"Wu…."
Biglang nanigas ang ngiti ni Lu Tianyi at ang kaniyang bibig ay nakabuka na tila ba siya ay nabubulunan.
Ang mga henyo ng tatlong sects ay lahat tumingin sa baba dahil hindi sila makapaniwala.
Miao Miao!
Iwinagayway ng munting pusang magnanakaw ang Mystic Snake Blood Whip nito at humatak palayo kay Lu Tianyi.
"Paano nangayari ito? Paanong nagawang mabuhay ng isang pusa sa pagsabog ng Qi ng True Spirit ni Lu Tianyi?"
"Kahit ang mga nasa True Lord Rank ay mamamatay. Paanong naglaho ang munting pusang magnanakaw at ang batang scorpion at bigla na namang lumitaw?"
Ang mga taong naroroon ay hindi makapaniwala sa kanilang mga nakita.
Kaninang ilang sandali pa lamang, ang dalawa ay napatay ng pagsabog ng Qi ng True Spirit ni Lu Tianyi at ngayon lumitaw ulit ang dalawa.
Namana ng batang scorpion ang bloodline ng ancient scorpion at isa itong variant. Batay sa teorya, ang lason nito ay kayang makapatay sa karamihan ng mga nasa True Spirit Realm at sa katotohanan, mas mapanira pa ito kaysa sa inaakala.
Kung nakakuha ng dugo mula kay Lu Tianyi ang batang scorpion, gugugol ng ilang oras ang lason upang makapasok sa katawan niya. Subalit, ang batang scorpion ay nagpunta sa katawan ni Lu Tianyi at kung napakawalan ng direkta ang lason sa katawan, ang kapangyarihan nito ay ilang beses na mas malakas at dali-daling magkakaroon ng epekto.
Kung ganito ang mangyayari, hindi na masiyadong masama dahil ang batang scorpion ay iba pa rin mula sa totoong ancient scorpion at si Lu Tianyi ay nasa half step na ng Origin Core Realm kaya't kaya niyang makapalag sa ilang mga lason sa scorpion.
Subalit, ang posisyon ng batang scorpion ay kakaiba pa rin.
"Wu… cough cough…."
Ang isa sa mga kamay ni Lu Tianyi ay nakahawak sa kaniyang lalamunan. Ang kaniyang mukha ay nakakulubot sa sakit at mga patay ng pawis ang nahuhulog mula sa kaniyang mukha at ang kaniyang mukha ay naging kulay lila mula sa pagiging berde.
"Bwisit, ang batang scorpion ay naipit sa lalamunan ni Brother Lu!"
Nagsigawan ang ilang mga disciples mula sa Pure Moon Spiritual Sect.
Sa pagkarinig nito, ang mga henyo mula sa tatlong sects ay natulala.
Ang mga laman-loob at ang lalamunan ay ang mga pinakamahahalagang parte para sa parehas na mga ekspertong nasa True Spirit Realm at Origin Core Realm.
Sa oras na labis na napinsala ang mga laman-loob at lalamunan, kahit ang mga nasa True Lord Rank ay mamamatay at ang batang scorpion na ito ay talagang naipit sa lalamunan ni Lu Tianyi.
Ang pagkawala ng lason sa lalamunan ay sampung beses na mas malala kaysa sa balat.
"Brother Lu!"
Nagbago ang ekspresyon ni Ye Yanyu nang maging isa siyang guhit ng liwanag ng buwan na sumugod patungo kay Lu Tianyi.
Nanginig ang anyo ni Lu Tianyi sa himpapawid at ang kaniyang mga mata ay puno ng pagkamuhi at paglalayong pumatay.
"Mamatay ka na...!"
Nagawa niyang padaluyin ang kaniyang Qi ng True Spirit at itinulak ito palabas sa munting pusang magnanakaw.
Miao Miao!
Tila ba handa na ang munting pusang magnanakaw para rtio at naglaho ng walang bakas.
Ang mata sa mga ulap ay puno ng pang-iinsulto.
Ice Soul Shooting Line!
Tumira ng isang liwanag ng malamig na ilaw ang Eye of Heaven na tumama sa katawan ni Lu Tianyi.
Sou!
Gamit ang pagkakataon na ito, ang munting pusang magnanakaw ay naglaho sa mga sangay ng Towering Tree Yao.
"Magaling!"
Ang kamalayan ni Zhao Feng ay bumalik sa kaniyang katawan at matamlay siyang ngumiti na mayroong maputlang mukha.
Nakakatulala ang pagpapakitang-gilas ng munting pusang magnanakw kanina at napunta si Lu Tianyi sa bingit ng kamatayan.
Sa pagkakataong ito, ang lason sa katawan ni Lu Tianyi ay gumana at nagdulot upang tumibok ang kaniyang katawan.
"Brother Lu!"
Si Ye Yanyu ang unang dumating at sumuporta kay Lu Tianyi.
