webnovel

Empress Qin

Redakteur: LiberReverieGroup

Ang pagpapakita ng isang Origin Core Sovereign ay ikinagulat ng lahat at wala sa kanilang mga True Lord Ranks ang makakita ng kanyang kilos.

Tanging iisang tao lamang ang kayang gumawa ng paghahanap ng bakas ng Mystic Sword Sovereign at ito ay si Zhao Feng pero hindi siya nangahas na gawin ito lalo na sa mga eksperto at mga nasa True Mystic Rank o pataas pa, paniguradong may mararamdaman sila.

Sa lahat ng naroroon, walang kahit sino sa kanila ang nakasaksi kung gaano ka nakasisindak ang lakas ng isang Sovereign na nasa Origin Core Realm.

Ilang daang taon ang nakalilipas, nang sugurin lamang ng Scarlet Moon Demonic Religion ang kontinente saka nagkaroon ng iilang eksperto na nasa Origin Core Realm ang nagpakita.

"Karapat-dapat lamang na taguriang top auction ito sa kontinente. Kahit ang mga eksperto na nasa Origin Core Realm ay naaakit na pumunta. "

Paghanga ni Heiyun Master.

Pinigilan ni Zhao Feng ang kanyang sarili na buksan ang kanyang God's Spiritual Eye, na unti-unti nang humihina sa kanilang paglalakbay na ito.

Kung babalikan ang kanyang pinanggalingan gaya ng Thirteen Countries, walang kahit sino ang eksperto na nasa True Lord Rank, kahit ang pinakamalakas na cultivator sa Broken Moon Clan ay isang taong nasa True Human Rank.

Sa kontinenteng ito, napakalakas ng mga Great Countries at sa Flooding Lake City, nakabasa si Zhao Feng ng ilang tala na nagsasabing ang mga Sovereign sa Origin Core Realm ay nabubuhay hindi sa mundong ginagalawan nila.

Sa madaling salita, mayroong dalawang mundo.

Pagkatapos mabili ang Seven Sword Incomplete Manual, ang Rising Dragon Auction ay may iisang aytem na lang – ang mga piraso ng Earth Grade Item.

Mortal, Spiritual, Earth, Sky.

Hindi lamang niya ito ginagamit para ipamahagi ang kanyang skills at talento, pero ginagamit rin ito para muling ayusin at magbigay halaga sa isang sandata.

Ang mga batas ng mundo ay napakalalim at kahit anong talento, skill o sandata ang makaabot sa 'Earth' tier, sapat na ito para gulatin ang mundo. Sa isip ni Zhao Feng, tanging si Zhao Yufei lamang ang may kakaibang bloodline dahil mayroon siyang changeable body na maihahalintulad sa isang Earth Grade Body.

"Mga piraso ng isang Earth Grade Item."

Pinakalma ng matandang nakaroba ang kanyang sarili at sinenyasan ang nasa True Human Rank na binibini sa kanyang tabi na ilabas na ang aytem.

Isa itong kapiraso ng metal na may laki ng isang palad at kulay na nagpapalit mula sa itim na magiging lila at magiging abo kapag tinignan sa iba't ibang direksyon.

Agad na sinuri ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ito, pero napaatras siya ng isang hindi nakikitang kapangyarihan na nagpayanig sa kanyang mental energy at halos mapadura na siya ng dugo.

"Ang mga aytems na nasa Earth Grade ay lagpas na sa ating nalalaman."

Naramdaman ni Zhao Feng na ang kanyang mga ikinilos ay bahagayng padalos-dalos.

Ang mga Earth Grade Items ay katulad rin ng mga Origin Core Sovereigns – hindi dapat itong pagespiyahan at sa katotohanan, karamihan sa Spiritual Sense ng mga nasa True Spirit Realm ay hindi sila naapektuhan.

Tanging ang mga nasa True Lord Rank ang nakaramdam na nanginginig ang kanilang mga puso na tila ba tinamaan sila ng kidlat.

