webnovel

Paghahanda sa Progreso

Redakteur: LiberReverieGroup

Sa mga nakaraan, ang bloodline ni Zhao Feng ang siyang humihigop sa aura ng Ancient Dream Realm, pero ngayon ay may ideya na siya na ang kanyang mata ang pwedeng humigop ng lahat ng aura.

Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay may direktang kinalaman sa kanyang kaluluwa.

May mga kapiranggot na Ancient Dream Realm aura ang nagsimulang dumaloy sa kanyang God's Spiritual Eye.

Weng~~

Isang alon ang sumilay sa ibabaw ng lawa habang hinihigop nito ang aura.

Nagulat ang buong puso ni Zhao Feng.

Ang kanyang kaluluwa, na konektado sa God's Spiritual Eye, ay napagtagumpayag makuha ang ang aura ng Ancient Dream Realm. Ang pakiramdam ay katulad sa isang uhaw na halaman na na nadiligan na rin sa wakas, sobrang nakasisiya.

"Mabuti, ang Ancient Dream Realm aura ay ta tumutulong sa aking kaluluwa."

Sobrang natuwa si Zhao Feng.

Ang kanyang bloodline at katawan ay napakarami ang nahigop na Ancient Dream Realm aura at ang epekto nito ay nakapanghihina, pero naiiba pa rin ito sa epekto sa kanyang mata at kaluluwa.

Ito ang unang beses na sinubukan ni Zhao Feng na humigop ng aura gamit ang kanyang mata, at ang epekto napakamabisa.

Isang oras ang makalipas, nahigop niya ang lahat ng natitirang Ancient Dream Realm aura loob ng kanyang katawan patungo sa kanyang katawan.

Nang suriin ito nang malapitan, nakita niyang ang kapangyarihan sa loob ng lawa sa kanyang mata ay lalong naging dalisay, at naramdaman rin ni Zhao Feng na ang kanyang kaluluwa ay lumakas ganoon rin ang kanyang pundasyon na naging mas solido.

"Ang aura mula sa Ancient Dream Realm ay mukhang nakatutulong sa kaluluwa nang bahagya, at kaya rin nitong lipunin ang parehong nabanggit."

Ipinagkumpara ni Zhao Feng ang dati at ngayon.

Sa sumunod na buwan, inilagay ni Zhao Feng ang kalahati ng Ancient Dream Realm aura sa kanyang mata, at napag-alaman niyang ang kanyang kaluluwa ay naging mas lipon at makapal.

Sa mga nakaraan, ang kaluluwa ni Zhao Feng ay naging mas malakas sa tulong ng Wood Spirit Essence Soul, pero hindi ito nalipon.

Kagaa ito ng isang matabang tao; mayroong man mga laman sa kanilang mga buto, hindi pa rin nila matatalo ang mga maskuladong tao.

Ngayong hinihigop ni Zhao Feng ang aura ng Ancient Dream Realm para palakasin ang kanyang kaluluwa, naging mas lipon ito.

"Ang paghigop sa aura ang siyang magpapahintulot sa aking kaluluwa na lalo pang lumakas. Anong klaseng mga pagbabago ang maibibigay nito sa aking hinaharap?"

Nakaramdam si Zhao Feng ng isang pakiramdam para palakasin ang kanyang kaluluwa.

Sa maiksing panahon, kaya lamang nitong pataasin ang kanyang mga pandama at pundasyon, pero sinasabi ng kanyang isip na kaya nitong magdala sa kanya ng hindi mapapantayang benepisyo sa hinaharap.

Subalit, mamaya ito magiging importante athindisa ngayon.i

Sa kasalukuyan, nararamdaman lamang ni Zhao Feng na nakakakuha siya ng benepisyo sa paghigop ng Ancient Dream Realm aura, kung kaya pasimple niya lamang itong hinihigop hangga't kaya niya pa.

