Kinaumagahan, ang mga hukay ay wala ng laman. Mayroon na lamang malalaking butas na mabaho.
Tinago na ni Zhao Feng at ng munting magnanakaw na kuting ang mga kagamitan at ngumiti.
Ang hindi kagustuhang nararamdaman ng Skeletal Division Leader ay naging gulat, inggit at selos. Sa huli, nasanay na rin siya.
"Isang daang mga kalansay! Agghhh! Isang daang perpektong True Lord Rank na kalansay ang nakatago sa Mystic Yin Black Crystal Stone coffins. Ang mga aura nila ay hindi pa nawawala."
Ang Skeletal Division Leader ay sumigaw sa kanyang puso. Sa kasamaang palad, ang nakatanggap ng lahat ng swerteng ito ay hindi siya.
Kahit na alam niyang mayroong isang daang True Lord Rank corpses, wala siyang kakayahan na kuhanin ito.
Sa kabilang banda, isang bata at pusa ang nakahukay sa source of Hundred Graves Forbidden Ground's power.
"Hindi na masama. Marami kang nagawa ngayon, munting magnanakaw na kuting."
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com