webnovel

Pagbitay kay Haiyun

Redakteur: LiberReverieGroup

Sa ilalim ng tingin ni Zhao Feng, ang buong Broken Moon Clan ay masunurin.

Si Clan Master Haiyun, ang Regulations Elder, at ang mga tao ng Iron Dragon Alliance ay napuno ng takot, kawalang pag-asa, at kalungkutan.

Sa kalahati ng oras para makagawa ng tsaa, sinong nag-akalang makokontrol ng youth na ito ang kasalukuyang sitwasyon nang mag-isa.

Ang tatlong Palace Lord ng Iron Dragon Alliance – mga maalamat na anyong nakatayo sa ibabaw ng lugar ng Cloud – ay napatay, nadakip, o napinsala ng youth na ito.

Ang Sampung Core Elder ay pumunta ngunit hindi bumalik.

Sa loob ng maiksing oras, nagawa ng youth na itong igalang siya ng lahat na tila isang diyos.

Ang lahat ng ito ay tila gawa ng imahinasyon, ngunit ang mga tao rito ay nasaksihan ito.

Papunta sa burol, ang grupong pinapangunahan ni Yang Gan ay kakapasok lang sa mga tarangkahan, ngunit bago pa nila maiulat ang pagkakumpleto ng unang 49 na misyon, ang sitwasyon sa Broken Moon Clan ay nagbago na.

Sa totoo lang, hindi lang ang Broken Moon Clan ang nagbago, siguradong ang buong Thirteen Countries rin, o pati ang buong lugar ng Cloud ay nagkaroon ng napakalaking pagbabago.

Si Yang Gan, Lin Fan, Ran Xiaoyuan, Yang Qingshan, at mga kasama nila ay naramdaman tila isa lang itong panaginip.

Sa loob ng oras na kailangan para makaidlip, ang panahon ni Clan Master Haiyun ay natapos na.

"Si Brother Zhao ay labis na malakas. Hindi kapani-paniwala! Natalo niya ang tatlong Palace Lords!"

"Haha! Sa wakas! Maaari na ating iwan ang kulungang ito. Hindi ako makapaniwalang ang ungas na si Haiyun ay may araw rin pala."

"...halos mapagbintangan na natin si brother Zhao nang hindi patas."

Habang napuno ng saya ang mga puso ng mga disipulo, mayroon ring pagsisisi.

Ang pagdiriwang ay nagsimulang mamuo sa Broken Moon Clan, lalo na mula sa mga mababang uri ng disipulo.

Ang ilan sa mga upper echelon, tulad ni Old Zhang at Old Guang, ay natuwa ng panahon noon.

"First Elder, maaari ka nang mamatay nang walang pagsisisi sa ganiyang magaling na disipulo."

Sabi ni Elder Liuyue nang may bahagyang inggit at ngumiti.

Sa burolm si First Elder ay tumingin sa kaniyang malapit na disipulo bago huminga nang malalim at tinapik ang balikat ni Zhao Feng.

"Feng'er, inisip kong babalik ka sa Broken Moon Clan isang araw, ngunit hindi ko inasahang ganito kabilis."

Hindi maiwasang magbuntong hininga ni First Elder.

Maraming pag-uusapan ang dalawa at makakakuha ito ng oras.

Si First Elder ay nais na malaman ang paglalakbay ni Zhao Feng sa Canopy Great Country, ngunit hindi siya nagtanong kaagad.

Halatang alam niyang marami pang problemang naghihintay kay Zhao Feng.

Si Zhao Feng at First Elder ay bumaba sa Central Hall, at ang ngiti ni First Elder ay mas lumaki nang tumingin kay Clan Master Haiyun.

Ang mukha ni Clan Master Haiyun ay pula at puno ng poot. Ang kaniyang mga mata ay nagniningning pa rin, na nagbibigay ng impresyong may plano pa rin.

Wala talagang pakialam si Zhao Feng kay Master Haiyun.

Sa ngayon, ang dalawa ay mukhang nagpalit ng kalagayan.

Sa mga mata ni Zhao Feng, si Clan Master Haiyun ay walang ipinagkaiba sa isang langgam na maaaring patayin gamit ang kaniyang mga daliri.

"True Lord Tiexiao."

Ang tingin ni Zhao Feng ay naputna sa True Lord Tiexiao, na nadakip ng munting pusang magnanakaw.

Kahit ngayon, ang pangalang "True Lord Tiexiao" ay nagugulat pa rin ang mga nasa upper echelon ng Broken Moon Clan.

Gaanong kahanga-hanga ay makapangyarihan si True Lord Tiexiao noon?

"Zhao Feng, alam ko kung anong gusto mo. Gusto mo ang aking pangako sa Twelve Clans noon."

Ang ekspresyon ni True Lord Tiexiao ay kalmado. Siya ay isang True Lord Rank na nakatayo sa pinakamataas sa lugar ng Cloud. Hindi nagtagal ay kumalma na siya at nakakita ng dahilan kung bakit pa siya buhay.

Bakit hindi siya pinatay ni Zhao Feng?

