webnovel

Spiritual Race Bloodline

Redakteur: LiberReverieGroup

Sa pinaka-Spiritual Peak, may nakalagay na malaking entablado sa tuktok ng bundok sa Mystic True Sacred Clan. Ito ay tinatawag na True King Stage, at napakasikat nito. Ilang dosenang milenya na rin itong naroroon.

Sa Mystic True Sacred Clan, naroroon ang entablado kung saan mga Kings lamang ang may karapatang makipaglaban. Walang lugar ang mga normal na eksperto o mga Core disciples dito.

Sa araw rin na iyon ay nakatirik ang araw, at nakatutok sa dalawang anyo na nagtititigan sa isa't-isa sa True King Stage.

Isa sa kanila ay isang mayabang na bata kung saan ang mga kamay nito ay nasa likod niya. Matalim ang tingin niya, at para ba silang mga bituin, habang siya'y naglalabas ng imperial aura.

Kapag tumingin ka sa kaniya ay para bang nakatingin ka rin sa bola ng divine silver light.

Siya ay si Nan Gongsheng, ang numero unong henyo ng True Martial Sacred Land.

"Zhe zhe, sinong makakapantay kay Nan Gongsheng sa nakababatang henerasyon, maliban kay Meng Xi?"Isa nang hari si Nan Gosheng. Kahit pa si Meng Xi o si Zhao Feng ay hindi makakatagal ng sampung moves laban sa kaniya."

Maraming Core disciples ang nagtipon sa paligid ng entablado.

Sa kabila ng entablado ay may isang babaeng naka-damit lila. May kabigha-bighani siyang ganda, at kasing put ing nyebe ang balat niya.

Base sa itsura, maaaring si Meng Xi ng Thousand Darkness Sacred Clan lamang ang maikukumpara sa kaniya.

Napuno ang tingin ng ibang kalalakihan nang matingin sila sa kaniya.

"Siya ang Zhao Yufei na iyon?"

"Ang hirap paniwalaan na natalo sina Chen, Nan, at Jiang Fan sa kaniya."

Pag-uusap-usap ng mga tao.

Kahit pa kaunti lamang ang naniniwalang may tiyansang manalo si Zhao Yufei, naabot niya pa rin naman ang peak ng henerasyon na ito sa pamamagitan lamang ng pag-punta rito.

Mas bata si Zhao Yufei kumpara kay Nan Gongsheng.

Marami rin ang nagbigay ng atensyon sa labang ito. Maraming Kings at Emperors ang malapit sa True King Stage. Naroroon rin sina Emperor Duanmu, at ang master ni Nan Gongsheng na si Emperor Mi Kong.

"Hindi ko inaasahang ang unang laban ko matapos maging King ay hindi kay Zhao Feng o kay Meng Xi, pero sa babaeng hindi ko man lang alam kung ano ang pangalan."

Bulong ni Nan Gongsheng sa sarili niya nang may pagkutya.

May pang-aaba siyang makipaglaban sa ka-henerasyon niya dahil baka isipin nilang isa siyang bully. Nanggaling ang ideyang ito mula sa pagiging sikat niya bilang numero unong henyo ng Sacred Land at pati na rin sa cultivation niyang nasa Void God Realm. Sa kabila pa ng lahat ay hindi na rin naman na disciple si Nan Gongsheng dahil naging isa na siyang King at parte ng nakatataas ng Mystic True Sacred Clan.

Sa una ay ayaw pa makipaglaban ni Nan Gongsheng, pero kinausap ni Emperor Duanmu si Emperor Mi Kong tungkol dito. Wari bang nanggaling ang babaeng ito sa malayong kontinente at siya ay may malapit na kaugnayan kay Emperor Duanmu.

"Simula na!"

Sa senyales ng dalawang Emperors, ang laban sa True King Stage ay nagsimula na.

Nakatutok ang mga manonood sa entablado, pero hindi agad na umatake ang dalawa.

"Walang saysay ang lakas ng inheritance o ng bloodline mo — langgam lang sa akin ang lahat ng nasa ilalim ng Kings."

Nakatayo lang si Nan Gongsheng nang nasa likod ang mga kamay, sabay niyang ginalaw ang kaniyang intent.

Boom!

Sa oras na iyon, pinayanig ng lakas ng King ang soul-dimension. Naging dahilan din ito kung bakit huminto ang malapit na Yuan Qi.

Kung gusto niya ay kayang-kaya niyang sirain ang buong Broken Moon Clan o ang Iron Blood Religion gamit lamang ang kaniyang isip.

Ito ang King intent.

Sa nakikita ng lahat, para bang naging isa si Nan Gongsheng sa Langit. Bawat galaw niya ay gumawa ng pwersang tumatagos sa pisikal at soul-dimension.

Kalahati ng True King Stage ay nabalutan ng isang mystic silver light.

Nilalaman ng mystic silver light na ito ang comprehension ng Space.

