Gamit ang super eyesight ni God's Spiritual Eye, lumayo ng lumayo si Zhao Feng mula sa mga tao ng Black Cliff Palace.
Kung eye sight ang pag-uusapan, walang nakakalagpas sa God's Spiritual Eye ni Zhao Feng, kabilang na ang black demon crow na nasa alapaap na pagmamay-ari ng Black Cliff Palace.
Subalit, sa Purple Saint Ruins, ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay nalilimitahan din at nakaramdam din ito ng matinding diin matapos ang dalawang daan o higit pang milya.
Sa daan si Zhao Feng ay sobrang nag-iingat dahil hindi lamang Black Cliff Palace ang naroroon sa paligid. Dagdag pa rito, ang mga ruins din ay napakamapanganib.
Si Zhao Feng ay naglakbay ng apat hanggang limangdaang milya at sa wakas nakahanap na siya ng isang tahimik at kalmadong lugar.
"Una ay patataasin ko ang aking cultivation. Ang lightning bone at water heart pulse ng Blackpool Lightning crocodile ay makakapagpadali ng mga bagay."
Palihim na naglakad si Zhao Feng sa kuweba.
Sa mapanganib na Purple Saint Ruins na walang kahit sinong tao upang magbabantay o poprotekta sa kaniya, ang pagcultivate sa seklusyon ay napakamapanganib.
Sa oras na ito napakawalan na ang kapangyarihan ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng.
Mayroon siyang alam na ilang mga arrays at mayroon silang ilang mga materyales na makakatulong sa kaniya makagawa ng isang stealth array sa loob nilang milya.
Subait, kahit ganoon si Zhao Feng ay nag-iwan pa rin ng katiting na kamalayan niya sa panlabas na mundo.
Nakadekuwatro si Zhao Feng sa sahig at inilabas niya ang Blackpool lightning crocodiles lightning bonse. Isa itong parang jade na buto na paminsan-minsan ay mayroong kislap ng maitim na kidlat.
Ang lightning bone ay hindi lamang ang lalagyan ng Blackpool lightning crocodile's lightning. Naglalaman din ito ng kalaliman ng kalikasan ng lightning.
Kung ang pag-uusapan ay ang halaga ang lightning bone na ito ay mas mataas pa kaysa sa Lightning Mystic Stone na ibinigay sa kaniya ni Zhao Yufei.
Inilagay ni Zhao Feng ang kaniyang dalawang kamay sa lightning bone at isang Qi ng True Spirit na may kidlat ang lumitaw sa kaniyang palad.
Sa paglipas ng oras.
Ang katawan ni Zhao Feng ay kumislap na may kasama ng kidlat at ang koneksyon sa kaniya at sa Lightning Yuan Qi ay mas lumakas.
Sa isang pag-iisip lamang kaya na ni Zhao Feng makapagpalabas ng ilang beses pang Lightning Yuan Qi, isang bagay na ang mga nasa True Lord Rank lamang ang nakakagawa.
Nang hindi nalalaman, ang mga kaalamang nakuha mula sa paglilipat ng espasyo ay sumanib na kay Zhao Feng.
"Ang aking mental energy ay ngayon maikukumpara na sa True Lord Rank."
Isang ngiti ang makikita sa mukha ni Zhao Feng.
Sinimulan na niyang higupin ang essence ng lightning sa loob ng lightning bone at nagsimula na niya itong intindihin.
Dahil sa mataas niyang mental energy level, ang bilis ng cultivation ni Zhao Feng ay napakatulin, at ang Lightning Yuan Qi ay nilinis nito ang kaniyang katawan at pinino ang kaniyang Qi ng True Spirit.
Sa loob lamang ng kalahating araw, si Zhao Feng ay nakatungtong na sa ika-unang yugto ng True Mystic Rank. Kung tutuusin, sa Sacred True Dragon Gathering napakalapit na niyang makarating doon.
At sa pagkakataong ito kalahati lamang ng lightning bone ang nahigop.
