Daan-daang taon na ang nakalilipas, isang malakas na kapangyarihan ang nabuo ng isang legend at sa sampung taon lamang, ang kapangyarihan ay kumalat na sa kontinente.
Ang pangkat na ito ay halos pinag-isa ang kontinente at ang 10 pinaka malakas na Clans ay kailangan na magsanib pwersa upang makalaban. Ang panahong ito ay pag-aari ng Scarlet Moon Demonic Religion at ang pinuno nito - Scarlet Moon Patriarch.
Kahit na masama ang Patriarch, gumawa siya ng mga milagro at nagawang takutin ang lahat at respetuhin siya. Marami pa rin ang sumasamba sa Sovereign of Wickedness.
Sa puso ng mga tagahanga, ang Scarlet Moon Patriarch ay diyos. Siyempre, hindi lamang ito mapag tatagumapayan ng talento, kailangan rin ng 'swerte'.
Ang Scarlet Moon Patriarch ay walang Sky o Earth Spiritual Body. Ayon sa halos hindi wastong iskrip, mayroon lamang siyang Middle tier Spiritual Body.
Ang kanyang mga tagumpay ay nagmula lahat sa isang bagay. Iyon ang Scarlet Moon Inheritance. Ang Scarlet Moon Inheritance ay nakakapag bago ng kapalaran ng Scarlet Moon Patriarch. Ang relihiyon na kanyang binuo ay ginamit ito bilang basehan.
Ang Scarlet Moon Inheritance ay pangatlo sa 4 Great Inheritances at ang tanging tao na nakinabang sa mga inheritance na ito ay ang Scarlet Moon Patriarch.
Bago pa man masira ang kulto, ang Scarlet Moon Patriarch ay na-ilista na ang lahat ng lihim tungkol sa Scarlet Moon Inheritance sa isang mapa at ito ay pinangalanan na 'Scarlet Moon Map'.
Hanggang ang isang tao ay hawak ang mapa na ito at kaya itong basahin, mahahanap nila ang Scarlet Moon Inheritance. Gayunpaman, ang Scarlet Moon Map ay hinati sa 108 na piraso at kinalat sa buong kontinente. Maraming tao ang may hawak ng mga parte ng mapa, ngunit walang kahit sino ang kumpletong mayroong 108.
Ito ay dahil mayroon lamang 70-80 na pirasong nahanap sa kontinente at ang natitirang 40-50 ay hindi pa rin natatagpuan.
Ang Scarlet Moon Map ay sobrang mistikal, kahit na mayroong 107 ang isang tao, hindi mabubuksan ang Scarlet Moon Inheritance.
Ilang daang taon na ang nakalipas, hindi na sabik ang mga tao gaya noon. Syempre, kung ang isang tao ay may totoong kopya ng Scarlet Moon map, mataas pa rin ang halaga nito.
…..
At ang Scarlet Moon map sa kanilang harapan ay mukhang totoo. Ang halaga ng mapang ito ay nalampasan ang Spiritual weapon, ngunit hindi nagsisi si Zhao Feng na ibigay ito.
Una, walang saysay ang pagkakaroon ng isang piraso lamang. Pangalawa, hindi ito magagamit ni Zhao Feng kahit na mataas ang halaga nito. Salungat nito, papatayin pa siya ng mga tao para dito.
Ito rin ang dahilan kung bakit niya isinuko ang Spiritual weapon.
"Zhao Feng, ang dalawang bagay na iyong binigay ay sobrang pambihira. Ang Clan ay bibigyan ka nang malaking gantimpala para dito, sabihin mo ang gusto mo." Ang unang Elder ay puno ng ngiti.
Na-inggit at nagselos ang lahat ng mga disipulo matapos itong marinig.
Masyadong malaki ang nagawa ni Zhao Feng!
Ang Spiritual weapon ay isa sa pinaka mahalagang bagay sa maliliit na Clans at ang piraso ng Scarlet Moon map ay nalagpasan ang halaga ng Spiritual item.
Nagtataka si Elder Xiu: "Ayon sa palatuntunan, ang mga bagay na makukuha sa labanan ay mapupunta sa nakipaglaban. Bakit hindi mo na lamang ito kinuha, at binigay mo pa ito sa Clan?"