"Alam ng lahat na isang divine weapon ang nagpakita ilang libong taon na ang nakalilipas at ang Daguang Lord Country, na isa ring Dinastiya o Dynasty, ay nasira. Mula noon, ang mga Dynasties ay naging isang alamat at ipinagbabawal. Walang kahit anong bansa ang sumubok na tawagin ang kanilang mga sarili na dinastiya." Wika ng matandang nakaroba.

Malamang ay dinagdagan ang huling aytem ng ilan pangd detalye.

Walang kahit anong narinig si Zhao Feng tungkol sa Dynasties sa Thirteen Countries sapagkat napakalayo nito.

Sa kontinenteng ito, ipinagbabawal na tawagin ng isang bansa ang kanilang sarili na Dynasty. Kung kaya, tanging mga tiers gaya ng Small Country, Strong Country at Great County bilang pinakamataaas na pwersa ang mayroon sila.

"Ang kapirasong metal na ito ay pumasa na sa inspeksyon ng napakaraming Treasure Inspections Masters at ang materyal kung saan ginawa ito ay lagpas pa sa isang Spiritual Grade kung kaya nakumpirma nilang piraso talaga ito ng isang Earth Grade Item. Maaaring ito ay sanglabinglima o kaya sangdaan ng kabuuang aytem, pero kahit ang mga nasa True Lord Rank ay nahihirapan itong gamitin. At ang mas mahalaga pa, ang piraso na ito ng Earth Grade Item ay nanggaling sa ibang lugar at naglalaman ng intent ng mga Sovereigns ng Origin Core Realm o isang maalamat na anyo…" Ngumiti ang matandang nakaroba pagkasabi nito.

Hindi na pinansin pa ni Zhao Feng kung ano pa ang dagdag na sinabi. Alam niyang pagkakaguluhan ito ng mga nasa True Lord Rank at paniguradong ang kanilang atensyon ay nasa Earth Grade Weapon na may intent mula sa mga eksperto ng Origin Core Realm.

"Ang panimulang presyo ng pirasong ng Earth Grade Item na ito ay 50 milyon, ang bawat pagtaas ay dapat nasa isang milyon."

Pagkatapos niya itong sabihin, agad na nagsimulang mag-bid ang walang pangunahing factions.

Ang materyales ng pirasong ito ay kakaiba at maaaring maglaman ng mga intents ng isang nasa Origin Core Realm. Kung susuwertehin nga naman sila, maaaring isilang mula rito ang isang eksperto sa Origin Core Realm.

Ang Canopy Great Country ay mukhang walang kahit sinong nasa Origin Core Realm. Dahil kung hindi, hindi sana ganito kakomplikado ang sitwasyon.

"60 milyon."

"80 milyon."

"85 milyon."

Sigaw bawat sigaw ang maririnig.

Nang walang pag-aalangan, ang pirasong ito ng Earth Grade Weapon ay malalagpasan ang 100 milyon.

Mula sa isang Esteemed Guest Stand.

"Pagbuntong hininga, ang pirasong ito ng Earth Grade Item ay hindi talaga naglalamang ng intent ng isang Emperor na nasa 'Void God Realm' at ang intent rin na nilalaman nito ay napakahina." Isang matandang babae ang napabuntong hininga nang marahan.

Shua!

Biglang nawala ang kanyang anyo mula sa kanyang Esteemed Guest Stand nang hindi napapansin ng kahit sino.

Ang First Esteemed Guest Stand at ang ikalawa rin ay pareho nang walang laman.

Nang mawala ang matandang babae, nakaramdam ng kakaiba si Zhao Feng at ang kanyang munting pusang magnanakaw at agad na tumingin sa direksyong iyon.

Ang 4th Esteemed Guest Stand.

"Mabuti naman, isang tao na lamang ang natitira. Ligtas na nating mapagkakasunduan ang bagay na ito, sa ngayon."

Nagpakita ng bahagyang ngiti ang Deputy Patriarch na si Tiemo.