"Sa mental energy level ko ngayon, ang Eye of Illusion, Eye of Heart, Eye of Ice Soul ay lahat tumaas ang kapangyarihan. Subalit, ang Lightning Fire God's Eye ay mayroon lamang bahagyang pagtaas dahil nangangailangan pa ito ng True Spirit Lightning Flame sa katawan."
Nagsimulang mag-isip si Zhao Feng.
Ang natitirang kalahati ng lightning bone at ang water heart pulse ay kayang magpataas ng pundasyon ni Zhao Feng at sa pagdepende sa kaniyang True Lord Rank mental energy level, mayroon siyang 50% na pagkakataong makaabot ng huling mga yugto ng True Mystic Rank sa loob lamang ng sampung araw.
Subalit, hindi sang-ayon si Zhao Feng dito.
Una, ang Purple Saint Ruins ay napakamapanganib at kung siya ay mamalasin maaaring may dumaan na mga henyo rito at istorbohin ang kaniyang cultivation.
Sampung araw hanggang kalahating buwan ay masiyadong mahaba at kayang gamitin ni Zhao Feng ang oras na ito upang libutin ang lugar at maghanap ng kayamanan.
Ikalawa, ang mabilis na pagtaas sa cultivation ay nangangahuluguhan na pabago-bagong pundasyon at ang lakas ng isang tao ay hindi labis na tataas kapag nakaabot sa huling mga yugto ng True Mystic Rank.
"Bakit hindi gamitin ang natitirang kalahati ng lightning bone upang pinuhin ang aking True Spirit Lightning Flame at gamitin ang water heart pulse upang palakasin ang aking meridians at katawan, upang mag-ayos ng isang solidong pundasyon para sa kinabukasan."
Nagkaroon ng matalas na pakiramdam sa paggawa ng mga desisyon.
Kung ginawa niya ito ang lakas ni Zhao Feng ay tataas at makakagawa siya ng mas magandang kinabukasan.
Sa sumunod na araw ginamit ni Zhao Feng ang essence ng lightning sa loob ng lightning bone upang i-refine ang kaniyang True Spirit Lightning Flame at ang kapangyarihan ng kaniyang True Spirit Lightning Flame ay nagkaroon ng kaunting pagtaas sa level.
Ang dahilan kung bakit pinili niyang pataasin ang kapangyarihan ng Lightning Fire God's Eye ay dahil ang skill na ito ang katapat ng wicked path.
Kung nakatagpo si Zhao Feng ng mga henyo mula sa Black Cliff Palace muli kung ganoon magkakaroon pa siya ng mas maraming pagkakataon.
Crack!
Ang lightning bone ay nahati-hati at nahulog sa sahig.
Ipinikit ni Zhao Feng ang kaniyang mga mata at hinigop ang profoundness ng lightning na kumawala mula rito.
Sa pagsasanib ng kaniyang Lightning Inheritance sa Mystic Flower Treasured Bible at sunod ay paghigop ng mga natural laws ng lightning mula sa Lightning Mystic Stone at lightning bone, ang skill ni Zhao Feng ay nakalagpas sa mga orihinal na hangganan nito.
Dagdag pa rito, ang kapangyarihan ng paglipat sa espasyo ay nakapagbukas din ng mga mata ni Zhao Feng sa isang panibagong mundo at ang kaniyang skills, mental energy level ay parehas na tumaas.
Sa loob ng kaniyang isipan.
Ang ikatlong palapag ng Lightning Inheritance ay nagliwanag at sa paligid nito ay mayroong mga sagitsit ng kidlat.
"Naintindihan ko na ang karamihan sa Lightning Inheritance at marami na akong mga isinamang mga bagay dito."
Nang buksan ni Zhao Feng ang kaniyang mga mata ang Lighting Mystic Flower mark sa kaniyang noo ay mas naging matingkad.
Ang pag-intindi sa Lightning Inheritance hanggang sa level na ito ay kadalasan nangangailangan ng cultivation ng mga huling mga yugto ng True Lord Rank, subalit si Zhao Feng ay nasa mga unang yugto pa lamang ng True Mystic Rank ngunit mayroon na siyang mental energy strength ng isang True Lord Rank.