"Nakagawa ng simulain sa Space Domain ang Void Power niya. Mapapahinto nito ang intent ng papasok na mga half-step Kings at maiipit rin ng domain ang kanilang katawan. Hindi nila kakayaning makipaglaban dahil doon."

May ilang Kings sa mga manonood.

Si Emperor Mi Kong ay isang matandang may pilak na buhok. May ngisi sa mukha niya na nakatapat kay Emperor Duanmu.

"Tulad nga ng inaasahan kay Nan Gongsheng; naabot niya lamang kamakailan ang Void God Realm at hindi na rin siya mas hihina kumpara sa mga mas matatandang Kings."

Buntong-hininga ni Duanmu Qing.

Sa isip niya pa lamang ay napakalakas na.

Kung si Zhao Feng o si Meng Xi ang nakipaglaban sa kaniya ay malamang ay napapigil na sila ng lakas nito at hindi sila makakagalaw.

"Yufei, nilalaman ng King intent niya ang lakas ng Space…."

Narinig ni Zhao Yufei ang boses ng Purple Saint Partial Spirit sa isip niya.

Sa ilalim ng lakas ng isang King at sa Spatial intent, biglang namula ang mukha ni Zhao Yufei, pero hindi siya nagpakitang susuko o magpapatalo siya. Sa kabila pa ng lahat ay nakuha pa niyang ngumiti, "Napakalakas mo, pero hindi ako magpapatalo."

"Hmm?"

Sobrang nagulat si Nan Gongsheng. Ang kanyang King power ay para bang bumagsak lang sa ibang mundo na tila isang bato na lumulubog sa karagatan nang tumama ito kay Zhao Yufei.

"Kaya pala nangahas siyang humamon ng isang King."

Umilaw sa gulat ang pilak na mata ni Emperor Mi Kong.

May nakita ring iba panb bagay ang mga Kings na naroroon.

May maliit na mundong nilinang si Zhao Yufei kaya't hindi siya takot sa King intent ng mga normal Kings.

Weng~~Naglabas ng liwanag na kulay lila ang babae — liwanag na bumasag sa nakapaligid na mystic silver light.

"Ano?"

Nanginig ang katawan ni Nan Gongsheng nang bahagya. Ang kanyang bagong buo na Spatial Domain ay nadurog ng True Yuan ng kanyang kalaban.

Ang Void God Realm ay nahahati sa King at Emperor ranks.

Kapag nakaabot na ng tiyak na lebel ang isang King, makakagawa na rin siya ng sarili niyang spatial domains, pero hindi ito totoong pisikal na dimensyon. Ilan sa mga mas malalakas na Emperors ay kayang gumawa ng totoong dimensyon o ng maliit na mundo sa pamamagitan ng pagbuo ng spatial domains nila sa reality.

Hindi pa lamang ganoon katagal na naging King si Nan Gongsheng, pero dahil bihasa siya sa Space at sa Spatial Spiritual Body ay nakabuo naman siya kahit papaano ng spatial domain.

Hindi makakalaban ang mga normal half-step Kings sa loob ng domain na ito. Pero naglabas si Zhao Yufei ng isang malakas na agos ng True Yuan na nagtulak sa power of the spatial domain.

"Napakalakas na True Yuan!"

Nagulat ang ilan sa mga Kings.

"Hindi pa siya nakakagawa ng King intent o nagiging King, pero maikukumpara na agad ang True Yuan niya sa lakas ng isa."

Laking gulat ni Emperor Mi Kong.

Sabay na umatake si Nan Gongsheng at Zhao Yufei.

Isang malaking alon ng silver light ang bumagsak mula sa kalangitan at tumama kay Zhao Yufei. Ang lakas nito ay kayang sumira ng isang siyudad.

"Purple Heaven Sacred Technique!"

Sigaw ni Zhao Yufei habang nagpadala siya ng libo-libong guhit ng ilaw na lila patungo kay Nan Gongsheng.

Boom! Boom! Bam!

Ang pagtatalo ng dalawang lakas na ito na umabot sa King level ay lumitaw sa True King Stage.

"Kayang… labanan ng lakas niya ang akin!?"

Taimtim ang ekspresyon ni Nan Gongsheng. Hindi niya na minamaliit ang babaeng ito.

Hindi lamang simple ang legendary continent zones, at nalagpasan pa ng mga ito ang True Martial Sacred Land.

Shua!

Biglang nawala ang anyo ni Nan Gongsheng.

Sunod:

Whoosh!

Naglabas ng pinagbabawal aura ang agos ng silver light habang lumilipad ito patungo kay Zhao Yufei mula sa gilid niya.

Masyado itong mabilis. Umabot na ng bagong lebel ang bilis at spatial technique ni Nan Gongsheng.

Spatial Secret technique!

Tumalon ang puso ni Zhao Yufei. Sobrang sensitibo ng Spiritual Bloodline niya sa Heaven Earth Yuan Qi. Dagdag pa na parte siya noon.

"Absorb!"