"100 milyon."

Ang lalaking kulay dugo ang buhok ay agad na itinaas ang presyo sa 100 milyon.

Natahimik muna ang buong auction bago nagsimulang tumaas ulit ang presyo nito.

Nang ang presyo nito ay umabot na sa 120 milyon, tanging ang Iron Blood Religion at Imperials na lamang ang naglalaban-laban.

Ang Third Esteemed Guest Stand.

"Ai, marami na tayong nasayang na pera sa Demon Slaughterer Blade at iba pang mga aytems."

Bahagyang nagsisisi ang mga tao sa Imperials dahil hindi masyadong napagastos ang Iron Blood Religion.

Lalo na para kay Tiemo na may hawak ng Wheel of Light and Darkness na kayang umatake at depensahan ang kahit sino. Ang mga normal na High Tier Spiritual Grade Treasures ay hindi maikukumpara rito.

Sa wakas, ang piraso ng Earth Grade Item ay nabili ng Iron Blood Religion sa presyong 160 milyon.

Syempre, dahil nabili na ng Imperials ang Demon Slaughterer Blade at iba pang kayamanan, hindi naman sila nalalayo sa Iron Blood Religion kung pag-uusapan ang gamit nito, mas magagamit pa nga ang Demon Slaughterer Blade kaysa sa isang piraso ng Earth Grade Item.

Nang maibenta na ang Earth Grade Item, doon na rin nagwakas ang auction.

Marami naman ring nakuha na gamit si Zhao Feng sa auction na ito at ang mga kayamanan na kanyang binigay sa auction ay naibenta sa halagang 20 milyon na primal crystal stones.

Kahit hindi ito kagaya ng mga nasa super factions, marami pa rin ito para sa isang tulad niya

"Ang pinakamahalagang bagay ay nahanap ko si Empress Qin."

Masaya na si Zhao Feng.

Wala ng kahit ano pa ang mas mahalaga doon.

Pagkatapos umalis ng Esteemed Guest Stand, binati ni Zhao Feng si Tiemo

"Isang pagbati Deputy Patriarch."

Napatalon si Heiyun Master pataas at baba dahil sa gulat na kilala pala ni Zhao Feng ang Deputy Patriarch.

Pagkatapos magsabi ng pamamaalam sa Iron Blood Religion, agad na nagtungo si Zhao Feng sa palasyo.

"Master, mukhang kailangan na nating maghiwalay ng landas."

Inilatag ni Zhao Feng ang kanyang kamay sa harap at ngumiti kay Heiyun Master.

Nang ihatid si Zhao Feng gamit ang kanyang mga mata, hindi maipaliwanag ang ekspresyon niya at saka napabulong: "Hindi ko akalaing siya pala ang misteryosong tao na tumulong sa Deputy Patriarch para mabuo ang Wheel of Light and Darkness."

Sou!

Ang anyo ni Zhao Feng ay naging mapusyaw nang binalot siya ng kidlat. Ang kanyang God's Spiritual Eye ay ngayon nakatuon ang atensyon sa isang lumilipad na karwahe at may ukit ng isang Golden Green Phoenix.

Ang lumilipad na karwahe na ito ay pagmamay-ari ni Empress Qin at ang dahilan kung bakit nakatuon ang atensyon niya rito ay dahil ang kayang God's Spiritual Eye ay naaakit kay Empress Qin.

"Empress, sa tingin ko ay sinusundan tayo."

Isang binibini sa loob ng karwahe ang tumawa.

Sa Canopy Great Country, walang masyadong tao ang nangangahas na gumawa ng hakbang kay Empress Qin. Hindi ba ang Water Moon Pirate isang daang taon na ang nakalilipas ay isang halimbawa?

Ang binibini ring ito ay isang magandang babae na may cultivation na True Lord Rank. Siya nga naman talaga ay hindi lamang isang simpleng binibini.

