webnovel

Pagharap sa Sword Intent

Redakteur: LiberReverieGroup

Seven Sword Inheritance – Heavenly Despair Killing Sword!!

Shua!

Isang magandang guhit ng malamig na liwanag ang siyang lumabas mula sa sira-sirang ispada. Tila ba hinihiwa nito ang kawalan at binabago ang lumilipas na oras.

Crack!

Ang kulay dugong malademonyong buwan na ginawa ni Lin Tong ay nasira at ang kasisindak na eksena ng impyerno ay naglaho.

Sa isang biglang iyon, isang malamig na pagnanasang makapatay ang siyang dumaloy sa kanyang katawan.

Wa!

Nanginig ang buong katawan ni Lin Tong habang dumudura siya ng dugo at naging maputla.

"Seven Sword Inheritance…. Ikaw…."

May dugong lumitaw sa mga mata ni Lin Tong. Ang atake ni Cang Yuyue ay hindi lamang sinira ang kanyang technique kundi inatake rin nito ang kanyang eye bloodline.

Ang sagupaan ng dalawang ito ay nagtagal lamang ng ilang segundo at si Lin Tong ay nakagamit na ng kanyang pinakamalakas na skill. Hindi lamang siya natalo, ang kanyang mga mata ay nasugatan rin ni Cang Yuyue.

"Natalo ako."

Namighati si Lin Tong. Natalo na siya dati kay Cang Yuyue, at kahit na lumago silang parehas, ang distansya sa kanilang kakayahan ngayon ay lalong lumawak.

Sa aspeto ng bloodline, talento at pundasyon, mas nakakaangat si Lin Tong, pero dahil nakapasok si Cang Yuyue sa Seven Sword Inheritance at nakatanggap ng core inheritance. Ang kanyang mga atake ay umabot sa antas na hindi mo kapapaniwalaan at nakaabot rin ito sa ibang antas ng cultivation.

"Ang kalaban ko ay hindi ikaw."

Mahina lamang ang boses ni Cang Yuyue. Kahit na hindi pa siya nakakaabot ng True Lord Rank, ang kanyang opensa ay hindi mapapantayan ng mga nasa ibaba ng kababanggit lamang na antas. Kaya niya pa ngang pagbantaan kahit ang mga nasa True Lord Rank.

Shua!

Sa isang malamig na guhit, isang babaeng nakadamit ng puti ang nagpakita.

Sino ito!?

Ang mukhan ni Lin Tong ay nanigas. Ang bilis ng babaeng nakaputi ay hindi na maabot ng kanyang mata.

"Elder Bai, andito ako para hamunin si Zhao Feng. Inaasahan ko sanang huwag kang makikialam."

Wika ni Cang Yuyue.

Ang babaeng nakaputi ay ngumiti. Paano namang hindi niya malalaman ang nararamdaman ni Cang Yuyue?

Pero ang kanyang mga mata ay napunta kay Lin Tong at bigla itong nanlamig.

"Bata, ano ang iyong relasyon sa Scarlet Moon Demonic Religion? Ang iyong skill at eye bloodline ay paniguradong may koneksyon sa Scarlet Moon Inheritance."

Ang boses ni Elder Bai ay naglalamang ng isang malamig na pagnanasang makapatay kung kaya napasinok na lamang si Lin Tong. Ang mental energy pressure mula sa babaeng ito ay higit pang mas malakas kaysa sa apat na Palace Lords ng Iron Dragon Religion.

Ang kanyang mga mata ay tila mga ispadang tumutusok sa kanyang puso. Alam niya na kapag ang isang eksperto sa ganoong lebel ay gusto siyang patayin, mangyayari ito agad sa isang pitik lamang.

Habang kaharap ang tanong ni Elder Bai, nalaglag ang puso ni Lin Tong.

Ang Scarlet Moon Demonic Religion ay binigyan nga siya ng malaking importansya kung kaya nabiyayaan siya ng pagkakataon para pumasok sa Scarlet Moon Inheritance.

Subalit, ang Scarlet Moon Demonic Religion ay kaaway ng buong kontinente at kinaiinisan ito ng hindi mabilang na mga pwersa.

Sou! Sou!

Sa mismong iyon, si True Lord Tiexiao at Tandang Su ay lumabas.

"Sino ang nangangahas na hamunin ang Broken Moon Clan?"

Ang walang emosyong boses ni Lord Tiexiao ay bumaba mula sa kalangitan.

Ayon sa blood contract, kailangan niyang protektahan ang Clan.

"Dalawang True Lord Ranks na nasa maagang yugto?"

Ang gulat sa mga mata ni Elder Bai ay makikita. Ang mga True Lord Ranks ay pag-iral na sa kasukdulan at kahit ang mga great countries ay halos wala o kakaunti lamang ang mayroon nito, at sa isang malayong bayan ang Clan na ito ay may dalawa?

Syempre, tumingin lamang nang saglit si Elder Bai kay True Lord Tiexiao at Tandang Su. Hindi niya talaga nilagay sila sa kanyang mga mata.