"Ang Spiritual weapon ay isang bagay na hindi ko layang kontrolin. Isa pa, hindi ko alam ang halaga ng mapa na iyan noon. Ang mga disipulo dito ay naisip na mas kailangan iyan ng Clan." Sagot ni Zhao Feng.
Tumango sina Elder Xue at ang unang Elder matapos itong marinig: Ang Zhao Feng na ito ay matalino at hindi sakim.
Kung ito ay ibang disipulo, malamang ay hindi nila kayang pigilan ang kanilang kasakiman at kukuhain ang Spiritual sword, na magdudulot lamang upang patayin sila ng iba.
"At ang mga bagay na nakuha mula sa labanan ay hindi lamang sa akin. Lahat sa grupo ay may tulong." Pagpapatuloy ni Zhao Feng habang sila Lin Fan, Xiao Sun at Xu Ren ay puno nang pasasalamat.
Kahit na alam ng lahat na si Zhao Feng ang may pinaka malaking kontribusyon at ang mga gantimpala ay mapupunta sa kanya, pinili niya pa rin na ibahagi ito.
Sa kabilang banda, sobrang galit si Quan Chen at ang kanyang mukha ay kulay pula na at ang daluyan ng kanyang dugo ay makikita na sa kanyang mata.
Malaki ang nagawa ni Zhao Feng at ang kanyang gantimpala ay nagdulot upang mamula ang mga mata ng mga Core disciples.
Malamig na tumingin si Hai Yun Master kay Zhao Feng, ngunit agad niya itong itinago.
Ang talento at ugali ni Zhao Feng ay perpekto at walang pagkakamaling natagpuan. Kung ang Clan ay hindi magbibigay ng malaking gantimpala kay Zhao Feng, paano magbibigay ang ibang disipulo ng mga kagamitan sa Clan?
"Zhao Feng, kami ay nagdesisyon na bigyan ka ng 209 low-grade primal crystal stones at 50000 contribution points. Lahat ng miyembro ay makatatanggap ng 50 low-grade primal crystal stone at 8000 contribution points. Maliban dito, maari kang humiling ng isang bagay sa Clan." Pag-aanunsyo ng unang Elder.
Nagkagulo ang mga nanonood matapos itong marinig.
"200 low-grade primal crystal stones, ayan ay 20000 substandard primal crystal stones. Hindi ko kakayaning makaipon ng ganyan sa aking buong buhay."
Ang lahat ng mga disipulo ay inggit at selos.
20000 substandard primal crystal stones!
Ang kabuuan nito ay naging dahilan upang mamula ang mga mata ng mga Core disciples at naging dahilan upang mainggit ang mga Deacons at Vice Heads.
Ang mga Core disciples ay nakatatanggap lamang ng 100 substandard primal crystal stones kada buwan, na mas mababa ng 1 low-grade primal crystal stone. Ang kanilang totoong kita ay mula sa kanilang mga pamilya o misyon.
Maliban dito, ang 50000 contribution points ay maliig na swerte rin.
Ang isang Hollow Building ay nangangailangan lamang ng 5000 puntos upang makapasok. Ang 3000 puntos ay maaring makabili ng Low-grade Mortal weapon.
Sa halaga ng primal stones at contribution points na mayroon si Zhao Feng at ang kanyang mga kasamahan ay maari silang bumili ng mga bagay na maaring makapag-palakas sa kanila. Si Lin Fan at ang iba ay puno ng saya at kasabikan - wala silang halos nagawa ngunit sila ay nakatanggap ng ganoong gantimpala.
Tinanggap ng unang Elder ang kanilang mga ekspresyon at ngumiti rin.
Sa katotohanan, ang mga gantimpala ay wala lamang kumpara sa halaga ng Spiritual weapon at mapa at hindi naman sa ayaw silang bigyan nang mas malaking gantimpala ng unang Elder. Kapag binigyan pa sila ng higit pa magiging dahilan lamang ito upang patayin sila ng ibang tao.
Kung gayon, ang halaga ng contribution points na kanyang binigay ay lagpas sa primal crystal stones.
"200 low-grade primal stones at 50000 contribution points. Sapat na iyon para sa mga normal na disipulo upang masaganang mamuhay sa Clan sa sampung taon."
Sobrang nasisiyahan si Zhao Feng. Syempre, ang kanyang pinaka malaking gantimpala ay ang 'kahilingan'.