Dalawag buwan ang makalipas, tumaas na ang kakayahan ng kaluluwa ni Zhao Feng nang ilang beses.

Ang ilang mga unang buwan ang may pinakamabisang epekto; ang kanyang kaluluwa lagpas na sa Small Origin Core Realm at maikukumpara na ito sa isang Great Origin Core Realm. Napakalipon at matibay nito.

Bukod pa roon, naramdaman ni Zhao Feng na may isang bagay na hindi maipaliwanag sa kanyang kaluluwa. Pero isang bagay lamang ang sigurado niya, ang kanyang kaluluwa ay mas makapal at mas nalipon kaysa dati, at ang aura nito ay mas malapit sa Orgin.

Ang pinakamalaking pagkakaiba ay ang panramdam ni Zhao Feng sa Heaven Earth Yuan Qi at ang kanyang pang-unawa sa Purple Destruction Wind Lighyning ay mas mabuti kaysa dati.

Mabilis na lumipas ang oras sa paglalakbay. Sa isang kisapmata, kalahating taon na ang lumipas.

Napakaayos ang kanilang paglalakbay sa nakaraang anim na buwan.

Ang dalawang pangalawang kapitan, sina Loulan Zhishui at Li Yunya, ay parehong nagtatrabaho sa panloob ay panlabas na mga gawain.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay okasyonal na tumatalon sa kubyerta at magtatapon sa ere ng ilang lumang barya bago tuturo.sa isang bagong direksyon.

Hindi kailanman nangahas sina Loulan Zhishui at Li Yunya na labanan ang panghuhula ng munting pusang magnanakaw.

Sa loob ng kubyerta ng kapitan, napag-alaman ni Zhao Feng, na sa tuwing tuturo ang munting pusang magnanakaw ng mga baong direksyon, ang pakiramdam niya sa panganib ay lalong humihina.

"Mukhang ang munting pusang mananakaw ay may mga misteryosong abilidad para iwasan ang kapahamakan at makahanap ng swerte."

Pag-iisip ni Zhao Feng.

Isang oras ang makalipas, gumawa siya ng bagong anunsyon, "Magtipon kayo sa silid kung saan tayo nagkakaroon ng diskusyon."

Sa loob noon, sina Zhao Feng, Li Yunya, Loulan Zhishui at ang Skeletal Division Leader ay nagpakita.

Ang mga ganitong klase ng usapan ay napakabihira, at ang lahat ay napatingin kay Zhao Feng.

Bilang isang kapitan, ang kanyang bawat desisyon ay makakaapekto sa tadhana ng lahat ng naroroon.

"Hindi na mapapantayan ang aura ni Zhao Feng ngayon. Ni hindi ko na nga siya mabasa ngayon."

Sinuri ng Skeletal Division Leader ang kanyang Master.

Masasabing alam pa ng Skeletal Division Leader ang mga kakayahan ni Zhao Feng sa nakalipas na anim na buwan, pero ngayon ay hindi na. Kahit ang kaswal lamang na aura niya ay sapat na para hindi sila mapakali ni Li Yunya.

Ang presyon na ito ay hindi nagmumula sa estado ng kanyang pag-iral; kundi mula sa kanyang kaluluwa.

"Ang batang kapitan na ito ay may estado ng pag-iral at ang kaluluwa niya rin ay lagpas na sa akin.

Huminga nang malalim si Li Yunya.

Dapat lamang malaman na nasa peak na siya ng Small Origin Core Realm, at nalagpasan na niya ang Skeletal Division Leader sa aspeto ng cultivation.

"Master, mukhang naabot mo na ang lahat ng kakailanganin para umabot sa Origin Core Realm!"

Napabulalas ang Skeletal Division Leader.

Umabot sa Origin Core Realm?

Nayanig ang puso ni Loulan Zhishui. Ang batang kapitan na ito ay nasa bente pa lamang at naabot niya na ang mga kakailanganin para maging Origin Core Realm.

