"... Mayroon akong mas importanteng sasabihin sa iyo."
Nang siya ay nagsalita, mayroong liwanag ang kumislap sa mga mata ng First Elder ngunit agad rin itong dumilim kasabay ng walang tigil na pagbabago ng kanyang ekspresyon.
Sa sandaling ito.
Ang isipan ng First Elder ay napunta sa kanyang mga alaala at mga ekspresyon ng kalungkutan, pangungutya, pagsisisi, at pagkamuhi ang nakita sa kanyang mukha.
Simula nang maging disciple siya ng First Elder, ngayon lamang nakita ni Zhao Feng ang ganitong komplikadong ekspresyon ng kanyang Master.
"Ako ay umaamin na ang misyong ito ay may kinalaman sa aking personal na buhay…"
Bumalik sa normal na estado ang First Elder at kumuha ng suklay na gawa sa crystal at ibinigay kay Zhao Feng.
Dahan-dahang kinuha ito ni Zhao Feng at napansin na gawa ito sa isang espesyal na materyal na maaaring maihambing sa isang mid-grade Mortal weapon.
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com