webnovel

Tagumpay at Kabiguan

Redakteur: LiberReverieGroup

Biglang binaliktad ang sitwasyon ng paglitaw ng Earth-Grade weapon's shadow.

Crack!

Ang maliwanag na bilog ng Ice Imperial Spear ay pinagyeyelo at sinisira ang lahat ng madaanan nito.

"Earth-Grade weapon shadow?"

"Si Zhao Feng ay may isang Earth-Grade weapon?'

Nagulat ang dalawang Sovereign.

Walang kumpletong Earth-Grade weapon sa Azure Flower Continent. May maliit na bilang ng mga Sovereign na may mga piraso ng Eight-Grade weapon, ngunit kahit iyon ay hindi kadalasang makikita.

Ngunit sa oras na ito, isang piraso ng Earth-Grade weapon ang matagumpay na napalabas sa kamay ng isang prodigy.

Hindi maisip ng dalawang Sovereign kung gaano kalakas ang isang kumpletong Earth-Grade weapon.

"Masira ka!"

Ipinalaganap ni Zhao Feng ang kanyang bloodline maipon ang kanyang Ice Imperial Spear.

Ang ekspresyon ni Yu Tiangao ay halatang nagbago nang ang kanyang makapangyarihang atake ay ginawa lang yelo ni Zhao Feng.

Peng!

Ang kanyang bloodline ay tila nagyelo mula sa Earth-Grade weapon shadow nang napatalsik nang ilang yarda ang layo.

Hindi kaagad na sumugod si Zhao Feng dahil ang kapangyarihan ng Earth-Grade weapon ay labis na malakas; kung hindi niya ito kokontrolin nang maayos, makakapatay siya ng isang Origin Core Realm nang madali.

Kung iisipin kung paano ginamit ni Zhao Feng ang kanyang Earth-Grade weapon para matalo ant skeletal Division Leader hanggang sa magmakaawa ito sa kanyang buhay, si Zhao Feng ay mas malakas pa noon.

"Hmph, isang piraso ng Earth-Grade weapon?"

Ang battle-intent ni Yu Tianhao ay patuloy na tumataas habang siya ay tumatawa sa hangin.

Shua!

Isang tatlong pulgadang puluhan ng espasa ang lumitaw sa kanyang kamay at nagbigay ng makapangyarihang aura.

Puluhan ng espada? Piraso ng Earth-Grade weapon?

Bahagyang napatigil si Zhao Feng. Ang Ice Imperial Spear na kanyang natanggap ay mas kumpleto sa isang puluhan, ngunit parte lang ng kapangyarihan nito ang magagamit.

"Ang puluhan ng espadang iyon ay malamang sandata ng isang Void God Realm noong ito ay kumpleto.'

Ang nakakasindak na aura ay nakapagpanginig sa dalawang Sovereign.

Unparalleled in the World!

Sumama si Yu Tianhao sa malamig at malabong anyo at isang nakasisilaw na liwanag ang umatake kay Zhao Feng.

Kasabay nito, isinaksak ni Zhao Feng ang kanyang asul na sibat.

Ding~~~~

Ang dalawang intent mula sa dalawang Earth-Grade weapon ay nagtama, at isang maliit na butas aby lumitaw sa ice-blue na anyo ng sibat. Ngunit nang sumunod na sandali, isang nakakasindak na lamig ang olpinagyelo ang puluhan ng espada ni Yu Tianhao.

Wu~~

Ang dalawang aura ay nagtama, na nakagawa ng nakakasirang alon.

Parehong may lumabas na dugo kina Zhao Frng at Yu Tianhao.

Ang pagkakaiba ay ang pinsala ni Zhao Feng ay mabagal na naghihilom, ngunit ang oinsalang ito mula sa kapangharihan ng Earth-Grade weapon, na maaaring makapagpabagal sa kanyang paghilom.

Ang sitwasyon ni Yu Tianhai ay bahagyang malala.

Ang bilis ng kanyang paghilom ay kalahati lang ng kay Zhao Feng jahit na nasa kalagayan na siya ng Unparalleled Heaven Battling bloodline.

"Hindi ito maganda. Kung magpapatuloy ito, lubha itong magiging mapanganib.

Ang ekspresyon ng dalawang Sovereign ay nagbago; ang kapangyarihan ng mga youth na ito ay kaya nang pagbantaan ang mga Sovereign.

"Tigil~~~!"