Matapos no'n, si Zhuang Wan'er at ang iba ay nagsipuntahan at pinalibutan si Lu Tianyi.
Si Lu Tianyi ay nakatagal lamang ng dalawa hanggang tatlong paghinga bago hinimatay.
Kasunod ni Li Hong, ang ikalawang True Lord Rank ng Pure Moon Spiritual Sect ay nahimatay at sa oras na ito siya pa ang pinakamalakas na True Lord Rank, si Lu Tianyi.
Ang lahat ng ito ay ginawa ng taga-labas na batang mayroong asul na buhok.
"Zhao Feng, nakapatay ka ng maraming disciples kabilang na si Yu Luo at si Brother Li at ngayon naman ni Brother Lu ay napinsala mo pa… Hindi ka pakakawalan ng Pure Moon Spiritual Sect."
Mariing kinagat ni Ye Yanyu ang kaniyang mga labi kaya't nagsimula na itong dumugo at ang kaniyang mukha ay kumulubot dulot ng matinding paglalayong pumatay.
Subalit, kumakapit pa rin si Ye Yanyu sa kaniyang isipan upang matiyak na hindi siya naapektuhan ng eye bloodline ni Zhao Feng.
Sa katotohanan, ang labanan na ito ay matagal nang nakapagpagod sa karamihan ng enerhiya ni Zhao Feng at hindi siya naglakas-loob na masiyadong gamitin ang kaniyang bloodline.
Umatras na ngayon ang Eye of Heaven.
"Nilalang, nasurpresa ako sa pagpapakitang-gilas mo. Kahit na higit pa sa kalahati ng Wood Spirit Essence Soul ko ang nagamit, suwerte pa rin dahil nabubuhay ako."
Napahinga ang Towering Tree Yao.
Matapos ang matinding labanan na ito, sina Zhao Feng at ang Towering Tree Yao ang nanalo.
Sa mga oras na ito.
Weng~~
Isang matamlay na panginginig ang tumunog mula sa taas ng Towering Tree Yao at ang isang parang panaginip na hamog ang nagsimulang mabuo sa pagitan ng Towering Tree Yao.
Ang tunog ng kanta ay maririnig sa himpapawid at sa loob lamang ng ilang paghinga isang kulay lilang palasyo ang nabubuo. Nagpakawala ito ng ilaw na nagpaliwanag ng alapaap at mga ulap.
"Iyon ang..??!!"
Nanginig ang mga puso ng mga henyo mula sa tatlong sects nang tumitig sila sa nabubuong kulay lilang palasyo.
"Ruins Treasured Palace!!"
"Ang lugar ng inheritance ng Purple Night Sain Lord – ang Ruins Treasured Palace!"
Ang mga henyo ay lahat nagpakita ng labis na kagalakan.
Huang!
Ang kulay lilang hamog ay maayos na bumaba sa pagitan ng Towering Tree Yao at isang malakas na dating na batang may asul na buhok ang nakatayo sa harapan ng pagitan, na siyang ang pasukan ng purple saint treasured palace.
"He…"
"Plano lang ang lahat ng ito!"
Tumingin ang tatlong sects saa eksenang ito at tila ba gusto nilang sumuka ng dugo.
Tila ba hinihintay ni Zhao Feng ang pagbaba ng purple saint treasured palace sa harapan niya.
"Magkita tayo muli sa susunod."
Isang malamig na ngiti ang lumitaw sa bibig ni Zhao Feng nang tumagos ang kaniyang anyo sa hamog at naglaho.
"Ang paglitaw ng purple saint treasured palace ay napakaikli lamang. Dali!"
Si Zhuang Wan'er ang unang nakalipad sa himpapawid at patungo sa usok.
Sa katotohanan, ang Ruins Treasured Palace ay bumaba upang protektahan ang Towering Tree Yao at hindi ito maglalaho.
Sa pagkakita ng pagbaba ng Ruins Treasured Palace, paanong magkakaroon ng lakas ng loob ang mga henyo upang atakihin ang Towering Tree Yao? Lahat sila ay sumugod patungo sa Purple Saint Treasured Palace.
Sou Sou Sou----
Ang lahat ng mga henyo ay ginamit ang bawat segundong makakaya nila at lumipad patungo sa palasyo gamit ang lahat ng kanilang bilis.
"Nagpatuloy si Zhao Feng sa pagbabantay dito at pinigilan niya tayo dahil alam niyang bababa ang Purple Saint Treasured Palace…"
Kumislap ang mga mata ni Ye Yanyu nang maisip niya ang bagay na ito.
Ang pagbaba ng Ruins Treasured Palace ngayon ay kakaiba mula sa nakasanayan.
Eksakto ang paglapag nito sa pagitan ng Towering Tree Yao.
"Una ay ibabalik natin sina Brother Lu at Brother Li sa panlabas na mundo at dalhin ang balita sa mga elders at sunod ay papasok tayo sa Ruins Treasured Palace."
