Sa pagkakataong ito.
Lakas-loob na hinarang ni Zhao Feng ang mga taga-Black Cliff Palace.
"Zhe zhe, gusto ba ng batang ito na pagsabay-sabayin tayo nang siya lang?"
Ang mga henyo mula sa Black Cliff Palace ay mayroong pang-iinsulto sa kanilang mga mukha subalit ang black lotus girl sa grupo ay mayroong takot at pag-aalala sa kaniyang mga mata, hindi siya naglalakas-loob na maliitin si Zhao Feng.
"Bata… gusto mo bang magpunta sa panig ng Black Cliff Palace? Dahil isa ka namang henyo ng Dao of Corpses maaari kong pag-isipan na irekomenda ka."
Puting mga apoy ang naglagablag sa mga mata ni Chi Gui habang dinidilaan niya ang kaniyang mga labi at sumulyap siya kay Ye Yanyu na nasa dalawang milyang layo gamit ang sulok ng kaniyang mata.
Mayroon siyang lakas ng loob na patayin si Zhao Feng bago makarating si Ye Yanyu.
Subalit, tila ba walang kahit anong bakas ng takot si Zhao Feng nang harapin niya ang mga mula sa Black Cliff Palace.
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com