webnovel

Pagtunghay sa Hardin

Redakteur: LiberReverieGroup

Sa ibabaw ng Purple Smoke Lake, ang nag-iinit na youth ay lumutang sa ibabaw ng tubig at biglang itinaas ang kaniyang ulo.

"Killing intent?"

Ang mukha ni Wen Luoan ay nagsimulang maging seryoso.

Ang Eye of Heaven sa langit ay bumalot sa buong Purple Smoke Lake, at ang nakapaligid na mga may buhay ay nakaramdam ng puwersa sa kanilang kaluluwa.

"Ang Zhao Feng na iyan ay dapat nang may kakayahang mapanaliti ang kaniyang King intent, ngunit wala sa kaniyang kaluluwa o cultivation ang nakaabot sa lebel ng isang King."

Ang nag-iinit na youth ay naging kalmado muli. Hangga't hindi pa ganap na naging King si Zhao Feng, hindi siya pinansin ni Wen Luoan. Kung hindi lang dahil sa Mermad King, sumugod na dapat siya papunta sa Mermaid Divine Palace.

"Tao, kung nakipagtulungan ka sa akin kanina, ang Zhao Feng na iyan ay hindi mauunawaan ang King intent!"

Ang sigaw ng Mermaid King ay umalingawngaw, ngunit ang nag-iinit youth ay nanatiling hindi gumagalaw. Hindi siya naniwala sa kahit na sino sa Demigod Forgotten Garden, lalo na sa isang King ng ibang uri.

Shua!

Ang Eye of Heaven ay nawala mula sa langit sa ibabaw ng Purple Smoke Lake.

"Bakit hindi mo gamitin ang pagkakataong ito para makita ng sitwasyon sa buong Demigod Forgotten Garden?"

Bulong ni Zhao Feng.

Ang kakayahan ng Eye of Heaven ay makalagpas sa lugar, ngunit kahit na ganito, ang kakayahang ito ay hindi pinapayagan sa Demigod Forgotten Garden. Gayunman, sa suporta ng bagong buong King intetn, ang puwersa mula sa Demigod Forgotten Garden ay mas mahina.

Sa sumunod na sandali, sa ibang lugar ng Demigod Forgotten Garden, sa ikapitong palapaf ng Ten Thousand Treasures Tower, higit sa isang dosenang kayamanan ang nakalutang sa hangin. Ang hangin ng kayamanan ay nanggagaling sa kanila ay sapat na para mahikayatin kahit ang isang King.

"Sinong nangahas na pigilan ako?"

Si Nan Gongfang ay hindi gumagalaw nang may lumitaw na pilak na liwanag sa kaniyang paligid. Isang King intent ang naglabas ng isang Magnificent Power naisantabi ang mga hanyo sa paligid at nayanig ang kanilang mga kaluluwa.

May 70 hanggang 80 tao na naglalaban, at kinalaban sila ni Nan Gongfan nang ganoon kadali.

"Hindi natin dapat hayaan si Nan Gongfan na makuha ang Qiankun Sword. Kapag nakuha niya ito, sinong henyo ang makakapigil sa kaniya sa Sacred Land?"

"Qiankun Sword, Sky Locking Bow, Ten Thousand-Sided Seal... lahat ng mga ito ay mga maaalmat na sandata na labis na malapit sa Heaven-Grade. Kahit ano sa kanila ay maaaring makaapekto sa sitwasyon ng buong Sacerd Land."

Maraming mga henyo sa ikapitong palapag ng Ten Thousand Treasures Tower. Ang mga nangahas na lumaban dito ay mga elite genius mula sa Sacred Land. Sila ay mas malakas sa mga henyo sa paligid ng Purple Smoke Lake.

Gayunman. ang mga kayamanan sa itaas ay labis na mahirap makuha. Hindi lang kailangan ng lakas para magawa itom kailangan rin nilang umugnay sa mga sandatang ito.