Utos ni Ye Yanyu.
Ang lahat ng mga henyo ay may kani-kanilang inheritance tokens at kung sisirain nila ang kanilang mga tokens, makakabalik sila sa panlabas na mundo.
Hindi kalaunan, pinaalis na ng Pure Moon Spiritual Sect ang dalawang mga henyo na sina Lu Tianyi at Li Hong.
Crack crack!
Sinira ang mga inheritance tokens ni Lu Tianyi at ni Li Hong at ang dalawa ay nabalutan ng kumikislap na silver vortex na lumamon sa kanila.
"Mayroong mga Kings ng Void God Realm sa labas. Maaaring mabuhay pa sina Brother Lu at Brother Li."
Matapos magawa ito atsaka lamang lumipad patungo sa Ruins Treasured Palace si Ye Yanyu.
Upang protektahan ang Towering Tree Yao at harangin ang kahinaan ng Purple Saint Ruins, ang Ruins Treasured Palace ay nanatili kung nasaan ito at ang grupo ng mga henyo ay sumugod papasok.
Ito yata ang unang pagkakataon na nangyari ito sa kasaysayan.
Sa loob ng isang elegante at maharlikang bulwagan.
Shua Shua Shua!
Sunod-sunod na anyo ang lumitaw sa bulwagan. Sila ang mga henyo ng tatlong partido at karamihan sa kanila ay mula sa malalaking tatlong sects.
"Ang batang iyon ay nasa harapan natin."
Isang disciple mula sa Black Cliff Palace ang tumingin sa Hilagang direksyon kung saan nakatayo ang isang batang mayroong asul na buhok.
Sa balikat ng batang mayroong kulay asul buhok ay mayroong isang pusang bahagyang mas malaki kaysa sa isang palad at binuksan nito ang kaniyang bibig at ngumiti sa tatlong partido.
Ang tao at ang pusang ito ay halatang si Zhao Feng at ang munting pusang magnanakaw.
"Hmm? Hindi pa patay ang batang scorpion?"
Naguluhan si Zhao Feng. Pumirma siya ng isang blood contract sa batang scorpion at kung namatay ito, mararamdaman ito ni Zhao Feng.
Isinuko na niya ang batang scorpion upang talunin si Lu Tianyi.
Naisip ni Zhao Feng na halos tiyak ang kamatayan ng batang scorpion subalit sa pagkakataong ito, ang koneksyon sa dalawa ay biglang labis na humina.
Ito ang pagkakataon na umalis sina Lu Tinayi at si LI Hong sa Purple Saint Ruins.
May mga ideya si Zhao Feng at nagsimula siyang mag-isip.
Sa mismong pagkakataon na ito, ang mga henyo ng tatlong sects ay pumasok na sa Ruins Treasured Palace at nakita nila si Zhao Feng subalit sila Zhuang Wan'er, Chi Gui, at ang iba pa ay napuno ng pag-aalala habang nakatingin sila kay Zhao Feng na nasa hindi kalayuan.
Kahit na mas marami silang tao, nag-iingat sila sa taga-labas na ito.
Nakatayo si Zhao Feng sa sahig at hindi sila pinakialaman.
Isang boses ang maririnig sa kaniyang isipan: "Zhao Feng, ibibigay ko sa'yo ang mapa ng Ruins Treasured Palace… Mayroon itong lahat ng daan kung paano makatagos sa mga lagusan at buksan ang mga mekanismo."
Ang may-ari ng boses ay ang Purple Saint Partial Spirit.
Shua!
Ang mapa ng palasyo ay lumitaw sa isipan ni Zhao Feng at nakalagay dito ang mga pasukan at kung paano nakaayos ang mga mekanismo.
"Ang Ruins Treasured Palace ay mayroong tatlong palapag. Ang unang palapag 'Ten Thousand Imagery Treasured Palace' na naglalaman ng mga skills, martial arts, heograpiya at mga inheritances na natipon ng Purple Night Saint Lord sa loob ng matagal na panahon at maikukumpara ito sa mga normal na inheritances. Ang ikalawa ay ang 'Legend Treasured Palace' na naglalaman ng mga inheritances o mga sandatang kumakatawan sa isang alamat. Angikatlong palapag 'Purple Night Treasured Palace' ay naglalaman ng sariling inheritance ng Purple Night Sainr Lord at naroroon si Yufei…"
Ginamit ni Zhao Feng ang kaniyang God's Spiritual Eye upang kopyahin ang mapa at nakatanggap siya ng maraming impormasyon.
Ang kaniyang mga pandama ay hindi nalilimitahan sa Purple Saint Ruins at ang kayang tumagos ng paningin ng God's Spiritual Eye sa mga bagay-bagay. Ngayon mayroon na rin siyang mapa ng Ruins Treasured Palace at ng mga mekanismo.