webnovel

Maluwalhating Pagpapakita

Redakteur: LiberReverieGroup

Sa pagkarinig ng tatlong mga salita 'Shedding Spiritual Pill', ang mga kalahok na disciples ay nakaramdam ng pagragasa ng kanilang dugo at ilan sa mga nakatatandang henerasyon ay hindi mapigilang matulala.

Bilang isang pill maker, ang impormasyon tungkol sa pill na ito ay hindi kalaunan lumitaw sa isipan ni Zhao Feng.

Ang Shedding Spiritual pill ay isang Tier 3 Spiritual Pill at ang mga epekto nito ay nakakatulong sa mga sumusubok sa pagtungtong ng True Spirit Realm ng 20%

Ang epekto nito ay sapat na para mabaliw ang nasa 7th Sky at mga half-step True Spirit Realm para rito.

Mayroong isang kasabihan sa mundong ito: "Kapag naging isang True Spirit, hindi ka na mortal."

Simple lang, sa oras na makatungtong sa True Spirit Realm, maituturing na silang mga nilalang na hindi maaaring maikumpara sa mga mortal. Ang kanilang buhay ay labis nang lumagpas sa mga mortal at ang kanilang lakas at haba ng buhay ay parehas na lubhang tataas.

Ang isang normal na cultivator na nasa 7th Sky ay mayroong 10% pag-asa na matagumpay na makatungtong sa True Spirit Realm.

Ang pagkakaroon ng isang Shedding Spiritual Pill ay nagkakahulugan na ang mga orihinal na pagkakataon ng tagumpay ay madodoble.

"Dagdag pa rito, ang Shedding Spiritual pill ay mayroon pang isang kagamitan. Kapag ang isang tao na nasa Ascended Realm ay ginamit ito, tiyak na makakaabot sila sa susunod na Sky. Kung ang isang tao sa 7th Sky ay ginamit ito, madali nilang maabot ang half-step True Spirit Realm."

Hindi mapigilan ni Zhao Feng ang paghinga ng malalim habang tumitibok ang kaniyang puso.

Ang epekto ng Shedding Spitirual pill ay mala-alamat para sa mga nasa ilalim ng True Spirit Realm.

Isang 100% na pagkakataon na makaabot sa susunod na Sky, gaano ito katindi mantukso?

Kailangang malaman ng isang tao na ang isa at bawat hakbang sa mga huling yugto ng Ascended Realm ay mahirap, lalo na pagtapos ng 4th Sky. Maaaring maipit sa yugtong iyon ang isang tao ng ilang taon o kahit ilang dekada pa.

"Hindi nakapagtataka na isa itong Grade 3 Spiritual Pill."

Kumislap ang mga mata ni Zhao Feng at gumawa siya ng desisyon. Kahit na kinailangan niyang ipakita ang lahat ng kaniyang lakas, makikipaglaban siya para sa unang puwesto.

Mahirap itanggi ang epekto ng Shedding Spiritual Pill.

Nakatikom ng madiin ang mga kamao ni Bei Moi habang kumikinang ang kaniyang mga mata.

Si Ao Yuetian ng Lin Moon Clan ay napahinga ng malalim at nagsimulang bahagyang yumanig ang bloodline power niya, nagdulot upang may magpakitang isang matinding aura.

Matapos i-anunsyo ng gantimpala, ang mga pinakahenyo ng thirteen Clans ay mayroong matitibay na hitsura at ang ilan ay mayroon pang bahagyang nababaliw at brutal na ekspresyon.

Hindi kalaunan.

Ang lahat ng mga gantimpala ay nai-anunsyo na.

Ang unang tatlo na makakapasok sa Origin Core Ruins at ang top ten ay lahat mayroong naaayon na gantimpala, kabilang na ang Spiritual Pills, martial arts at ang primal crystal stones.

Ngunit walang duda, ang gantimpala lamang para sa unang puwesto ang nakakaakit.

Lalo na para sa mga Four Stars na nakaabot sa 7th Sky. Kung sila ay makakuha ng Shedding Spiritual Pill, mayroon silang pagkakataon na makatungtong sa True Spirit Realm sa loob ng isang taon o ng dalawa.

