webnovel

Three Flower Treasured Lotus

Redakteur: LiberReverieGroup

Ang ikalawang palapag ng purple bronze na kabaong.

Ang nagngagalit na sigaw ng Fan Flying Bandit ay narinig sa matagal na oras at halos nagsimula nang masunog ang kaniyang Qi ng True Spirit.

"Ang batang ito na may asul na buhok…" Mayroong masamang ekspresyon ang batang may suot na brocade at ang pagkamuhi sa kaniyang maga mata ay para bang magsisimula nang gumana.

Parehas sina Master Bi at ang Severed Blood Bald Eagle na natulala. Ang biglaang pagbabago ng sitwasyon ay isang bagay na hindi nila inaasahan.

Sinong mag-aakala na ang pinakamahinang panig ang magkakaroon ng pinakamakapangyarihan 'sneak attack'. Sa iisang kilos na iyon, napagtagumpayan ng batang iyon na baligtarin ang sitwasyon.

Walang duda, sa pamamagitan ni Heiyun Master mangangahuluguhan na si Zhao Feng ang unang makakapasok sa ikatlong palapag, at ang ikatlong palapag ang tunay na libingan ng Water Moon Pirate. Ang mga kagamitan doon ang esensya ng buong kuweba.

"Senior martial brother, ang Three Flower Treasured Lotus at ang Mytic Flower Treasured Bible ay tiyak na nasa ikatlong palapag. Kapag naglakas-loob ang batang iyon…." Ngayon lang nagbigay ng reaksyon ang magandang mayroong bulaklaking damit at ngayon lang din siya nakahinga.

"Hmph! Nalason si Heiyun Master ng aking Nine Death Flower Poison at mamamatay siya sa loob ng kalahating araw. Ang setup ng ikatlong palapag ang magiging pinakamahirap at kahit na dinakip ng batang iyon si Heiyun Master, hindi pa rin siya makakapasok." Nagsimulang kumalma ang batang nakasuot ng brocade.

Kung walang antidote, mamamatay sa loob ng kalahating araw si Heiyun Master, mamamatay siya bago pa man niya masira ang mga mekanismo.

"Dagdag pa rito, ang dahilan kung bakit matagumpay si Heiyun Master kanina ay dahil sa makapangyarihan kong Spiritual Sense na malapit nasa True Mystic Rank. Kung wala ang suporta ko, mababawasan ang bilis ni Heiyun Master ng 30-40%." Sa inaakala niya sa puntong ito, isang malupit na ngiti ang lumitaw sa mukah ng Fan Flying Bandit.

"Ibig sabihin nito na mayroon pa tayong malaking pagasa." Nagagalak na pahayag ng magandang nakasuot ng bulaklaking damit.

Sa dalawang banda, sina Master Bi at ang Severed Blood Bald Eagle ay pareahas nakaramdam ng suwerte na si Zhao Feng ang nakakuha ng mechanisms master dahil bumaba ang kontrol ng Fan Flying Bandit sa sitwasyon.

"Ang lakas ni Zhao Feng at ang kaniyang mga paraan ay hindi sapat para makatapat sa isang ekspertong nasa True Spirit Realm."

Hindi mapigilan ni Master Bi ang kaniyang sarili kundi bahagyang magsisi. Mula sa upisa, ginamit niya na si Zhao Feng bilang isang chess piece at nag-aalala siya sa kaniya.

Noong naglalakad sila sa Bug River, nagdesisyon si Master Bi na isuko ang chess piece na ito, subalit hindi niya inakala na ang pagpapakitang-gilas ni Zhao Feng ang tatalo sa lohikal na pag-iisip at babaligtaring ang sitwasyon.

Kahit ganoon pa man, ang Severed Blood Bald Eagle at ang daoist na mayroong asul na kapa ay kailangang tanggapin na minaliit nila si Zhao Feng.

Sa pagkakataong ito, si Zhao Feng na ang lamang, subalit, hindi ito nakatitiyak na magtatagumpay siya.

"Tara na. Tiyak na hindi makukuha ni Zhao Feng ang Mystic Flower Treasured Bible," Malakas-loob na sinabi ni Master Bi, at hinayaang pangunahan ni Bi Qiaoyu ang daan patungo sa pasukan ng ikatlong palapag.

