Ang 4th Round ay tinutukan ng nakararami.
2 tao ang maaaring makakuha sa isa sa 10 puwesto para sa round na ito at magkaroon ng kuwalipikasyon upang makapasok sa Floating Crest Trial.
Ang 2 ay magmumula kay Zhao Feng, Liu Yue'er, Bei Moi at Ran Xiaoyuan.
Ang apat na ito rin ang nagre-representa ng mataas na level ng Clan.
Si Bei Moi ang tumatayo para kay Hai Yun Master, si Ran Xiaoyuan ay tumatayo para sa Clan Master, si Zhao Feng ay tumatayo para sa 1st Elder at si Liu Yue'er naman ay tumatayo para kay Granny Liuyue.
Kaya naman, hindi lang ito basta laban, ito rin ang simbolo ng bungguan sa pagitan ng matataas na level ng Clan.
"Brother Zhao, kailangan mong maipanalo si Master ngayon. Kung ang kalaban ay si Liu Yue'er, mayroon kang mas mataas na pagkakataong manalo."
Ngumiti si Yang Gan at tinapik ang balikat ni Zhao Feng.
Liu Yue'er?
Naisip ni Zhao Feng at bumuntong hininga - hindi siya.
Hindi binigyang pansin ni Zhao Feng ang mga kalabang nakatapat niya sa unang 3 rounds at kilala niya lahat ng 3 sa 4th round.
Sina Bei Moi at Ran Xiaoyuan ay parehas na mapanganib na mga kalaban at kung hindi gagamitin ni Zhao Feng ang kaniyang kaliwang mata, wala siyang lakas ng loob upang manalo.
Maaari rin niyang matalo ang mga mas mataas sa kaniya sa cultivation, ngunit ang kaniyang mga kalaban ay kaya rin at sila ay mayroon ng mas mataas na cultivation sa kaniya sa simula pa lamang.
"Sister Ran sino ang kalaban mo? Siguro ay walang magiging problema kung hindi mo makakatapat si Bei Moi…"
Nagtatakang sumilip si Sister Yuan kay Ran Xiaoyuan. Hindi niya binigyang pansin ang mga nakaraang kalaban, ngunit ang mga tao na nasa 4th round ay lahat malakas.
"Siya… siya iyon…" Sinabi ni Ran Xiaoyuan sa mababang tono.
"Sino? Siya!?"
Sinundan ni Sister Yuan ang titig ni Ran Xiaoyuan at nakita ang isang batang may isang mata.
"Hehehe, hindi ba't mabuti ito? Sister Ran, matutulungan mo akong turuan ng leksiyon ang walang hiyang batang iyan."
Tumawa si Sister Yuan sa galak. Nais niyang makatapat ni Ran Xiaoyuan si Zhao Feng, upang maturuan ng naunang nabanggit ang ikalawang nabanggit ng leksiyon para sa kaniya.
"Subalit…"
Bahagyang kumurap ang mga mata ni Ran Xiaoyuan habang tinitiim niya ang kaniyang mga kamao ng matindi. Sa mismong pagkakataong ito, ang titig ni Zhao Feng ay napunta sa kaniyang direksyon, na nagdulot upang siya ay bahagyang mamula.
"Sister Ran, kailangan mong ipunin ang iyong lakas at huwag kang matakot sa kaniyang itsura. Kaya mo siyang talunin gamit ang iyong lakas." Pinapalakas ni Sister Yuan ang loob niya.
"Oh? Ang kalaban ni Xiaoyuan ay ang disciple na nag-ensayo ng Lightning Wind Palm?"
Isang malinaw, at klaro na boses ang maririnig na puno ng pagtanggap. Ang nagsasalita ay ang Broken Moon Clan Master na mayroong isang mataas at maharlikang aura.
"Opo, Master, ang batang iyon." Magalang na sinabi ni Sister Yuan.
Sa pagkarinig nito, ang mga kilay ng Clan Master ay bahagyang kumunot: "Siguro ay mas malala pa para kay Ran Xiaoyuan na makatapat siya imbes na si Bei Moi."