Sa iisang araw.

Matapos maianunsyo ng mga gantimpala at nga mga patakaran, ang mga kumakatawan na disciples ng bawat Clan ay nagpunta upang magpalista at kuhanin ang kanilang mga number plates.

Sa ikalawang araw.

Ang isang beses sa sampung taong kaganapan na Alliance Banquet ay opisyal nang nagsimula.

Sa puntong ito, ang mga disciples mula sa Thirteen Clan ay nakaramdam ng pagkulo ng dugo nila sa pananabik.

Ang Alliance Banquet ay isang beses lamang sa sampung taon at ito ay iba sa Three Clan Party. Ito ay isang entabladong para lamang sa nakababatang henerasyon at ang mga nakatatandang henerasyon ay nandoon lamang upang manood.

Maraming mga henyo sa kasaysayan ang naging dragon mula sa pagiging ahas dito. Dagdag pa rito, ang Alliance Banquet ay hindi basta-bastang labanan.

Narinig ni Zhao Feng na binanggit ni Vice Head Li na ang mga rankings ng disciples ay makakaapekto sa matatanggap na resources ng bawat Clan.

Ibig sabihin na kung makatungtong si Zhao Feng sa top three o kung mapunta siya sa unang puwesto, malaki ang pakinabang dito ng Broken Moon Clan.

Ito rin ang dahilan kung bakit binigyan ng malaking importansya ng Thirteen Clan ang Alliance Banquet.

Ang itim na buhangin na array stage na ilang milyang lawak ay biglang nagliwanag.

Weng!

Ang malaking itim na buhanging array stage ay nahati sa apat na magkakaibang lugar batay sa liwanag ng matamlay na gintong ilaw.

Ang unang round, ang qualifying round.

Ang apat na lugar ay kumakatawan sa apat na magkakaibang lugar na paglalabanan at bawat isa sa mga Four Stars ay mapupunta sa isa sa mga iyon.

Matapos ang sunod-sunod na laban, ang top three mula sa bawat lugar ay mapagdedesisyunan.

Sa pagtapos ng qualifying round, ang apat na lugar ay magiging isa na lamang at mula roon, ang pinakamagandang laban ng kasaysayan ay magsisimula.

Lahat ay umaasa at nagagalak para sa huling yugto at kung ang isang tao ay makakapasok sa round na ito, binubuo nila ang reputasyon ang kanilang Clan.

Siyempre, ito ay kung ituturing na makakapasa sa panimulang laban ang isang tao.

Hindi kalaunan.

Ang dalawang daang elite disciples mula sa Thirteen Clans ay nahati sa apat na lugar.

Sa unang lugar ay naroon si Cang Yuyue.

Sa ikalawang lugar ay si Lin Tongxuan.

Sa ikatlong lugar ay si Xu Zixuan.

Sa ikaapat na lugar ay si Ao Yuetian.

Bawat lugar ay pinangungunahan ng isa sa mga Four Stars. Ibig sabihin nito na ang Four Stars ay hindi agad-agad makikipagsagupaan at magiging patas ito.

Si Zhao Feng ay naipadala sa ikatlong entablado.

Si Lin Fan ay napadala rin sa ikatlong lugar.

Nagtinginan ang dalawa at ngumiti sila bago lumakad patungo sa ikatlong lugar.

Ang ikatlong lugar ay mayroon na agad apatnapu hanggang limampung nakakabatang henerasyon dito at lahat sila ay mayroong matatalim na auras.

Ang bawat isa sa kanila ay mas malakas kaysa sa mga nakararaming Core disciples ng Broken Moon Clan.

Ang ikatlong lugar ay pinamumunuan ni Xu Zixuan at lahat ng tao ay tumingin sa kaniya ng may pag-aalala at may taimtim na ekspresyon.