Maari siyang humiling ng kahit anong aangkop at hanggang ito ay hindi sobra-sobra, papayag ang Clan.
Ano ang hihilingin ko?
Mayroong dalawang naisip si Zhao Feng:
1. Kuhain ang 9 Twist Golden Wall Technique. Ang body Strengthening technique na ito ay isang peak tier Mortal skill, na maging ang mga core disciples ay walang karapatan na aralin ito.
2. Maging disipulo ng isang Elder o Sect Master. Naniniwala si Zhao Feng na kahit ano man dito sa kanyang kahilingan sa Clan ay katanggap-tanggap.
"Zhao Feng, hindi mo kailangan na humiling ngayon. Maari kang bumalik at pag-isipan ito at sabihin sa Clan." Ngumiti ang unang Elder.
"Mayroon na ako." Disididong saad ni Zha Feng at agad siyang nakapag desisyon.
"Oh? Sabihin mo."
Ang tatlong Elder ay tumingin kay Zhao Feng.
"Zhao Feng, ang iyong kahilingan ay hindi maaaring sumobra."
Sinadya ni Hai Yun Master na i-presyur si Zhao Feng, dahil nakaramdam na siya ng bahagyang presyur mula dito.
Kung ito ay ibang tao, wala itong halaga ngunit ang taong ito ay disipulo ni Lord Guanjun. At ito ay isang bagay na hindi niya gustong makita.
"Hinihiling ko na sana maging Master ko ang unang Elder." Malakas na saad ni Zhao Feng.
Master!
Ang tatlong disipulo ay natigilan at si Hai Yun Master ang unang nagbigay ng reaskyon: "Zhao Feng, sa tingin mo ba ay ganoon na lamang kadali kumuha ang unang Elder ng disipulo? Kahit ang mga High-grade Spiritual bodies ay walang karapatan na maging disipulo ng unang Elder.
Matapos niya itong sabihin isang malaking mental strength ang ng presyur kay Zhao Feng.
Malinaw ang kanyang ibig sabihin: kahit ang mga High-grade Spiritual bodies ay walang karapatan na maging disipulo ng unang Elder, kaya paanong ang isang katulad mo, na mayroong Low-grade Spiritual body, ay maging disipulo niya?
Naramdaman ni Zhao Feng na nagyelo ang kanyang dugo, na tila isang higante ang nakatayo sa kanyang harapan.
Kapag ang isa ay nakaabot sa True Spirit Realm, hindi na sila mga normal na tao. Kumpara sa mga normal na tao, sila ay mga higante.
Sa sandaling ito, ang unang Elder at si Elder Xue ay hindi nagsalita. Nagtataka si Zhao Feng kung ano ang mali.
Ang kanyang nagawa ay sapat na upang maging disipulo ng unang Elder. Ang dahilan kung bakit niya ito pinili ay dahil kailangan niya ng malakas na background gaya ng sinabi sa kanya ni Lord Guanjun. Ito lamang ang paraan upang ang takot mula kay Hai Yun ay mawala.
...
Sa sandaling ito, natahimk ang lahat at ang unang Elder ay hindi nagsalita.
"Hindi sapat ang talento o kung hindi ang Clan ay hindi makakapagbigay espesyal na gantimpala sa top outer disciple. Kung ang unang Elder ay handang tanggapin ako bilang disipulo, hindi ko ito pagsisisihan." May kumpyansang saad ni Zhao Feng.
Mayroon siyang ancient bloodline, na mas mataas lamang sa peak tier Spiritual Body. Kahit ang Blood Corpse Protector ay nagulat sa kanyang bloodline.
"Haha, hindi ka kukuhanin na disipulo ng unang Disipulo. Ngunit kung gusto mo, kukunin kita." Bahagyang tumawa si Elder Xue at inalis ang tensyonadong atmospera.
Naisip ni Zhao Feng na mayroong hindi masabi ang unang Elder. Ngunit ang kanyang layunin ay maging disipulo ng kahit na sinong Elder, hindi lamang ng unang Elder.
"Zhao Feng, handa rin akong kunin ka bilang disipulo ko." Biglang saad ni Master Hai Yun na may ngiti.
Ahh!
Ang senaryong ito ay gumulat kila Zhao Feng, maging kah Qun Chen at nalaglag ang panga ni Yuan Zhi.