Kahit sa lakas ni Nan Gongfan, halos hindi siya makaugnay sa Qiankun Sword.

Shua!

Sa mismong sandaling ito, isang malinaw na asul na mata sa ikapitong palapag ng Ten Thousand Treasures Tower.

"King intent?"

Kaagad itong naramdaman ni Nan Gongfan, at isang nakakagulat na King intent ang rumagasa mula sa kaniya.

Sa cultivation, nakaabot na siya sa half-step King, at mayroon siyang sariling King intent.

Boom!

Ang King intent ni Zhao Feng ay bahagyang nayanig at biglang napigilan. Ang kaniyang King intent ay minadaling ipunin, at mas mahina ito kay Nan Gongfan sa umpisa pa lang.

Nang paalis na si Zhao Feng:

Weng~~

Sa mga kayamanan, isang sinaunang pana ang mahinang tumunog, at humina rin ang ilaw sa paligid nito.

"Hmm?"

Si Zhao Feng ay nakabuo ng isang misteryosong ugnayan sa sinaunang pana.

"Sky Locking Bow!"

Ang mga nakapaligid na henyo.

Ang mga kayamanan at sandatang ito ay nakuha ng Demigod intent, at hindi ito nakuha gamit ang puwersa. Kung titignan ito, ang Sky Locking Bow ay gustong makatakas sa pagpigil ng Demigod intent.

"Kung payag ka, sumama ka sa akin."

Isang ragasa ng eye-bloodline ang nanggaling sa malaking mata nang lamunin ng isang ipo-ipo ang Sky Locking Bow.

Shua!

Sa ikapitong palapag ng Ten Thousand Treasures Tower, isa sa mga sacred weapon, ang Sku Locking Bow, ay biglang nawala.

"Sinong kumuha ng Sky Locking Bow sa hangin?"

Ang mga henyong naroon ay pinatunog ang kanilang mga dila.

Ang Ten Thousand Treasures Tower ay may kabuuan ng siyam na palapad, at bawat palapag ay labis na mahirap lagpasan.

Ang pinakamataas tala sa kasaysayan ay pitong palapag, at nakaabot sila sa lebel na ito sa nakatalang oras. Ang lahat ng ito ay dahil kay Nan Gongfan, na may napakalakas na battle-power.

"Katawa-tawa!"

Inilagay ni Nan Gongfan ang kaniyang kamay sa kaniyang likuran, at nagalit siya dahil hindi patas. Sinubukan na niya nang matagal at hindi man lang nakuha ang Qiankun Sword, ngunit may isang hindi kilalang henyo ang biglang pumunta at madaling nakuha ang Sky Locking Bow.

"Ang matang iyon ay kamukha ng..."

Si Brother Nan, Dong Wenjian at mga kasama nito at nagtinginan.

Shua!

Ang Eye of Heaven ay nawala mula sa Ten Thousand Treasures Tower.

Ang battle-power ni Nan Gongfan ay nagdahilan para hindi mapakali si Zhao Feng.

Ang totoo, hindi man lang naisip ni Zhao Feng ang pasali sa kompetisyon ng Ten Thousand Treasures Tower. Kakabuo niya lang sa kaniyang half-step King intent, at bukod sa kaniyang kalagayan ng pag-iral, lahat ng iba niyang aspeto ay malayo pa sa isang tunay ng King.

Sa iba, may isang malaking lugar ng Demigod Forgotten Garden na puno ng mga kagubatan at damo, pati na ang mga halimaw at iba pang uri. Kasabay nito, ito ang lugar na mayroong mga kayamanan.

"Hundred Flower Garden."

Ang Eye of Heaven ay lumutang sa hangin sa ibabaw ng hardin.

Hindi maiwasan ni Zhao Feng na magbuntong hininga. Ang bilang ng mga kayamanan dito ay ilang beses ang dami kaysa Purple Smoke Lake.

Syempre, ang panganib dito ay labis na mas malaki.

Nararamdaman ni Zhao Feng ang ilang King aura sa ibaba.