Ang Fan Flying Bandit at ang Severed Blood Bald Eagle ay walang intensyong maglaban matapos hatiin ang kagamitan, at lahat sila ay dali-daling nagpunta sa pasukan ng ikatlong palapag.

Subalit, ang siyam na silid patungo sa ikatlong palapag ay labis na mas mahirap.

Nakipagtulungan ang Severed Blood Bald Eagle sa daoist na mayroong asul na kapag at gumugol ng kalahating oras na kakailanganin upang masunog ang isang kandila para makalagpas sa unang palapag.

Ang speed ng batang may suot na brocade ay hindi mabagal. Sa katunayan, siya ay isang personal disciple ng Water Moon pirate, at mayroon siyang kaalaman tungkol sa mga mekanismo.

Ang pinakamabilis na tao ay halatang si Zhao Feng.

Habang sinisira nila ang mga mekanismo sa unang silid, nagsalita si Heiyun Master matapos ang ilang oras ng pagdadalawang-isip, "Ang dahilan kung bakit napakabilis ko kanian ay dahil sa tulong ng Fan Flying Bandit. Ang Spiritual Sense ng bandidong iyon ay halos nakaabot na sa level ng True Mystic Rank."

"Hindi naman mas malala ang tulong ko kaysa sa kaniya." Ang boses ni Zhao Feng ay puno ng lakas ng loob, subalit halatang hindi siya pinaniwalaan ni Heiyun Master dahil ang cultivation ni Zhao Feng ay hindi pa nga nakaabot sa half step True Spirit Realm.

Sa katotohanan, ang malawak na mental energy ni Zhao Feng ay nakapagbigay-buhay na sa Spiritual Sense, subalit hindi niya ito madalas na ginagamit dahil ito ay isang daan at walong libong milyang layo mula sa God's Spiritual Eye.

Kung walang pisikal na kagamitang humaharang sa daan, ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay madaling makakakita sa layo ng ilang daang milya.

Sunod.

Ginamit ni Zhao Feng ang kaniyang God's Spiritual Eye at tumulong sa paghahanap ng solusyon sa mga mekanismo sa pamamagitan ng pakikinig kay Heiyun Master. Mabilis nilang natapos ang unang silid.

Bahagyang nasurpresa si Heiyun Master, subalit hindi pa rin siya makapaniwala dahil maaaring sinuwerte lang siya.

Subalit…

Ang makapangyarihang paningin ni Zhao Feng sa ikalawang silid ay lubhang ikinagulat ni Heiyun Master at sa ikatlong kuwarto ang pagkagulat ni Heiyun Master ay naging pagkabigla na.

Bukod sa wala siyang masiyadong alam tungkol sa mga mekanismo at sa kakulangan ng karanasan, ang paningin pa lamang ni Zhao Feng ay mas mataas na sa kaniya. Kung kinakailangan ni Heiyun Master huminga ng sampung beses para matagpuan ang estruktura ng isang mekanismo, si Zhao Feng ay kailangan lamang tumingin ng isang beses.

Ang problem ay hindi na nakita na ni Zhao Feng ang estruktura ng mekanismo, wala siyang alam tungkol dito.

Isa itong henyong nabubuhay isang beses sa loob ng sampung libong taon! "Kung nanaisin mong turuan kita, maaari kitang gawing nag-iisang Mechanisms Grandmaster…" Namula sa kagalakan ang mukha ni Heiyun Master.

"Pasensya na, isa rin akong henyo sa blacksmith, sa pill at sa array…" Pasimpleng sinabi ni Zhao Feng na para bang sanay na siya sa mga papuring ito.

Nakaraan, ang lalaking mayroong kulay dugong-pulang buhok at si Tiegen Master ay umasa sa kaniyang mata para magawa ang Wheel of Light and Darkness.

Kailangang malaman ng isang tao, na ang lalaking iyon na mayroong kulay dugong-pulang buhok ay nakaabot na sa True Lord Rank, at ang forging skills ni Tiegan Master ay naipuwesto sa iilang pinakamataas sa loob ng Canopy Great Country.

Ang paglalagablab ng mga mata ni Heiyun Master ay bahagyang naglaho at naging isang kakaibang tingin na para bang may kaharap siyang isang halimaw.

Kung totoo ang sinabi ng batang ito, kung ganoon isa siyang prodigy sa kahit saang aspeto.

