Sa walang hanggang karagatan.
Napakalaki ng espasyong ito at ang dagat ay mukhang hindi abot ang tanaw ang dulo.
Mula sa isang distansya, may malaking bundok na sinasapawan ang maulap na karagatan at ilang daang milya ito.
Mayroong isang elegante at pangmaharlikang gusali sa bundok at ang makakakuha talaga ng atensyon ng isang tao ay mayroon itong arena at mga floating stands para sa mga manonood.
Kung pag-uusapan ang lakit nito, sampung beses pa ito sa ancient arena ng Sacred True Dragon Gathering.
Sa pagkakataong iyon, isang malaking iskrin na gawa sa tubig ang tila sumilay sa harap ng bundok.
Ang laki at kalidad ng iskrin ay higit pang mas maganda kaysa sa mga anino ng inheritances sa Sacred True Dragon Gathering, pero iisa lamang ito at sa loob nito, makikita ang malilinaw na larawan.
Ang mga larawan na ito ay mukhang nanggaling sa ibang dimensyon pero mukha silang totoo at ang isa sa mga larawan ay sa isang misteryosong kanyo kasama na ang Towering Tree Yao at malalapit na anyo ng tao.
Maraming malalakas na aura malapit sa kabundukan, pero lahat sila ay hindi maramdaman at napakatahimik.
Sa kalangitan, mayroong tatlong hindi masukat na 'kapangyarihan' ang siyang sumusupil sa mga multo at diyos ng kalupaang ito.
Wala namang kahit anong nakakatakot na aura o pagbubuga ng Yuan Qi, pero mayroong presyur na nagmumula sa isang kaluluwa na siyang nanggigipit sa isip ng tao.
Sa harap ng tatlong kapangyarihan na ito, kahit ang Yuan Qi ay mukhang nagyeyelo.
Ang mga tao sa kabundukan ay nakatingala sa pinagmumulan ng tatlong kapangyarihan na ito na tila nakatingin sila sa isang Diyos.s
Ang dalawa ay lalaki at ang isa ay babae.
Sila ay:
Isang ginintuang kalansay na may ere ng kamatayan at nakatayo sa isang trono na gawa sa puting buto. Isang puro at banal na babae na tila isang Diyosa ng mga Bituin at Buwan. Isang diyos ng Demonic Dao na napapalibutan ng itim na hangin at tila ba mga black holes ito.
Ang tatlong kapangyarihan na ito ay tila tatlong diyos na pinamumunuan ang mundo.
"Ang Purple Saint Ruins ay nawalan ng enerhiya ilang dosenang beses pa ang rami kaysa dati at marami na rin itong luar na matatawag nating mga mahihinang punto."
Ang boses ng puro at banal na babaeng nakaroba ng may mga disenyong buwan ay tila isang sisne.
"Zhe zhe, Saint Moon Aunt Goddess, mukhang pati ang Pure Moon Spiritual Sect ay may balak na kunin ang Purple Saint Ruins para sa kanilang mga sarili." Wika ng ginintuang kalansay sa isang malalim na tono.
"Noong huling beses na sinuri ko ito, ang enerhiya sa Purple Saint Ruins ay kaya pang magtagal ng 100 taon, pero ngayon kaya na lamang nito ng 20. Kung magtutulungan ang tatlong sects, maaari tayong makapasok." Wika ng malademonyong lalaki sa isang dominanteng tono.
Atakihin ang Purple Saint Ruins.
Ang ekspresyon ng dalawa pang makapangyarihan ay nagbago at bahagyang natuwa. Pero halata namang puno rin sila ng pagbabahala.
Napabilis ang tibok ng puso ng mga ekspertong nakarinig nito sa baba.
Ang Purple Saint Ruins ay tinataguriang mataas ang antas kumpara sa ibang inheritances at ang orihinal na may-ari nito ay isang yapak na lang ang layo sa Heavenly Divine Realm.
Para sa karamihan ng mga pwersa, ang maipadala lamang ang kanilang mga tao para tanggapin ang inheritances ay isang kakaibang pagkakataon.
Tanging ang dalawang two-star sects lamang ang may kakayahan na atakin ang Purple Saint Ruins.
Ang Purple Saint Ruins ay isang espasyong dimensyon na naglalaman ng mga mahahalagang resources, kakaibang mga halimaw, at malakakas na inheritancces. Ang kabuuang halaga nito ay hindi masusukat.
Kung may iisang sect na makokontrol ang Purple Saint Ruins, mahirap na isipin kung gaano na sila kalakas.
"Hindi mahirap atakihin ang Purple Saint Ruins kapag magkakasama ang tatlong setcs. Pero hangga't nariyan ang Purple Saint Partial Spirit, wala tayong magagawa."