"Hmm?"

Si Zhao Feng ay labis na nagulat nang tignan ang isang lugar.

Ang Magnificent Power of a King ay kumalat sa loob ng kalahating milya sa isang lugar sa Hundred Flower Garden.

Isang unicorn na may lilang kaliskis ang naglabs ng nagliliyab na kidlat habang madali nitong pinatay ang grupo ng mga halimaw sa hindi kalayuan. Ang lakas ng grupo ng halimaw ay maikukumpara sa hukbo ni Zhao Feng.

Mahirap isiping ang maliit na kasinglaki ng normal na kabayong unicorn na itong may lilang kaliskis ay isang King.

Gayunman, hindi ito ang pangunahing punto. Ang mas kahanga-hanga ay isang babaeng may mahabang buhjon ang nakaupo sa likuran ng unicorn na may lilang kaliskis.

Ang babae ay labis na malinis, at ang kaniyang mukha ay tila isang jade. Ang kaniyang mga mata ay tila isang pares ng mga bituin mula sa isang panaginip.

"Meng Xi!"

Nagulat si Zhao Feng.

Ang babae ay ang prodigy ng Thousand Darkness Sacred Clan, si Meng Xi.

Si Meng Xi ay may isang sungay na may lilang kaliskis sa kaniyang kamay habang kinokontrol ang King sa kaniyang ibaba.

"Paano niya nakokontrol ang isang King beast?"

Hindi makapaniwala si Zhao Feng. Akala niya ay ang lakas ni Nan Gongfan ay malahalimaw na; hindi niya inasahang su Meng Xi ay may pamatay na galaw.

Ang sariling lakas ni Meng Xi ay nasa tuktok ng nga mga nangungunang sampung henyo sa Sacred Land – kasunod lang ni Nan Gongfan at ngayon, may isa siyang unicorn na kayang mapatay nag buong Hundred Flower Garden at makakuha ng walang hanggang mga kayamanan.

"Hmmm? King intent?"

May naramdaman ni Meng Xi. May isa siyang misteryosong Soul-based bloodline na nanggaling sa Ten Thousand Ancient Races.

Hindi siya takot na makaharap ang isang King intent.

Si Meng Xi at ang unicorn ay parehong tumingin sa langit, ngunit ang Eye of Heaven ay nawala sa sandaling lumitaw ito.

Matapos ang isang saglit pagkalitaw nito:

Boom!

Ang langit ay yumanig nang isang sungay ng lilang kidlat ang sukadak sa lugar kung saan naroon ang Eye of Heaven.

"Ang reaksyon ay mabilis."

Malamig na ngumisi si Meng Xi nang magningning ang kaniyang mga mata. Ngayon ay may impresyon na siya ng Eye of Heaven.

Si Zhao Feng ay nakahinga nang maluwag nang tanggalin ang tingin sa Hundred Flower Garden.

Kahit na nakabuo na siya ng half-step King intent, ang pagkakaiba sa pagitan niya at ni Nan Gongfan at Meng CI ay maaki pa rin.

Ang Ten Thousand Treasures Tower at ang Hundred Flower Garden ay pamumunuan na ni Nan Gongfan at Meng Xi nang magkasunod.Pagkatapos ay pupunta ang dalawang ito sa ibang mga lugar ng Demigod Forgotten Garden.

Inisip ni Zhao Feng.

Shua!

Ang kaniyang tingin ay muling lumipat at bumaba sa isang tahimik na palasyo.

"Heart Healing Palace."

Bulong ni Zhao Feng sa kaniyang sarili.

Ang Heart Healing Palace ay isang lugar ng paghilon at seklusyon para sa may-ari ng Demigod Forgotten Garden.

Sa mga mahalagang kayamanan, ang Heart Healing Palace ay hindi maikukumpara sa Ten Thousand Treasures Tower o sa Hundred Flower Garden. NI hindi wala nga itong kasingrami ng sa Purple Smoke Lake.

