webnovel

Desisyon ni Tiemo

Redakteur: LiberReverieGroup

Sumang-ayon si Zhao Feng ng walang pagdadalawang-isip.

Sa Canopy Great Country, wala siyang kahit anong posisyon at wala siyang lugar na matutuluyan.

Ngayon, para siyang isang walang ugat na damo na palutang-lutang lamang.

Simula noong Alliance Banquet, nakarating na si Zhao Feng sa lambk ng kaniyang buhat. Matapos pumasok sa Great Country, nawarrant na siya ng malalaking mga puwersa. Kung saan ang Iron Blood Religion ay humanga kay Zhao Feng at tinulungan siya.

Kahit isa pa itong masamang puwersa, hindi sila tinanggihan ni Zhao Feng. Matapos makaranas ng ilang paghangin at pag-ulan, wala na siyang malinaw na ideya tungkol sa banal at sa masama.

Dagdag pa rito, mayroon pa ring hiling si Zhao Feng sa kailaliman ng kaniyang puso at iyon ay makabalik sa Thirteen Countries kapag may sapat na lakas at kapangyarihan na siya.

"Zhao Feng, ang dahilan kung bakit kita hinangaan noon ay dahil sa iyong eye bloodline. Subalit matapos mong tumakas mula sa kasalan sa Flooding Lake City at sa paglaban mo sa Water Moon Treasury at sa pagdakip kay Empress Qin at makabalik ka ng walang kahit anong galos, mataas na ang pagturing ko sa iyong talento, potensyal, at sa lakas ng loob mo."

Si Tiemo na mayroong kulay dugong-pulang buhok ay may malalim na ngiti sa kaniyang mukha.

Bahagyang nanlambot ang puso ni Zhao Feng – hindi niya naisip na ang lahat ng kaniyang pagkilos ay hindi makakatakas sa mga mata ng Iron Blood Religion.

Ang pagtakas sa kasalan at pagdakip sa Empress ay parehas mga nakakagulat na bagay, subalit ang Water Moon Treasury ay malayo at hindi pa ito masiyadong nakakalipas. Kung makikita ng Iron Blood Religion nang mabilisan ang katotohanan, hindi maaaring maliitin ang mga puwersa nito.

"Sa totoo lang mayroon akong malaking kayamanan para sa'yo na maaari mong subukan pagtapos mong pumasok sa Iron Blood Religion."

Huminto si Tiemo.

Malaking kayamanan?

Napakasensitibo ni Zhao Feng sa mga salitang ito.

Tiyak na ang kayamanan na gaya ng Water Moon Treasury ay hindi maituturing na malaki. Sa lahat ng Water Moon Four Treasures, ang tanging bagay lamang na binibigyang-pansin niya ay ang Three Flowered Treasured Lotus subalit maaaring hindi niya pa ito magamit.

"Ito ang pinakadakilang Scared True Dragon Gathering ng Green Flower Continent. Bawat prodigy na makikilahok dito ay ang mamumuno sa kayamanan ng mga hento at bawat isa sa kanila ay anak ng Kalangitan." Pagbubuod ni Tiemo.

Scared True Dragon Gathering.

Narinig na ni Zhao Feng ito sa mga sinaunang tala subalit hindi niya naisip na ang tunay na pinanggalingan nito ay naririto.

Masiyadong malayo ang Thirteen Countries at normal lamang na hindi niya ito alam.

"Ang Sacred True Dragon Gathering ay ang entablado ng kontinent at ang mga mata nga buong kontinent ay dito magtitipon-tipon. Para sa halos lahat ng mga henyo, mamamatay sila ng walang pagsisisi basta't makasali lamang sila. Subalit, karamihan sa kanila ay wala man lamang karapatan na makilahok dito."

Bumuntong hininga si Tiemo.

Pinatunog ni Zhao Feng ang kaniyang dila. Gaano karaming henyo ang magpupunta roon sa kontinenteng ito?

Batay kay Empress Qin, ang Cloud Country, na ang pinanggalingan ni Zhao Feng, ay isang abandonadong nayon.

