webnovel

Heart Blood Essence

Redakteur: LiberReverieGroup

Ang Blue Lightning Sea Sky Ship ay naglakbay sa walang hanggang karagatan sa pinakamabilis nitong kaya sa nasa sampu o dalawampung libong milya bago pumunta sa ilalim ng karagatan.

Pagkatapos ay inutusan ni Zhao Feng ang barko na bahagyang baguhin ang direksyon at pumunta sa mas malalim.

Kung walang saktong pagtugma, ang paghanap ng isang barko ay parang paghahanap ng isang karayom sa karagatan. Dagdag pa rito, ang partikular na barkong ito ay mahusay sa pagtatago.

Sa loob ng barko, nakahinga na si Zhao Feng.

"Master, kung gagamitin natin ang ghist-corpse cursed array, wala na tayong dapat alalahanin sa Great Origin Core Realm Sovereign Lord."

Sabi ng skeletal Division Leader, ngunit umiling si Zhao Feng, "Mas mabuting huwag nang gumawa ng mas malaking gulo."

Simula nang mapinsala niya si Lor Hu Suo, ang intent of Death sa kanyang loob ay naging mas malakas. Hindi niya nais makipaglaban muli ng Great Origin Core Realm Sovereign Lord nang harapan, kaya tumakas na lang siya.

Ang salpukan noon ay nagpakita ring may halatang pagkakaiba sa pagitan ng skeletal Division Leader, Zhao Feng at isang Great Origin Core Realm.

"Skeletal Division Leader, nandito na ang iyong gusto."

Iwinagayway ni Zhao Feng ang kanyang kamay at nagbigay ng mga sirang Dark Jade Skeleton bones sa skeletal Division Leader. Ang tumpok ng mga butong ito ay mula sa Sovereign skeleton.

"Ang mga butong ito ay sinamahan ng Mystic Dark Crystal Bone at iba pang hindi karaniwang kayamanan."

Ang skeletal Division Leader ay labis na natuwa. Mahirap makahanap kahit isa o dalawang piraso ng Mystic Dark Crystal Bone sa Azure Flower Continent.

"Salamat, Master. Gamit ang Mystic Dark Crystal Bone na ito, ang aking mga buto ay magiging mas malakas."

Ang skeletal Division Leader ay kaagad na pumasok sa seklusyon matapos matanggap any mga resources.

Ang Ten Thousand Ghost Pearl ay labis na angkop para sa mga ghost-corpses at mga nagcultivate ng bone-strengthening. Ngayong hindi na kailangang gumawa ng ghost-corpses ng skeletal Division Leader, mas marami na itong oras para magcultivate.

Nagsimulang mag-isip si Zhao Feng. Ang skeletal Division Leader ay kontrolado pa rin siya, kaya ang pagpapalakas dito ay maburti.

Dagdag pa rito, mayroon siyang Ancient Dream Realm para makatulong sa kaniya, kasama ang malaking bilang ng resources mula sa Purple Saint Ruins. Sa bilis ng cultivation, hindi na siya magiging mas mabagal sa skelel Division Leader.

Higit pa rito, kakakuha lang nila ng heart blood essence ng balyena ng walang hanggang karagatan, na nagpapataas ng pundasyon at kalagayan ng pag-iral.

Makalipas ang kalahating buwan, nakaramdam si Zhao Feng ng isang makapangyarihang Great Origin Core Realm aura na lumitaw sa ibabaw bago ito mawala. Tila mula ito sa Third Elder ng Gan Cloud Pavilion.

Isang libong milya mula sa walang hanggang karagatan:

"Huwag mo akong hayaang mahuli ka, ungas."

Ang elder ay lumipad sa karagatan kasama ang dalawang junior. Ang dalawang youth ay hindi nangahas na magsalita at naramdaman ang galit ng Great Origin Core Realm.

Gayunman, alam ng elder na ang pagkakataong makita ang isang barko sa walang hanggang karagatan ay kaunti o wala.

Sou!

Ang Great Origin Core Realm aura ay lumipad palayo.

Sa loob ng Blue Lightning Sea Sky Ship, sa kalaliman ng karagatan, si Zhao Feng at mga kasama nito ay pinagpawisan nang malamig. Halos makita na sila ng elder.

Makalipas ang ilang oras, ang Blue Lightning Sea Ship ay naglakbay ng ilang distamsya at walang bakas ng panganib. Naramdmaan ni Zhao Feng na oras na para umahon ang Blue Lightning Sea Sky Ship at mag-umpisang lumipad.

"Kapitan, ang Blue Lightning Sea Sky Ship ay nilamon na ng malagkit na likido mula sa katawan ng balyena ng walang hanggang karagatan sa loob ng ilang buwan. Ang katawan ng barko ay nasira, na nagpabagal at nagpahina sa depensa nito."