Isang malakidlat na boses ang umalingawngaw sa langit, na nagdahilan para makaramdam ng puwersa ang mga nasa paligid.

Kahit si Dao Sovereign Baiyun at Patriarch Hong ay nakaramdam ng puwersa nang marinig ang boses.

Shua!

Isang gwapong lalaki ang bumaba sa pagitan ni Zhao Feng at Yu Tianhao.

"Sovereign Yu Xingchen!"

Sumigaw si Patriarch Hong nang makilala ang parating na tao.

"Bukas!"

Kumaway si Yu Xingchen at isang katangi-tanging transparent na kamay ang puwersahang humila sa dalawang magkalaban.

Bam! Bam!

Ang dalawang Lord Prodigy ay naitulak palayo ng isang mahinang puwersa, ngunit kahit na ganoon, halos dumura na si Zhao Feng ng dugo.

Kung titignang maigi, ang mga anyo ng Eartg-grade weapon ay mabagal na nahihila ni Yu Xingchen.

Ilang hininga ang nakalipas.

Whoosh!

Ang kapangyarihan ay ganap na dinurog ni Yu Xingchen at huminga bago tumingin kay Yu Tianhai, "anong karapatan mong gamitin ang Unparalleled Heaven Battling bloodline nang ganoon? Sa tingin mo ba ay kaya mong harapin ang kabayaran ng paggamit nito?"

Nanatiling tahimik si Yu Tianhao, ngunit ang kanyang battle intent ay mabilis na nawala at naging mapayat ang kanyang katawan.

Halatang may mga epekto ang paggamit ng Unparalleled Heaven Battling bloodline.

Kapag nasobrahan sa paggamit ang kanyang bloodline, hindi maiisip ang epekto.

"Paanong walang pag-iingat na ginamit ng isang True Lord Rank ang kapangyarihan ng isang Earth-Grade weapon? Kung hindi ako dumating sa tamang oras, maaaring namatay na kayo."

Tumingin si Yu Xingchen kay Zhao Feng. Hindi sumagot si Zhao Feng, at siya ay bahagyang takot din.

Hindi niya gaanong makontrol ang isang piraso, ngunit kung dalawang piraso ng Earth-Grade weapon ang nagtama, kahit ang mga Sovereign ay mapapalayo

"Yun Xingchen, mabuti at dumating ka sa tamang oras."

Nakahinga na si Patriarch Hong.

Kahit na kaya niyang pigilan at ni Dao Sovereign Baiyun ang kapangyarihan ng dalawang Earth-Grade weapon shadows, hindi nila magawa habang sinisugurado ang kaligtasan ng dalawang Lord Prodigy. Gayunman, kaya itong gawin ni Yu Xingchen.

Puwersahan niyang pinaghiwalay ang dalawang tore nang hindi sinasaktan si Zhao Feng o Yu Tianhao.

Kumalma ang ekapresyon ni Yu Tianhao bang batiin ang dalawang Sovereign, ngunit hindi na siya nagtagal.

"Tianhao, wala nang oras na nalalabi. Ang swerteng ito ay mangyayari lang isang beses sa bawat dalawampung taon."

Ang ekspresyon ni Yu Xingchen ay humugoit nang hawakan ang balikat ng anak.

"Sige."

Tumango si Yu Tianhao at mukhang mahina.

Bago siya umalis, malalim siyang tumingin kay Zhao Feng at bumulong nang mahina, "Hindi ko inaasahang makakakita ako ng malakas na kalaban tulad mo sa Azure Flower Continent bago umalis."

Si Zhao Feng ay nagulat. Hindi mahirap isipin na si Yu Tianhao ay malakas ang loob. Hindi niya inisip na hindi siya mananalo.

"Ikaw lang ang aking kalaban sa kontinente mula rin sa henerasyong ito."

Si Zhao Feng ay tumango.

Ang lakas ni Yu Tianhao ay lumagpas din sa kanyang inaasahan.

Bago gamitin ang anino ng Earth-Grade weapon, nakatabla lang niya si Yu Tianhao. Kahit na gumamit siya ng Earth-Grade weapon, mahirap pa ring manalo.

"Maglaban ulit tayo sa susunod. Maaaring sa limang taon… sampung taon… o mas matagal pa."

Ang aura ni Yu Tianhao ay naging napakahina.

__

Limang taon… sampung taon… o mas matagal pa?

