webnovel

Ang Grupo ni Lu Tianyi

Redakteur: LiberReverieGroup

Ang skeletal Division Leader ay bumalik na sa lokasyon ng Towering Tree Yao makalipas ang isang sandali.

Sa isang sanga ng puno, si Zhao Feng ay may maputlang ekspresyon, at may pawis sa noo. Kahit ang Towering Tree Yao mukhang mahina.

Naintindihan ng skeletal Division Leader nang makita ito. Kasabay nito, nagsimula na itong mag-isip. Si Zhao Feng ang pinakamahinang nakita niya.

Gumamit si Zhao Feng ng napakaraming lakas, at kung ipinagpatuloy niya ito kahit saglit, wala nang matitira sa kaniya.

"Master, kung nagtagal pa tayo, napatay na natin sila."

Sabi ng skeletal Division Leader na tila nagsisisi.

Hindi ginamit ni Zhao Feng ang lahat ng kaniyang lakas, kaya ang skeletal Division Leader ay walang pagkakataong mabago ang sitwasyon.

"Skeletal Division Leader, hindi ako nagpatuloy dahil hindi ako mapakali sa iyo. Kahit na wala na akong natirang lakas, hindi ka magkakaroon ng pagkakataon."

Tumingin si Zhao Feng sa skeletal Division Leader at nagulat ito. Mukhang wala sa mga iniisip nito ang maitatago kay Zhao Feng.

"Then, ang ibig sabihin ni Master ay...?"

Maingat na sinabi ng skeletal Division Leader.

Bilang nasa Purple Saint Ruins at kasama sa Towering Tree Yao, ang kapangyarihan ni Zhao Feng ay halos wala nang makatapat; kaya niyang kontrolin ang kahit na anong halimaw gamit ang kaniyang Eye of Heaven.

"Kung pinatay natin ang grupong iyon, ang kabayaran nito ay malaki."

Napatingin si Zhao Feng sa langit.

Ang mga ekspresyon ng manonood ng tatlong sect ay nanlamig. Si Zhao Feng ay mukha ay tila nakatingin sa kanila.

"Sa kabutihang palad, si Elder Shui Yun ay mahusay sa paghihilom. Kung isa itong normal na Sovereign, namatay na siguro sila."

"Kahit ano pa, nakaligtas pa rin siya."

Ang mga miyebro ng tatlong sect ay nag-usap.

Kahit na natalo si Elder Shui Yui, ang kaniyang kalmadong ugali ang nagpahanga sa iba. Ang kalaban niya ay isa ngang halimaw.

Nang mapataatg na ang spatial hole, nakakapagpadala pa sila ng mas makapangyarihang grupong mas mahusay sa labanan.

Ang ekspresyon ng Saint Moon Aunt Goddess ay kalmado, ngunit ang lahat ng nangyari ay mas nagpaseryoso pa sa lahat ng miyembro ng tatlong sect.

Sa mga susunod na araw, hindi pinayagan ni Zhao Feng ang skeletal Division Leader na habulin si Elder Shui at mga kasama nito. Sa halip, tumuon sila sa pag-aayos ng array at paggawa ng Yuan Qi array.

Ang pangunahing gawain ng skeletal Division Leader ay ang paggawa ng cursed ghost-corpses, at si Zhao Yufei ay tumulong din sa paggawa ng ilan mga array.

Sa loob ng tatlong araw, ang eye bloodline power ni Zhao Feng ay nanumbalik na ang lakas at kaya na niyang magkontrol ng ilang mga halimaw para tumulong.

Sa oras na iyon, si Elder Shui Yun at mga kasama nito ay naghihilom pa. Ang pinsala ng nauna ay labis na malala, kaya kahit na mahusay siya sa paghilom, matatagalan siya para makabalik sa kaniyang peak.

Dagdag pa rito, ang ibang mga miyembro ay nalamon na ng power of the curse. Kailangan ng tulong ni Elder Shui Yun para mapadalisay ito, at kailangan niyan gumamit ng maraming lakas sa proseso.

Kung isa lang itong normal na Sovereign imbis na si Elder Shui Yun, hindi na nila maaalis ang curse-power.

Wala na siyang magawa, kalahati ng grupo ang mamamatay.

Higit pa rito, si Elder Shui Yun ay hindi mapakali. Tila may isang matang nagmamanman sa kanila mula sa kung saan.