Ulat ni Loulan Zhishui. Ito ay nasabi matapos ang pangkalahatang pagsusuri sa barko.

"Maaayos pa ba natin ito?"

Ang mga kilay ni Zhao Feng ay nagtama. Ang barko ay mabagal na, at kung hindi nila aayusin ang pinsala, magiging malala lang ito at mas babagal pa.

"Ang barkong ito ay isang uri ng makinang nangangailangan ng mga array, panday, at ang Laws of Metal. Kahit na may mga resources tayo, hindi natin ito maaayos.

Umiling si Loulan Zhishui.

Ilan sa mga mandaragat ay hindi talaga propesyonal, ngunit malapit na sila sa pagiging totoong mandaragat matapos ang panahon ng pagsasanay. Gayunman, mahihirapan silang ayusin ang barkong ito.

"Kailangan nating humanap ng isang isla at isang panday para ayusin ito."

Mungkahi ni Loulan Zhishui.

"Mukhang ito lang ang ating magagawa.

Walang pag-asang nagbuntong hininga si Zhao Feng. Ang destinasyon kung saan siya papunta ay napakalayo; kung wala ang tulong ng barko, masasayang ang maraming oras na maaari siyang magcultivate.

Samakatuwid, mas mabuting gugulin ang oras para ayusin ang Blue Lightning Sea Sky Ship.

"Magagamit ko ang pagkakataong ito para mas mapabilis din ang Blue Lightning Sea Sky Ship."

Pagdesisyon ni Zhao Feng. Ang ibig sabihin nito ay kailangang makahanap ni Zhao Feng ng katulad na isla ng Eight Desolate Island sa Thousand Flowing Islands Zpnr at maaayos ang barko.

"Thousand Flowing Islands Zone…"

Isang mapa ang lumitaw sa isip ni Zhao Feng. Ang laki ng Thousand Flowing Islands Zone ay mas malaki sa Tianlu Islands Zone.

Mukhang may tatlong island zone sa paligid at pito o walong maliliit na islang kasing laki ng Eight Desolate Mountain ang nakakakalat.

"Hmm… Void Ocean Spiritual Palace?"

Nakakita si Zhao Feng ng isang hindi karaniwang pag-iral na tinatawag na Void Ocean Spiritual Palace, na may ibang simbolo sa lahat ng iba.

"Void Ocean Spiritual Palace? Ano iyon?"

Tinanong ni Zhao Feng si Loulan Zhishui, ngunit sinabi nitong hindi pa rin niya ito narinig noon.

Isa sa mga matandang mandaragat ang sumagot, "Ang maalamat na Void Ocean Spiritual Palace?"

Ang matandang mandaragat ay kaagad silang binigyan ng impormasyon tungkol sa Void Ocean Spiritual Palace.

Ang Void Ocean Spiritual Palace ay isang high rank market at isang maliit na punto ng paglalagay ng bagong produkto.

"Ang Void Ocean Spiritual Palace ay may supremong kalagayan sa walang hanggang karagatan dahil ito ay kontrolado ng Spiritial Sacred Lands. Nang isinmatabi ang mga bangkay, kahit ang one- at two-star sect ay hindi mangangahas na galitin ito…"

Ang kaalaman ng mandaragat ay limitado.

Spiritual Sacred Lands?

Biglang naintindihan ni Zhao Feng na ang Void Origin Spiritual Palace ay siguradong hindi normal na pamilihan.

May tatlong Spiritual Sacred Lands lang sa buong Cang Ocran: ang True Martial Sacred Land, Floating Dream Sacred Land, at ang Ten Thousand Woods Sacred Land.

Ang Spiritual Sacred Land ay ang mga lugar na nakalagpas na sa normal na island zones, at nagkaroon sila ng three-star na puwersa.

Walang dudang ang Purple Saint Partial Spirit ay naglagay ng natatanging marka sa Void Ocean Spiritual Palace.

"Ang ating destinasyon ay magiging ang Void Ocean Spiritual Palace. Susubukan natin ang ating swerte roon."

Kinumpirma ni Zhao Feng ang ruta.

Sa kanilang kasalukuyang bilis, mangangailangan sila ng sampung araw para maabot ito.

Sa loob ng silid ng kapitan, umupo si Zhao Feng at isinama ang kanyang kamalayan sa kanyang interspatial ring at nakita ang puso ng balyena.

"Ang puso ng balyena ay mawawalan ng lakas kapag iniwan ito nang labis na matagal. Kailangan kong kunin kaagad ang heart blood essence sa lalong madaling panahon."

Nagliwanag ang mga mata ni Zhao Feng.