Hindi mali ang naisip niya, si Zhao Feng ay isang prodigy sa lahat ng aspeto, bukod sa body strengthening na hindi niya sinanay.

Ang pinagsamang bilis ni Zhao Feng at ni Heiyun Master ay mas mabilis kumpara sa iisiping pinagsama-samang bilis ng ibang tatlong grupo.

"Ang pagtutulungan nating dalawa sa pagsisira ng mga mekanismo ay nasa tugatog ng kontinenteng ito." Lumukso ang puso ni Heiyun Master.

Kayang makita ng mga mata ni Zhao Feng ang estruktura ng kahit anong mekanismo sa isang tingin lamang, at marami siyang nakukuhang karanasan at kaalaman.

Sa wakas…

Gumugol lamang ang dalawa ng oras na katumbas ng paggawa ng isang tsaa para matapos sa ika-siyam na silid.

"Masiyado itong mabilis! Ang Silangang bahagi ang pinakasuwerte." Hindi mapigilang bumuntong-hininga ni Heiyun Master. Habang nasa daan, marami ring natanggap na gantimpala si Zhao Feng, kabilang dito ang Hundred Dissolving Pill.

Creeek!

Bumukas sang pinto sa ikatlong palapag, at pinigilan ni Zhao Feng ang pananabik niya habang naglalakad siya papasok sa isang panibagong kuwarto.

Hindi malaki ang loob ng ikatlong silid, subalit napakataas nito. SA gitna nag kuwarto ay mayroong isang kristal na kabaong na naglalaman ng isang bangkay at matapos ang isang daang taon, wala pa ring kahit anong senyales ng pamumulok.

Sa loob ng kristal na kabaong ay may ilang mga kagamitang panlibing, at kahit mababa ang bilang nito, ang bawat isa sa mga ito ay isang Spiritual grade item.

Sa loob ng kristal na kabaong ay mayroon ding isang Three Colored Lotus na nagbigay ng mainit na liwanag.

"Ito ang Three Flower Treasured Lotus mula sa Water Moon Four Treasures!" Sigaw ni Heiyun Master na para bang nakatingin siya isang magandang bagay. Wala siyang ganitong ekspresyon noong nasa ika-una o ikalawang palapag sila.

Sinuri ito ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng at mabilis na natiyak an ang halaga ng Three Flower Treasured Lotus ay mas mataas pa kaysa sa Water Moon God Peach Fan o sa Hundred Flower Sack – maaari pa ngang mas mataas ang halaga nito kahit pagsamahin ang dalawa.

"Ang Three Flowerd Treasured Lotus ay isang inheritance item mula sa Hundred Flower Chapter at isa itong wicked item. Noon, dahil sa bagay na ito kaya't nagagawang salagin ng Water Moon Pirate ang mga pinagsama-samang atake ng ilang mga nasa True Spirit Realm at kahit ang mga nasa True Lord Rank ay walang magawa sa kaniya," Ang boses ni Heiyun Master ay kahanga-hanga.

Sa pagkarinig nito, nanlambot ang puso ni Zhao Feng.

Sa pamamagitan ng mga pagpapaliwanag ni Heiyun Master, hindi kalaunan ay naintindihan na niya ang mga kagamitan ng lotus na ito.

Ang Three Flowered Treasured Lotus ay isang kayamanang pangdepensa na walang kahit anong pang-opensang abilidad subalit ang depensa at ang suporta nito ay labis na makapangyarihan.

Una, ang Three Flower Treasured Lotus ay kayang makalipad ng sobrang bilis. Kung ang isang taong nasa True Mystic Rank ang gagamit nito, maaari silang makaabot sa bilis ng True Lord Rank level at ang enerhiyang ikokonsumo nila ay hindi masiyadong magiging malaki.

Ikalawa, ang Three Flower Treasured Lotus ay kayang maging tatlong petals na puprotekta sa may-ari nito, ang mga atake mula sa mga normal na ekspeto na nasa True Spirit Realm ay hindi ring kayang sirain ang depensa nito.

Panghuli, ang Three Flower Treasured Lotus ay mayroong supportive powers na nagdudulot upang makagpakawala ito ng tatlong pabango na maaarin makapaglinis sa isipan ng isang tao; makapaghypnotize; o isa itong napakamabisang aphrodisiac.

