi, at ang magulong mga emosyon nito ay sa wakas nagsimula nang kumalma. Makalipas ang apat na oras, ang evil dragon ay nakatulog na, at ang eksena ay bumalik na sa pader.

Habang papalapit na sila sa 40th floot, ang pagsubok ay sampung beses na mas lumala, at hindi na magawang masakop ni Li Xueyi ang mga palapag kahit sa pag-intindi at mastery na mayroon siya ngayon sa Dao of Entertainment. Buti na lamang, hindi lamang siya ang nakapasok sa Fan Lun Ancient Sound Palace; naroroon din sina Palace Master at ang First Elder.

Sa ika-40th na palapag, isang matandang lalaki na mayroong mahabang balbas ang lumitaw sa isang bundok at nagbigay sa kanila ng tatlong kakaibang katanungan na hindi lamang sumusubok kanilang Dao of Entertainment subalit pati na rin sa ilang teorya ng Destiny. Kahit ang mag-asawa ng Sky Sacred Qin Palace ay nahirapan sa yugtong ito. Si Zhao Feng at ang batang Demigod ay parehas na hindi makita kung ano ang nasa aura ng matandang lalaking ito.

Sa puntong ito, ang mga yugto ng Fan Lun Ancient Sound Palace ay hindi lamang tungkol sa Dao of Entertainment, ito rin ay patungkol sa pilosopiya at Destiny. Buti na lamang, hindi na nila kailangang umasa sa iisang tao lamang. Si Li Xueyi at ang mag-asawa ang naging pangunahing puwersa samantalanag ang munting pusang magnanakaw at ang batang Demigod ay tumutulong sa kanila. Nagiging bahagyang banal ang munting pusang magnanakaw at sinusuportahan sila, samantalang ang batang Demigod naman ay nakaabot na sa isang mataas na level ng Intent at naranasan na niya ang God Tribulation at ang muling pagkabuhay sa pamamagitan ng dugo, kaya't ang kaniyang pag-intindi sa buhay ay tiyak na hindi basta-basta. Ang kanilang pinagsamang katalinuhan ay hindi malalampasan.

Gumugol sila ng kalahating araw upang makalagpas na sa palapag na ito.

"Hehe… Heaven's Legacy Cay?" Ang matandang lalaking mayroong mahabang balbas ay ngumiti nang tumitig siya sa munting pusang magnanakaw.

Miao miao!

Tila ba napaisip ang munting pusang magnanakaw nang tumingin ito sa matandang lalaki na mayroong bihira at kakaibang mga emosyon.

Whoosh!Naglaho ang tanawin, at ang matandang lalaki ay bumalik nasa pader.

Mayroong kabuuan ng 49 na palapag sa Ancient Sound Palace, at mayroon na lamang siyam na natitira. Ang pagsubok sa susunod na siyam ay napakataas, at maaaring mayroong mga mala-alamat na eksenang magpapakita na maaaring hindi malagpasan ng purong kapangyarihan lamang.

"Kahit ang isang taong nasa Heavenly Divine Realm ay hindi magagawang sapilitang makalagpas dito…" Ang ekspresyon ng batang Demigod ay naging taimtim, subalit buti na lamang hindi ito isang normal na pasukan, kaya't maaari silang umatras at subuking muli ang bawat palapag kung hindi sila agad-agad na makakapasa. Dahil ang mga normal na bukasan ay namimigay ng mga gantimpala, hindi mo maaaring subukan ang isang palapag nang paulit-ulit.

44th na palapag… 45th… 46th.

Ginawa ng lahat ang kanilang makakaya at sa wakas napagtagumpayan na ang mga yugto. Ang ika-47th ay kumunsumo ng kalahating buwan at ilang beses na pagsubok upang malagpasan. Nang muli silang pumasok sa palapag, maaaring nagbago ang pagsusulit.

Nagsimulang manlamig ang puso ni Zhao Feng. Kahit na talentado si Liu Qinxin, maaaring hindi siya makatagal dito sa cultivation na mayroon siya noon. Siyempre, nakalimuta ni Zhao Feng na kadalasan mayroong mga gantimpala, comprehensions, at kahit mga inheritances dito.

"Ikaw-48th na palapag!" Ang mag-asawa mula sa Sky Sacred Qin Palace ay nananabik. Malinaw na, ang founder ay nakaabot lamang sa 40th na palapag, subalit ito ay sa pamamagitan lamang ng kaniyang sariling abilidad. Sa kasalukuyan, maaari silang magtulungan at magpatuloy sa pagsubok, subalit hindi naman talaga maaaring ituring na ito ay ang kanilang sariling abilidad. Dagdag pa rito, binati sila ng munting pusang magnanakaw at ng batang Demigod.

48th na palapag. Ang bilis ng pagpasa nila sa palapag na ito ay napakabagal. Isa, dalawa o tatlong tao lamang ang lumilitaw. Kung hindi sila kakanta, magpapatugtog ng mga instrumento, o maglarawan, sila naman aynaglalaro ng chess. Ang bawat isa sa mga taong lumitaw ay mga tunay na santo ng Dao of Entertainment. Ang kanilang mastery ng Dao of Entertainment ay nakaabot nasa isang antas na labag na sa kalangitan.

Ang isa sa mga babae ay tumutugtog ng isang pluta, nagdulot upang makapasok sa isang nananaginip na estado na hindi maaaring takasan ang pakay. Buti na lamang, nagpapadala sila ng isang tao sa bawat oras, kaya't naililigtas sila ng iba pang mga nasa grupo.

Mayroon ding sagupaan sa pagitan ng mga manlalaro ng chess. Sa eksena, dalawang elders ang naglalaro ng chess at wala silang alam tungkol sa mundo sa labas. Isang elder ang bumalik mula sa Qin Palace ay malakas ang loob niya sa kaniyang chess skills at humiling na siya ang kumatawan sa kanila subalit dali-dali siyang nanigas nang makalapit siya sa chess board.

"Oras… ang kapangyarihan ng Time!!" Ang ekspresyon ng batang Demigod ay labis na nagbago. Ito ay ang domain ng Gods.

Isang anyo mula sa mga pader na ito ay mayroong kapangyarihang nakakaabot sa kalangitan. Napahinto ng 48th na palapag ang bawat isa, at nagagawa lamang nilang maingat na umatras, at til ba siya ay isang diyosang mula sa isang pinta. Ang babae ay elegante at tahimik. Tila ba mayroon siyang nakangusong ekspresyon, at mayroon siyang isang qin sa tabi niya.

"Ang anyong ito…" Natuklasan ni Li Xueyi na bahagyang pamiyar ang anyo.

"Qinxin! Paano…?" Labis na nagbago ang ekspresyon ni Zhao Feng nang tumitig siya sa diyosang nakaputi mula sa mala-ilusyong tanawin.

Nächstes Kapitel