"Oras na."
Sunod ay nagsimula na si Zhao Feng sa pagkain ng water heart pulse.
Ang katawan ng Blackpool lightning crocodile ay napakalakas, at nasaksihan na ni Zhao Feng ang apat na mga henyo ng Wind Snow Pavilion na atakihin ito sa loob ng matagal na oras bago tuluyan itong mapatay. Kung mas mabilis ng kaunti ang Blackpool lightning crocodile, malamang ay hindi nila ito mapapatay.
Ang water heart pulse ay ang sentro ng malakas na katawan ng buwaya at matapos kainin ito, mapapataas ang lakas ng katawan ng isang tao pati na rin ang kanilang mga meridians.
Nang walang pag-aalinlangan hinati ni Zhao Feng ang matamlay na kulay itim na puso sa tatlong piraso at sunod ay kinain ito.
Ang dahilan kung bakit niya ginawa ito ay dahil takot siya sa masiyadong malakas ang enerhiyang nasa loob nito.
Nakatuon si Zhao Feng sa body strengthening noong siya ay nasa Ascended Realm pa lamang at tiniis niya ang matinding sakit.
Subalit, ang enerhiya sa loob ng water heart pulse ay mas kalmado kaysa noon at nagpakawala ito ng malamig at malambot na kapangyarihan nang ito ay pumasok sa katawan.
Sa pamamagitan ng prosesong ito naramdaman ni Zhao Feng na mas lumakas ang kaniyang katawan at kahit ang kaniyang mga buto ay nabago.
Nakaramdam si Zhao Feng ng malaking epekto sa pagkain pa lamang ng unang piraso nito. Ang kaniyang mga meridians at dantian ay lumawak.
"Hindi na masama, hindi na masama."
Pinadaloy ni Zhao Feng ang kaniyang Qi ng True Spirit at sa pagpapalaki ng mga meridians, naramdaman niya na mas maayos ito at tumaas ang kaniyang cultivation speed.
Dahil hindi na nagtuon ng pansin si Zhao Feng sa body strenghtening at ngayon ang katawan niya ay maituturing ng mahina kumpara sa iba, ang water heart pulse ay mayroong malaking epekto sa kaniya. Kung si Shi Chengtian ito kung ganoon walang magiging masiyadong pagtaas.
Ang pagpapalaki ng kaniyang dantian at ang pagtaas ng lakas ng kaniyang laman ay nagpausbong ng potensyal ni Zhao Feng.
mas lumakas at ang kaniyang cultivation ay tumaas pa ng kaunti.
Ang pinakamahalaga pa ay, ang pundasyon ni Zhao Feng ay solido at nangangahulugan ito na ang cultivation speed niya mula ngayon ay mas mabilis na.
Ang isang kamao pa lamang na nakabase sa purong lakas ng katawan mula kay Zhao Feng ay kaya ng makapatay ng isang mahinang True Human Rank ngayon.
Matapos makonsumo ang lightning bone at ang water heart pulse ipinikit ni Zhao Feng ang kaniyang mga mata at nagdesisyong umintindi ng isa pang araw.
Makalipas ang dalawang oras.
"Hmm?"
Pakiramdam ni Zhao Feng na ang kaniyang stealth array ay may naramdamang isang bagay.
Shua!
Si Zhao Feng ay naging isang arko ng kidlat na naglaho mula sa kidlat at kasabay nito tatlong madilim na mga anyong mula sa dalawang milya ay lumapit na sa kuweba kung saan naroroon si Zhao Feng kanina.
Ang lidrr ay isang lalaking mayroong mga itim na kadenang nakabalot sa kaniyang mga braso. Siya ay napakapayat at para siyang isang taong kalansay. Ang kanyiang mga mata ay madilim at pula ang mga kislap nito.
Sa kaliwa't kanan niya ay mayroong lalaki at babae.