Napaubo siya nang malamig na may kasamang panghahamak at pagpapangatog.

Ang mga katawan nila True Lord Tiexiao at Tandang Su ay nanigas habang ang kanilang mga mukha ay naguhitan ng gulat.

Ang tingin ni Elder Bai ay tila ba tumutusok sa kanilang mga puso, at sa isang tingin lamang, ang dalawa ay hindi na tumigin pa ulit sa babaeng nakaputi.

"Peak True Lord Rank…!"

Bumulalas sina Tandang Su at True Lord Tiexiao.

Biglang huminga agad nang malalim ang dalawa at kumilos na tila kumakaharap sila ng isang delubyo.

Sa kabutihang palad, mukhang wala namang pakialam si Elder Bai sa dawang True Lord Ranks at agad na ibinaling muli ang kanyang atensyon kay Lin Tong.

Ang mukha ni Lin Tong ay namutla at tila ba nahulog siya sa isang kawalan.

Sinasabi ng kanyang kalamnan na ang babaeng nasa harap niya ay isang tao na matuturing na siyang pinakamalakas sa buong Cloud Area.

"Ang mga mata niyo nga ho ay napakalinaw. Minsan po akong naging miyembro ng Scarlet Moon Demonic Religion pero umalis na ako ngayon…."

Ito lamang ang nasabi ni Lin Tong.

Sa segundong natapos niya itong sabihin, ang mga mata ng babaeng nakaputi ay tila naging mga ispada.

Naramdaman ni Lin Tong na may kapiranggot na pagnanasang patayin siya ang nakatuon sa kanya. Kung kaya ang kanyang likod ay napuno ng malamig na pawis at hindi siya nangahas na gumawa ng kahit anong kilos.

Parehong nagbago ng ekspresyon sina Tandang Su at True Lord Tiexiao. Kung gusto talagang patayin ni Elder Bai si Lin Tong, wala silang magagawa para pigilan ito.

"Hehe, isang karangalan sa Broken Moon Clan na magkaroon ng bisitang eksperto mula sa Ten Thousand Clan."

Isang mainit na tawa ang umalingawngaw kasabay nang pagbaba ng hangin at kidlat.

Isang malumanay rin na bayo ng hangin at pagningas ng liwanag ang masisilayan.

Shua!

Isang kabataang may asul na buhok ang makikita sa langit at tila ba ang mga hangin ay nagsimulang manigas.

"Ikaw iyon? Karapat-dapat ka nga talaga na maging isa sa dalawang napakahusay na prodigies. Sa loob lamang ng ilang buwan, naabot mo na ang True Lord Rank."

Isang matalim na liwanag ang makikita sa mata ni Elder Bai habang agaran niyang nakilala ang kabataang ito.

Ang panggigipit kay Lin Tong ay agad na naglaho at halos matumba na siya nang dumating si Zhao Feng.

Ang iba pang mga True Lord Ranks ay nagpakawala ng hininga.

Halos lahat ng naroroon, kasama na si Lin Tong, ay nagugulumihanan. Ang taong ito ay kilala si Zhao Feng?

Pagkatapos ng lahat, wala masyadong tao sa Cloud Area ang nakakaalam ng mga tagumpay ni Zhao Feng sa Sacred True Dragon Gathering.

"Ten Thousand Sword Clan? Ang numerong unong sword clan sa Northern Continent?"

Parehong huminga nang malamig sina Tandang Su at True Lord Tiexiao.

Kahit ang Cloud Area ay nalalaman ang pangalan ng Ten Thousand Sword Clan.

Sa Northern Continent, ang Heavenly Yuan Clan ang siyang pinakamalakas at nabibilang sa isang sa mga Ten Great Clans.

Ang Ten Thousand Sword Clan ay isang pwersa na nasa ilalim ng Heavenly Yuan Clan at sapat na para makawasak ng dalawang strong countries.

"Hindi nakapagtataka kung bakit wala lang tayo sa kanya."

Naunawaan ni True Lord Tiexiao. Ang clan ng kalaban at ang lakas nito ay higit pa sa kanilang dalawa ni Tandang Su.

"Salamat ho sa inyong papuri. Sinuwerte ho lamang ako at nagbigay ng kakaunting pagpupunyagi. Ang estado ng pagiging napakahusay na prodigy ay hindi ko pagmamay-ari."

Mapagkumbabang tugon ni Zhao Feng.

Sa totoo lamang, ang Elder Bai na nasa kanyang harap ay binibigyan siya ng kakaunting presyur at pakiramdam ng panganib.

Ang kanyang cultivation ay nasa Peak True Lord Rank at isa rin siyang cultivator ng Dao of Sword.

Mula sa mga may kaparehong cultivation, ang mga nagsasanay sa Dao of Sword ang may pinakamalakas na opensa.

Siguradong ang battle power ni Elder Bai ay kapantay nang kay Deputy Patriarch ng Iron Blood Religion.

