webnovel

Isang Atake Para Makatalo ng Napakahusay na Prodigy

Redakteur: LiberReverieGroup

Nanlalaki ang mga mata ng mga henyong True Dragon at mayroon silang gulat na ekspresyon sa mga mukha nila.

Ganoon na lang ba natapos ang laban nila Zhao Feng at Tuoba Qi?

Hindi man lang ginamit ni Zhao Feng ang kaniyang eye-bloodline o kahit man gumanti sa tagapagmana ng Tuoba family.

Nang hindi umaatake, napasuko agad ni Zhao Feng si Tuoba Qi.

"Sa paghula ng magiging atake ng eye-bloodline ko, balewala lang ang Heavenly Piercing Eye ko sa kaniya."

Huminga ng malalim si Tuoba Qi bago umalis.

Walang punto sa pakikipaglaban kung kaya rin ni Zhao Feng na iwasan ang atake ng Heavenly Piercing Eye.

"Kung ibibilang ang Sacred True Dragon Gathering, dalawa na sa tatlong nangungunang eye-bloodline ang natalo niya."

"Tanging ang Golden Sun family na lamang ang hindi pa natatalo ni Zhao Feng."

"Ang ibig sabihin ba nito, kapag natalo niya ang Three Eyed Saint…?"

Nagsimulang mag-usap-usap ang mga manonood.

Natalo na ni Zhao Feng ang ghost-eyed man sa Sacred True Gathering. Ngayon, natalo naman ni Zhao Feng si Tuoba Qi. Ang naiwan na lamang dito ay ang pinakamalakas na eye-bloodline family.

Mataas ang ekspektasyon ng mga henyong True Dragon.

Hindi pwedeng maisip na maiiwasan ang pagtuos ni Zhao Feng at ng Three Eyed Saint, at kung manalo man si Zhao Feng, makukuha niya ang titulo ng "pinakamalakas na eye-bloodline sa kontinente."

Hindi na lamang simpleng pagtitipon ang Tea Party. Ito na rin ang magsasabi kung sino ang makakakuha ng titulong pinakamalakas na eye-bloodline.

"Jinyang Shengtian."

Nakatayo lamang sa gitna si Zhao Feng sa entablado, nang tumungo ang tingin niya sa namumuno ng pagtitipon — ang Three Eyed Saint. Biglang may lumabas na layuning pakikipaglaban kay Zhao Feng. Dahil dito ay natuwa ang mga henyo.

"Tama ang inaasahan ng lahat, hinamon na ni Zhao Feng ang Three Eyed Saint."

"Kaya ba ng Three Eyed Saint na manatiling pinakamalakas na eye-bloodline sa kontinente?"

Huminga nang malalim sila Tuoba Qi at ang ghost-eyed man.

Ngumiti ang Three Eyed Saint at sabay na tumayo para harapin ang hamon ni Zhao Feng.

Unti-unting bumukas ang kaniyang pangatlong mata na kumikinang ng ginto. Para ba itong maliit na araw na umiilaw sa sobrang lakas.

Nanginig ang lahat ng henyo sa oras na iyon, at karamihan sa kanila ay nahirapang huminga.

Kahit ang mga Napakahusay na Prodigies ay hindi rin makatingin nang diretso dahil parang tumitingin sa araw ang epekto nito.

Sa tingin pa lamang ng mga Napakahusay na Prodigy ay para bang mahihirapan na silang magtagal kasama siya.

Kaya lamang ay bago pa magsimula ang pinakamabagsik na labanan sa kontinente.

"Teka."

Lumamig bigla ang boses ni Goddess Bing Wei.

Shua!

Isang katakot-takot na lamig ang umihip.

Nanlamig ang katawan ni Zhao Feng. Ang lamig ni Goddess Bing Wei ay umabot na sa puntong kaya nitong pahintuin ang isang maagang yugto na True Lord Rank.

"Anong ibig sabihin nito, Goddess Bing Wei?"

Kumunot ang noo ni Zhao Feng.

Ito na ang pangatlong beses na hinamon niya ang Three Eyed Saint na nauwi sa pagpigil ni Bing Wei.

Ang unang beses ay nang mag-talo ang eye-bloodline nila bago ang Tea Party.

Ang pangalawa naman ay nang matalo ni Zhao Feng mga henyong True Dragon bago niya hamunin ang Three Eyed Saint.