"Tama iyon. Ang isa sa mga dahilan kung bakit ko kayo pinatawag dito ay iyan."

Itinango ni Zhao Feng ang kanyang ulo at hindi naman niya ito itinanggi.

Ang estado ng kanyang pag-iral ay malapit na sa limitasyon ng Great Origin Core Realm, at ang kanyang kaluluwa ay maikukumpara sa isang Great Origin Core Realm rin sapagkat naoakatibay at sobrang nalipon na ito.

Kung pang-unawa lang naman ang pag-uusapan, naiintindihan niya na ang 40-50% ng Purple Destruction Wind Lightning.

Ang kanyang lakas ay tumaas nang higit kumpara sa kanyang lakas sa two-star battlefield.

Sa pagkakataong iyon, naabot niya na ag limit nh Half-Step Origin Core Realm. Kalahati pang yapak at magiging isang Sovereign na talaga siya.

"Kailangan kong maghanap ng ligtas na lugar kung saan pwede akong magcultivate para maging Origin Core Realm. May mga isyu ring dapat kaharapin."

Direktahang sabi ni Zhao Feng.

Ang kapaligiran sa walang hanggang karagatan ay hindi ganoon kaayos, napakanipis pa ng Heaven Earth Yuan Qi. Mahirap macultivate dito.

Kung may mangyayari habang nagcucultivate siya, karumal-dumal ang kahihinatnan ng lahat.

"Isang espesyal at ligtas na paligid? Tanging ang Void Ocean Spiritual Palace lamang ang masasabi nating ganoon."i

Pagtugon ni Li Yunya. Isang tahimik ito na lugar at high-tier supply station

Kahit ang mga two-star sects ay hindi nangangahas na galitin ang Void Ocean Spiritual Palace.

"Mabuti, mabuti… Sa nakaraang kalahating taon, ang lakas ng ghost-corpses ay umabot na sa Half-Step Origin Core Realm, at ang cultivation ko ay nagkaroon na ng hangganan, kung kaya kailangan ko ng mga kakaibang resources."

Natinag ang Skeletal Division Leader.

Tumango rin si Loulan Zhishui sa pagpayag, "Ang Void Ocean Spiritual Palace ang pinakaligtas na supply point, at kailangan rin namang bumili ng mga mandaragat ng iilang mga gamit. Kailangan rin ng Blue Lightning Sea Sky Ship ng ilang materyales para lalo itong patatagin at upang ayusin ang ilang mga sira nito."

Ang mungkahing ito ay sinag-ayunan ng lahat at naging maligalig sila. Pagkatapos ng lahat, nakakabagot nga namang walang ginagawa sa barko habang naglalakbay.

"Kapitan, ano nga pala ang isa pang isyu na dapat nating kaharapinm?"

Pagtatanong ni Li Yunya nang interesado.

Isa lamang ang pag-abot sa Origin Core Realm sa mga dahilan kung bakit siya pupunta sa Void Ocean Spiritual Palace.

Tungkol ito sa Spiritual Zone Teleportation Array."

Taimtim na sabi ni Zhao Feng.

Spiritual Zone Teleportation Array?

Naunawaan ni Li Yunya pagkatapos itong isipin.

Ang paglalakbay patungo sa True Martial Sacred Land ay napakatagal.

"Kakailanganin natin ng lima hanggang anim na taon para marating ang True Martial Sacred Land sa kasalukuyang bilis natin. Napakatagal nito."

Pagpapatuloy ni Zhao Feng

"Lima hanggang anim na taon? Hindi naman iyan matagal."

Hindi naman nababahala ang Skeletal Division Leader, pero 22 anyos pa lang naman si Zhao Feng. Mahaba pa ang oras niya. Sa kabilang banda, namuhay naman ang Skeletal Division Leader sa loob ng ilang daang taon.