Tumayo si Xu Zixuan habang ang kaniyang mga kamay ay nakalagay sa kaniyang likuran at siya ay napakaguwapo. Matamlay siyang ngumingiti at mukhang madali siyang kausapin. Ang tanging kakaiba lamang sa kaniya ay ang mayroon siyang tatlong espada sa kaniyang likuran at bawat isa sa mga ito ay may mataas na kalidad.

Kung ranking ang pag-uusapan, si Xu Zixuan ay mas mataas kaysa kay Ao Yuetian, ngunit hindi siya kasing yabang ng huling nabanggit.

Bukod kay Xu Zixuan, mayroon ding mga henyo mula sa 'top ladder' sa ikatlong lugar.

Ang mga henyong nasa top ladder ay isang hakbang lamang sa ibaba ng Four Stars at ang kanilang cultivation ay nakaabot na sa 6th Sky, mayroon na silang lakas gaya ng head disciples.

Halimbawa ang ikatlong lugar, mayroon ng mga tatlo o apay na top ladder na mga henyo na mayroong mga aura na mas malakas pa kaysa kay Yang Gan.

Ang mga mata ng top ladder na mga henyong ito ay nagkislapan habang nakatitig sila kay Xu Zixuan.

Halata naman, na ang kanilang layunin ay ang Four Stars. Wala na silang ibang tinitingnan.

"Magsisimula na ngayon ang qualifying round!"

Sa tunog nito, ang mga apat na husgado na nasa True Spirit Realm ay inanunsyo na ang pagsisimula.

Sa sumunod na iglap, nagkagulo na ang mga manonood.

Bawat isa sa mga Four Stars, na kumakatawan sa mga top prodigies ng Thirteen Clans ay tumungtong na sa entablado.

Sa unang entablado, isang babaeng may hawak na tatlong yardang haba na berdeng espada na mayroong mga matang kalmado ay nakatayo roon ng tahimik, tila ba isang diyosa na nasa litrato.

Siya si Cang Yuyue, ang pinuno ng Four Stars, isang babae na dumurog sa lahat ng nakakabatang henerasyon sa kaniyang talampakan.

Sa ikalawang entablado, isang batang nakadamit na purong itim ang nakatayo roon at mukhang mayroon siyang abilidad upang hatakin sa bangin ang puso ng lahat ng naroroon.

Sa ikatlong entablado, isang guwapong bata na mayroong tatlong espada sa likuran niya ang nakatayo roon t mukhang hindi siya parte ng mundong ito.

Sa ikaapat na entablado, isang lalaki na nababalutan ng pagiging isang maharlika at mayroong anyo na gaya ng isang batong ukit ay nakatayo roon.

Sa puntong ito, ang mga Four Stars ay maluwalhating tumapak nang sabay-sabay.

At ang kanilang mga kalaban ay lubos na kinakabahan. Hindi mo malalaman kung karangalan ba o kalungkutan ang makatapat laban sa mga Stars ng henerasyong ito.

Jiang!

Isang malamig na kislap ng liwanag na tila kayang humiwa sa mga ulap ang lumitaw.

Ang nag-iisang kislap ng liwanag na iyon ay nagpadilim ng lahat ng bagay, kabilang na ang itim na buhanging array stage.

Nanginig ang mga puso ng lahat ng naroroon dahil sa nakita ng kanilang mga mata ang anino ng isang espada. At sa oras na ito, nakumpleto na ang atake ni Cang Yuyue.

Ang kaniyang kalaban, na nasa peak 5th Sky, ay mayroong matamlay na dugo dulot ng hiwa sa kaniyang lalamunan.

Natulala ang mga manonood dahi sa magandang paghiwa.

Nanginig ang puso ni Zhao Feng at pakiramdam niya na ang kaniyang puso ay nahati sa gitna. Ang espada na iyon ay kayang hiwain ang kamalayan ng isang tao at sirain ang lahat ng may iniiwan na kalungkutan.

Tama iyon.

Nakaramdam si Zhao Feng ng kalungkutan mula rito. Ang kalungkutan na para bang mag-isa kang nakatayo sa tuktok ng bundok.

Sa mismong kasabay na pagkakataon, sila Lin Tong, Xu Zixuan at Ao Yuetian ay natapos na sa kanilang mga laban.

