webnovel

Bride (1)

Redakteur: LiberReverieGroup

"... Siguradong nandito ka para sa fiancée battles, tama ba?"

Ang Flooding Lake City Lord ay nabalot ng ngiti na naging dahilan ng panandaliang pagtigil ng tibok ng puso ni Zhao Feng. Kanina lang ay natakot siya sa pagdating nito.

Sa ngayon, ang City Lord ay 'siguradong' si Zhao Feng ay nandito upang sumali sa fiancée battles, ngunit kung matatalot si Zhao Feng, magiging dahilan ito upang mapahiya ang City Lord sa harap ng maraming tao.

Sa Flooding Lake Liu family, siguradong isa sa mga pinamalakas ang City Lord at nalagpasan pa nito ang Head ng Liu family.

Ang isang City Lord ay kadalasang isang expert na nagmula sa Liu family na kayang pamunuan ang lugar na ito. Matapos ang lahat, maraming pwersa sa lugar ng Flooding Lake ang mayroong pwersang mas mababa lang nang kaunti sa dalawang ito.

"Hehe. Matulis talaga ang mga mata ni Uncle Liu. Talaga interesado itong si Brother Zhao."

Si Liu Yuan sumenyas sa mga mata ni Zhao Feng.

Walang sinuman ang nagtangkang bastusin ang City Lord sa isang malaking okasyon. Ang paggawa nito ay parang pagbastos na rin sa buong Flooding Lake Liu family.

Napamura si Zhao Feng sa kanyang isip. Naramdaman niya pinipilit siya nitong gumawa ng masama, ang tangi niyang magagawa ay bahagyang tumango, "Totoong ako ay bahagyang interesado ngunit ang tanging gusto ko lamang ay ang makita ang itsura niya. Tungkol sa labanan naman, wala po akong balak na sumali."

Siya nagpakita ng mukha sa City Lord na tila nagsasabi na iyon lang talaga ang pakay niya.

At saka ang kanyang huling pangungusap ay naging dahilan upang mapaatras siya ng isang hakbang.

"Alam kong magkakasundo tayo sa pangalawang beses na magkikita tayo. Ito ang huling araw ng labanan at sasali ka sa labanan na ito, naiintindihan mo ba?"

Tanong ng City Lord at napangiti.

Nang marinig ito, halos himatayin si Zhao Feng.

Bakit ayaw siyang lubayan ng Flooding Lake City Lord na ito?

Natawa si Liu Yuan sa kanyang isipan at hinatid si Zhao Feng sa lugar ng panuoran.

Sa lugar ng panuoran, ang mukha ni Zhao Feng ay bahagyang hindi natural.

Sa kabilang banda, ang Flooding Lake City Lord ay mayroong mapaglarong ngiti sa kanyang labi, "Ang maging Beast Tamer sa murang edad at magkaroon ng malaking source ng mental energy, pati na rin ang magkaroon ng aura ng isang Ancient Bloodline na may malakas pa sa amin Liu family… Paano ko magagawang palampasin ang isang henyong ito?"

Ito iyon.

Nang makita ng City Lord si Zhao Feng ay nakita na agad nito ang kanyang potensyal.

Ang Cultivation ng City Lord ay hindi masusukat at may sarili itong bloodline kaya naman kaya nitong maramdaman ang bloodline ni Zhao Feng nang hindi napapansin.

Sa Canopy Great Country, halos lahat ng malalaking pamilya ay may bloodlines, at para mapangalagaan ang bloodlines na ito, halos lahat ay pipili ng mga taong may bloodline.

Ang mga may bloodlines na iyon ay 'marangal' na nalampasan ang mga taong normal.

At kadalasan ay marangal na tao rin ang napapangasawa ng mararangal na taong ito.

Ang maging isang taong may bloodline inheritance at may malaking source ng mental energy sa murang edad ay bibihira, kaya naman ang mata ng City Lord na ito ay nakatuon sa Beast Tamer na ito.

Ang kawawang Zhao Feng ay lubhang naiinis habang nakaupo ito sa lugar ng panuoran.

Sa kanyang angking talino ay naintindihan niya ito.

"Ang Flooding Lake City Lord na ito ay hindi dapat ako pinepwersang pakasalan ang kanyang anak na babae, hindi ba?"

Sabi ni Zhao Feng sa kanyang puso, ngunit nang maisip niya ito, bakit hindi siya magplano ng plano para sa planong ito?

Ang kanyang layunin ay malaman kung ang babaeng anak ng City Lord na ito ang kanyang hinahanap na tao o hindi, at dahil sa 6th Sky cultivation ni Zhao Feng ay hindi niya ito makakayang labanan. Kung siya ay matatalo, hindi siya magkakaroon ng tyansang mapangasawa ito.

Nang maisip ito ni Zhao Feng ay mas guminhawa ang kanyang pakiramdam.

Sa oras na ito rin.

Isang malaking lalaki na may pulang buhok ang umapak sa stage. Mga kulay pulang linya ang lumitaw sa kanyang braso.

"Iyan si Tiankui ng Zhong family."