Ang pangatlo naman ay ito.

"Bing Wei, ikaw…"

Naramdaman ng Three Eyed Saint na wala na siyang maihaharap, pero hindi mahirap para sa kaniya para maintindihan ang intensyon nito.

Hindi pa rin mapakali si Goddess Bing Wei, "Wala pang nakakapagpalabas ng totoong lakas ni Zhao Feng."Halos lahat ng nakalaban ni Zhao Feng ay agad na natalo, at ang dalawa pang Napakahusay na Prodigy ay hindi siya hinahamon sa kung ano mang dahilan.

Matagal nang natalo ni Zhao Feng si Shi Chengtian, at maganda na ang relasyon nila ngayon.

Sobrang lakas na rin ng Sword Dao ni Cang Yuyue, at si Goddess Bing Wei naman ay inakalang mataas ang tsansa ni Cang Yuyue na labanan si Zhao Feng.

Kaya lamang ay nabigo siya dahil kahit man may layuning makipaglaban si Cang Yuyue kay Zhao Feng, hindi niya pa rin ito hinamon.

Halatang hindi alam ni Goddess Bing Wei ang paglalaban nilang dalawa sa Cloud Area, kung saan natalo si Cang Yuyue. Wala sila sa parehas na lebel.

Kahit pa malaki ang pang-unawa niya sa Sword Dao, wala pa rin siyang tiwala na matatalo niya si Zhao Feng.

Ang ibig sabihin lang nito ay natalo na ni Zhao Feng ang tatlong Napakahusay na Prodigies.

"Hmph! Aatakihin ko ang lahat nang susubok na pigilan ako."

Nagsimulang padaluyin at pinakalat ni Zhao Feng ang Qi of True Spirit niya sa buong lugar.

Shua!

Ang nagyeyelong hangin na yumayakap sa katawan ni Goddess Bing Wei ay daliang nasira.

Naghinagpis sa manhid ang katawan si Goddess Bing Wei. Pinahirapan siyang huminga nang maayos ng umuungol na hangin.

Sa oras na iyon, ang aura of wind and lightning ni Zhao Feng ay umabot na sa katakot-takot na lebel na hindi mapapantayan ng normal na True Lord Rank.

"Hindi pa natatapos ang laban natin, Zhao Feng!"

Sinimulang gamitin ni Goddess Bing Wei ang Qi of True Spirit niya sa balat niya bilang isang patong ng asul na yelo.

Sa oras na iyon, nagmukha siyang isang bumukabkab na bulaklak, at ang aura niya ay nagsimulang tumaas na maikukumpara sa lakas ng Peak True Lord Rank.

"Anong sikretong technique ito…? Ginagawa niyang yelo ang buong katawan niya…."

Para bang nagyelo ang dibdib ng mga henyong True Dragon at bigla silang nangatog.

Napuno ng lamig ang buong lugar, at ang ngipin ng mga manonood ay nagsimula ring mangatog at nahirapan silang gumalaw.

"Mystic Crystal Battle Body!"

Nagmukhang diyosa ng yelo si Goddess Bing Wei. Nagsimulang mag-resoneyt ang galaw niya sa lamig.

Sa ilalim nito, matataasan pa ng depensa niya ang kay Shi Chentian.

Miski si Cang Yuyue ay mahihirapang tablahan ang depensa niya ngayon. Iyon ay sa pisikal na dimensyon lamang.

"Kayang gawing yelo ng Mystic Crystal Battle Body ko ang kahit sinong normal na True Lord Ranks. Zhao Feng, hindi ako naniniwalang kaya mo pang mag-tagal nang hindi ginagamit ang iyong eye-bloodline."

Isang malamig na layuning pumatay ang sumipot sa mukha ni Goddess Bing Wei.

Hu~~

Sa isang kaway ng kaniyang kamay, nakagawa siya ng isang malakas na ikot ng nagyeyelong hangin na lumamon ng lahat ng nasa loob ng kalahating milya.

Malaki ang binagong ekspresyon ng mga Napakahusay na Prodigies sa lakas na ipinakalas ni Goddess Bing Wei. Sobra rin ang gulat ng ibang mga henyo.

Kahit ang Three Eyed Saint ay nagulat. Maikukumpara sa isang Peak True Lord Rank ang lakas ng battle-power ni Goddess Bing Wei.