Sa wakas, sa ikaapat na araw, nakaharap ng grupo ang isang panganib. Apat o limang halimaw ang pumaligid sa lambak kung saan sila naghihilom.

Boom~~~~

Ilang daan sa libo libong mga halimaw ang ginawang patag ang lupa.

Ang mga halimaw ay pinangunahan ng mga half-step Origin Core Realm na patuloy sa pang-iinis sa kanila, kaya ang grupo ni Elder Shui Yun ay napilitang lumaban.

Sa mga sumunod na araw, ang sitwasyong ito ay nangyayari palagi, kaya't hindi sila nakakapagpahinga.

Ang mga halimaw na ito ay hindi kumikilos nang normal. Mayroon silang taglay na mataaas na katalinuhan.

Ang ilan sa kanila ay mga katangi-tangi pang talento. Halimbawa, ang ilang mga hakimaw ay kayang tumalon mula sa lupa habang ang iba ay kayang maging invisible. Ang ilan ay mahusay sa mental eenergy at naglalabas na nakakamatay na lason.

Ang Purle Saint Ruins ay labis na sinauna, kaya maraming mga kakaibang halimaw.

Sa ikalimang araw, ang grupo ay nagkaroon ng una nitong pinsala.

Tinulungan ni Elder Shui Yun ang grupong makaligtaws at pinaghilom sila. Siya ay pagod na.

Ang mga pagtambang at taktika ni Zhao Feng ay labis na kakaiba. Tumuon siya sa mga mas mahinang miyembro sa halip na kay Elder Shui Yun.

Ang ugali ni Elder Shui Yun at lakas ay hindi matinag. Hinangaan siya ni Zhao Feng, gayunman, pinakay niya ang mga mahinang punto ng grupo, na nangangahulugang hindi makakatuon si Elder Shui Yun sa paghihilom sa kaniyang sarili. Habang tumatagal, dumadami ang kanilang mga pinsala.

Sa huli, kahit ang Eye of Heaven ay matatambangan sila palagi.

__

Wind Lightning Eye Flame!

__

Azure Lightning Slash!

__

Illusion Maze!

__

Ang Eye of Heaven ni Zhao Fegn ay ginigipit ang grupo o pumapatay.

Ang mga miyembro ay araw-araw namamatay. Sa huli, tanging si Elder Shui Yun, Ye Yanyu, at isang half-step Origin Core Realm ang natira.

Ang orihinal na dalawampung miyembro ay naging tatlo.

"Ang Zhao Feng ng ito... Ang ginagawa lang niya ay kung paano tayo pahihirapan?"

Si Ye Yanyu at mga kasama ay hindi pa nakakatulog nang maayos. Kailangan nilang maging alerto palagi.

Sa tatlong natitira, tanging si Elder Shui Yun ang may limampung porsyento ng kaniyang Yuan Qi na natira, ang dalawa ay hindi ganito kataas.

Sa panlabas na mudno, sa ibabaw ng mga bundok, ang mga ekspresyon ng tatlong Void God Realm King ay naging seryso.

"Kung ginawa niya ang kaniyang makakaya, napatay na sana silang lahat ni Zhao Feng , ngunit hindi niya ginawa."

Sinabi ng Saint Moon Aunt Goddess nang may mabigat na tono.

Hindi mahirap makitang si Zhao Feng ay pinakagumugol ng oras sa pag-aayos ng talong pangunahing butas. Kahit na mukhang si Elder Shui Yun at kaniyang mga kasama ay kumakaharap sa labis na paghihirap, pang-iinis lang ito ni Zhao Feng habang nagpapalipas ng oras.

Sa karaniwan, nangyayari ito nang dalawa o tatlong beses sa isang arawm at hindi man lang gumagamit ng maraming lakas ni Zhao Feng.

"Mga Panginoon, mas maliit ang mga butas, mas mahirap buksan ang isang spatial hole."

Si Grandmaster Yin Kong ay nagpadala ng masamang ulat, at ang mga ekspresyon ng tatlong Void God Realm ay bahagyang nagbago.

"Gaano karami ang maaari nating ipaala roon?"

Tanong ng Saint Moon Aunt Goddess.

"Pinakamababa na ang isa pa at pinakamataas ang dalawa, ngunit kung magpapatuloy ito, ang pagkakataon ng ikatlong grupong magtagumpay ay mababa."

Si Grandmaster Yin Kong ay nagbuntong hininga habang pinapanood ang pangyayari sa imahe.