Bahagyang kinabahan si Liu Yuan nang tumitig siya sa malaking taong ito.

Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay napatitig sa braso ng Zhao Tiankui na ito at napagtantong hindi ito mga tattoos kung hindi nagmula ito sa kanyang bloodline power.

"Isa si Zhong Tiankui sa Sampung Prodigies ng Flooding Lake City at nagmula sa isa sa tatlong malaking pwersa - ang Zhong family."

"Pati ang mga taong galing sa Zhong family ay papunta rin."

Pag-uusap ng mga taong nasa ibaba ng stage.

Ngayon ang ika-pito at huling araw. Kakaunti na lamang ang mga taong umaakyat sa stage ngunit papalakas ito nang papalakas.

Si Zhong Tiankui ay isang malakas na bata.

"Ang kanyang Qi ng half-step True Spirit ay nasa 60% na at mayroon itong bloodline inheritance…"

Hindi lubusang matantya ni Zhao Feng ang lakas ng taong ito, at kahit labanan niya ito nang buong lakas ay mababa ang tyansa niyang manalo.

Tumayo si Zhong Tiankui sa stage at ang kanyang pulang buhok ay parang apoy.

Sa parehong oras, ang pulang linya sa kanyang braso ay lumiwanag.

Hu~

Ang aura ni Zhong Tiankui ay pumutok na parang isang bulkan at ang nakakapasong init nito ay naging dahilan upang manuyo ang bibig ng mga taong nakanganga sa ibaba.

"Sorry."

Ang katawan ni Zhong Tiankui ay nabalot ng pulang ilaw, at nagmukha itong isang higanteng umaapoy, sumugod ito patungko kay Liu Qinxin na nakasuot ng puting damit.

Ang mga mata ni Liu Qinxin ay kalmado pa rin at isang suklay na jade ang lumabas sa kanyang kamay.

Jade na suklay.

Lumaktaw ng tibok ang puso ni Zhao Feng nang maalala niyang binigyan siya ng First Elder ng kalahating suklay na jade.

Ang suklay na jade na kanyang nakikita ay naglabas ng unique na aura at isang kulay berdeng liwanag ang lumabas dito.

Shuuu---

Iba't ibang guhit na kulay berde ang lumitaw sa ere at iba-iba ang hugis nito. Direstong linya, baluktot, at pabilog.

Ang bawat liwanag nito ay naglalaman ng lakas na maitutulad sa 7th Sky at kaya nitong sirain ang pader ng isang normal na bayan nang biglaan.

"Ang lakas ng lahat ng guhit na ito ay maikukumpara sa seed of sword ni Cang Yuyue.

Ang puso ni Zhao Feng ay nayanig.

Ang lakas ni Liu Qinxin ay mas malakas pa sa kanilang inaasahan. Hindi na nakapagtatakang gumawa ito ng isang labanan para mahanap ang kanyang mapapangasawa.

Sa heneresyon na ito at sa lugar ng Flooding Lake ay mahirap makakita ng taong kayang makipagsabayan sa kanya.

Subalit, ang lakas ni Zhong Tiankui ay hindi rin dapat maliitin. Ang kanyang umaapoy na aura ay kumalat at nasalag ang atake ni Liu Qinxin.

Sa maiksing oras, naging yamado si Liu Qinxin ngunit hindi masasabing matatalo na si Zhong Tiankui.

"Ito ang labanan sa pagitan ng mga henyo ng Canopy Great Country?"

Nagulantang si Zhao Feng.

Kayang mag-isang talunin ni Zhong Tiankui ang lahat ng henyo sa Thirteen Countries.

Ngunit kung iisipin, ang pagiging advance ng lugar ng Flooding Lake ay lubhang nalampasan na ang nasa Thirteen Countries.

Ang buong lakas ng Flooding Lake Liu family ay kayang durugin ang Thirteen Clans nang mag-isa, at mayroon ditong dalawang pwersang mayroong maraming clans at families.

Matapos makipagpalitan ng dosena o higit pang atake, ang suklay na jade ay kumumpas.

Shua---

Sa isang iglap, mas mahabang guhit na kulay berde ang lumitaw, ang mga gilid nito ay nababalot ng misteryosong kulay silver na ilaw.

Sa isang "Peng", si Zhong Tiankui ay tumalksik at napalipad gamit ang isang hindi masukat na lakas. Isang madugong sugat ang makikita sa kanyang balikat.

"Anong klaseng lakas ito na kayang makatagos sa aking 'Flaming Dragon Protective Body' nang ganu'n na lamang?"

Si Zhong Tiankui ay tumayo mula sa lupa nang may maputlang mukha.

Kahit na isa siya sa Sampung Prodigies sa Floodling Lake City, hindi niya kayang pantayan ang anak na babae ng City Lord.

Simula una hanggang ngayon ay walang sinuman ang nakakaalam sa kanyang tunay na lakas dahil hindi ito nagpapakita.

Hanggang sa ginusto ng City Lord na pakasalan ang kanyang anak na babae ay saka lamang nila nalaman ang tungkol sa henyong ito.