Si Zhao Feng ay nagulat. Tila si Yu Tianhao ay aalis sa Azure Flower Continent ay pupunta sa napakalayong lugar.

"Ano kaya kung magkaroon tayo ng kasunduan, pagkatapos ng sampung taon, maglaban ulit tayo."

Mababakas ang pagod na bumuhos sa mukha ni Yu Tianhao at nahihirapan siyang panatilihing bukas ang kanyang mata. Ang labis na paggamit sa Unparalleled Heaven Battling bloodline ang pumagod sa kaniya.

"Sige, mangyayari ito pagkatapos ng samoung taon."

Tumango si Zhao Feng. Alam rin niyang ang paglagpas sa cultivation pagkatapos makaabot sa True Lord Rank ay mas mabagal, at ang isang problema ay maaaring magtagal ng ilang taon.

Ang sampung taon ay hindi naman gaanong mahaba.

"Halika na."

Tinapos na ni Yu Xingchen ang usapan nang kunin si Yu Tianhao at nagmadali sa mga ulap.

Makalipas ang isang sandali, umalis na si Yu Xingchen nang ilang daang milya.

"Ama, kung hindi mo kami pinigilan, ako pa rin ba ang mananalo?"

Bahagyang nanginig ang mga kilay ni Yu Tianhao.

"Sa teorya, ang Unparalleled Heaven Battling bloodline ay walang hangganan. Kapag nagpatuloy ang laban, ang pagkakataon mong manalo ay mas malaki sana."

Hindi tumutol si Yu Xingchen.

Kung si Zhao Feng ay nandito, siya ay magugulat. Paano nagkaroon ng ganoong nakakasindak na bloodline na walang hangganan?

Ngumiti si Yu Tianhao nang marinig ito, na tila masaya sa natanggap na kumpirmasyon mula sa ama.

"Ngunit!"

Ang mga salita ni Yu Xingchen ay bumaliktad, "Ang labis na paggamit ng Unparalleled Heaven Battling bloodline nangangahulugang maaari kang mamatay, habang si Zhao Feng ay mabubuhay pa rin kahit matalo siya."

"Ama…"

Ang ekspresyon ni Yu Tianhao ay nagbago.

"Samakatuwid, ang mananalo ay si… Zhao Feng."

Si Yu Xingchen ay umangal.

Nang marinig ito, si Yu Tianhao ay nagtampo, ngunit ang sunod na sinabi sa kaniya ng kanyang ama ay wala na siyang nasabi, "Kung titignan mo ang kasaysayan, ang mga nabuhay lang hanggang sa huli ang nanalo. Hindi mahalaga kung sila ay nanalo o natalo noon."

Si Yu Tianhao ay nag-umpisang mag-isip.

Ang Unparalleled Heaven Battling bloodline ay kayang patuloy na mapataas ang kapangyarihan hangga't ang lifeforce ng gumagamit ay hindi pa nawawala.

Gayunman, ang gumagamit ay may kabayaran sa pagkuha nito. Sa madaling salita, kung gaano kalaki ang iyong kinuha ay papalitan mo - ito ang balanse.

Halimbawa, sa sitwasyon sa pagitan ni Yu Tianhao at Zhao Feng:

Kung nanalo si Yu Tianhao, ang kailangang kapangyarihan ay maaaring magresulta sa kanyang pagkamatay, dahil ang paghilom ni Zhao Feng ay labis na mabilis. Mahihirapan siyang matalo si Zhao Feng nang madali.

Kung gustong manalo ni Yu Tianhao, kailangan niyang ibigay ang kabayaran ng "kamatayan."

"Tianhao, matulog ka ba. Bubuhatin na lang kita sa mga natitirang paglalakbay."

Isang ngiti ang lumitaw sa mukha ni Yu Xingchen at siya ay bahagyang bumagal para makatulog nang maayos si Yu Tianhao sa kanyang likuran.

Ang totoo, nakita ni Yu Xingchen ang karamihan ng nangyari sa laban.

Isang "tabla" ang pinakamainam na sitwasyon mula sa kanyang pagtingin, dahil ang paglalakbay ni Yu Tianhao ay labis na madali, na ang ibig sabihin ay siya ay labis na malakas ang loob at mayabang.

Bilang isang ama, ginawa ni Yu Xingchen ang kanyang makakaya, ngunit hindi niya alam na ang karanasang ito ay nakapakinabangan din ni Zhao Feng sa parehong paraan.

Nächstes Kapitel