Sa taas ng mga nayon ay mga syudad, lungsod at mga bansa.

Sa mga nayon pa lamang ay mayroon ng gaya ni Zhao Feng, Xin Wuheng, Bei Moi, Cang Yuyue, Lin Tong at Zhao Yufei…. Gaano pa karaming mga henyong katulad nila ang mayroon ang sa buong kontinente? At gaano karami ang mas malakas?

Sa pag-iisip nito, hindi mapigilan ni Zhao Feng ang pananabik niya ay nagsimulang kumulo ang dugo sa loob-loob niya.

Nakita ni Tiemo ang pagbabago ni Zhao Feng sa pag-uugali at ngumiti: "Kapag nagsama-sama ang mga pagpapala ng mga henyo sa Sacred True Dragon Gathering, mayroong pagkakataon na maikonekta ito sa mga inheritances na nasa mga lugar sa labas. Halimbawa, ang Heaven's Legacy Inheitance, ang Seven Sword Inhertiance. Siyempre, ang ganito kalalaking inheritances ay bihirang lumitaw at ang Heaven's Legacy Inheritance ay lumilitaw lamang isang beses sa sampung libong taon kaya naman isang porsyento lamang ang tsansa nito. Sa pamamagitan ng Sacred True Dragon Gathering, mayroon ding mga pagkakataon na maikonekta ang ibang mga inheritances na mayroong iba't ibang timbang."

Naintindihan ni Zhao Feng kung bakit maaakit ng Sacred True Dragon Gathering ang buong kontinente kung saan kahit ang mga ten great forces, ang Great Countries at major sects ay magpapadala ng kani-kanilang mga prodigies.

Kung kayang makasali ng isang tao sa Sacred True Dragon Gathering, ibig sabihin nito na maaari silang makipaglaban sa mga henyo mula sa ibang kontinente.

"Mayroon bang mga pagkakataon na makakita ng mga henyo mula sa Thirteen Countries o sa Iron Dragon Strong Country sa Sacred True Dragon Gathering?"

Biglang naisip ni Zhao Feng.

Batay sa lohikal na pag-iisip, hindi mataas ang mga pagkakataon at ang Iron Dragon Strong Country ay mayroong mas mataas na tsansa subalit kung iisipin ngayon, ang Thirteen Countries ay malamang nilupig na ng Iron Dragon Strong Country.

Hindi alam ni Zhao Feng na kung may koneksyon ang First Elder, ang mga eksperto rin mula sa ibang clans ay maaaring mayroon ding koneksyon.

"Deputy Patriarch, pinag-iisipan mo bang pasalihin ako sa Sacred True Dragon Gathering?"

Hindi mapigilan ni Zhao Feng ang pananabik sa kaniyang puso.

Ang pakikipaglaban sa mga henyo mula sa buong kontinente at ang pagkakaroon ng pagkakataon na makapasok sa mga inheritances ay isang bagay na nararapat sa kaniyang paghihintay.

"Hehe, Zhao Feng, masiyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo. Oo, sa bloodline, potensal at lakas ng loob na mayroon ka, lahat ito perpekto subalit sa kasalukuyang level mo, maganda na kung makaabot ka sa top one thousand. Subalit kung hindi ka makakaabot sa top hundred, wala kang masiyadong halaga sa Iron Blood Religion."

Nagpakita ng bakas ng pagiging mapaglaro ng lalaking mayroong kulay dugong-pulang buhok.

Naguluhan si Zhao Feng – wala man lamang siyang karapatang makilahok?

"Noon ay nakatira ka sa malayong nayon at masiyado mong minaliit ang mga peak geniuses. Sa loob ng sampung malalakas na dibisyon, ang isang bilang ng Core Disciples ay nakaabot na sa True Spirit Realm sa edad mo at hindi ito isang pambihirang bagay. Ang ilang mga halimaw pa ay nakarating na sa True Mystic Rank at ang kanilang mga Masters ay mga Sovereigns ng Origin Core Realm.

Tumama kay Zhao Feng ang mga salita ni Tiemo.

