webnovel

Pag-alis ng God Eye sa Katawan

Redakteur: LiberReverieGroup

Sa kalangitan sa itaas ng walang hanggang karagatan, isang pares ng mga maiitim na mata ang nakatingin na tila ba ito ang Heavenly Dao. Naglalaman ito ng isang ipo-ipo na tila ba inaabot ang World of Death.

"Gaze… of… Death!" Isang malamig na boses ang umalingawngaw sa dagat. Sa pagkakataong iyon, nagpakita ang Eye of Death at ginamit nito ang Soul Dao Forbidden Techniques na napakasikat sa buong Cang Ocean.

Ang lahat ng nasa loob ng sampung libong milya, tao, hayop, halimaw, ay natakpan ng mga anino ng kamatayan, at nagsimula na silang manginig. Hindi nila masalag ang kapangyarihang ito. Tila ba ito na mismo ang Heavenly Dao.

Tila ba isa itong elder na namamatay na dahil sa edad; hindi nila mapigilan ang mga yapak ng kamatayan. Ang Intent of Death ay kapareho ng Intent of Time. Pareho silang kapangyarihan ng Heaven at Earth na hindi na pwedeng pabalikin pa.

Pamilyar nang bahagya si Zhao Feng sa pakiramdam na hindi niya makontrol ang kanyang buhay. Kung babalikan sa Purple Saint Ruins, nang kaharapin niya ang kapangyarihan ng Token of Death nang unang beses, ganoon rin ang kanyang naramdaman. Ang tanging pagkakaiba lamang ay ang "Gaze of Death" dati ay isang pinasimpleng bersyon, samantalang sa ngayon, ang Eye of Death ay talagang nagpakita sa ere; ilang beses pa itong mas malakas kaysa sa dati.

"Ang ganitong pakiramdam…!" Ang Skeletal Division Leader na nasa Ghost Corpse Cursed Array ay naramdaman na tila ba umaalis sa kanyang katawan ang kanyang kaluluwa, at napahiyaw na ito. Isa lamang itong shockwave mula sa Gaze of Death.

"Ang Eye of Death ang siyang kumokontrol sa Intent of Death at tinatapatan nito ang lahat ng may buhay, lalo na ang mga kaluluwa…" Huminga nang malalim ang batang Demigod; nagulantang siya. Bukod pa sa katotohanang hindi niya pa naabot ang Void God Realm, kahit na maging isa pa siyang King o Emperor, hindi siya kampante na kaya niyang salagin ang kapangyarihan na ito.

Halos walang kahit sino ang kayang lagpasan ang Emperor of Death sa pag-unawa nito sa kamatayan at mga kaluluwa.

Hu~~

Ang bilis ng paghinga ng batang Demigod ay tumulin habang nakaramdam ng presyon ang kanyang kaluluwa. Kahit ang sensasyon ng kamatayan at peligro ay hindi kasinglakas ng nararamdaman ng Skeletal Division Leader, ang pakiramdam na hindi mo makontrol ang iyong buhay ay nakakapangamba. Hindi niya mapigilang mapatingin kay Zhao Feng, ang kabataang may mabangis na lilang buhok na siyang tunay na tinutudla ng Gaze of Death.

Ang Gaze of Death ay tinataguriang isang single-target attack skill, pero dahil ang Intent of Death nito ay napakalakas, kaya nitong hatakin ang kaluluwa ng mga mahihina sa malapit.

Nanigas si Zhao Feng at nagsimulang manlaban. Isang hindi mapigilang power of Death ang bumalot sa kanyang katawan. Ang kanyang kaluluwa at kamalayan ay nabalutan ng isang ipinagbabawal na kapangyarihan at paalis na ito sa kanyang katawan. Hindi na makontrol ni Zhao Feng ang kanyang katawan, at namumuo na ang pawis sa kanyang noo, pero ang lakas ng kanyang loob sa kanyang mga mata ay hindi naglalaho.

"Gaze of Death? Itong atake na naman? Emperor of Death, hindi mo man lang ba kayang maging malikhain?" Isang lilang liwanag sa kaliwang mata ni Zhao Feng ang lumakas nang lumakas nang padaluyin nito ang Ten Thousand Divine Thoughts Technique – ang Supreme Soul Dao Technique – upang mapigilan ang nanghahatak na pwersa.

Boom!

Ang Eye Intent ni Zhao Feng ay nakabuo ng isang bundok na siyang dumurog sa itim na mata o black eye.

"Ang lalaking ito…!" Ang siyam na Death Guards ay hindi makapaniwala nang protektahan nila ang mga Tokens of Death.

Ang panlalaban ni Zhao Feng sa Gaze of Death ay mas malakas pa kaysa kay Emperor Mu Yun. Mayroon pa nga siyang kakayahan na makaatake pabalik.