Paano naman naging posible ito!?
Nagulat si Sister Yuan habang ang kaniyang puso ay 120 beses na tumibok sa hindi pagkapaniwala.
"Pakiramdam ko lamang ito. Siguro ay dahil inensayo niya ang Lightning Wind Palm."
Ngumiti ang Clan Master at bumalik sa pagkakalmado.
Nagsimula na ang 4th round at si Lin Fan, pati na rin si Sun Yuanhao, ay parehas nakapasa samantalang si Xiao Sun ay 4 na beses na natalo ng sunod-sunod at mabilis na umalis, sinuko na ang ibang laban sa sobrang pagkalugmok.
Dumating na ang pinakahihintay ng lahat ng manonood. Ang dalawa na maglalaban ngayon ay sina Bei Moi at Liu Yue'er.
Ang ikalawang nabanggit ay itinikom ang kaniyang mga ngipin at mabilis niyang kinuha ang kaniyang Middle grade Mortal weapon sa oras na nagsimula ang laban.
Solitude Moon Saber Manual!
Ang kaniyang berdeng saber ay naging malalamig na liwanag habang winawagayway niya ito. sunod -sunod na guhin ng liwanag ang may hugis na katulad ng nakakurbang buwan ang lumitaw. Sa iisang oras, isang kakaibang kristal sa espada ang nagliwanag, na nagtaaas ng kapangyarihan ng espada.
Gamit ang kaniyang Middle grade Spiritual weapon, ang opensa ni Liu Yue'er ay isang banta sa mga nasa peak 3rd Sky, ngunit ang kaniyang kalaban ay hindi isang normal na cultivator ng 3rd Sky.
"Northern Dark Heavenly Water - Screening Water Sword!"
Walang ekspresyon ang mukha ni Bei Moi gaya ng dati habang ang kaniyang mga kamay ay hindi pangkariwang naging maliksi at isang patong ng kulay madilim na asul na True Force ang nabuo bilang isang yardang haba na malinaw na espada.
Pew! Pew! Pew…!
Ang espada ay matinding nakipagbunggan sa atake ni Liu Yue'er at sa ilalim ng palitan, si Liu Yue'er ay napaatras habang ang kaniyang paghinga ay nagigin gahol, samantalang si Bei Moi ay nakatayo pa rin sa iisang puwesto.
Ito ang unang beses na hindi nanalo si Bei Moi ng isang galaw. Kung tutuusin, si Liu Yue'er ay gumamit ng kapangyarihan ng kaniyang sandata at ng kaniyang Solitude Moon Saber Manual, na nagdulot upang ang mga atake niya ay halos umabot sa 4th Sky level.
Nothing showed on Bei Moi's face as he thrust his two hands forward, sending wave after wave of attacks.
Walang nagpakita sa mukha ni Bei Moi habang itinulak niya palabas ang kaniyang dalawang kamay, nagpapadala ng sunod-sunod na alon ng atake.
Boom! Boom! Huang...!
Tubig at ilaw ang nagliwanag sa buong paligid habang naglalaban ang dalawa.
Makalipas ang sampung galaw, naghihingalo na agad si Liu Yue'er.
"Ang mga atake mo ay halos maaaring kayang isang banta sa mgan asa 4th Sky ng Ascended Realm, ngunit ang iyong cultivation ay hindi mataas at hindi mo kayang panatilihin ito gamit ang iyong Middle grade Mortal weapon." Diretsahang sinabi ni Bei Moi.
Maputla ang mukha ni Liu Yue'er at kaharap si Bei Moi na siyang mayroong malaking talento, comprehension at lakas, wala siyang magagawa.
"Suko na ako."
Kinagat ni Lin Yue'er ang kaniyang mga ngitipin at ibinalik ang kaniyang saber sa lalagyan nito.
"Bei Moi! Bei Moi!"
Pagtapos manalo ng 4 na laban sunod-sunod, ang kasikatan ni Bei Moi ay nakaabot sa tuktok at ang mas matataas na level ng mga tao sa Clan ay tumango na parang nakakita na sila ng panibagong bituin.