Ang mga talento ng mga peak geniuses ay tiyak na lagpasa pa sa Thirteen Countries at maari pa itong maikumpara laban kay Zhao Yufei.

Ang mga resources sa Canopy Great Country ay lagpas na rin sa Thirteen Countries at ang ten great forces ay kalahating level na mas mataas sa mga Imperials at sa Iron Blood Religion.

Nasira pa ng ten great forces na ito ang Scarlet Moon Religion.

Dagdag pa rito, isang maliit na bilang ng mga henyong ito ay disciples ng Sovereigns.

Talento, resources, Master, kompetisyon… ang kanilang pagkapanganak at ang kanilang kapaligiran ay mas mataas kay Zhao Feng.

Sa ilalim ng sitwasyon na ito, ang tiwala ni Zhao Feng as kaniyang sarili ay nagsimula nang kontrolin ang sarili nito.

"Kahit na kaya mong hamunin ang mga nasa True Human Rank kapag nasa half step True Spirit Realm ka na at kung manalo ka, mayroon ding mga pangyayari sa mga naipanalong laban kahit na ang kalaban nila ay mayroong mas mataas na cultivation sa Sacred True Dragon Gathering. Halimbawa, ang Sword Saint Ye Quxie na mula sa ilang daang taon ay napunta sa unang puwesto matapos talunin ang isang taong nasa huling yugto ng True Mystic Rank kahit na siya ay nasa mga unang yugto pa lamang ng True Human Rank, kaya nakuha niya ang panahon ng kasikatan."

Mas lalong naging malaki ang ngiti ni Tiemo.

Sa katotohanan, kayang makapasok ni Zhao Feng sa Sacred True Dragon Gathering sa lakas na mayroon siya ngayon, subalit hindi siya makakuha ng magandang puwesto.

Sinasadya niyang sanayin si Zhao Feng upang pakabahin siya lalo.

"Ang Sacred True Dragon Gathering ay gaganapin sa loob ng kalahating taon at ang Iron Blood Religion ay maraming mga taong pagpipilian. Kung kaya mong makarating sa True Spirit Realm sa susunod na kalahating taon, walang masiyadong magiging problema para makasali ka sa Sacred True Dragon Gathering."

Sambit ni Tiemo.

"Naiintindihan ko."

Sa ilalim ng mga normal na sitwasyon at sa kasalukuyang cultivation na mayroon si Zhao Feng, ang paghiling na makatungtong sa True Spirit Realm sa loob ng kalahating taon ay hindi mataas. Subalit mataas ang mental energy level ni Zhao Feng at mayroon siyang Water Moon Pirate's Source of True Spirit sa loob niya.

Nararamdaman ni Tiemo ang kasalukuyang mental energy level ni Zhao Feng subalit hindi niya nakikita ang Water Moon Pirate's Sources of True Spirit dahil ito ay itinatago ng isang lihim na teknik mula sa Heaven's Legacy Inheritance.

Mula sa perspektibo ni Tiemo, si Zhao Feng ay mayroon lamgn 30-40% pag-asang makarating ng True Spirit Realm sa loob ng kalahating taon subalit malaki ang tiwala ni Zhao Feng sa sarili niya.

Lumipad sa ere ang Goldern Spear Blood Dragon Sedan at dumating na sa lambak matapos ang ilang libong milya.

Ang Golden Spear Blood Dragon Sedan ay mayroong kakayanan upang lumipad mag-isa – ang apat na sedan carriers ay mga taga-suporta lamang sa mga maliliit na usapin para sa Deputy Patriarch.

Ang lambak na ito ay napoprotektahan ng isang malaking array na ang timbang ay sampung beses na mas malaki pa kaysa sa Broken Moon Clan.

Sa loob ng lambak ay mayroong malaking palasyong binuo sa pagitan ng lambak at ng kuweba.

Ito ang punong-himpilan ng Iron Blood Religion. Kahit na hindi ito kasing laki ng Capital, napakalakas ng depensa nito.

"Pagbati sainyo Deputy Patriatch."