Lumutang si Zhao Feng sa hangin at tatlong Foreseeing Bronze Coins ang ipinilantik niya sa kanyang palad.

Hindi nagtagal, ang binibining nakakulay berdeng damit ay tumingin at ngumiti: "Iniimbitahan ka ng Empress na mag-usap raw kayo sa Water Mist Pavilion."

"Sige."

Tumango si Zhao Feng at agad na nagtungo sa direksyon ng Water Mist Pavilion.

Nasa Capital na siya sa loob ng ilang araw at nakopya niya na sa kanyang isip ang mapa nito.

Kahit gamit na ni Zhao Feng ang kanyang buong bilis, mas mabagal pa rin siya nang kaunti kay sa karwahe ng Empress Qin.

Isang kalmado at maulap na lugar ang nagpakita hindi kalayuan mula sa Rising Dragon Auction.

Ang Water Mist Pavilion ay isang mataas na uri ng café na nag nagtitinda ng pagkain at tsaa.

"Sumunod ho kayo, young master."

Ang binibining tagapagsilbi ay nakatayo sa labas ng isang kwarto.

Pumasok na sa kwarto si Zhao Feng at nasilayan niya nang bahagya ang anyo ng isang babaeng walang mintis ang ganda mula sa isang kurtinang may abaloryo.

Nakasuot si Empress Qin ng isang damit na umaabot sa lapag at mukhang napakaelegante. Walang kapantay ang kanyang ganda at hindi makakalimutan sa isip ng kahit sino.

Ang kanyang bawat kilos, bawat ngiti ay may misteryosong kapangyarihan na nakakapanghila ng puso ng kahit sino.

Sa paningin na mayroon si Zhao Feng, kahit pa ang maabaloryong kurtina ay hindi siya mapipigilan – kahit ang isang pader ay hindi rin uubra.

Kung gugustuhin niya pa nga ay kaya niyang hubaran sa isip si Empress Qin.

Subalit, inaamin ni Zhao Feng na ang babaeng ito ay nakakahumaling talaga. Habang nagtagagal ang kanyang tingin, lalong bumubuti ang kanyang pakiramdam. Tila ba gusto niyang ibigay sa babaeng ito ang lahat ng pinakamagagandang bagay.

"Natignan mo na ba ako nang sapat?"

Isang malambing na boses ang maririnig na siyang nagparamdam kay Zhao Feng na tila pinagpapala siya ng isang diyosa.

Sa likod ng mga maabaloryong kurtina, ang mukha ni Empress Qin ay nagbibigay ng isang mataimtim na ekspresyon sa kabila ng kalmado nitong itsura.

Kahit ang mga nasa True Lord Rank ay hindi mapigilan ang mahumaling, pero ang mga mata ng kabataan na ito ay napakalamig at walang emosyon. Tila ba sa kanyang mga mata, ang babaeng ito ay tumpok lamang ng mga dugo at buto.

"Hindi." Tumugon si Zhao Feng nang matapat.

Ang tanging ginawa niya lamang ay suriing ang babae at hindi ito tignan nang mabuti dahil hindi niya alam ang lebel nito.

"Haha"

Tumawa si Empress Qin at tumayo. Mahirap makakita ng ganitong katapatan sa isang palasyo.

Ano man ang sinabi ni Zhao Feng ay totoo, habang tinititigan niya lalo si Empress Qin na may power of charm, lalong bumubuti ang kanyang pakiramdam.

Sa mundong ito, sino naman ang may ayaw sa perpeksyon?

Ang alindog ni Empress Qin ay ganitong uri ng perperksyon. Mula sa perspektibong ito, ang tunay na Dao of Charm ay hindi kasingsama gaya ng iniisip ng lahat.

Huala!

Nagbukas ang kurtina at ang anyo ni Empress Qin ay kitang-kita na rin habang umaalingawngaw rin ang kanyang pabango.

"Tinakasan mo ang ating kasal sa Flooding Lake City at pumunta lamang rito para makita ako?"

Nächstes Kapitel