Nang matalo si Zhong Tiankui ay wala ng umakyat pa sa stage.

Ang mga lalaki sa ibaba ng stage ay mayroong namumulang mukha at hindi nagtangkang itaas ang kanilang mga ulo.

Ang Flooding Lake City ay isang major city at kung saan maraming ekperto, at ito ay kasindami ng ulap. Subalit, sa sandaling ito, ang mga lalaki sa mas batang henerasyon ay natapakan ng isang babae.

"Brother Liu, ikaw ang stepson ng Head ng Liu family kaya hindi mo siya kadugo. Bakit hindi mo siya labanan?"

Si Zhao Feng ay mausisang tumingin kay Liu Yuan.

Si Liu Yuan ay mapait na ngumiti, "si Zhong Tiankui ay nairanggo sa top 3 ng Sampung Prodigies at mas mababa ako sa kanya. At natalo na rin ako kay Qinxin ilang araw na ang nakalilipas.

Naintindihan ni Zhao Feng.

Si Liu Yuan ang stepson ng Head ng Liu Family, kung mapapakasalan niya ang anak na babae ng City Lord ay madali siya makapapasok sa core ng Liu family.

Subalit, lubhang nakatatakot ang anak na babae ng City Lord. Walang sinuman ang nakapipigil sa kanya.

Siyempre, hindi rin siya kayang talunin ni Zhao Feng.

Kahit na si Zhong Tiankui na may bloodline power at nasa half-step True Spirit Realm ay natalo. Si Zhao Feng ay nasa 6th Sky ngayon.

Matapos ang kalahating araw, maraming kabataan ang kaswal na pupunta at makikipaglaban ngunit matatalo rin ito sa loob lamang ng isa o dalawang galaw.

Habang nakatingin sa mga nabaldadong kabataan, malamig na pawis ang lumabas sa kamay ni Zhao Feng.

Ang bagay na mas nakatatakot pa rito ay ang ngiti ng City Lord sa kanya.

Nang makita na papalubog na ang araw at malapit nang matapos ang mga labanan.

"Matapos ka na… Pakiusap, matapos ka na…"

Para kay Zhao Feng ay parang kasing haba ng araw na ito ang isang taon.

Mula sa kasalukuyang sitwasyon, kahit na umakyat siya roon ay wala siyang tyansang manalo.

Ang huling stage.

Ang sparring stage ay naging tahimik at ngayon lamang nangyari ito.

Ang anak na babae ng City Lord na si Liu Qinxin ay tahimik na nakatayo sa sulok ng sparring stage.

Wala na siya masyadong inaasahan sa oras na ito kaya ang kanyang isipan ay kalmado.

Napabuntong-hininga ang Flooding Lake City Lord.

Ang kanyang mga mata ay biglang napunta sa isang batang may kulay asul na buhok.

"Sa sandaling nakita kita ay alam ko na magkakasundo tayo. Huwag mo akong ipapahiya."

Isang mapaglarong ngiti ang lumitaw sa mukha ng City Lord.

Nagmura si Zhao Feng sa kanyang isip. Sinong tao ulit yung makakasundo mo?

Ngunit sa ilalim ng mga titig ng mga manunuod ay hindi na nakatanggi si Zhao sa kahilingan ng City Lord.

"Haynako, hindi ko rin naman siya magagawang matalo. Ang tanging gagawin ko lamang ay alamin kung siya ba ang hinahanap ko."

Kumislap ang mga mata ni Zhao Feng at itinuon ang kanyang atensyon sa suklay na jade na nasa kamay ni Liu Qinxin.

Bukod sa katotohanang mas bata sa kanya nang bahagya ang batang babaeng ito, ang cultivation at libangan rin nito ay pasok sa listahan ng kanyang hinahanap.

Lalo na ang suklay na jade. Parehas ito sa suklay na mayroon si Zhao Feng. Kahit na hindi ito ang Liu Qinxin na hinahanap ni Zhao Feng ay siguradong mayroon itong koneksyon.

"Brother Zhao, sige at pakasalan mo ang anak na babae ng City Lord. Ito ang isang bagay na ikaka-iinggit ng hindi mabilang na mga tao.

Nagbiro si Liu Yuan.

Kaswal na tumalon si Zhao Feng patungo sa sparring stage.

Ang dalawang mata ni Liu Qinxin ay interesadong napatingin kay Zhao Feng.

Sa parehong oras ay isang malakas na boses ang narinig, "Siya ay isang batang Beast Tamer - Zhao Feng. Ang tanging gusto ni Master Zhao ay makita ang itsura ng anak na babae ng City Lord at talagang pumunta rito upang sumali."

Ang mga nanunuod sa ibaba ay mabilis na nag-usap-usap.

"Napakabatang Beast Tamer!"

"Sasali lamang siya upang makita ang kanyang itsura?"

Halos sumuka ng dugo si Zhao Feng. Ang kanyang mga respetadong salita ay nasabi sa publiko.

Sa sandaling ito, kahit si Liu Qinxin ay nakatingin sa kanya sa isang kakaibang paraan.

Nächstes Kapitel