Ang mga miyembro ng Iron Blood Religion, mula sa Ascend Realm cultivators hanggang sa True Spirit Realm cultivators ay lahat yumukod sa pagbaba ng Golden Spear Blood Dragon Sedan.

Lumabas si Zhao Feng kasama ng lalaking mayroong kulay dugong-pulang buhok at nagdulot ito upang mapataas ang kilay ng napakaraming tao.

"Sino ang batang ito na kayang umupo sa Golden Spear Blood Dragon Sedan kasama ang Deputy Patriarch?"

Palihim na nasurpresa ang lahat ng mga miyembro ng Iron Blood Religion.

Makalipas ang kalahating oras na kakailanganin upang makagawa ng tsaa.

Lumakad patungo sa malaking bulwagan ang lalaking mayroong kulang dugong-pulang buhok at si Zhao Feng.

Nag-ayos ng isang pagpupulong si Tiemo kung saan dinaluhan ng ilang mga Elders at isang Protector.

May kilala si Zhao Feng sa isa saknila, isang kulubot na elder na mayroong kapa – ito ang Iron Blood Religion Protector na nagbabala sa kaniya noong kapapasok pa lamang niya sa Capital.

"Ito ang batang dumakip sa Empress Qin sa Capital."

Pagpapakilala ng Deputy Patriarch na mayroong kulay dugong-pulang buhok.

Ang mga nakakataas na echelons ng Iron Blood Religion ay lahat halos nasa True Mystic Rank at ang ilan ay nasa peak pa ng True Mystic Rank.

Isa sa mga Elders ay isang babaeng mayroong puting buhok na siyang itinuturing na Regulations Elder at ang kaniyang cultivation ay nakaabot na sa True Lord Rank. Ang kaniyang estado ay nasa ibaba lamang ng Deputy Patriarch.

Matapos ang pagpapakilalang ito, nakilala ni Zhao Feng ang ilang mga nakatataas na echelons. Siyempre, ang Iron Blood Religion ay mayroong malaking espasyo, kaya ang mga taong nandirito ay hindi pa lahat ng mga taong nasa taas na echelon subalit kahit ganoon, sapat na ito upang patunugin ni Zhao Feng ang kaniyang dila.

"Kahit na idagdag mo pa ang lahat ng Thirteen Countries at ang dalawang Strong countries na magkasama, hindi nila kayang tumapat sa Iron Blood Religion."

Naisip ni Zhao Feng sa loob-loob niya.

"Patriach, gusto mo siyang i-promote bilang isang Chapter Leader? Hindi ito maliit na usapin. Karamihan sa mga nakikipaglaban para sa isang Chapter Leader ay mga nasa True Mystic Rank o kaya'y nasa malakas na peak True Human Ranks. Ang isang batang kasing-edad niya na mayroong kulang na cultivation ay mahihirapan sa pagkontrol ng buong lugar."

Pagkuwestiyon ng Regulations Elder na isang babaeng mayroong puting buhok.

Batay sa kaalaman ni Zhao Feng, si Tiemo ang Deputy Patriarch ng Iron Blood Religion. Sa katotohanan, hindi siya nagkaiba mula sa totoong Patriarch dahil wala namang nakakaalm kung ang totoong Patriarch ay buhay pa o patay na. Mayroon pa ngang usap-usapan na napunta siya sa isang napakalalim na pagtulog. Sa kabuuan, maaari nang hindi bigyang-pansin kung buhay pa ba ang totoong Patriarch.

Sumang-ayon ang ibang mga tao.

Ang isang Chapter Leader ay napakahalaga sa Iron Blood Religion. Kaya nilang humawak ng isang kuta sa isang lugar at maaari itong maikumpara sa isang Marquis sa Imperials.

"Pinal na ang aking desisyon."

Hindi man lamang nagbago ang ekspresyon ng Deputy Patriarch na mayroong kulay dugong-pulang buhok at hindi siya nagbigay ng kahit anong senyales ng pagpapaliwanag. Nagpakawala siya ng pakiramdam na siya ang may hawak ng lahat ng kapangyarihan at desisyon.

Nächstes Kapitel