"Mayroong teleportation array sa bawat Void Ocean Spiritual Palace na kayang magpadala ng mga tao sa bawat palasyo nito. Kaya rin nitong magpadala hanggang sa True Martial Sacred Land, pero napakahirap nito lalo na sa mga hindi miyembro ng Sacred Lands. "

Alam ito ni Li Yunya, pero alam rin ni Zhao Feng kung gaano ito kahirap.

Sa Thousand Flowing Islands Zone, humingi siya ng tulong sa dalawang henyo mula sa Sacres Lands, pero tinanggihan lamang siya ni Jiang Fan at Chen Yilin.

"Li Yunya, galing ka sa isang two-and-a-half-star sect. Wala ba talagang paraan?"

Hindi naniniwala si Zhao Feng na walang paraan. Paniguradong maraming tao ang gustong makapunta nh True Martial Sacred Land.

"Sa Five Mountain Islands Zone, kung isang eksperto ng Void God Realm ang makikiusap, maaaring pumayag ang Void Ocean Spiritual Palace Lord."

Pagtugon ni Li Yunya.

Natuwa nang sobra si Zhao Feng. Dahil galing si Li Yunya sa isang two-and-a-half-star sect, maalam nga talaga siya sa mga ganitong bagay.

"Pero pumasok na tayo sa isang bagong island zone. May iba pa bang paraan?"

Napunta ang tingin ni Zhao Feng kay Li Yunya nang may ekspektasyon.

Mababawasan nang higit ang oras ng kanilang paglalakbay kung magagamit nila ang Spiritual Zone Teleportation Array.

Sa parehong pagkakataon, mababawasan nito ang banta mula sa Pursuit of Death.

"Kapitan, ako na ang bahala. Mag-iisip muna ako bago tayo dumating sa susunod n Void Ocean Spiritual Palace."

Nagningning ang mga mata ni Li Yunya. Gusto niya rin ang bagay na iyon.

Napatango si Zhao Feng. Maaasahan talaga si Li Yunya. Nawa makahanap siya ng paraan.

Kalahating buwan ang nakalipas, ang Blue Lightning SeaSky Ship ay pumasok na sa isang bagong island zone - ang Eternally Sealed Islands Zone.

"Kapitan, halos malapit na tayo sa isang Void Ocean Spiritua Palace."

Wika ni Loulan Zhishui.

Ilang oras ang nakalipas, isang bola ng asul na liwanag ang sumilay sa mga mata ng lahat, at siyang nilinis ang mga dagim sa walang hanggang karagatan.

Ang ibabaw ng mga silid at palasyo ay makikita sa bola ng asul na liwanag.

Whoosh!

Agad na lumagpas sa harang ang barko at dumating na ito sa harap ng Void Ocean Spiritual Palace.

Ang Void Ocean Spiritual Palace ay isang institusyon na nakakalat sa buong lugar. Bawat island zone ay may iisa, at halos magkakaparehas ang anyo nito.

Itinabi na ni Zhao Feng ang kanilang barko at hinawakan ng kanyang mga tripulante ang kanilang mga Void Ocean Tokens nang pasukin nila ang Void Ocean Spiritual Palace.

Ang Void Ocean Token ay magagamit sa kahit saang Void Ocean Spiritual Palace.

Ang una ay pumasok para maghanap ng isang matutuluyan. Si Li Yunya, Skeletal Division Leader, Loulan Zhishui, at mga natitira pang mandaragat ay nagkanya-kanya ng mga gagawin.

Mula sa kanila, si Li Yunya ang responsable sa paghahanap ng mga impormasyon tungkol sa Spiritual Zone Teleportation Array.

Ang Skeletal Division Leader naman ang naghahanap ng mga bagay para sa Ghost Corpse Cursed Array at iilang resources naman para mapalago ang kanyang sarli.

Si Loulan Zhishui naman ang bahala para sa paghahanap ng mga materyales na kakailanganin ng barko, at si Zhao Feng naman para sa mga huling preparasyon bago siya magcultivate.

Nächstes Kapitel