Si True Lord Tiexiao ay nagdududa na may kakayahan si Zhao Feng na gawin ito, na tapusin ito nang tulad ginawa kay Palace Lord Bi Ji.

Ang ibig sabihin nito ay may bagay na mahalaga sa kaniya at, nang mag-isip nang bahagya, nagkaroon siya ng sagot.

Ang kasunduan.

Noon, ang mga Elder ng Twelve Clan ay pumirma sa isang kasunduan sa ilalim ng kaniyang mga pagbabanta.

Ang mga kasunduan ay isang kapangyarihan pag-mamay-ari ng Langit at Lupa. May pumupigil itong kapangyarihan na hindi nakapagpataksil sa mga Elder ng Twelve Clan sa Iron Dragon Alliance.

Ang pumipigil na kapangyarihang ito ay napakalakas na kahit si First Elder at mga kasama ay hindi matutulungan si Zhao Feng kung siya ay bumalik.

"True Lord Tiexiao, napakatalino mo. Nasaan ang kasunduan?"

Tumango si Zhao Feng nang may pagsang-ayon.

Hindi niya gustong manakit nang paulit-ulit. Kung makikisama sa True Lord Tiexiao, ikokonsidera niyang hayaan siya nang buhay.

"Ang kasunduan ay itinago at inilagay sa lihim na lokasyon. Kung ipapangako mong hindi mo ako sasaktan o papatayin, ibibigay ko ito sa iyo."

Seryosong sinabi ni True Lord Tiexiao.

"Hehe, talaga? Paano ko masisiguradong hindi mo ako lilinlangin?"

Bahagyang naniwala at bahagyang nagduda si Zhao Feng at tumingin sa munting pusang magnanakaw.

Miao miao!

Ang anyo ng munting pusang magnanakaw ay nawala.

Si True Lord Tiexiao ay nagtaka. Hindi siya nagsalita, ngunit ang kaniyang ekspresyon ay kapnsin-pansing nagbago nang tumingin sa loob ng kaniyang interspatial ring.

Shua!

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay lumitaw ulit, ngunit sa oras na ito, may hawak na itong isang sinaunang scroll na may linya ang dugo.

"Paano ito naging posible…?"

Sa wakas ay nag-umpisang mataranta si True Lord Tiexiao at hindi makapaniwala sa nangyari.

Ang kasunduan ay nakatago sa lihim na sulok. Paano ito nakita ng munting pusang magnanakaw nang ganoon kadali?

Si Zhao Feng ay ngumit at binuksan ang kasunduan bago tumango.

Ang kasunduang ito ay naglalaman ng kasaunduan sa pagitan ng Twelve Clans at Iron Dragon Alliance.

Hindi kakaiba para kay True Lord Tiexiao para dalhin ang kasunduan kasama siya. Siya ay kasama naman sa apat na pangunahing anyo ng Iron Dragon Alliance, at ang Thirteen Countries ay hindi gaanong mahalaga sa lugar ng Cloud.

"Ayon sa mga tala, ang mga kasunduan ay ginagawan ng Heaven's Legacy Race at ang mga scroll na ito ay labis na kaunti na lang ngayon – lalo na ang mga itim."

Maingat na hinawakan ni Zhao Feng ang kasunduan.

Whoosh!

Isang bilog ng kidlat aang sumindi sa kaniyang mga daliri, na sinunog ang kasunduan.

Si First Elder at ang iba pa sa Broken Moon Clan ay nagpakita ng masayang ekspresyon.

Kung ang kasunduan ay nasira, ang kapangyarihan ng Langit at Lupa at hindi na sila mapipigilan.

Sa kabilang banda, ang mukha ng True Lord Tiexiao ay kulay abo, at may namuong malamig na pawis sa kaniyang noo.

Ang tanging bagay na mahalaga sa kaniya ay nawala.

"Mayroon kang sampung hininga bago kita patayin."

Si Zhao Feng ay naghahanda nang patayin si True Lord Tiexiao nang biglag niyang naalalang kunin ang kaniyang natitirang halaga.

Sampung hininga?

Nanlamig si True Lroed Tiexiao at bumilis ang paghinga.

Malinaw niyang nasaksihan ang killing intent na rumaragasa sa mga mata ni Zhao Feng, at sigurado siyang papatayin siya nito nang walang pagdududa.

Ang kaniyang pakiramdam ay tama. Ang bilang ng mga True Lord Rank na namatay sa Purple Saint Ruins dahil kay Zhao Feng ay hindi mababa.

"Sampu… siyam… walo… pito…"

Ang buong Broken Moon Clan ay napanganga sa pagdesisyon ni Zhao Feng sa buhay o kamatayan ng isang True Lord Rank.

Umikot ang utak ni True Lord Tiexiao bago nagngalit ang mga ngipin, "Sandali!"

"Alalahanin mo, mayroon ka lang isang pagkakataon."

Ngumiti si Zhao Feng.

Huminga nang malalim si True Lord Tiexiao bago naglabas ng isang blangkong kasunduan mula sa kaniyang interspatial ring.