Ang naunang nabanggit ay isang malaking lalaking may hawak na blade jagged blade. Ang ikalawa ay isang malamig na babaeng may hawak na itim na lotus at mayroong itim na ahas sa ilalim ng kaniyang mga paa.
Nang sabay na lumakad ang tatlong ito, nagdala sila ng isang malamig at madugong aura kasabay nila. Kahit gaano mo sila katagal na titigan masasabi mong hindi sila nagmula sa Righteous Path.
"Paano nahanap ng mga tao mula sa Black Cliff Palace ang lugar na ito?"
Nagbago ang ekspresyon ni Zhao Feng.
Ang kaniyang landas paatras ay walang tiyak na direksyon at sinadya niya pang dumaan sa ilang mga mapanganib na lugar upang hindi siya mahabol.
Ang namumunong lalaki na mayroong mga kadena ay nakaabot na sa peak True Mystic Rank at ang kaniyang aura ay mas malakas ng kaunti kaysa sa eagle-eyed man mula noon.
Ang lalaking mayroong jagged blade at ang black lotus girl ay parehas nasa huling mga yugto ng True Mystic Rank at sila ay mas malakas pa kay Tantai Lanyue at Goddess Bing Wei.
"Nandito na ba tayo? Isang bata lamang na nasa unang yugto ng True Mystic Rank ay kinakailangan tayo, ang grupo ng Wicked Teeth? Sayang naman."
Umungol ang lalaking mayroong jagged blade.
Ang itim na ahas sa ilalim ng mga paa ng babae ay inilabas ang dila nito at tumutok ito sa kuweba ni Zhao Feng.
"Ang ahas na ito ay sanay sa pagsunod at nagpunta ito rito dahil sa aking aura. Ngunit paano naitiyak ng mga tao mula sa Black Cliff Palace kung alin ang aura ko?"
Naintindihan ni Zhao Feng ang dahil kung bakit siya ay natagpuan subalit naguluhan din siya.
Sa puntong ito nakalapit na ang grupo ng Wicked Teeth sa kuweba kung saan nagpunta si Zhao Feng at tatlong spiritual senses ang tumutok sa lugar na ito.
"Hmm!?"
Nagpakita ng gulat na hitsura ang tatlo. Walang kahit sinong nasa kuweba subalit mainit pa rin doon at puno ng Lightning Yuan Qi. Mayroon pa ngang mga bakas ng paa rito.
Mula sa mga detalyeng ito maaaring matiyak ng isang tao na hindi pa nakakalayo ang taong hinahanap nila.
"Tiyak na nasa nandiyan lang siya sa malapit."
Ang mga mata ng lalaking namumuno ay nagkaroon pulang mga kislap.
Hindi maganda!
Bago pa maghiwa-hiwalay ang tatlo isang 'himig' ng kidlat ang maririnig sa likuran nila at dali-dali nilang napagtanto na ito ang pagtawag sa Lightning Yuan Qi.
Napuno ng tensyon ang kapaligiran na para bang may isang bagyo na paparating.
"Ice Lightning Raging Dragon!"
Rumagasa ang kidlat, at isang malamig na ihip ng hangin ang nagmula sa likod. Ang atungal ng isang dragon ang maaaring marinig.
Sa pagkakataong iyon, isang nagngangalit na dragon na gawa sa kidlat at yelo ang sumunggab at pinipi ang lahat ng bagay na nasa loob ng isang daang yarda.
Boom----
Bago tuluyang makita ng grupo ng Wicked Teeth ang anyo ang dragon of lice and lightning ay dumating na, at ang nagawa lamang nila ay paganahin ang kanilang mga secret techniques upang makasalag dahil wala na silang oras para umiwas.
Bam Bam Bam!
Ang tatlong mga anyo ay napatalsik, nag-iiwan ng isang malaking butas sa sahig na isang hugis ng dragon. Ang lupa ay nawasak, at may tumaas na mga itim na usok. Ang kuweba kung saan kanina ay naroroon si Zhao Feng ay naglaho at ang lugar na ito ay hindi kalaunan nabalot ng alikabok.