"Gaze of Death? Hmph! Bakit naman ako hindi magiging handa para dyan?" Isang lilang karagatan sa kaliwang mata ni Zhao Feng ang nagpakita. Gamit ang kanyang Eye Intent, kaya niyang labanan ang Gaze of Death kahit na mahirap.

Binasa ni Zhao Feng ang mga alaala ng naunang Death Guard, kung kaya alam niyang ginamit ng Emperor of Death ang technique na ito para alisin ang kaluluwa ni Emperor Mu Yun.

Isa lamang iyan sa mga rason, pero may isa pa siyang mahalagang punto; naunawaan na rin ni Zhao Feng ang Dark Eye Secret Technique kanina, na naglalaman ng mga techniques ng Emperor of Death.

Kahit na hindi ito naglalaman ng mga offensive techniques o mga deskripsyon ng Gaze of Death, hindi nito pinigilan si Zhao Feng na maunawaan kung paano gumagana ang power of Death. Ito ay dahil sa si Zhao Feng ay handa naman para sa Gaze of Death.

Ang kanyang God's Spiritual Eye ay napakatatag laban sa mga Soul Dao attacks, at ang Ten Thousand Divine Thoughts Technique ay isang supreme secret technique na kahit ang mga Emperors ay gusto ito.

"Emperor of Death!" Ngumisi nang malamig si Zhao Feng na siyang umalingawngaw sa buong soul-dimension, "Kailangan mo pa ng isang buwan para tuluyang mapagaling ang iyong soul-power, pero sa ngayon, kalahating buwan pa lamang ang nakalilipas at gumagamit ka na agad ng isang ipinagbabawal na sikretong technique."

Nang marinig ito, ang mga puso ng Death Guards at ang Yin Yang Lord's Yuan Soul ay nalaglag. Ang mga ipinagbabawal na techniques ay gumagamit ng maraming enerhiya, at ang Emperor of Death ay ginagamit ito sa isang malaking distansya.

"Mawawalan ka na ng matitirang enerhiya kung makakalaban pa ako ng sampung hininga," gumamit si Zhao Feng ng mga salita para makuhang umangat habang nanlalaban.

Isang malamig na pagkislap ang makikita sa Eyes of Death.

"Zhao Feng, mabilis kang lumakas, pero mukhang minamaliit mo ang kontrol ng Eyes of Death sa Laws of Death and Souls," isang nakakapangatog na boses ang maririnig.

Weng~~~

Ang ipo-ipo sa mga itim na mata ay nagsimulang umikot, at lalong tumaas ang panghatak na pwersa.

Ang katawan ni Zhao Feng ay nagsimulang maging malamig habang ang kanyang lifeforce ay nagyeyelo. Alam niyang dahil ito sa Eyes of Death na may kontrol ng laws of Death, at kahit anong nabubuhay na tao ay nalalamangan ng kapangyarihang ito. Halata namang matatanggal na si Zhao Feng sa listahan ng mga nabubuhay na nilalang.

Ang panghatak na pwersa ay nagsimula nang tumaas, at nanghihina na rin ang kaluluwa ni Zhao Feng.

Hindi ko ito hahayaan! Nanlamig ang puso ni Zhao Feng. Malamig naman na talaga ang kanyang katawan mula simula, at wala na rin naman siyang kontrol rito. Ang tanging kaya niyang kontrolin ay ang kanyang kaluluwa… At ang God's Spiritual Eye na lumalaban sa humahatak na pwersa.

Subalit, ang pwersa mula sa Gaze of Death ay nagsisimula nang maging malakas. Sa ilalim nito, ang katawan ni Zhao Feng ay palamig lamang nang palamig habang lumalapit na ito sa kamatayan.

Sa bawat hininga na lumilipas, ang panlalaban ni Zhao Feng ay nanghihina na. Ang kanyang ispiritwal na anyo bilang ay nasa bingit na nang pagkakahatak mula sa kanyang katawan – ang kanyang kaluluwa.

Napakalakas ng kaluluwa ni Zhao Feng; nababalot ito sa isang kulay lilang kidlat, at ang aura nito ay mas malakas pa kaysa sa mga hari.

"Ito na ba ang katapusan?" Ang mga katawan ng batang Demigod at ang Skeletal Division Leader ay nanigas habang nababalot sila ng anino ng kamatayan. Sa kabutihang palad, ang Gaze of Death ay nakatuon kay Zhao Feng, kung kaya ang kailangan nilang tiisin ay ang mga tira-tirang mental energy pressure.

Subalit, sa pagkakataong maaalis na ang kaluluwa ni Zhao Feng sa kanyang katawan, mayroong isang malakas na pwersa ang biglang nanlaban.

Weng~~~

Biglang napakislot ang kaliwang mata ni Zhao Feng.

Gusto mong kunin ang kaluluwa ko? Kung maaalis mo lang naman ang God's Spiritual Eye…

Nanlaban si Zhao Feng nang todo todo. Ang God's Spiritual Eye ay ang kanyang pinakamalakas at huling hanay ng depensa.