Ang banal na mukha ng babaeng nakaroba na may disenyong buwan ang pinakadesidido sa tatlo, siya rin naman ang pinakamalakas.
"Kahit ang partial spirits ng Purple Night Saint Lord ay nawalan na ng 90% ng kapangyarihan nito pagkatapos ng ilang milenya at humihina na rin ang kontrol nito sa ruins, nakipag-isa nito sa core ng ruins at kaya nitong sirain ang buong ruins sa isang pitik lamang."
Nang marinig ito, ang ginintuang kalansay at ang malademonyong lalaki ay nanahimik.
Kahit na kaya ng tatlong sects na makapasok sa Purple Saint Ruins, wala naman itong mahalaga. Pagkatapos ng lahat, ang may-ari nito ay ang 'Purple Night Saint Lord', na siyang pinagulantang ang ilang libong clans.
"Kung ganoon ano ang suhestiyo ng ating Aunt Goddess?" Sabi ng ginintuang kalansay.
"Kahit hindi tayo makaatake, pwede naman nating pabilisin ang pagkawala ng enerhiya ng partial spirirt. Sa loob ng sampung taon o mas maiksi pa, ang partial spirit ay mauubusan ng enerhiya at makakapasok na tayo nang ligtas." Pagngiti at sabi ng babaeng nakaroba na may disenyong buwan.
Itinango ng ginintuang kalansay at ng malademonyong lalaki ang kanilang mga ulo.
Ang Purple Saint Ruins ay hindi dapat pwersahin ang pag-atake. Pwed lamang nila itong ubusan ng enerhiya at kailangan nila ng pasensya rito.
Ang sampung taon ay kasinghalaga ng oras na kinakailangan nila para pumasok sa seklusyon ng isang beses.
"Pero sa pagkakataong ito, napagtanto na ng Purple Saint Partial Spirit ang kahihinatnan nito at gumamit na ito ng paraan para magbukas ng daan at umugnay sa ibang lugar."
Ang pagkabahala ay makikita sa noo ng Aunt Goddess.
"Nababahala ka… Na ang Purple Saint Partial Spirit ay gumamit ng maraming enerhiya para pumili ng tagapagmana nito?" Wika ng ginintuang kalansay.
"Tama iyan. Sa ngayon, mukhang isa o dalawang tagalabas ang nakapasok ng Ruins. Dapat lamang malaman ng isa na mayroon relasyon ang ating mga ninuno sa Purple Night Saint Lord kung kaya pwede tayo sa Ruins."
Itinango ni Aunt Goddess ang kanyang ulo.
"Aye, napakatagal na pala pero wala bang henyo na gusto ng Purple Saint Partial Spirit na pumalit sa kanya para kontrolin ang ruins?"
Walang pasensyang pag-iling ng malademonyong lalaki.
Ang tatlong sects ay may mahabang kasaysayan at ang bilang ng mga prodigies na kanilang nabubuo ay hindi mabilang.
"Kasalukuyan, ang Purple Night Saint Lord ay may mahinang bloodline ng Ten Thousand Ancient Races at ang kanyang kinakailangan na tagapagmana ay siguro mayroon ring bloodline ng Ten Thousand Ancient Races. "
"Ten Thousand Ancient Races? Nagbibiro ka ba? Mula sa ancient era hanggang ngayon, paano naman lalabas ang ganyang kaalamat na bloodline? Sa nakalipas na sampung libong taon, may narinig lamang tayo na isa pero hindi natin alam ang nangyari sa kanya…."
"Tama iyan, ang Ten Thousand Ancient Races bloodlines ay mga ipinagbabawal na bloodlines sapagkat sumasalungat ito sa kalangitan. Halimbawa, ang Heavens Legacy Race ng Heavens Legacy Inheritance ay nahahati asa hindi mabilang na sangay at sinsakop nito ang buong mundo. Ganoon din, ang Light Race na nasa ikapitong puwesto ng Ten Thousand Ancient Races ay isang inkarnasyon ng liwanag at sa tuwing may namamatay na nagmumula sa Light Race, magiging tuyot at tatanda ng ilang libong taon ang lugar na kanilang pinagkamatayan."
Nang banggitin ng tatlo ang Ten Thousand Ancient Races, magalang nila itong ginawa.
Kahit ang sikat na Purple Night Saint Lord ay may mahina lamang ang bakas ng Ten Thousand Ancient Race bloodline.
Purple Saint Ruins, sa loob ng misteryosong kanyon.
Ang mga henyo sa tatlong sects ay nag-uusap kung paano nila aatakihin ang Towering Tree Yao.