Gayunman, walang nangahas na maliitin ito.

Ayon sa mga sinaunang tala, ang Heart Healing Palace ay nakapaglabas ng kaunti lang na swerte noon, ngunit ang ilang swerteng ibinigay nito ay napakalakas.

Sa isa sa kanila, isang henyo ang umupo sa isang matandang puno sa tabi ng Heart Healing Palace at pumasok isang mystic state na mas mabuti sa Illusion God Wine. Pagkatapos nito, ang henyo ay umunawa ng isang Heaven-ranked skill at nakaipon ng isang kakaibang King intent na nagpahntulot para hindi na siya matapatan ng mga nasa kaparehong henerasyon. Makalipas ang ilang taon, naging isa siyang tunay na King.

Sa loob ng Heart Healing Palace, lima o anim na henyo ang nagtipon sa tabi ng maliit na lawa.

"Isang nakakasindak na aura. Ano-?"

Ang mga henyong ito ay nakatingin sa isang bahagyang mabahong ilog na nababalot ng nabubulok na dahon.

Ang ilog ay napakalalim, at may isang puwersang nanggagaling sa ilog na nagpayanig sa kanilang kalagayan ng pag-iral at bloodline.

Ang mga henyong ito ay nagsimulang lumapit dito, ngunit nakaharap nila ang isang napakalakas na aura sa bawat hakbang.

"Ano ito?"

Nang mapunta ang mga henyo sa sampung yarda mula sa ilog, hindi sila mapakali.

Weng~

Isang liwanag ng gintong dugo ang biglang nagliwanag sa ilog.

Plop! Plop!

Ang dalawang pinakamalapit na henyo ay naramdaman ang kanilang mga binting nabaluktot nang mapaluhod.

"Iyan ang...!!!"

Ang lahat ng mga henyo ay may napakapulang mukha, at narmdaman nilang tila sasabog na ang kanilang puso.

Isang nagliliyab na gintong dugo ang nagsimulang lumitaw sa ibabaw ng ilog.

"Isang tulo ng dugo!"

Ang lima o anim na henyong naroon ay hindi matagalan ang puwersa. Lahat sila ay napaluhod na tila nakaluhod sa harap ng isang diyos.

Wah! Wah!

Ang dalawa ay dumura ng dugo at namatay.

"Hindi kaya... dugo ito mula sa Demigod?"

"Isang dugo ng Demigod!"

Ang isang maliit na tulo ng dugo ay nagtataglay ng kapangyarihan na nakalagpas sa isang King.

Crack!

Ang puso ng isang henyo ay sumabog.

"A- atras!"

"Kahit na ang may-ari ng tulo ng dugo ay namatay na, ang kapangyarihan ay sa loob nito ay sapat pa rin para makapatay ng kahit sino."

May lumabas na dugo sa mga tainga ng natirang mga henyo pati na sa bibig at mata habang nahihirapan at umaatras.

"Heart Healing Palace...dugo ng Demigod?"

Ang Eye of Heaven ay lumitaw sa hangin sa ibabaw ng ilog, ngunit kahit na ang Eye of Heaven ay nagtataglay ng King intent ay nayanig rin nang tignan ang dugo ng Demigod.

"Takbo!"

Ang Eye of Heaven ay nawala mula sa hangin sa ibabaw ang Heart Healing Palace.

Sa bodega ng Demigod sa ilalim ng lupa:

Shua!

Si Zhao Feng ay nakahinga nang maluwag nang may hinalinhang ekspreson.

Sa kaniyang kasalukuyang soul-strength at King intent, nagamit niya ang Eye of Heaven nang bahagyang matagal.

Sa loob ng sampu o dalawampung hininga ay nakarating na ang tingin ni Zhao Feng sa mga pinakamahalagang lugar ng Demigod Forgotten Garden.

Gayun,an, hindi niya napagtantong may ilang malabong lilang buhok sa kaniyang asul na buhok.

Nächstes Kapitel