"Sa kasamaang palad, hindi natin kaialngan ng totoong kalaban ngayong mga oras."
Sambit ni Bei moi habang naglalakad palabas sa entablado at sumulyap patungo sa isang tiyak na direksyon puno ng kaniyang layuning makipaglaban.
Ang mga manonood ay sinundan siya ng tingin at sa kaniyang tinitiigan at nakita nila ang isang batang nakatayo sa likuran ng 1st Elder.
Ito ay isang batang may isang mata at sa huli ang nagbigay ng kakaibang pakiramdam.
"Siya na naman ulit, kahit si Bei Moi ay nais siyang kalabanin."
"Natutunan na ni Brother Zhao ang Lightning Wind Palm at siguro ay maaari na siyang lumabn kay Bei Moi."
Nagusap-usap ang mga manonood.
Maaaring ng isipin na ang dalawa ay magkakatapat din kapag naglabanan na sila para sa posiyon ng pagiging Core disciple sa hindi katagalan.
Nakatayo ng tuwid at walang ekspresyon si Zhao Feng at naalala niya lahat ng sinabi ni Bei Moi noon: "Magtutuos tayo sa Clan."
Magtutuos tayo!
Ang usapan sa pagitan nina Zhao Feng at Bei Moi ay dahan-dahang dumating.
...
Nagpatuloy pa rin ang 4th round.
"Zhao Feng laban kay Ran Xiaoyuan!"
Sa oras na mai-anunsyo ito, ang mga manonood ay muli na namang nagkagulo.
Isang laban na naman na huhusga kung sino ang mananalo ng 4 na beses na sunod-sunod.
Sina Zhao Feng at Ran Xiaoyuan ay parehas nanalo ng 3 laban na sunod-sunod at ang panalo na ito ang magpapasya kung sino ang aangat sa pagsubok.
"Sister Ran, ang laban ay magsisimula na."
Bahagyang ngumiti si Zhao Feng, samantalang si Sister Yuan naman ay itiniim ang kaniyang mga ngipin at sinigaw: "Sister Ran, huwag kang maging malambot sa kaniya!"
"En! Hindi ko gagawin 'yon."
Binuo ni Ran Xiaoyuan ang kaniyang Heavenly Wind True Force habang nakatingin siya kay Zhao Feng ng may namumulang mukha, ngunit wala siya siyang intensyon na umatras.
Mahiyain pa rin ang babae, ngunit sinadya niyang magpanggap na malakas ang loob at matapang.
Gustong tumawa ni Zhao Feng dahil naramdaman niya na ang pagtalon pataas at pababa ng puso ni Ran Xiaoyuan.
Heavenly Wind Shadow!
Ang maliit na anyo ni Ran Xiaoyuan ay biglang lumitaw at naglaho dahil siya ay naging hangin.
"Heavenly Wind Shadow!"
Ang anyo ni Zhao Feng ay lumitaw din at gaya ni Ran Xiaoyuan, naglaho siya.
"Ano ang nangyayari!?"
Hiyawan ng mga manonood. Ang mga galaw nina Zhao Feng at ni Ran Xiaoyuan ay halos parehas na parehas.
Slicing Wind Stance!
Slicing Wind Stance!
Tinulak palabas ng dalawa ang kanilang mga palad sa iisang oras at biglang, isang kislap ng liwanag ang kumawala mula sa parehas na gilid.
"Ito…"
Kuminang ang mga mata ni Ran Xiaoyuan habang binigyan niya ng kakaibang tingin si Zhao Feng.
Rotating Wind Stance!
Ang anyo ni Zhao Feng ay biglang lumukso sa hangin habang ang kaniyang asul na buhok ay umihip kasabay ng hangin at isang asul na bola ng hangin ang lumitaw mula sa kaniyang palad, na tumira papunta kay Ran Xiaoyuan.
Ang Rotating Wind Stance ay ang 'Mysterious Wind Palm' na natutunan niya noong araw sa kuwebat at sa Heavenly Wind God Technique, ang galaw na ito ay ang Rotating Wind Palm.