"Magaling, nagtagumpay ka."

Nagliwanag ang mga mata ni Zhao Feng.

Si True Lord Tiexiao ay hindi nagulat. Walang makakawala sa "pagkokontrol" ng isa pang True Lord Rank, kahit na may kakayahan silang makapatay ng mga True Lord Rank nang madali.

Makalipas ang isang sandali, pumirma si Zhao Feng sa kasunduan kasama si True Lord Tiexiao.

Ang parehong panig ay kailangang punayag sa kasunduan bago ito magkaroon ng bisa.

Ang mga nilalaman ng kasunduan ay:

Si True Lord Tiexiao ay magiging tagaprotekta ng Broken Moon Clan at hindi maaaring magtaksil dito, at iba pa, habang si Zhao Feng ay kailangang mangakong hindi sadyaing atakihin si True Lord Tiexiao bagkus suportahan pa ito kapag kailangan.

Pagkatapos makumpleto ng kasunduang ito, itinabi ito ni Zhao Feng.

Mabigat ang loob ni True Lord Tiexiao. Ang pagkakataong makuha ang kasunduan mula kay Zhao Feng ay mababa. Sa paglipas ng oras, ang pagkakataong ito ay magiging malapit na saw ala.

Si Zhao Feng ay isang prodigy na namuno sa ilang mga henerasyon. Ang kaniyang hinaharap ay hindi masabi.

Nang pirmahan ni True Lord Tiexiao ang kasunduan, tila nahulog ang mga puso ni Clan Master Haiyun at mga kasama nito.

"Zhao Feng… maaari rin kaming pumirma sa kasunduan at maging tapat sa iyo magpakailanman."

Sabi ni Regulations Elder.

Shua!

Iwinasiwas ni Zhao Feng ang kaniyang kamay ay isang patalim ng hangin at kidlat ang humati sa Regulations Elder sa dalawa.

"Hindi ka karapat-dapat."

Isang kalmadong boses ang umalingawngaw sa Central Hall.

Si Clan Master Haiyun at mga kasama nito ay nanginig sa takot, at ang ilan ay naihi sa kanilang mga pantalon.

Tumingin si Zhao Feng sa isang tahimik na anyo, "Brother Bei Moi."

"Maaari mong piliin kung anong nais mong gawin sa akin, kahit patayin mo ako o pahirapan."

Ang mukha ni Bei Moi ay naiinis.

"Brother Bei Moi, alam mong hindi kita papatayin ngayon, kahit na pinagtaksilan mo si Master noon."

Sabi ni Zhao Feng.

Nanigas si Bei Moi. Nahulaan na niyang mabubuhay siya dahil pareho nilang piangsilbihan ni Zhao Feng ang parehong Master.

"Syempre, mayroong isang kailangan."

Ang mga salita ni Zhao Feng ay umikot.

"Anong kailangan?"

Huminga si Bei Moi.

"Nais kong patayin mo si Haiyun at ibigay ang kaniyang ulo kay Lord Guanjun at humingi ng kapatawaran."

Mabagal na nagsalita si Zhao Feng.

"Zhao Feng… huwag kang magpatawa!"

Sumigaw si Clan Master Haiyun sa poot.

Pa!

Malapit na siyang mabaliw, ngunit nagulat siya sa isang kamay ng pusa.

Ang mga nasa Broken Moon Clan ay hindi maiwasang magtaka.

Bakit gusto ni Zhao Feng na patayin ni Bei Moi si Haiyun imbis na gawin niya ito mismo?"

Gayunman, ang mga mas nakakaalam ay nakahula ng dahilan.

Una, si Bei Moi ay ang pinakatalentadong disipulo ni Clan Master Haiyun, at isang kahihiyan ang mamatay sa mga kamay ng kaniyang pinnakamagaling na disipulo.

Ikalawa, para rin ito sa hidwaan sa pagitan ni Clan Master Haiyun at Lord Guanjun.

Inagaw ni Haiyun noon ang babaeng mahal ni Lord Guanjun at ipinahiya ito. Hindi nagtagal, kinuha rin niya si Bei Moi.

Ngayon, ang kailangan ni Zhao Feng kay Bei Moi ay ang pagpatay nito kay Haiyun gamit ang kaniyang sariling mga kamay at dalhin ang ulo kay Lrod Guanjun.

Masosolusyonan na nito ang lahat. Abo sa abo, alikabok sa alikabok.

"Sige, tinatanggap ko."

Si Bei Moi ay naglabas ng isang espada nang walang alinlangan at kaagad na pinugutan si Clan Master Haiyun.

Pagdating sa cultivation at lakas, walang gaanong pagkakaiba sa dalawa. Gayunman, si Clan Master Haiyun ay nagulat sa munting pusang magnanakaw. Bago pa niya mapansin, nahiwalay na ang kaniyang ulo sa kaniyang katawan.

Napakabilis ni Bei Moi ay napagdesisyunan ito kaagad na tila hindi na nag-isip nang malalim.

Nächstes Kapitel