Kahit ang mga normal na True Lord Ranks ay mahihirapang sirain ang kaniyang depensa. Magiging sorbetes sila kung susubukan nila lumapit.

Siiii!

Ang suson ng hangin at kidlat sa paligid ni Zhao Feng ay nagsimula nang maubos dahil sa lamig, at nagsisimula na ring magyelo ang kaniyang katawan.

"Goddess Bing Wei, masisira ang pundasyon mo kung gagamitin mo ang technique na ito. At ginagamit mo lang ito para lang makita kung gaano ako kalakas."

May malamig na ngiti ang lumitaw sa mukha ni Zhao Feng.

_From Ice to Water!_

May isang alon ng tubig ang lumitaw sa paligid ni Zhao Feng. Humaba ng ilan pang yarda.

Boi~~

Lahat ng lumalapit kay Zhao Feng ay nagiging para bang bato na lumulubog sa dagat.

Kung bundok si Goddess Bing Wei, dagat naman si Zhao Feng.

Shua!

Nagsimulang umalon ang katawan ni Zhao Feng habang nagsisimula siyang bumuhos kay Goddes Bing Wei.

"Break!"

Sumuntok si Zhao Feng. Para siyang tubig na umaapaw at tumatagos sa depensa ng Mystic Ice Battle Body ni Bing Wei.

"Hindi~~~~!"

Nagbago ang ekspresyon ni Goddess Bing Wei habang pinapanood niyang suntukin ni Zhao Feng ang dibdib niya.

Crack!

Tinamaan ng suntok na ito ang Mystic Crystal Battle Body ni Bing Wei at sumabog sa paligid ng kaniyang dibdib.

Wah!

Dumura ng dugo si Goddess Bing Wei. Nagkagula-gulanit na ang kaniyang damit, at dahil doon, ay lumabas ang maputi niyang dibdib

"Bing Wei!"

Sumigaw ang Three Eyed Saint at dalian niyang niligtas ang kaniyang asawa.

"Natalo niya si Goddess Bing Wei ng isang atake lang."

Sobrang tahimik ng mga manonood, at marami sa kanila ang huminga nang malalim.

"Nakakatakot. Sa estadong iyon ni Goddess Bing Wei ay mas malakas pa siya sa ibang Napakalakas na Prodigies, natalo pa rin siya ni Zhao Feng sa isang atake."

Pumitak sina Shi Chengtian, Cang Yuyue, Tantai Lanyue at iba pa.

Swerte silang hindi pa nila hinamon si Zhao Feng dati o mapapahiya rin sila.

Natalo ng isang atake ang isang Napakahusay na Prodigy.

Muntik nang lumuwa ang mata ng mga manonood. Ilang saglit pa ang lumipas bago sila magising sa katotohanan.

Bumulong si Zhao Feng sa kaniyang sarili, "Buti na lang tapos na ang gulo."

Taimtim pa rin ang ekspresyon ng Head of the Golden Sun family at ng matandang may damong sombrero sa tuktok ng isang bundok.

"Hindi ko inaasahan na ganito ang lakas ni Zhao Feng. Mukha ring hindi maganda ang intension niya rito…."

Bulong ng matanda may sombrero.

"Mukhang hindi siya agad-agad matatalo ni Sheng'er, pero walang may kayang kumuha ng titulong pinakamalakas na eye-bloodline."

Kuminang ang mga mata ng Golden Sun family Head.

Sa oras na iyon, ang labanan sa pagitan ni Zhao Feng at ng Three Eyed Saint ay nagsimula na rin.

"Zhao Feng, anong karapatan mo para saktan si Wei'er!"

Nakapagpapayanig ang boses nito na punong-puno ng layuning pumatay. Lahat ng naroroon ay nilamig.

Bumukas ang pangatlong mata ng gwapong olandes na lalaki na naglabas ng gintong ilaw na kasing liwanag ng araw.

Peng! Peng! Peng! Peng!

Sina Tuoba Qi, ang ghost-eyed man, at ang iba pang naroroon na may eye bloodlines ay hindi makagalaw.

_Hmm?_

Para bang bumigat ang kaliwang mata ni Zhao Feng na para bang may presyur na tumutulak sa kaniyang mata.

"Three Eyed Divine Light!"

Isang bulalakaw ng ilaw ang sumunog sa lahat ng dinaanan nito ang lumipad patungo kay Zhao Feng.

Nächstes Kapitel