webnovel

Ang presyo ng Munting Pusang Magnanakaw

Redakteur: LiberReverieGroup

Miao miao!

Siguro ay naamoy ng munting pusang magnanakaw ang halimuyak ng pera, kaya naman ito ay lumabas mula sa interspatial bracelet at tumingin sa paligid.

"Napakaamong pusa!"

"Diyos ko po! Ang pusang ito ay lubhang matalino."

Miao miao!

Inilabas ng munting pusang magnanakaw ang kanyang mga paa at iniligay ito sa kanyang dibdib, naging dahilan ito upang tumawa ang mga batang babae.

Ang puso ni Zhao Feng ay sumikip nang mapabulong ito sa kanyang puso. _Bakit lumabas 'to?_ Maaaring dahil dito ay magdagdag pa siya ng primal crystal stones na bayad.

Buti na lamang.

Ang munting pusang magnanakaw ay kasinlaki lamang ng palad at itinuturing ito bilang small pet, kaya naman ay walang dagdag na bayad para dito.

Ang taong nakasuot ng golden robe ay pinagmasdan si Zhao Feng at ang munting pusang magnanakaw, ngunit hindi ito nagsalita.

Shua.

Nang mapuno ang 49 na slots, hinatak ng apat na mandaragat ang layag at nagsimulang paandarin ang barko papunta sa kabilang daungan.

Ang alon at hangin sa River of Rage ay napaka mapanganib. Kahit na ang mga cultivators na nasa 7th Sky ay hindi magtatagal bago ito tangayin si kailaliman ng ilog.

Dahil sa mga kondisyong ito, ang Crossing Sky Ship ay napakabagal na gumagalaw.

"Ang River of Rage ay nasa isang daang milya ang haba at makitid. Base sa ating kasalukuyang bilis, marahil ay makakarating tayo doon sa loob ng apat hanggang limang araw.

Pagtantya ni Zhao Feng.

Ang apat hanggang limang araw ay hindi matagal kung tutuusin, ngunit ang problema ay walang tigil sa pag-alog ang barko dahil sa alon. Matapos ang lahat, haharapin ng barkong ito ang mga alon na may pwersa ng milyong kilograms.

Hindi lang iyon.

Kung ang alon ay nasa pinakamalakas na estado nito, ang Crossing Sky Ship ay maaaring umalog nang malakas at tumaob.

Sa mga ganitong klaseng sitwasyon, kahit ang panandaliang pagtulog ay napakadelikado.

Dahil sa katotohanang ang barko ay walang tigil sa pag-alog, karamihan sa mga tao ay gumagamit ng True Force upang mapapirmi ang kanilang mga sarili.

Ang pinaka kaswal na tao rito ay ang taong nakasuot ng golden robe.

Tila siya ay isang pako sa barko. Kahit na gaano kalakas ang ihip ng hangin o ulan ay hindi siya napapagalaw nito.

Bukod sa kanya, ang mga taong nasa half-step True Spirit Realm ay mukhang hindi rin nahihirapan.

Ang mga cultivators na nasa half-step True Spirit Realm ay napakalakas at nacultivate na nila ang Qi ng half-step True Spirit. Sila ay lubhang malakas kumpara sa mga cultivators na nasa Thirteen Countries.

Mabuti na lamang at minsan ay nagiging kalmado ang Crossing Sky Ship. Mayroong kakaibang pagkakataon kung saan kalmado ang tubig.

Kapag ang Crossing Sky Ship ay kalmado, ang eksperto sa loob ng barko ay nakikipag-usap sa isa't isa at minsan ay nakikipagpalitan pa ng items.

"Little brother. Willing ka bang ipagpalit ang iyong Azure Sharp Swallow? Ako ay willing na magbayad ng 2,000 low-grade primal crystal stones."

Isang middle-aged na tao at may suot na kulay gray na damit ang lumapit at nagtanong kay Zhao Feng.

2,000 primal crystal stones?

Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Zhao Feng. Ang kabuuan nito ay hindi na masama para sa Thirteen Clans, ngunit umiling ito at sinabing, "Hindi, salamat na lang."

Sa kasalukuyan, kailangan pa rin ni Zhao Feng ang Azure Sharp Swallow. Bukod pa rito, sa tingin niya ay mas malaki pa ang halaga ng kanyang Azure Sharp Swallow.

Sa barkong ito, bukod sa taong nakasuot ng golden robe, wala ng iba pa ang mayroong flying beast na mas hihigit pa sa Azure Sharp Swallow ni Zhao Feng. Ang iba pa nga ay walang flying beasts.

"Kung 3,000 low-grade primal crystal stones? Iyon ay nagkakahalaga na ng 300,000 substandard primal crystal stones."

Tanong ng taong nasa middle-aged habang nagngangalit ito.

Umiling pa rin si Zhao Feng.

"3,500."

"4,000."

"5,000, iyan na ang limitasyon ko."

Umiling pa rin si Zhao Feng kahit na ano pang ang i-offer sa kanya.

May iilang taong nasa malapit ang nagpakita ng mapaglaro at mapangkutyang ekspresyon.

Masasabi nilang sinusubukang lokohin ng taong naka-kulay grey ang kawawang batang ito, pero sa 'di inaasahan, ang batang ito ay hindi nasilaw sa malaking halaga.

Ang lugar sa labas ng Canopy Great Country ay kulang sa Yuan Qi at ang produksyon ng primal crystal stones ay matumal.

Ang mga taong nasa labas ng Canopy Greay Country ay madaling nasisilaw sa libo-libo o milyon-milyong primal crystal stones, ngunit ang batang nasa kanilang harapan ay hindi nasilaw.

Hindi pa rin nagbabago ang isip ni Zhao Feng, kaya naman ang taong nakasuot ng kulay grey na damit ay itinaas ang kanyang offer sa 8,000.

"Ganyan kamahal ang aking Azure Sharp Swallow?"

Bahagyang nagulat si Zhao Feng.

Ang produksyon ng Yuan Qi sa Canopy Great Country ay mababa at ang produksyon naman ng primal crystal stones ay mataas, kaya naman tumaas ang presyo nito.

Ang mga items ay rare kung ito ang bilang nito ay limitado.

Ang Canopy Great Country ay pinamumunuan ng mga martial artists, at ang mga halimaw sa malapit ay malawakang kinakatay. Ang mga mamahaling spiritual pets ay mas rare dito kumpara sa Thirteen Countries.

Ang mga normal na tao ay hindi sasakay sa isang flying beast, liban na lamang kung pupunta sila sa isang napakadelikadong lugar.

Ang kaunting bilang ng items ay nangangahulugan ng mas mataas na presyo.

Dahil sa dalawang rason na ito, ang presyo ng mga flying beasts; lalo na ang mga rare, ay mas malaki ang halaga dito sa Canopy Great Country.

"Hmph. 8,000 primal crystal stones. Ibebenta mo ba o hindi?"

Naging seryoso ang tingin ng taong naka-kulay grey na damit.

Kahit na siya nasa 7th Sky pa lamang, ang kanyang aura na pinaparamdam ay mas malakas kumpara sa nasa Thirteen Countries.

Tinantya ni Zhao Feng na ang taong ito ay kayang labanan sina Xi Zixuan at Ao Yuetian, o maaaring matalo niya pa ito.

Nang tatanggi na sana si Zhao Feng, isang boses kanilang narinig, "Aye? Grey Cat Eagle, pinipilit mo ba ang trade na ito?"

Isang taong may kulay silver na buhok ang dahan-dahang naglakad papunta sa kanila.

Mayroong kakaibang pakiramdam si Zhao Feng sa taong ito. Ang taong ito ay gumamit ng Sky Frost Dominance Fist kanina at napaatras niya ang taong nasa 7th Sky, pati na rin 'yung dalawang nasa 6th Sky.