"Ang potensyal ng batang ito ay naksisindak. Ano ang nilalamang sikreto ng inheritance na kanyang pinuntahan?"

Kumislap ang mga mata ni Elder Bai habang tinititigan si Zhao Feng.

Kung babalikan ang Sacred True Dragon Gathering, parehong pinasok nila Zhao Feng at Zhao Yufei ang "misteryosong inheritance".

Mula sa aura ng misteryosong inheritance, higit pa ang lakas nito sa Four Great Inheritances, sapagkat bahagyang natulak nito ang isang bahagi ng Heavens Legacy Inheritance.

Hindi lamang si Elder Bai ang interesado sa hindi nalalamang inheritance na ito, kahit ang mga Sovereigns sa Sacred Alliance ay nais rin itong malaman.

"Elder Bai, umaasa ako na huwag kang makikialam habang naglalaban kami ni Zhao Feng."

Biglaang napunta ang anyo ni Cang Yuyue sa harap ni Zhao Feng.

"Sige."

Umiling si Elder Bai at pumunta na lamang sa gilid para manood.

Alam niya naman kung gaano ito kagustong gawin ni Cang Yuyue. Kahit na mas malakas si Zhao Feng kaysa sa kanilang inaasahan, hahamunin pa rin siya ni Cang Yuyue.

Isa itong cultivator ng ispada, isang taong may matinding paniniwala.

"Cang Yuyue, lumago ka nang higit. Kung ako ang kalaban mo bago pa ako umabot sa True Lord Rank, magiging masaya sana ang ating laban, pero ngayon…"

Panghihinayang na wika ni Zhao Feng.

Hindi pa ganoon katagal, kakaabot niya lamang ng maagang yugto ng True Lord Rank, at ang pagkakaiba nito sa cultivation ay napakalaki.

Parehong taimtim ang ekspresyon ni Cang Yuyue at Elder Bai.

Bago pa man pumunta si Cang Yuyue para hamunin si Zhao Feng, narinig niyang ang cultivation ni Zhao Feng ay nasa True Mystic Rank pa rin.

Subalit, nang makarating na siya sa Broken Moon Clan, ang cultivation ni Zhao Feng ay tumalon na sa pagiging True Lord Rank sa maagang yugto.

"Zhao Feng, huwag ka munang magsalita nang patapos. Nakapatay na rin ako ng mga henyong nasa True Lord Rank sa loob ng Seven Sword Inheritance."

Ang mga mata ni Cang Yuyue ay puno ng sword intent at ang aura nito ay nagdala ng isang nakapalaking alon na siyang lumulunod sa mga puso ng naroroon.

Naramdaman nila Tandang Su at True Lord Tiexiao na nayanig ang kanilang mga puso. Kung titingin sila sa mga mata ni Cang Yuyue, sasakit lamang ang kanilang mga mata.

Sa mismong iyon, tila ba naging isang ispada si Cang Yuyue, at ang sira-sirang ispada sa kanyang kamay ay humimig kasabay ng ritmo ng oras.

Shuuuu~~~

Bago pa man dumating ang atake, ang sword intent ni Cang Yuyue ay nagbuga ng isang malamig na aura na punong-puno ng uhaw para makapatay.

Nahuli ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang kataliman ng mental energy dimension nito na kayang pumatay ng mga multo.

Ang napakalakas na atake na ito ay agad na tumungo kay Zhao Feng at hindi ito halos maiiwasan ng kahit sino.

Ice Soul Shooting Line!

Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay naglabas ng isang kulay asul na sinag ng yelo na siyang sumalag sa sword intent ni Cang Yuyue.

"Salagin ang sword intent?"

Ang mga mukha nila Cang Yuyue at Elder Bai ay nagbago at hindi na maipaliwanag.

"Paano niya ito ginawa? Ang mga sword intent attacks ay mas mabilis sa normal na mental energy attacks at si Cang Yuyue ang naunang umatake."

Nanginig ang puso ni Elder Bai sapagkat hindi siya makapaniwala.

Ang mga cultivators ng Dao of Sword ay kayang makabuo ng sword intent na kayang tapatan ang mga illusions at eye techniques sa isang tiyak na antas.

Umatras si Cang Yuyue. Ang kanyang sword intent attack ay hindi lamang pinigilan ni Zhao Feng, isang malamig na kapangyarihan rin ang biglang dumaloy sa kanyang katawan.

Biglaang bumagal ang katawan at isip ni Cang Yuyue, pero mabuti na lang at lumakas ang kanyang sword intent pagkatapos niyang makapasok sa Seven Sword Inheritance at agad niyang nawasak ang lamig na ito.

"Para harapin ang isang sword intent gamit ang kanyang eye bloodline. Tanging isang halimaw lamang ang makagagawa nito."

Pinigilan ni Lin Tong ang mga alon sa kanyang puso. Masasabi niya pa ngang hindi naman seryoso si Zhao Feng. Mahirap isipin kung ano pang skills mayroon si Zhao Feng sa tunay na sukat nito.

Nächstes Kapitel