Ang Zhao Feng na ito ay may malakas na kontrol sa sitwasyon.

__

Hindi niya gaanong inisip ang tagumpay sa pagtapos kay Elder Shui Yun. Ang kaniyang pangunahing tuon ay nasa mga pangunahing butas habang iniinis klang si Elder Shui Yun sa mga oras na wala siyang ginagawa.

Weng~~

Ang imahe ay nagsimula nang maging magulo at malabo.

"Anong nangyayari!?"

"Ang imahe ay bahagyang naging malabo!"

Ang mga manonod ng tatlong sect ay sumigaw.

Sa sandaling ito, ang tatlong butas ay nagsisimula nang mag-ayos.

"Brother Zhao Feng, ansa 60% hanggang 70% ng butas sa misteryosong kanyon ang naayos na habang ang dalawa ay nasa 80% hanggang 90% na ang natapos. Ang ibang halatang kamalian ay inaayos na rin."

Umalingawngaw ang boses ni Zhao Yufei.

Ang dahilan kung bakit 60% hanggang 70% lang na naayos ang misteryosong kanyon ay dahil sa paglalaban dito ng mga Sovereign, at ang tatlong Void God Realm ay ginamit ang kanilang kapangyarihan dito. Samakatuwid, ang pag-aayos sa lugar na ito ay napakabagal.

"Mukhang ang sunod na grupo ay lilitaw mula rito."

Mabagal na pumikit si Zhao Feng. Sa mga nakaraang araw, kahit na siya ay naghihilom, ginugol pa rin niya ang ilan sa kaniyang oras sa pag-unawa.

Matapos na mahawakan ang intent ng mga Sovereign, naintindihan na niya ang mas maraming bagay sa purple-colored lightning.

Bukod pa rito, ang Water Spirit Divine Change ay sinuri rin ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng.

"Ang Water Spirit Divine Change ay gumagamit ng kakaibang Water bloodline para maging solid ang liquid state. Ang technique na ito ay mukhang katangi-tangi, ngunit ang mga tao ay binubuo ng 80% tubig..."

Nag-umpisa nang maintindihan ni Zhao Feng.

Kinopya niya ang teorya sa likod ng Water Spirit Divine Change ni Elder Shui Yun, at ngayon ang kailangan niya lang gawin ay kopyahin ang technique mismo.

Dahil mayroon nang Water bloodline si Zhao Feng, ang kaniyang progreso sa Water Spirit Divine Change ay labis na mabilis.

Para manatili itong isang lihim, nagtago siya sa pagitan ng mga sanga ng Towering Tree Yao.

Ang oras ay mabilis na lumipas. Kalahating buwan na ang nakalipas simula noong si Elder Shui Yun at mga kasama niya ay nakarating sa ruins.

Sa nakaraang kalahating buwan, naintindihan ni Zhao Feng ang dalawampung porsyento ng purple-colored lightning, at ang kaniyang mental energy ay nagsimula nang maabot ang Origin Core Realm.

Siya ay sumama sa Towering Tree Yao sa loob ng mahabang panahon, at nakipaglaban na siya sa isangg Sovereign.

"Bukod sa aking cultivation, na tumataas papunta sa peak True Lord Rank, ang iba ko pang mga aspeto ay hindi gaanong naiiba sa isang normal na Sovereign, at maaaring magkaroon pa sila ng kalamangan sa ibang mga parte."

Naramdaman ni Zhao Feng na tila siya ay nagyabong nang malaki.

Sa oras na ito, tatlumpu't walong cursed ghost-corpse ang nagawa at, sa pagdagdag ng mga bangkay na ito, ang lakas ng Ghost Corpse Cursed Array ay kapansin-pansing tataas.

Sa araw na ito, may pagkakagulo sa lugar sa pagitan ng misteryosong kanyon.

Weng~~

Isang pilak na butas ang lumitaw sa gitna ng kanyon.

"Zhao Feng, mag-ingat ka. Ang ikalawang grupo ay darating na sa butas na iyan."

Babala ng Purple Saint Partial Spirit.

Shua! Shua! Shua!

Higit sa isang dosenang makapangyarihang aura ang tumalon palabas ng butas.

Ang pinuno ay bahagyang mataba at tamad na youth, na ang aura ay nakaabot na sa Origin Core Realm at mas malakas pa sa normal na Sovereign.

Ito ay si Lu Tianyi.

Nächstes Kapitel