"Rotating Wind Palm!"
Sigaw ni Ran Xiaoyuan habang ang kaniyang magandang anyo ay tumalon din sa hangin at nakipagbungguan kay Zhao Feng, gamit ang iisang galaw.
Kaharap ang pamilyar na anyo at aksyon na napanood na ni Zhao Feng ng 1000 beses, nagdulot ito upang bahagyang matulala si Zhao Feng.
Boom---
Isang makapangyarihang bola ng hangin ang sumabog at pinatalsik ni to si Zhao Feng.
Ang dalawa ay nakaabot na sa iisang level sa Heavenly Wind God Technique, ngunit ang cultivation ni Ran Xiaoyuan ay mas mataas kaysa kay Zhao Feng at ang ikalawang nabanggit ay nahilo ng isang segundo kani-kanina lang.
"Ang skill ng lalaking ito ay katulad ng kay Sister Ran! Anong iniisip niya!? Peh, ang batang ito ay nakatitig pa kay Sister Ran gamit ang kaniyang mga nakakadiring mata sa gitna ng labanan!"
Nagdabog sa sahig si Sister Yuan dulot sa galit samantalang ang Broken Moon Clan Master ay napaisip ng malalim.
Si 1st Elder, sa kabilang banda, ay mayroong kakaibang ekspresyon sa kaniyang mukha.
"Suko na ako." Biglang tumawa si Zhao Feng at tumalon pababa sa entablado.
Ahh!
Ang eksenang ito ay nagdulot upang malaglag ang mga panga ng mga manonood.
Mula sa umpisa hanggang ngayon, binigyan sila ni Zhao Feng ng impresyon ng isang malakas, malamig, at isang taong baliw na walang emosyon.
Walang nakaisip na susuko siya.
"Ikaw… hindi ka pa natatalo…"
Sa wakas ay nagbigay ng reaksyon si Ran Xiaoyuan at sinambit ito ng may namumulang mukha.
...
Isang lubhang inaasahang laban ay natapos lamang ng ganito.
"Brother Zhao, paano mo nagawang makipaglaro ng ganito? Ang panalong ito ay karagdagan para sa mukha ni Master." Sinabi ni Yang Gan ng bahagyang ng hindi kasiya-siya.
Kahit alam niyang si Ran Xiaoyuan ang mananalo, naisip pa rin niyang kayang makipagsabayan ni Zhao Feng.
"Hindi mahalaga kung manalo ako o hindi, basta ay nakasali ako sa Floating Crest Trial. Ang ikalawang nabanggit ang mahalaga." Kaswal na sinabi ni Zhao Feng.
May tatlong dahilan kung bakit siya sumuko.
1. Malakas si Ran Xiaoyuan at kung wala ang kapangyarihan ng bloodline o ng mata, wala siyang tiyak na lakas ng loob.
2. Ang lakas niya ay makikita ng kahit sino at walang gantimpala!
Siyempre, ang pinakamahalagang punto ay mayroon siyang kakaibang damdamin para kay Ran Xiaoyuan. Pakiramdam niya ay may utang na loob siya sa ikalawang nabanggit.
"Bakit… bakit siya biglang sumuko?" Lubhang naguguluhan si Ran Xiaoyuan.
"Napakamautak ng Zhao Feng na ito at hindi siya lumaban ng harap-harapan kay Sister Ran. En! May isa pang posibilidad at iyon ay dahil gusto niya si junior Sister o kung hindi naman bakit siya susuko?"
Binulong ni Sister Yuan sa kaniyang sarili, na nagdulot upang labis na mamula ang mukha ni Ran Xiaoyuan at sunod ay pasimple siyang sumulyap sa isang kalmadong batang may asul na buhok gamit ang mga dulo ng kaniyang mga mata.
Ang ekspresyon ng dalawa ay hindi nakatakas sa mga mata ng Broken Moon Clan Master sa halip, ang kaniyang mga kilay ay kumunot.