Makalipas ang kalahating buwan, ang Blue Lightning Sea Sky Ship ay nakarating na sa isang tahimik na parte ng karagatan, at si Zhao Feng ay tumingin sa paligid para makasiguradong walang makapangyarihang halimaw.

Inilabas niya ang napakalaking puso at nagsimulang mag-ani ng heart blood essence.

Ang skeletal Division Leader, munting pusang magnanakaw, si Loulan Zhishui, at iba pang mga mandaragat ay tumulong lahat. Ang kalagayan ng pag-ital ng balyenang namatay ay malapit na sa Void God Realm, kaya naglalaman ito ng maraming heart blood essence.

Isa pang kalahating araw ang nakalipas, ang heart blood essence ay matagumpay na naani at nailagay sa matingkad na luntiang na patola. Ang patolang ito ay nakita ni Zhao Feng sa scorpion cave sa unang beses niyang pumasok sa Purple Saint Ruins.

Ang patola ay isang hindi karaniwang bagay na kayang mapanatili ang kasariwaan ng isang bagay, kasama ang mga lumalamon na asido. Nakakapagtago pa nga ito ng mga kaluluwa. Ang isang Void God Realm King ay inilagay ang kanyang kaluluwa sa sa patola at nagnakaw ng katawan makalipas ang isang daang taon.

Di! Da!

Ang heart blood essence ay kaagad na naitago sa loob ng patola. Ang patola ay napapanatili ang kasariwaan ng mga bagay, kaya kumalma lang si Zhao Feng, na alam na ang heart blood essence ay nakatago rito.

Pagkatapos ay inilagay rin niya ang huling tulo ng Elixir of Life sa patola.

Aa sandaling ito, ang lahat ay tumingin sa patola nang may nag-aalab na mata.

"Ang lahat ay maaaring makakuha ng isang mangkok, at ang ikalawang kapitan ay maaaring magkaroon ng isang bariles."

Bahagyang ngumit si Zhao Feng. Tinantia niyang ang dami ng heart blood essence ay makakapuno ng isang maliit na silid.

"Salamat, Kapitan!"

Si Loulan Zhushui at mga kasama ay labis na nagpapasalamat. Ang heart blood essence ay isang maalamat na bagay.

Dagdag pa rito, ang kalagayan ng pag-iral ng balyenang kanilang kinuhanan ay nakalagpas na sa normal na balyena ng walang hanggang karagatan. Ang maalamat nang heart blood essence ay magiging napakataas na kalidad na bagay.

Kahit ang isang mangkok ng bagay ay makakapahbaho matapos na ikuskos ito sa kanilang katawan. Maaari rin nila itong tunawin at gamitin nang ilang beses.

Ang kalagayan ng pag-iral at pundasyon ni Loulan Zhushui ay malaki ang pagtaas matapos gumamit ng isang bariles ng heart blood essence.

Ang skeletal Division Leader ay nakatanggap din ng isang bariles, at ang mga buto nito ay lalakas pa matapos gamitin ito kasabay ng Mystic Dark Crystal Bone.

"Kapitan, kung mayroon kang sobrang heart blood essence, maaari mo itong isama sa barko at gawing mas malapit sa karagatan ang aura nito. Kasabay nito, ang aura ay makakapanakot sa ibang mga halimaw."

Mungkahi ng isang matandang mandaragat.

"Pag-iisipan ko."

Tumango si Zhao Feng. Ang mungkahing ito ay maaaring gawin kapag naayos na ang barko.

Sa loob ng silid ng kapitan, si Zhao Feng ay lumubog sa isang bariles ng heart bkood essence, at isang mainit na pakiramdam ang dumaloy sa kanyang dugo at buto.

Habang lumilipas ang oras, ang mainit na pakiramdam ay naging mas malakas hanggang sa naging nakakapaso na ito.

Makalipas ang isang oras, ang katawan ni Zhao Feng, kasama ang kanyang mga laman, ay ganap na nalinis. Kahit na ang kanitang katawan ay nakaabot na sa lebel ng isang Sovereign, nararamdaman pa rin niya ang sakit at puwersa mula sa heart blood essence.

Kasabay nito, nararamdaman niya ang kanyang kalagayan ng pag-iral na nagiging dalisay rin, at isang nakakamanhid na pakiramdam ang dumaloy sa kanyang katawan.

Kung isa ito itong normal na True Lord Rank na lumubog sa isang buong bariles ng heart blood essence, ang kanilang mga buto at laman ay madudurog, at maaari pa silang mamatay.

Sa kabutihang palad, ang mga mandaragat ay gumamit ng tinunaw na heart blood essence, o gumamit lang ng kaunting dami nito.

Masasabing ang lahat ay apektado ng heart blood essence, ngunit ang mga any mas mahinang pundasyon at cultivation ay nakatanggap ng mas mabuting epekto.

Nächstes Kapitel