Kung hindi niya gagamitin ang kanyang bloodline power, walang pag-asang manalo si Zhao Feng sa taong ito.

"Qi Jiu, wala kang kinalaman dito."

Ang taong nasa middle-age, na tinatawag na Grey Cat Eagle, ay pinagbantaan ang taong may kulay silver na buhok.

"Patas na trade, mananalo ang higher bidder. Wala ba akong karapatang sumali?"

Malamig na napa-'hmph' si Qi Jiu.

Si Qi Jiu ay nasa 7th Sky rin at ang kanyang lakas ay maihahambing kay Cang Yuyue, naging dahilan ito upang umatras nang bahagya ang mga taong malapit.

Ang taong nakasuot ng kulay grey na damit ay tumigil sa pagsasalita. Hindi niya kayang pigilan si Qi Jiu sa pagbibid ng mas mataas na halaga.

Sa usaping talento at lakas, ang kanyang kalaban ay lubhang mas malakas sa kanya.

"Bibigyan kita ng 10,000 primal crystal stones para sa Azure Sharp Swallow na ito."

Ang boses ni Qi Jiu ay malumanay ngunit ito ay malamig.

10,000 low-grade primal crystal stones. Iyon ang kabuuang bilang na mayroon si Zhao Feng.

"11,000."

Sabat ng taong nasa middle-age at nakasuot ng kulay grey na damit.

"Ang sabi ko ay hindi ko ipagpapalit ang aking Azure Sharp Swallow."

Kalmadong umiling si Zhao Feng.

Nang marinig ito, maraming tao ang nagulat.

Isang batang galing sa labas ng Canopy Great Country ang may kakayahang tanggihan ang malaking halaga ng primal crystal stones?

"Narinig ko na ang mga cultivators mula sa labas ng Canopy Great Country ay lubhang mahirap. Totoo ba iyon?"

"Hindi kaya't isa kang Young Master ng isang pamilya o 'di kaya'y anak ng isang Lord sa isang bansa?"

Nagpalitan ng tingin ang mga taong malapit.

Nagtinginan si Qi Jiu at Grey Cat Eagle sa isa't isa bago umalis.

Walang sinuman ang nagtangkang gumawa ng problema sa loob ng barko. Kahit na magkaroon ng problema ay maaayos na ito bago pa man makarating sa pampang.

Ang ekspresyon ni Zhao Feng ay katulad pa rin ng dati at ang munting pusang magnanakaw ay nasa kanyang balikat nang ito ay napahikab.

Gayunman.

Nang makaalis ang dalawang taong iyon, isang grupo ang dumating.

"Napaka cute naman pusang ito. Maaaring mo bang ibente ito sa akin?"

Ang batang babaeng nakabistada na kulay blue, na nasa edad 14 o 15, ay nagtanong. Siya ay mukhang magandang ukit.

Ang batang babaeng ito ay mas bata pa kay Zhao Feng, pero ang cultivation nito ay narating na ang tuktok ng 6th Sky.

Isang batang nakasuot ng itim na damit ang kanyang kasama. Ang kanyang edad ay tila kaparehas ng kay Zhao Feng.

Ang lalaki at babaeng ito ay sabay na sabay kung maglakad. Kahit na sila ay bata pa, ang kanilang cultivation ay hindi dapat maliitin.

Sa likod ng dalawang ito ay ang isang Elder na nakadamit ng simple at nasa half-step True Spirit Realm na umiiling sa pagkakataong iyon.

"Hindi siya ipinagbibili."

Malamig ang boses ni Zhao Feng.

Bakit lahat ng nakatira dito sa Canopy Great Country ay sinusubukang makipagpalitan sa kanya?

Dahil ba madali itong malinlang?

"Batang may kulay asul na buhok. Kami ang Liu Family na nasa Overlooking Mist Province. Sabihin mo ang presyo ng iyong pusa at ibenta mo ito sa amin."

Astig na sabi ng batang naka-itim na damit, tila sigurado siyang papayag si Zhao Feng.