Binuksan ni Zhao Yufei ang kanyang palad, at isang lilang kristal na ipo-ipo ang biglaang lumaki at nilamon ang silver light.

Shu! Shu! Boom!Biglang sumabog ang lilang kristal na ipo-ipol na para bang may abilidad itong sumira ng space.

Bago pa bumagsak ang lakas ng spatial secret technique kay Zhao Yufei:

Shua!Isang lilang labing-imahe ang agad na nawasak ng pilak na liwanag.

Sunod agad nito ay may isang guhit ng ilaw na kulay lila ang tumungo kay Nan Gongsheng, isang guhit na naglalaman ng katakot-takot na lakas.

Para ba itong bulalakaw na kulay lila na pabagsak kay Nan Gongsheng.

Hindi ito maganda!

Nakaramdam ng labis na panganib si Nan Gongsheng. Mabilis siyang tumakbo palayo habang may pilak na umiilaw sa paligid ng kaniyang katawan.

Boom!Binago ng lilang bulalakaw ang dating pwesto ni Nan Gongsheng. Ang lugar ngayon ay nababalot ng kulay lila na liyab.

Muntik nang tamaan si Nan Gongsheng ng bulalakaw na ito.

Weng~~Unti-unting nawala ang lilang bulalakaw na siyang naglabas ng anyo ni Zhao Yufei.

"Purple Heaven Sacred Technique!"

"Anong relasyon niya sa Purple Night Sacred Lord?"

Huminga nang malalim si Emperor Mi Kong habang nakatitig kay Zhao Yufei.

Matandang Emperor din siya, at nasaksihan niya na rin ang lakas ng Purple Night Sacred Lord.

Sa henerasyong iyon, halos wala sa sampung libo niyang pwersa ang may kayang pumantay sa Purple Night Sacred Lord.

"Tama, siya ang tagapagmana ng Purple Night Sacred Lord, at mayroon pa siyang bloodline ng Ten Thousand Ancient Races."

May lumitaw na ngiti sa mukha ni Emperor Duanmu dahil natuwa siya sa ekspresyon ni Emperor Mi Kong.

Kahit sino pa ang manalo, mananatili pa ring King si Nan Gongsheng na may Spatial Spiritual Body at Heaven Spiritual Body. Siya pa rin ang numero unong henyo ng Sacred Land, samantalang si Zhao Yufei ay may mas mababang cultivation at mas bata.

"Profound Spatial Slash!"

Sa isang liwanag ng pilak, lumitaw sa likod ni Zhao Yufei si Nan Gongsheng.

May isang guhit ang humaba at tumagos sa esasyo na siyang naglabas ng forbidden power of Space.

Sa oras na iyon ay sobrang lapit ng dalawa sa isa't isa. Halos naamoy pa ni Nan Gongsheng si Zhao Yufei.

Shua!

Lumipad patungo kay Zhao Yufei ang Profound Mystic Slash.

Pinaikot ni Nan Gongsheng ang lakas niya sa pinakamataas na antas nito habang tumututok siya kay Zhao Yufei.

Hindi siya makakaiwas dito, ngunit wala rin siyang intensyon para umiwas. Sa isang iglap lang bigla siyang naglabas ng pure holy light na parang isang diyosa.

Ding!

Tumama kay Zhao Yufei ang Profound Mystic Slash, pero para ba itong humalo lamang sa kaniya at naging likidong kristal habang naglalabas ito ng siklab.

"Paano nangyari iyon!?"

Sa loob-loob ni Nan Gongsheng ay napasigaw siya.

Ang pangyayaring iyon ay napahinto ang mga manonood.

Hindi gumamit ng kahit anong secret technique si Zhao Yufei, pero ang pisikal niyang katawan ay nalampasan na ang limit ng laman at dugo.

Ang estado niya sa kasalukuyan ay halos kaparehas ng Water Spirit Divine Change ni Zhao Feng, pero ang kinakailangan ng technique ni Zhao Feng ay magbayad ng partikular na halaga, samantalang ang abilidad naman ni Zhao Yufei ay natural lamang sa kaniya.

"Maaari bang ito ang Spiritual Race ng Ten Thousand Ancient Races!?"

Gulat ng ibang nanonood na mga Kings.

Kailangang malaman na ang atake ni Nan Gongsheng ay isang unique na Spatial attack, pero kahit ganoon pa man ay hindi pa rin naapektuhan nito si Zhao Yufei.

"Spiritual Race! Ang bloodline trait na ito ay siguradong Spiritual Race!"

Huminga muli nang malalim si Emperor Mi Kong at hindi niya matago ang gulat niya.

Nasa pang-19 ang ranggo ng Spiritual Race sa Ten Thousand Ancient Races. Isa itong mala-alamat na bloodline na siyang nag-hari noon.

Weng~~

Ang "sugat" sa perpektong katawan ni Zhao Yufei ay nagsimulang humilom hanggang sa ito'y bumalik na sa dati. Wala man lang ni isang senyales ng dugong pumatak.

Nächstes Kapitel