Ang soul-power at eye-bloodline ni Zhao Feng ay talagang magkatugma sa isa't isa, at mahirap silang paghiwalayin. Kung babalikan, ang buong rason kung bakit nagsama ang God's Spiritual Eye sa kanya ay dahil sa kanyang kaluluwa, sobrang tugma nito sa God's Spiritual Eye. Kung hindi ito ang kaso, hindi siguro siya "pipiliin" ng God's Spiritual Eye.

"Ito ang proteksyon ng isang God Eye…!" Kataimtiman at pagkabahala ang makikita sa Eyes of Death sa unang pagkakataon.

Ang ikasiyam na God Eye ay isang pag-iral na katapat ng ninuno ng kanyang bloodine – ang God Eye of Death.

"Emperor of Death! Tingnan natin kung gaano ka katagal na mananatiling ganyan!" Pag-atungal ni Zhao Feng sa soul-dimension.

Peng! Peng! Peng! Peng!

Nagsimulang mayanig ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng. Tila ba nagising ito sa isang mahimbing na pagkakatulog, at isang makapangyarihang aura ang nagmumula rito.

Boom!

Ang God's Spiritual Eye ay nagbuga ng isang luma at napakadominanteng aura na tila mababa ang tingin sa lahat ng nasa mundo. Sa pagkakataong iyon, tila ba isa siyang diyos. Ang bawat pag-iisip niya ay pinapayanig ang araw at buwan.

"Ang aura na iyan…!" Ang kaluluwa ng lahat, kalaban man o kakampi, ay nagsimulang manginig na tila ba langgam lamang sila.

Kabaliwan ang makikita sa mga mata ni Zhao Feng. Sumuko na siya sa pagdedepensa laban sa Gaze of Death.

Sugod!

Ang pinakamabisang depensa ay isang magandang opensa.

"Ha!" Humiyaw si Zhao Feng habang ang kanyang kaluluwa ay naglabas ng isang ancient aura na kayang yanigin ang mga bituin. Pinadaloy niya ang kanyang Eye Intent habang kinokolekta niya ang kanyang soul-power at umasinta siya sa maitim na mata sa ulap. Nang sumuko na siya sa panlalaban, ang kaluluwa ni Zhao Feng at ang kanyang God's Eye Power ay sumugod sa Emperor of Death na tila isang halimaw.

"Ano…!?" Napabulalas ang Eyes of Death nang makaramdam ito ng isang ancient na dominanteng kapangyarihan.

Shua!

Ang kamalayan ni Zhao Feng at ang God's Spiritual Eye ay umalis na sa kanyang katawan. Sa parehong pagkakataon, ang kaliwang mata ni Zhao Feng at ang kulay ng kanyang buhok ay parehong naging itim ulit.

Isang nakagugulat na eksena ang makikita; isang kulay lilang God Eye sa kalangitan ang nagpakita at hinarap ang Eyes of Death.

May iskarlet na Wind Lightning ang kumislap sa ibabaw nito.

Ang lilang God's Eye ay hindi lamang isang imahe – totoo ito. Makikita ang pupil at sclera nito sa ere. Ang matang ito ay tila ba may buhay. Hindi lamang ito isang Eye of Heaven o isang ispiritwal na anyo.

Ang God's Eye na iyan ay wala na sa katawan ni Zhao Feng. Umanib na ito sa kanyang kaluluwa sa ere.

Ang pag-alis ng God's Eye sa kanyang katawan! Naramdaman ni Zhao Feng na ang kanyang soul-power ay napakalakas noon mismo – hindi ito hihina sa lebel ng mga Void God Realm Emperors.

Kapag naabot na ng isang tao ang Void God Realm, ang kanilang Yuan Souls ay umaalis na sa kanilang katawan. Pwedeng mamatay ang kanilang pisikal na katawan basta hindi lamang maapektuhan ang kanilang kaluluwa.

Nagkaisa ang kaluluwa ni Zhao Feng at ang kanyang God's Eye at naging isa itong "Yuan soul". Sa ganitong estado, ang pagiging tugma ni Zhao Feng sa kalangitan at kalupaan ay napakataas, kung kaya pwede siyang makalaban kahit kaluluwa lamang siya.

"Emperor of Death, tingnan natin kung maaalis mo sa akin ang God's Spiritual Eye o hindi!" Isang layuning makipaglaban ang dumaloy sa kulay lilang God's Eye ni Zhao Feng.

Boom!

Ang lilang God's Eye ay tumawag ng hangin at kidlat, at mayroon pa nga itong mahinang aura ng God Tribulation Lightning nang harapin nito ang Eye of Death.

Crack! Crack! Crack!

Sa harap ng ganitong pwersa, ang siyam na Tokens of Death sa kamay ng mga Death Guards ay nabasag.

Bammmmm~~~~~!

Ang kulay lilang God's Eye at ang itim na Eyes of Death ay nagkasagupaan sa kalangitan.

Nächstes Kapitel