"Overlooking Mist Province Liu family?"

"Maaaring bang ito ang Liu Family na tinutukoy sa Four Great families sa Canopy Great Country?"

Ang mga taong nasa barko ay bahagyang nagulat.

"Liu family? Ang tatlong ito ay mula sa Liu family. Sila ba ang pamilyang aking hinahanap?"

Bulong ni Zhao Feng sa kanyang puso at nagtanong, "Kahit magkano?"

"Oo."

Ang batang nakasuot ng kulay itim na damit ay lubhang kumpiyansa.

Ang batang nakasuot ng kulay blue na damit ay nakatitig sa munting pusang magnanakaw at hinahawakan ang kamay nito, "Ang pusang ito ang pinakamatalino at pinakamarunong na pet na aking nasilayan. Sigurado akong bibilihin ko 'to ngayong araw."

"Hmm… Paano kung bigyan ko kay ong 50% off?"

Mabagal na sabi ni Zhao Feng.

Miao miao!

Iwinasiwas ng munting pusang magnanakaw ang mga kamay nito, nagpapakita ng 'di pagsang-ayon. Ang katalinuhan nito ay naging dahilan upang mas magustuhan pa ito ng batang babae.

"Sabihin mo kung magkano."

Masiglang sabi ng batang nakasuot ng kulay itim na damit. Narinig ni Zhao Feng ang katagang Liu family, kaya naman ay nagbigay ito ng 50% off.

"Isang bilyong primal crystal stones."

Mabagal na sinabi ni Zhao Feng ang presyo nito.

Nang marinig ito, lahat ng tao ay napabuntong-hininga.

"Isang bilyon. Tunay na malakas ang loob ng batang ito."

"Kahit na ibenta ito sa buong Overlooking Mist Liu family, hindi pa rin nila makakayang makalikom ng ganitong karaming halaga."

Ang mga tao ay nagulatang at nagsimulang tumawa.

Napatigil ang ang batang nakasuot ng itim na damit pati na rin ang batang babae.

"Ikaw…"

Ang mukha ng batang nakasuot ng itim na damit ay naging puti, at kalaunan ay naging berde dahil sa galit.

Inakala niya na ang ganitong klase ng pusa ay magkakahalaga lamang ng isang daang primal crystal stones, pero si Zhao Feng ay nagbigay ng napakalaking halaga.

Bago pa man makareact ang dalawang batang ito, tumawa si Zhao Feng at nagpatuloy, "Ang ibig kong sabihin ay peak-grade primal crystal stones."

Peak-grade primal crystal stones.

Lahat ng tao ay napa-nganga.

Ang taong nakasuot ng golden robe na nasa True Spirit Realm ay tumawa at umiling, "Ang peak-grade primal crystal stones ay matagal nang extinct."

Kahit na ang mga high grade primal crystal stones ay mahirap na hanapin. Ngayon, ang middle-grade primal crystal stones ay halos maituturing na bilang rare.

Bilang siya ay nasa True Spirit Realm, siya ay halatang may karapatan magsabi.

Halatang ayaw ibenta ni Zhao Feng ang kanyang pusa, kaya naman ganito ang kanyang presyong ibinigay.

"Batang kulay asul ang buhok. Ang kapal ng mukha mong makipaglaro sa amin? Makikita mo…"

Nanginig sa galit ang batang nakasuot ng itim na damit bago ito tumalikod at umalis.

Hindi niya inakalang magagawa ito sa kanyang ng isang probinsyano.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay puno ng kasiyahan at kasiglahan nang pumunta ito sa balikat ni Zhao Feng habang nakatingin ng masama sa batang nakasuot ng kulay itim na damit.

"Gusto ko talaga ang pusang ito…"

Ang batang babae na nakasuot ng blue na damit ay nakatingin sa Elder na kanyang kasama, habang ito ay mayroong maluha-luhang mga mata na nagpapahiwatig na humihingi ito ng tulong.

Nächstes Kapitel