Mayroong limang True Lord Ranks at ilang dosensang True Mystic Ranks sa kabuuan.
Subalit, sina Ye Yanyu at Zhuang Wan'er, ang mga pinakamalalakas ay sugatan.
"Kung darating ang ating kapatid na si Lu Tianyi, ang tsansang mapatay natin ang Towering Tree Yao ay tataas nang higit. Pwede na muna natin siyang hintayin o kaya magpadala ng tao para hanapin siya." Suhestiyon ni Ye Yanyu.
Ginamit niya ang Void God Protection at sa cultivation na mayroon si Lu Tianyi, agad niya itong mararamdam basta hindi ito ganoon kalayo.
"Hmph, ang panramdam ng bawat isa ay napipigilan sa Purple Saint Ruins at matagal na ring hindi nagpakita si Lu Tianyi. Siguro ay nakatali siya ngayon sa isang uri ng inheritance."
"Nakapasok na siguro si Lu Tianyi ng Ruins Treasured Palace. Hindi tayo pwedeng maghintay nang matagal."
Agad na pagsagot ng Black Cliff Palace at ng Moon Demon Palace.
Napakalakas ni Lu Tianyi at kapag dumating na siya, ang Black Cliff Palace at Moon Demon Palace ay tatayo na lamang sa isang gilid.
"Bakit hindi tayo mamahinga ng kalahating araw lalo na ang mga nagpapagaling pa at sugatan? Kung mararamdaman ni Lu Tianyi ang Void God Protection, paniguradong darating siya sa loob ng kalahating araw. Sa pagkakataong ito, pwede namang subukan nila Li Hong at ng iba pang mga True Lords ang Towering Tree Yao."
Pagmumungkahi ni Ye Yanyu na siyang namang pinayagan ng Black Cliff Palace at ng Moon Demon Palace.
Pagkatapos ng lahat, sina Zhuang Wan'er at Chi Gui ay parehong sugatan at kailangang mamahinga.
Habang nag-uusap sila, ang boses ni Zhao Yufei ay nasa isip ni Zhao Feng at ang kanyang imahe ay lalong lumilinaw nang lumilinaw.
"Ang galing naman nito. Ang boses mo at itsura ay parehong nasisilayan sa isip ko."
Hindi mapigilan ni Zhao Feng na mapahanga.
"Hehe, mayroon itong tulong ni Sister Purple Night, pero sa kasamaang palad, ang kanyang kapangyarihan ay lalong humihina nang humihina sapagkat ipinilit niyang makipag-ugnayan sa Azure Flower Area. Ngayon, hindi niya na makontrol nang buo ang ruins pero kaya naman niyang papasukin ang Kapatid na Zhao Feng sa Ruins Treasured Palace sa isang isip lamang."
Ngumiti si Zhao Yufei at sinabi ito nang may pag-aalala.
Alam ni Zhao Feng ang mahirap na sitwasyon ng Purple Saint Ruins.
"Kahit na matagal nang nasawi ang orihinal na may-ari ng ruins, mayroon pa ring parte ng kanyang kaluluwa ang naiwan, ang Purple Saint Partial Spirit."
Ang Sister Purple Night na sinasabi ni Zhao Yufei ay malamang ang Purple Saint Partial Spirit.
"Anong pwede kong maitulong?"
Agad na dumiretsosi Zhao Feng sa kanyang punto.
Kung si Zhao Yufei ang magiging tagapagmana ng Purple Saint Ruins, may benepisyo pa rin naman ito kay Zhao Feng. Ang dalawa ay galing sa parehong pamilya at ang kanilang relasyon ay napakabuti.
"Una sa lahat, nawalan na halos ng lahat ng kapangyarihan si Sister Purple Night. Kailangan niya ng tulong para maging akong ang tagapagmana pero nawalan siya ng halos lahat ng kontrol sa dimensyon. Ang tanging mayroon lang kami ay nakikita naman ang lahat sa ruins."
Huminto muna nang sandali si Zhao Yufei na tila ba hinihintay na maunawaan ni Zhao Feng ang lahat.
"Oh? Ibig sabihin maaari nating malaman ang bawat sikreto ng ruins?"
Nagningning ang mga mata ni Zhao Feng.
"Oo, pero iyan nga ang problema. Ang kanyon kung saan ka minsang napunta ay isa sa mga pinagmumulan ng enerhiya ng ruins at isa rin sa mga mahihinang punto. Kapag napatay na nila ang Towering Tree Yao, ang mahinang punto na ito ay magiging lalong halata at magiging kahinaan na talaga. Kung lalaki pa ito lalo, ang mga eksperto sa panlabas na mundo ay makakapasok sa ruins at maiistorbo nila ang aking inheritance."