Ang cleansing ng isip ay makakatulong sa cultivation at ang Three Flower Treasured Lotus mismo ang maglilipon ng Heavenly Earth Yuan Qi upang pabilisin ang cultivation speed.

Noon, ginamit ng Water Moon Pirate ang bagay na ito para makaabot sa peak ng True Mystic Rank sa loob ng ilang dekada lamang. Ang unang klase ng 'mind cleansing' ay kayang makatapat sa hypnosis at sa aphrodisiac effect nito; kaya pa nitong labanan ang pinakanakakalasong mga atake ng wicked path.

"Ang Three Flower Treasured Lotus ay isa sa mga pinakainiingatang pagmamay-ari ng Water Moon Pirate at ito ang kaniyang alas. Kung kaya mong i-refine ang Three Flower Treasured Lotus, kaya mo pang itaboy ang mga atake ng isang taong mula sa True Human Rank sa loob ng maikling oras," Ngumiti si Heiyun Master at sinabi ito.

Tumango si Zhao Feng at tumingin patungo sa espasyo sa taas ng kristal na kabaong. Sa taas noon ay mayroong isang Ice Crystal Stone na nagpakawa ng isang nakapanginginig na lamig, at sa loob nito ay mayroong selyadong libro na nagbigay ng isang madilim na liwanag.

Mystic Flower Treasured Bible. Ang mga salita sa librong ito ay mabilis na napansin ni Zhao Feng at nagdulot ito upang lumukso ang kaniyang puso.

Lumapit si Heiyun Master at si Zhao Feng sa kristal na kabaong at nagsimulang solusyunan ang huling mga mekanismo nang magkasama.

"Hindi ko naisip na ang huling mekanismo ay maglalaman ng ganito karaming scripts mula sa Heaven's Legacy Inheritance." Nagsimulang maging taimtim ang ekspresyon ni Heiyun Master.

Ang kaalaman niya tungkol sa mga mekanismo ay mas mataas pa sa Water Moon Pirate mismo, subalit ang mga pangunahing parte ng mekanismo ay nagmula pa sa sinauna at sa misteryosong Heaven's Legacy Inheritance. Ang pagiging tiyak at komplikado ng mga mekanismong ito ay lagpas pa sa imahinasyon ng tao. Kahit si Heiyun Master ay naguguluhan sa ilang mga teorya nito.

"Paano kung ilarawan ko ang estruktura ng mga mekanismong ito?" Mungkahi ni Zhao Feng.

Ilarawan? Bahagyang naguluhan si Heiyun Master.

Pagtapos na pagtapos niya magsalita, naglabas ng isang panulat at papel si Zhao Feng at nagsimulang maglarawan. Kalmado ang kaniyang mga mata at hinawak niya ang panulat gamit ng mayroong tuwid na kamay – walang kahit anong senyales ng panginginig.

Sa isang hingahan, nakagawa si Zhao Feng ng dose-dosenang mga larawan ng mayroong nakakasindak na precision. Sinuri ito ni Zhao Feng ng dalawang beses at sinigurong walang pagkakamali.

"Mechanisms master, gaano katagal ang kakailanganin natin upang matapos ang huling mekanismong ito?" Tanong ni Zhao Feng.

"Nailarawan mo na ang mga estruktura kaya't mapapagtagumpayan ko ito sa loob ng kalahating araw. Matapos noon, makukuha mo na ang Three Flower Treasured Lotus at ang iba pang kagamitan," Sambit ni Heiyun Master, malalim na nag-iisip.

"Hindi masiyadong matagal ang kalahating araw. Gaano katagal sa tingin mo ang kakailanganin ng iba para makaabot sa ikatlong palapag?" Tanong ni Zhao Feng.

"Kakailanganin nila ng halos lima hanggang anim na araw sa pinakamabilis na paraan, sampung araw na ang pinakamatagal." Isang ngiti ang lumitaw sa mukha ni Heiyun Master.

Ang pinagsamang bilis ng dalawa ay nasa tugatog ng kontinente, ang kinalabasan nito ay ang katakot-takot na bilis sa pagsira ng mga mekanismo.

"Magaling! Lahat ay sumasang-ayon sa plano gaya ng inaasahan."

Nagpakita ng isang masayang ngiti si Zhao Feng nang maupo siya at sumipsip mula sa Hundred Flower Saint Liquid para magcultivate.

Nächstes Kapitel