Plop.

Tahimik na nahulog ang kalaban ni Lin Tong sa sahig habang tumatagas ang dugo nito sa kaniyang mga mata, ilong at tainga.

Ang mga kalaban ni Lin Tong, na siyang Head discple ng Ancient Shrine, ay natalo ng walang tunog.

Sa ikatlong lugar.

Shua---

Isa sa mga tatlong espada sa likuran ni Xu Zixuan ay biglang tumalsik sa sisidlan at lumipad ito sa hangin at bago tuluyang pinaslang ang kalaban nito.

Umaatake sa himpapawid gamit ang kaniyang espada na mayroong tiyak na pagkadominante.

"Sinanay niya ang skill ng Mystic True Clan hanggang sa ganito katinding lakas!"

Ang grupo ng tao sa ikatlong lugar ay nakaramdam ng panlalamig ng kanilang mga puso at ang ilan ay namutla.

Ang mga kilos ni Xi Zixuan ay parang isang diyos.

Hindi mapigilan nina Zhao Feng at Lin Fan ang pagkagulat sa knialang mga puso. Ito ang unang beses na nakakita sila ng isang bagay na kagaya nito.

Napakaganda, kamangha-mangha at hindi matalo-talong kapangyarihan ang nagmumula kay Xu Zixuan.

"Malinaw na tinutugis ng Mystic True Clan ang mystic door para sa walang hanggang buhay at mayroon silang misteryosong mga teknik."

Bago nagsimula ang Alliance Banquet, pinag-aralan na ni Zhao Feng ang ibang mga Clans.

Sa ikaapat na lugar.

Tmuro si Ao Yuetian at isang malamig na kislap ng liwanag ng buwan ang nagpatalsik sa kaniyang kalaban habang dumudura ito ng dugo. Plantsado at simple.

Sa maikling oras ng isang paghinga, mabilis na napaslang ng Four Stars ang kanilang mga kalaban.

Ang mga pinakamabibilis na tao ay sina Cang Yuyue at si Lin Tong, na tumapos sa kanialng mga atake bago pa nakapagbigay ng reaksyon ang iba. Kahit ang mga kalaban nila ay hindi nakita kung paano sila natalo.

"Ang Four Stars ay tiyak na mas malakas kaysa sa iba..."

Huminga ng malalim si Zhao Feng dahil sa naramdaman niyang matinding pagkakaba.

Ang lakas na ipinakita ng Four Stars sa unang round ay dulo lamang ng isang tipak ng yelo.

Ang kanilang tunay na lakas at ang mga tinatago nilang bahara ay hindi mawari.

Ang pagpapakita ng Four Stars ang nakapagpaliwanag sa buong kapaligiran.

Pagtapos nito, ang apat na mga lugar ay nagsimula na sa susunod na round ng mga paglalaban.

Ang atensyon ni Zhao Feng ay nagbalik sa ikatlong lugar.

Bukod kay Xu Zixuan, marami ding mga top ladder na mga henyo na mas makapangyarihan pa kay Yang Gan at mayroong potensyal na lumaban para sa rankings ng Four Stars.

Sa una naisip ni Zhao Feng na kailangan niya munang maghintay ng kahit kalahating araw para sa pagkakataon niya, ngunit ang laban niya ay nasa ikatlong round na.

Ang kalaban ni Zhao Feng ay isang babaeng nakasuot ng kulay asul na mayroong magagandang kilay at mayroong pakiramdam ng isang taong tumatanggi sa kahit sinong nasa loob ng isang libo-libong milyang layo.

Ang ganda at ang aura mula sa babaeng ito ay nagdulot upang manlambot ang mga ekspresyon ng mga tao sa ikatlong lugar at kahit si Xu Zixuan ay napatingin sa kaniya.

Naramdaman ni Zhao Feng na hindi basta-basta ang babaeng ito – nakikita niya ito mula sa tingin ng pagsimpatya sa kaniya mula sa mga manonood sa paligid ng entablado.

Nächstes Kapitel